MALIGNO – Episode 7

by

“KILL THE BABY”

Nagdadasal, humihingi nang tawad at nagpenitensya si David (ang nagpanggap na pari na nagbinyag kay Angelo) dahil nakapatay daw sya nang pari. Biglang may dumating na isang lalaki at pinigilan ang pagpepenitensya nito.

May 2 pang kaibigan si David at habang nag-iinuman ay sinabi nya na kailangan nang patayin ang sanggol. Yung isang kaibigan (si Rico) ay sinabihan si David na huwag nang tumiwalag sa grupo (siguro ay miyembro din sila nang kulto – Ara), pero ayaw ni David. Dagdag pa ni Rico na dahil sa samahan ay gumanda ang kanilang buhay, at nung humiling ba daw sila sa Diyos nang kaginhawaan, pinagbigyan ba daw sila? Inamin ni David na gumanda nga ang buhay nang pamilya nila pero ang naging kapalit ay inagaw ni Lucas ang asawa ni David. Sinabi ni Rico na sumama daw ang asawa ni David kay Lucas. Mariing tinanggi ni David iyon dahil bago daw namatay ang kanyang asawa ay sinabi sa kanya na pinagbabantaan ni Lucas ang buhay nang kanyang asawa, at si Lucas din ang pumatay.

Hindi naman nag-agree si Rico at sinabing aksidente daw ang nangyari. Sumabat ang isa nilang kaibigan at tinanong si Rico kung aksidente ba din daw ang pagkamatay nang kapatid nito? Sinabi ni Rico na alam nyang isinakripisyo nang kanyang kuya ang buhay nito para sa layunin nang samahan. Nagkuwento na din si Juancho (isa pa nilang kaibigan) na ganon din ang ginawa nang nanay nito, nagpakamatay para pigilan ang balak na pagpapakamatay ni Angela (siguro yung nanay nya yung tumalon sa rooftop – Ara.) Pero hindi daw sila pinilit ni Lucas, sabi ni Rico, dahil kusa daw nilang ginawa iyon. May ipinangako daw si Lucas sa ika-9 na birthday nang anak ni Angela, magbabalik daw ang mga mahal nila sa buhay. Pero ang sabi ni David ay kasama nilang babalik ang kampon nang mga demonyo, at kung mabuhay man ang mga mahal nila sa buhay, sila pa rin ba kaya ang dati nilang minahal? Sumagot si Rico na oo. Dagdag ni David na magiging demonyo parin sila. Sagot naman ni Rico na oo pero at least ay makakasama nila ang mga ito sa buhay na walang hanggan.

Nagmakaawa si David na iligtas nila ang mga kaluluwa nang kanilang mga mahal sa buhay at makasama nila ang mga ito sa kaharian nang Diyos. Sinabi ni Rico na siguro daw gustong maghiganti ni David kay Lucas, bakit hindi nalang daw kasi ito manalig kay Lucas? Kung kampi daw sila nang Diyos, bakit sila kailangang pumatay? Sagot ni David na kailangang may isakripisyo para sa kabutihan nang mas nakakarami. Sabi ni Rico kung iyon daw ang paniniwala nila, wala silang pinagkaiba kay Lucas.

Inayos muli ni yaya Belen ang cross sa wall at nagpaalam muna sa baby na gagawa muna sya nang gatas. Habang gumagawa nang gatas si yaya ay kumakanta sya nang lullaby, nang biglang may sumabay sa kanyang kumanta, boses na nakakatakot – boses nang halimaw. Umalis agad si yaya Belen para puntahan ang alaga, pag dating nya sa kwarto ay nakita nya ang halimaw malapit kay Angelo, sumigaw sa takot si yaya Belen. Kahit na takot na takot, kinuha parin ni yaya Belen si Angelo para i-save sa maligno. Dinala nya ang baby sa kabilang kwarto at doon nagdasal nang rosaryo, pero sinundan parin sya nang maligno. Tumakbong pababa si yaya Belen kasama ang baby, aalis sana sila nang bahay pero pagbukas nya nang pinto ay nandoon ang maligno sa nakakatakot na pwesto. Nagpasya si yaya Belen na lumabas nalang sa may laundry area. Dahil nagpapanic ito, hindi na nya napansin ang alambre (wire used for hanging/drying the clothes), at sa pagtakbo nya ay sumabit ang kanyang leeg na sanhi nang pagkaputol nang kanyang ulo. Bumagsak ang katawan ni yaya Belen, pugot ang ulo.

Dumating ang mga pulis at imbestigador (DJ Durano) at tinanong ang kasambahay kung meron bang napansin na kahina-hinalang tao na pumasok sa bahay, sinabi nang kasambahay na wala naman. Nagtataka (charing) ang imbestigador dahil walang kagalos-galos ang bata. Dumating na si Angela. Pagpasok nya ay sinabi agad nang kasambahay na patay na si yaya Belen, nagulat si Angela. Sinabi nang imbestigador na sumabit daw sa sampayan si yaya Belen kaya napugot ang ulo. Dumating ang isa pang kasambahay at ibinigay kay Angela ang anak, mapapansing ngumiti ang bata, parang natutuwa sa nangyari.

Dinala nalang ni Angela ang anak sa trabaho, kasama ang isang kasambahay. Sa conference room, may ini-interrogate na 3 lalaki si Angela (pero sa ibang kaso), pero mariin nilang itinatanggi na hindi sila ang gumawa nuon dahil nasa party daw sila at may makakapagpatunay. Super busy si Angela at may meeting pa ito mamayang gabi. Nagpasyang tawagan ni Angela si Hector – yun pala ay para pagbantayin kay Angelo.

Pagdating ni Angela ay nilalaro naman ni Hector ang bata kahit iyak nang iyak. Sinabi ni Hector na hinahanap sya nang anak kanina pa. Nagpaaalam na din agad si Hector dahil may conference pa ito bukas. Nagpasalamat naman si Angela kay Hector. Kinilig si Charlie sa kanila. Nahihiya si Angela kay Hector kaya sinabi nya kay Charlie na kailangan na nilang kumuha nang yaya.

Kinabukasan sa office ni Angela (nandoon ang crib ni Angelo), may nag-apply for yaya (si Arlene Tolibas) na pinadala nang agency. Sinabi nito na masipag, mapapagkatiwalaan at hindi daw sya chismosa – at fan na fan sya ni Angela. Hindi agad tinanggap ni Angela ang nag-a-apply. Pag labas nang yaya ay nandoon si Juancho nagbabantay sa may office ni Angela. Nakatanggap nang tawag si Angela at may kailangan syang kunin, kaya’t iniwan muna sandali ang anak. Pumasok si Juancho sa office ni Angela at kinuha ang baby. Pagbalik ni Angela sa office nya ay wala na si Angelo. Hinanap agad ni Angela ang anak at pina-alerto ang mga security guards. Paglabas ni Juancho ay naghihintay na sa kanya si David. Hindi pa pala nakakaalis ang nag-a-apply na yaya, kaya nakita nyang hawak-hawak ni Juancho ang bata at parang may masamang binabalak. Pilit na kinuha nang yaya ang bata, at humingi nang tulong sa mga security guards, dumating na din si Angela at kinuha ang anak. Nahuli sila Juancho at David.

Sa presinto ay dinalaw sila ni Rico. Natatakot si Rico dahil nalaman na daw nang samahan ang binabalak nila. Sinabihan sya ni David na magpakalayo na ito, magtago. Hindi alam ni Rico kung ano ang gagawin. Sabi ni Juancho na gagawa daw sila nang paraan.

Kausap ni DJ Durano si Lucas at sinabi ang tungkol sa mga traydor. Sinabi ni Lucas na hindi pa sila dapat mamatay dahil 8 years from now ay magagamit pa nila ang mga ito. Nagtaka naman si DJ Durano at gustong magtanong kay Lucas, pero sinabi ni Lucas na maghintay at magtiwala nalang daw ito. Sinabi ni Lucas na natupad na daw ang prophecy sa pagsilang ni Angelo at sa ika-9 na birthday nito ay isasagawa nila ang isang —– (sorry hindi ko marinig – Ara), para ang lahat daw nang mga kasapi ay maging immortal at mabubuhay ang mga namatay nilang kasamahan. Sama-sama daw nilang aangkinin ang buong daigdig. Lumitaw ang maligno sa likod ni Lucas, tuwang tuwa ito.

Sinabihan ni Charlie si Angela na muntik nang ma-kidnap ang anak nya pero bumalik agad ito sa pagtratrabaho. SAbi naman ni Angela na may mga undercover cops na daw na pinadala si Dumlao (DJ Durano) para umaligid sa bahay nya, may bodyguard na din si Angelo at nag-hire na din sya nang yaya. Siguro naman daw ay she can work in peace na.

Umattend nang awards night sila Angela, dahil nominated sya. Kasama nya si Charlie at Angelo + yaya. Nanalo si Angela. Nakatingin si baby Angelo sa kanya at parang naging green ang mata nito. (Naging short cut na) After several years, malaki na si Angelo, naging matagumpay parin si Angela sa career nya at nakakakuha nang awards. Tuwang tuwa si Angela na yinakap ang anak. Kasama si Charlie na umakyat nang stage. Nag-speech si Angela at pinasalamatan ang kanyang mga staff, si Charlie, at ang kanyang anak na si Angelo dahil ito daw ang kanyang inspirasyon. (Bale 9 years old na si Angelo – Ara.)

Sa bahay ni Rico, may nararamdaman syang parang may sumusunod sa kanya, sinara agad nya ang pinto – nagpakita sa kanya sila Juancho at David. Akala ni Rico ay laya na ang dalawa, yun pala ay tumakas lang sila.

Pagpunta ni Angela sa kwarto nang anak ay nakita nitong tinitingnan ang libro pero hindi binabasa, naglambing si Angelo na gusto nya na si Angela ang magbabasa for him. Sinabi ni Angela na babasahan daw nya si Angelo pero pagkatapos ay matutulog na ito. Habang binabasahan ni Angela ang anak, inantok na agad ito at nakatulog.

Kinabukasan ay pumasok na sa opisina si Angela, sinurprise sya nang mga staff at may banner na ginawa to congratulate her. Napansin ni Angela na may bago silang staff (si Kim Chui.) Sinabi nito na sya ang pinadala nang HR. Tinanong (pataray) ni Angela kung ano ang alam nito, sagot naman sa kanya ni Kim Chui ay kahit ano daw. Tinanong ni Angela kung kaya nitong magsulat, sumagot naman si Kim Chui na kaya nya. Environmental daw ang topic, marunong ba daw ito talaga? With confidence na sinagot ni Kim si Angela na hindi lang daw sya marunong, magaling din daw.

“If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.” – 1 John 1:19

Teasers:

– Trainee na cameraman si Gerald Anderson at nakukulitan sa kanya si Kim Chui.

– nagi-guilty si Angela dahil ang dami na nyang pagkukulang sa anak. Nagpasya si Angela na bibigyan nya nang malaking birthday party ang anak at nagvolunteer naman si Hector na tumulong.

– Sa party ay may isang bully at inagaw ang laruan ni Angelo at tinapon sa pool. Nagalit si Angelo at sumakit ang tyan nang bata, nahulog ito sa pool at nalunod.

– Nakita ni Angelo si Lucas sa labas nang kanilang bahay, nakangiti sa kanya.

– Nakita ni Angela na kausap ni Lucas ang anak. Nag-away sila Hector at Lucas, habang aksidente namang nakukunan ni Kim Chui ang mga pangyayari.

– Tinawagan ni Angela si Dumlao. Nangako naman si Dumlao na hindi sila magagalaw ni Lucas, iyon pala ay nasa tabi lang ni Dumlao si Lucas.

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “MALIGNO – Episode 7”

  1. ptvj Says:

    nag-a-acrobatics pa iyong pumatay kay yaya. bwahahah!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: