Lobo, Episode 71

by

Nagpanic si Manolo dahil nagpakilala si Lady Elle kay Leon. Sinabi niyang siya ang pinuno ng mga lobo at siya daw ang papanagutin nito sa mga “kasalanan” nga mga taong lobo pero sana raw pakinggan muna niya ang sasabihin ni Lady Elle.

Sinabi na ni Elle kay Leon (na all this time ay naka-aim pa rin ang baril kina Manolo at Elle) na ang mga itim na lobo ang pumatay ng mga tao. Ayaw maniwala ni Leon, mga halimaw daw silang lahat na walang mga kaluluwa at konsensiya. Wala daw nilalang na bigla na lang pumatay, sagot naman ni Elle. Katulad din daw sila ng mga normal na tao, may mabubuti, may masasama. Kung may masasama at mabubuti daw balik tanong ni Leon, bakit sila nananakit ng tao?

Tanungin daw ni Leon ang sarili niya. Bakit daw ba siya pumapatay ng mga taong lobo? Dahil daw ba naghihiganti siya? Sinabi na ni Leon na pinatay ng isang taong lobo ang pamilya niya.

Dahil daw sa kasalanan ng isang lobo, nadamay ang isang libo? Sino raw ngayon ang masama ang pumapatay ng hindi sinasadya o ang pumapatay ng ganoon lang na hindi naiisip ang mga inosentent nadadamay katulad ng mga taong lobo.

Ano raw ang gusto nila Elle na mangyari, maghintay na lang ang mga Luna na pumatay ang mga taong lobo bago sila gumawa ng hakbang? Ipagpalagay na raw nilang tama sila, na mabubuti ang mga lobo sa umpisa lang pero dahilan na raw ba iyon para tratuhin silang parang mga hayop, hinuhuli at ikinukulong at itinatratong parang mga daga at pinag-e-eksperimentuhan hanggang masira ang mga utak?

Sinabi na ni Manolo na alam nilang ang tungkol sa laboratoryo kung saan pinag-aaralan ng mga Luna ang kakayahan ng mga taong lobo.

Sinabi ni Elle na hindi raw sila magkalaban. At sana raw mula sa pag-uusap nilang iyon ay magsimula ang pag-asa ng pagkakaintindihan nila. At sana raw, sabi ni Manolo, maliwanagan din si Leon kagaya niya.

Sana raw matanggap na ng mga Luna ang mga taong lobo at mabuhay sila ng mapayapa at magkakasundo. Tigilan na raw nila ang walang katapusang patayan, hindi man daw para sa kanila kung hindi para sa mga taong mahalaga sa kanila. Si Lyka, ang pinakamamahal niyang apo…wala itong sinaktan at hindi siya mananakit. Wala daw siyang ginawang masama.

Idinagdag pa ni Manolo na para na rin kay Noah. Isipin na lang daw ni Leon kung ano ang iisipin ni Noah kapag nalaman niyang siya pa ang nagpahamak sa babaeng mahal niya.

Tinanong ni Leon kung paano raw siya makakasiguro na hindi nila sasaktan si Noah? Matagal na raw alam nina Manolo na Luna si Leon at kung ginusto raw nilang saktan si Noah ay ginawa na nila iyon.

Kung pipiliin din daw niya na saktan si Lyka, sa kanya (Elle) na lang daw niya ibunton ang galit niya pero alam daw niyang he’s not a heartless man.

Nasabi na raw daw nila ang gusto nila ang dapat nilang sabihin kaya tumalikod na sina Manolo at Elle at naglakad papalayo. Itinaas ni Leon ang baril nito sa dalawang papalayo pero naalala na naman niya ang pagliligtas ni Lyka kay Zoe at ang pagmamahal ni Noah kay Lyka kaya hindi niya nagawang barilin ang mga ito.

Nag-ring ang cellphone ni Leon at si Choy ang nasa kabilang linya.

(Bravo! Ang galing, three of the best actors/actresses in the Philippines are in this scene.)

Sinasabi nga raw ba ni Noah na hindi maniniwala si Lyka sa sinabi niyang halimaw ang pumatay sa tatay niya. Itinanong ni Lyka kung sigurado si Noah. Hindi raw niya nakitang nag-anyong tao ito pero alam niyang taong lobo ang pumatay sa tatay niya. Itinanong ni Lyka kung itim o puti ang nakita niya, nagdahilan siyang dahil daw sa mga kwento ang mga puti ang mabubuti at ang mga itim naman ang mga masasama.

Itinuro daw ng tatay ni Noah na irespeto lahat ng mga nilalang, kaya hindi niya kayang manakit. Pero paulit-ulit daw na pumapasok sa isip niya ang gabing namatay ang ama. At iniisip niya na kung ang mga mahal niya sa buhay ang masasaktan…hindi raw niya alam…baka makapatay daw siya.

Back to Noah ang Lyka naman, sana raw hindi na siya dumating ang pagkakataon na makapatay siya. Naniniwala raw si Lyka na kayang alamin ni Noah kung sino ang mabubuti  at sino ang masasama. Ayaw raw kasi ni Lyka na dahil sa galit ni Noah, makasakit ito at makadamay ng iba.

Huwag daw mag-alala si Lyka, sabi ni Noah, sa lahat daw ng ginagawa niya iniisip niya ang pamilya niya — lalong lalo na raw siya.

Sinabi ni Lyka na kung may hihilingin man siya sa mundo, iyon ay ang hayaan siyang mahalin si Noah buong buhay niya. And they kissed. (Awwww…)

(Alternate lang ang scene for the first part noong kina Elle and then ang kina Noah kaya pinagsama ko na para hindi magulo.)

Nagkatawang tao na ulit si Silva noong makauwi ito ng bahay (ew! I saw him naked). Mayroon siyang estatue ng lobo na kagaya noong lobo sa panaginip dati ni Lyka at kung saan sana siya dapat nagpalit ng balat noong 21st birthday niya pero itim ang kay Silva. May binuksan na armoire si Silva, At mayroong isang locket dun na may naka engrave na dalawang puso. Isinara niya iyon at tinignan niya ang sarili sa salamin. Hinawakan niya ang marka sa dibdib niya at sinabi niya sa sarili na malapit na ang pulang buwan, baka nauubusan na siya ng panahon. (Intriguing!!!)

Ikinuwento ni Choy kay Leon na narinig niya na nasasaktan si Silva at may narinig siyang hayop pero pagpasok niya sa kwarto wala na si Silva. Itinanong ni Leon kung sa tingin raw ba ni Choy ay napasok sila ng mga lobo. Wala naman daw nakitang kakaibang nakita sa mga surveillance camera si Choy. Sinabi ni Leon na dapat nilang makuha si Silva at si Dr. Lee.

Sinisisi naman ni Trixie ang sarili sa mga pangyayari pero si Lyka naman ang sinisisi ni Alec dahil kahit harangan pa raw ito ng apoy ang gagawin nito ang gusto niya. Dumating si Lyka at nag-away sila ni Alec, sinabi ni Alec na iwasan na ni Lyka si Noah. Let them try to hurt him daw sabi ni Alec, lalabanan raw niya ang mga ito (Luna) pero huwag daw mag-alala si Lyka hindi niya papahirapan si Noah (papatayin na lang niyang bigla? lol). Nagalit si Lyka, hindi raw mamamatay tao si Noah, subukan daw saktan ni Alec si Noah at si Lyka ang makakalaban niya. Parehong nagpalit ang mga mata nina Lyka at Alec, pero dumating si Lady Elle at pinigilan ang dalawa.

Torn naman si Leon. Maniniwala raw ba si Noah kung sasabihin niya sa kanya ang tungkol sa pagkatao ni Lyka? Guguho daw sigurado ang mundo niya. Paano raw kung tama si Lady Elle na mabubuti sila, makakasiguro raw ba siya na hindi nila sasaktan si Noah?

Iminungkahi ni Leon na sa States mg-med school si Noah, silang dalawa ni Zoe. Ma ligtas daw siya doon.

At the same time, sinabi ni Elle sa apo na aalis siya hangga’t hindi nila nahahanap ang bato ng remus, silang dalawa ni Nessa. Mamamatay daw sila kung magtatagal pa sila doon (lol, baka sa States niyo rin siya ipadala at magkita sila ni Noah dun).

Huming ng dispensa si Lyka dahil siya raw ang nagpahamak sa lahi nila pero sinabi niyang humahanap lang siya ng tamang panahon para ipagtapat kay Noah ang sikreto niya. Shocked naman si Manolo dahil alam niya kung paano magtrabaho ang mga Luna, it’s only a matter of time daw bago nila saktan si Lyka. Alam daw niya iyon dahil dati siyang LUna (I wanna know more about Manolo’s story…na-inlove ba siya kay Elle kaya siya umalis sa Luna? Naks). Kung hindi man daw ang sarili niya, alalahani daw nito ang kapakanan ng ibang taon, sabi ni Manolo.

Sinabi ni Noah na may ibang dahilan daw kung bakit nagkakaganoon ang daddy niya.

Sinabi ni Lyka sa lola na natatakot siya para sa kanilang lahat pero gusto daw niyang iwanan ng maayos ang situation. Hindi raw ba’t si Lady Elle na raw mismo ang nagsabi na hindi dapat ikahiya ni Lyka ang pagkatao niya? Hindi raw mananakit ng kung ano man si Noah.

Paano raw kung hindi matanggap ni Noah kung ano siya, tanong ng lola niya. Doon daw siya lalayo sabi ni Lyka.

Ang akala naman ni Noah kaya siya pinapaalis ni Leon ay dahil sa itim na lobong nakita niya sa House of Elle. Pero sinabi niya sa ama na hindi siya aalis dahil that just proves na hindi siya pwedeng lumayo…na baka iyon daw ang dahilan kung bakit hindi siya apektado sa mga kagat ng mga taong lobo. Dahil baka iyon daw ang misyon niya — ang protektahan si Lyka.

Kausap ni Silva si Dr. Lee, sinabi ni Dr. Lee na dadalhin niya si Anton sa kaniya. Pagbaba ng telepono kinuha ni Silva ang locket, umupo siya nagsindi ng cigar at kinakausap niya ang sarili. Nasa tamang patunguhan pa rin daw ang mga plano niya, mapapasa kanya na raw si Anton at hawakan si Noah — kahit anong gawing hadlang ni Leon,

Nagpunta sa orphanage si Gabby (she’s baaaack) para magtanong tungkol sa pagkatao niya pero wala  namang masabi ang mga madre dahil nakita lang siya sa harap ng orphanage. Tinanong ni Gabby kung hindi raw ba siya umalis, sa tingin raw ba ng madre, may babalik sa kanya? Sinabi ng madre na huwag na niyang isipin iyon ang mahalaga raw ay naiayos niya ang buhay. Sino raw ba ang mag-iisip na ang isang uhuging kagaya niya ay maaabot ang naabot niya ngayon (ang sama ni sister!).

Nag-ring ang cellphone ni Gabby at si Noah ang nasa kabilang linya.

Nag-mumuni-muni pa rin si Leon. Mahal daw ni Noah si Lyka, bakit ginawa pa raw Niyang taong lobo si Lyka. Kinuha nito ang picture ng mag-ina niyang namatay. Mula daw noong namatay sila, binulag na siya ng galit at ayaw daw niyang mangyari kay Noah iyon?

Naalala niya ang sinabi ni Lady Elle noong sinabi nito ang tungkol sa lab. Naitanong ni Leon sa sarili kung sila nga raw na ang nagiging halimaw? Mali raw ba talaga siya ng pinaniniwalaan niya sa matagal na panahon? Kailangan raw niyang malaman ang lahat bago niya sabihin kay Noah.

Nakipagkita si Noah kay Gabby. Tinanong ni Noah kung may connection ang pag-iimbestiga nila sa mga taong lobo or hoax lang iyon para paglaruan ang buhay niya. Sinabi ni Gabby na pinaghihinalaan nila si Manolo na protector ng mga taong lobo pero wala silang nakitang ebidensiya. Itinanong rin ni Noah ang kinalaman ni Lyka, sinabi ni Gabby na she got too close to him daw at sa tingin ng mga Luna kahinaan siya para sa kanya.

Nagpaalam na si Noah. Sinabi ni Gabby na ayaw mang marinig ni Noah pero humingi ulit ito ng sorry. At sa maniwala man raw siya o hindi nagawa lang ni Gabby ang mga iyon dahil she cares for him. Akala daw kasi niya tama ang ginagawa niya para kay Noah, pero nagkamali pa raw siya. HIndi siya sinagot ni Noah, naglakad lang ito papalayo.

Sa House of Elle naman may ginagawang plano si Noah (I think he’s putting bugs and surveillance of his own).

Kinukumbinse naman ni Nessa si Lyka na huwag sabihin kay Noah ang pagiging lobo nito dahil puting lobo ring kagaya niya (take note she didn’t say “natin”) ang pumatay sa tatay ni Noah. Ang magiging tingin daw ni Noah sa kanya ay ang lobong pumatay kay Emil. Sinabi ni Lyka na kahit gaano raw kaliit ang pag-asa niyang matanggap siya ni Noah, panghahawakan niya iyon dahil mahal niya si Noah. Ipapakita raw nito kung gaano niya kamahal si Noah (naks, paano?). Na kahit tao siya hindi siya halimaw, ipapakita daw niya ang diperensiya between sa puting lobong pumatay sa tatay ni Noah at ang itim na pumapatay ng tao.

Ang mga itim na lobo daw ang dapat mawala. Kung alam daw ni Lyka kung nasaan sila, siya na raw mismo ang magdadala sa kanila kay Elle. Sa tingin daw kasi niya ang mga itim na lobo ang dapat mawala dahil kung walang itim na lobo, walang papatay at walang Lunang maghahabol sa kanila. Sinabi ni Nessa na hindi raw alam ni Lyka kung paano daw sila naging itim, malay raw ni Lyka na hindi sinasadya ng mga ito na makatikim ng dugo ng tao.

Hindi man daw sinasadya ay pumapatay pa rin sila kaya nga raw may mga batas ang mga lobo  para sa kanila. Kailangan daw nila iyon para sa lahi nila at para sa proteksiyon ng mga inosenteng tao. At kung kinakailangan daw susundin din niya iyon.

(Uh-oh, Nessa.)

Teaser:

Mukhang kikidnapin ni Dr. Lee si Anton pero naroroon din si Nessa, nagpalit siya ng balat.

Nagrarambulan sina Lyka at Alec sa conference room. Na-pin down ni Lyka si Alec , hinila siya ni Alec as if hahalikan. Papasok naman sa conference room si Noah.

Waaaaaaaaaaahhh! Ayokong makita!!!

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 71”

  1. annedito Says:

    ohmahgosh! buti pa si lyka, meron noah tapos ngayon meron pang alec.

    bakit gustong lumayo ni lady elle si lyka at nessa? kung sa states ba walang pulang buwan? akala ko yung pulang buwan parang Y2K, it’ll happen everywhere…lol

  2. ptvj Says:

    gusto lang siyang umalis ni lady elle until nahanap na nila ang bato kasi siguro wala pa rin silang tiwala kay leon baka ireport niya sina lyka sa mga luna.

  3. NoCar Says:

    annedito kinikilig din ako para kay lyka. “sobrang haba ang bukok ng lola mo.” lyka akin nalang ang isa. kahit si noah na lang. hindi na ako magrereklamo. pero kung si alec ang bibibgay mo okey lang din hindi rin ako aangal. 😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: