Lobo, Episode 70

by

Nagmamakaawa si Lyka kay Leon pero ipinaputok pa rin ni Leon ang baril. Hindi naman natamaan si Lyka dahil nagpalit ito ng balat at umalis ito.

Pinuntahan naman ni Lorian si Lady Elle. Sinabi nitong nagkamali siya at naroroon na ang ikalawang signos. Hindi mapipigilan ng mga lobo ang pagpapalit ng balat. Dumating ang katulong at sinabi niyang may nangyayari kay Nessa. Inutusan ni Lady Elle si Lorian na puntahan si Nessa.

Hinabol naman ni Leon si Lyka pero hindi niya ito makita.

Nagkulong sa kwarto si Nessa kaya hindi makapasok sina Lorian at ang katulong.

Hindi naman malaman ni Choy kung ano ang nangyayari kay Silva.

Nakapasok ng kwarto si Lady Elle bago ito nakapagpalit ng balat. Agad din siyang nagkatawang tao at nakita niya ang marka sa dibdib niya.

Nagpalit na rin ng balat si Silva. ISA SIYANG ITIM NA LOBO. Binaril ni Choy ang pintuan para makapasok pero nakaalis na si Silva.

Nabuksan na nina Lorian ang pintuan ng kwarto ni Nessa pero nakalabas na rin siya.

Nakita ni Lady Elle na may dumaang itim na lobo sa bintana niya. Nabigla ito.

Hinahanap naman ni Dr. Lee si Anton at muntik na niyang makita ito kung hindi lamang siya tinawag ng isa sa mga staff nila dahil may nangyayari sa mga subjects. Dali-daling sumama si Dr. Lee dito. Nagkatawang tao na si Anton (bakit hindi siya mabangis kagaya ng kapag ikinukulong siya ni Clara) at nakita niya ang marka sa dibdib niya.

Hinahanap pa rin ni Leon si Lyka pero bigla niyang naalala si Noah kaya umalis na ito. Nakapagtago naman sa isang empty truck si Lyka. Naisipi ni Lyka na sasabihin ni Leon kay Noah ang natuklasan niya.

Tinawagan ni Lyka si Trixie para ipaalam ang nangyari. Tinawagan ni Trixie si Manolo para ipaalam dito. Hindi muna ipinaalam ni Manolo kay Elle ang nangyari.

Nagtatalo sina Noah at Zoe. Sinisisi pa rin ni Zoe si Lyka sa pagiging security guard nito instead of being a soldier. (Sasabunutan ko na batang ito, pramis!!!)

Narinig ni Leon ang pagtatalo ng magkapatid pagpasok niya ng bahay nila. Biglang dumating si Lyka. Tinanong ni Leon kung ano ang ginagawa nito doon sabay bunot ng baril niya. Tinutukan niya ng baril si Lyka. Nagmamakaawa pa rin si Lyka.

Nag-walk out naman si Lyka sa awayan nilang magkapatid. Pababa ito ng hagdanan noong mawalan ito ng malay. Nakita ni Lyka na nawawalan ng malay si Zoe at nasa hagdananan ito kaya she used her power of speed para mahulog sa hagdanan si Zoe. Pero pagkatapos niyang masalo si Zoe, natumba naman siya at nabagok ang ulo niya.

Doon naman lumabas ng kwarto si Noah.

Okay na si Zoe. Nasa kwarto niya sina Leon, Lyka at Noah. Masama pa rin ang tingin ni Leon kay Lyka. Lyka assured Noah na okay lang siya. Nagpasalamat si Noah at hinalikan ni si Lyka sa ulo. Umalis na si Leon sa kwarto. Nagpaalam si Lyka na kukuha ng tubig at hindi siya nagpasama kay Noah.

Nagflashback naman sa utak ni Leon ang pagkakatuklas niya sa katauhan ni Lyka, ang pagliligtas ni Lyka kay Zoe at ang pagmamahal ni Noah kay Lyka. Biglang dumating si Lyka. Sinabi ni Leon na her saving Zoe doesn’t change what she is. Ano raw ang binabalak nila sa kanila, kay Noah?

Sinabi ni Lyka na mahal niya si Noah at hindi niya ito magagawang saktan or kahit na sino mang mahal ni Noah. Sinungaling daw si Lyka, sabi ni Leon, isa siyang halimaw at mamamatay tao lahat sila. Pinatay daw nila ang asawa’t anak niya pati na ang tatay ni Noah.

Naalala ni Lyka noong bata pa sila ni Noah noong pagkamatay ni Emil. Noong paulit-ulit na sinasabi ni Noah na “Papatayin ko siya” habang umiiyak.

Mariing hinawakan ni Leon ang mga braso ni Lyka at itinanong kung hindi ba siya titigilan ng mga ito.

Nagkatawang tao na si Nessa.

Sinabi ni Lyka na hindi sila halimaw, hindi lahat sa kanila masama. Sinabi ni Leon na hindi siya marunong masaktan dahil hindi siya tao. Paano raw kung hindi sila marunong masaktan pero marunong silang magmahal? Hindi naman daw niya kasalanan na nilikha siya ng Diyos na ganoon. Kung may intensiyon daw siyang masama matagal na niyang sinaktan sina Noah or sila. Hindi raw niya magagawang saktan si Noah o kahit na sino pa dahil mahal na mahal niya ito. Nakiusap si Lyka kay Leon na siya ang magsasabi kay Leon kung sino siya. Kung sa tingin ni Noah na halimaw din siya, siya na mismo ang lalayo sa kanya.

DUmating si Noah (habang tumitilaok ang manok) ang akala niya sinisisi ni Leon si Lyka sa pag-aaway nina Noah at Zoe kaya natrigger ang asthma nito. Sinabi nito sa ama na siya pa nga ang nagligtas kay Zoe. Sinabi naman ni Leon na iyon din daw ang ibig niyang sabihin. Inihatid na ni Noah si Lyka.

Pag-alis nina Noah at Lyka, tinawagan ni Manolo si Leon.

Hindi pa umuwi ang dalawa. Nasa isang lugar sila with a cliff or something. Nagsorry si Noah sa nangyari. Sinabi ni Lyka na hindi siya sinisisi ni Leon sa nangyari. Misunderstanding lang daw. Sinabi ni Lyka na huwag na niyang awayin ang daddy niya at away nitong masira na naman ang relasyon nila dahil sa kanya.

Tinanong ni Noah kung paano niya nagawang saluhin si Zoe. Sinabi ni Lyka na adrenaline lang daw siguro. Hinalikan ni Noah si Lyka sa ulo at sinabing swerte daw siya sa girlfriend niya, mabait na, maganda na, matalino, sexy at parang superhero pa raw siya.

Tinanong na ni Lyka kay Noah kung ano ang nangyari noong namatay si Emil. Nabigla naman si Noah dahil biglang napunta doon ang usapan. Sinabi ni Noah na pinatay si Emil ng isang halimaw, isang taong lobo.

Suntok ang isinalubong ni Leon kay Manolo. Traydor daw si Leon sinasabi na ba niya at siya ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga taong lobo. Pakawala raw ba nila si Lyka para maghiganti sa pamilya niya? Sinabi ni Manolo na walang kasalanan si Lyka. Ang tanging kasalanan lang nito ay magmahal sa lalaking anak-anakan ng isang makitid ang utak na kagaya ni Leon. Huwag daw niya itong idamay sa galit niya.

Sa dinami-dami raw ba ng mga ipinapatay na taong lobo ni Leon, hindi pa raw ba sapat iyon sa buhay ng asawa’t anak niya? Ang mga ipinapatay daw niyang mga taong lobo may mga asawa’t anak din.

Dinukot ni Leon ang baril niya at ipinaputok.

Samantalang nakikinig naman si Anton sa mga habilin ni Dr. Lee sa isa sa mga staff niya. Narinig niya na nagbabago ng anyo ang mga subjects nila at may mga marka ring lumilitaw sa mga katawan nila.

Nasa loob ng bakuran nina Elle sina Rodolfo. Pinipigilan siya ni Raul pero depserado na si Rodolfo. Ikalawang signos na pero wala pa sa kanila ang huling bantay. Kakagatin na raw niya si Alec at walang makakapigil sa kanya. Nakitang pareho nina Raul at Rodolfo si Nessa at nakilala siya ni Rodolfo. Ano raw ang ginagawa ng isang itim na lobo sa bahay ng mga puting waya. Napangiti si Rodolfo.

Buhay pa si Manolo. Sinabi ni Leon na he’ll spare his life pero dalhin daw siya nito sa mga pinuno nila. Dinedeny ni Manolo na may structured organization ang mga taong lobo. Babarilin na sana ni Leon si Manolo pero biglang dumating si Lady Elle at iniharang niya ang sarili niya kay Manolo.

HUwag na raw silang magndamay ng ibang tao. Naroroon na siya, siya ang pinuno ng mga taong lobo. Natigilan si Leon para nakatutok pa rin ang baril.

Teasers:

Ipinapaliwanag ni Elle kay Leon ang kaibahan ng mga itim at puting lobo pero ayaw maniwala in Leon.

Tinanong ni Lyka kay Noah kung maghihiganti ito kapag nalaman niya kung sino ang nakapatay sa tatay niya. Sinabi ni Noah na baka makapatay raw ito.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: