MALIGNO – Episode 6

by

“FORGIVE ME FATHER”

Tuwang tuwa si Charlie sa anak ni Angela. Sinabi nito na cute ang anak ni Angela at sigurado daw maraming endorsement silang makukuhang mag-ina. Sinabi ni Angela na hindi daw nya itatanggi na may anak sya, pero hindi nya kailangang ipagsigawan dahil ayaw nya itong pagchismisan, gusto nya ay tahimik na buhay para sa anak nya.

Papunta si Hector sa bahay nila Angela nang napahinto sya dahil may mga tao at pulis sa daan. Bumaba ito at tinanong ang pulis. Sinabi nang pulis na may naaksidente, isang doktora galing Manila. Pumunta si Hector kung saan nangyari ang aksidente at tinanong ang pulis kung ano ang pangalan nang doctor. Kinuha nang pulis ang report at sinabing Dr. Elena Castillo. Hindi makapaniwala si Hector sa nakitang name tag ni Dr. Elena.

Sa bahay ni Angela ay nagpapanic si Charlie habang tinatawag si Angela. Sinabi nito na si Dr. Elena ay patay na at baka sya daw ang sumunod. Sinampal sya ni Angela dahil hysterical na ito. Sinabi ni Charlie na baka daw sya ang susunod dahil namatay si Marissa, yung katulong nila at ngayon naman daw ay yung doctora ni Angela – sinampal ulit sya ni Angela. Nagalit si Angela kay Charlie at kung hindi daw ito titigil ay mamamatay talaga ito dahil si Angela ang papatay sa kanya.

Umuwi sila Angela sa bahay nya sa Manila. Pagpasok nya ay nagpakilala agad ang magiging yaya nang bata, pero nagulat si Angela dahil may hawak itong santo at nagpakilala na sya si Belen. Tinanong ni Angela kung ano ang ginagawa nito sa itaas (second floor), sinabi nang yaya na tiningnan lang daw nya kung saan ang magiging kwarto nito (atribida! – Ara) Hindi ok ang first impression ni Angela sa yaya, at sinabi nya dito na sa ibaba ang kwarto nito. Si Charlie pala ang nagrekomenda kay aling Belen, sinabi nya na walang magiging problema si Angela dahil masipag ito at relihiyosa pa (mapapansing iyak nang iyak ang bata habang karga ni Charlie.)

Kausap ni Angela ang isa nilang staff at hinihikayat syang bumalik na pero sabi ni Angela na hindi pa sya ready at tinanong din nya kung ano ba daw ang ratings. Nang malaman ni Angela na mababa, sinabi nya sa kausap na pag-iisipan daw nya kung babalik na sya.

Nagmi-meeting ang staff nang show ni Angela at namomorblema sila dahil bumaba na namang ang kanilang ratings, hindi nila alam kung ano pa ang kulang sa show – biglang dumating si Angela at sinabing “ako!” Natuwa naman silang lahat dahil bumalik na si Angela. Nang tinanong sya nang mga staff kung saan ito nanggaling, nagsinungaling si Angela at sinabing pumunta sya sa States at kumuha nang short course sa directing. Nagsimula agad sila sa kanilang trabaho.

Mabait naman ang yaya ni Angelo. Nakita ni Angela na may regalo pa ito sa bata, nang ilabas ni Angela ang laman nang paper bag, nagregalo ang yaya nang isang Jesus on the cross na pwedeng isabit sa wall. Sinabi nang yaya na blessed na daw iyon, natuwa naman si Angela at pinapasabit na iyon sa kwarto nang anak. Nagsimulang umiyak ang bata.

Super busy si Angela sa kanyang trabaho, pero she makes time to check on her child. Tumawag sya sa yaya at sinabing uumagahin sya. Mabait talaga ang yaya ni Angelo at tuwang tuwa sya sa alaga dahil ang cute cute nito. Bago pa matulog ay nagdasal pa ito para sa bata, nang biglang bumitaw sa pagkaka-kapit ang cross sa wall at nag-upside down ito (sign nang anti-Christ.) Natakot at napasigaw ang yaya, dali-daling kinuha ang alaga at lumabas nang kwarto.

Nagpunta ang yaya kung saan nagtratrabaho si Angela. Wrong timing naman dahil nasa meeting pa si Angela kasama ang mga boss and staff. Umiiyak at nagpapanic ang yaya at sinabing ang taas taas daw nang lagnat nang bata, hindi na daw nya alam ang gagawin. Nagtinginan ang lahat nang nasa meeting at nagbulungan. Alam ni Angela na sya ang pinagbubulungan nang mga ito at inamin nya sa lahat na anak nga nya ang bata. Nag-excuse si Angela.

Dinala agad ni Angela ang kanyang anak sa clinic ni Hector, pero normal naman daw ang temperature nang bata. Inalala naman ni Angela na baka may infection or virus. Pero siniguro sya ni Hector na ok ang anak nya. Nagpasalamat sila Hector at Angela sa yaya dahil sa mabilis nitong action sa kundisyon nang bata. Nag-suggest naman ang yaya na ipa-bless ulit ang bahay ni Angela. Ibinigay ni Angela ang bata sa yaya at pinalabas muna sila. Tinanong ni Hector kung ano daw ang reaction nang mga kasamahan ni Angela nang makita ang anak nya. Natatawang kinuwento ni Angela na parang hihimatayin daw ang mga mukha nila nang malaman nila na anak ni Angela ang bata. Dagdag ni Angela na hindi naman daw nya gustong itago ang bata, pero ayaw din daw nyang ipagsigawan sa lahat na may anak sya dahil ayaw daw nyang lumaki ang anak na makilala bilang anak ni Angela Cortez sa rapist nya. Mas importante daw kay Angela ang pain nang anak kesa sa kanya.

Nagpa-register na si Angela para sa binyag nang anak at nakilala din nya ang pari na magbibinyag kay Angelo, iyak nang iyak ang bata. Sinuggest naman nang yaya na magpaiwan nalang daw sila ni Angelo sa simbahan gayong magdamag na naman si Angela sa taping, takot na takot itong umuwi nang bahay. Hindi pumayag si Angela at sinabing isipin nalang ni aling Belen na binabantayan sila nang Diyos dahil madasaling tao naman ito. Sa labas naman nang registration area ay nakabantay ang halimaw (na puti) kina Angela.

Habang naglalakad sa loob nang simbahan ang paring magbibinyag kay Angelo, may naramdaman itong parang may sumusubaybay sa kanya, pero sa bawat paglingon nya ay wala namang tao, mag-isa lang ang pari sa simbahan. Pumunta ang pari sa kwarto para maghubad nang kanyang abito. Pagbukas nya nang closet ay nagulat sya dahil akala nya ay may tao, pero wala naman pala. Pag sara nya ay nakita nya sa salamin na may tao nga! At sinakluban agad ang pari nang itim na plastic bag sa ulo.

Habang nasa studio si Angela, dumating si Charlie at dala dala ang tabloid, pinag-uusapan si Angela at ang kanyang anak at sino ba daw ang kamukha nito – si Lucas o si Angela. Hindi na pinansin ni Angela ang mga chismis tungkol sa kanya. Sinabi ni Angela kay Charlie na ang importante sa kanya ngayon ay yung mga taong nagmamahal sa kanya katulad ni Charlie, Hector at si Angelo.

Tinawagan ni Angela si Hector para sa binyag ni Angelo at gagawin itong ninong.

Araw nang binyag. Iyak nang iyak ang anak ni Angela habang nasa loob nang simbahan, naiinip na ang lahat dahil wala pa yung pari. Lumabas ang pari pero hindi na ito yung unang nakilala ni Angela. Sinimulan na ang binyag ni Angelo pero hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak. Nagtaka ang lahat dahil super bilis lang ang ginawang pagbinyag sa bata, at sabay alis din agad ang pari, taking taka silang lahat. Sa labas nang simbahan ay may mga taong naka-puti (kampon nang demonyo) na nanonood sa kanila.

May taping si Angela kahit gabi, naghabilin kay yaya Belen bago umalis. Tinanong ni yaya Belen si Angela kung napa-bless na ba daw ang bahay. Sabi ni Angela na hindi na daw nya matandaan, sabay nagpaalam na sa yaya. Takot na takot si yaya Belen.

Maglilinis ang janitor sa kwartong-bihisan nang mga pari. Nagtaka ang janitor dahil pagpasok nito ay madaming langaw. Binuksan ang mga cabinet para hanapin ang cause nang mga langaw. Pagbukas nya ay lumantad ang katawan nang patay na pari. Takot na takot at nagsisisigaw ang janitor.

“Jesus said to him, ‘Away from me, Satan! For it is written: Worship the Lord your God, and serve Him only.’ Then the devil left him and angels came and attended him.” – Matthew 4:10-11

Teasers:

– Nagpenitensya ang paring nagbinyag sa anak ni Angela. Humihingi nang tawad sa Diyos dahil pumatay daw sya.

– Hinabol nang halimaw si yaya Belen at pinatay ito.

– May gustong kumuha sa anak ni Angela.

– May bagong staff sila Angela (si Kim Chui.)

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “MALIGNO – Episode 6”

  1. ptvj Says:

    thanks again, miss ara! nakakapagtaka lang nung sumugod si yaya sa meeting nina angela parang hindi man nagpakita ng concern si angela. kung ako iyon biglang sumugod sa trabaho ang nag-aalaga sa anak ko nerbiyos agad ang ipapakita ko. siya masyadong kalmado.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: