Lobo, Episode 69

by

Napigilan ni Lyka ang itim na lobo bago siya nakagat nito. Inihagis siya ni Lyka at tumilapon ito sa malayo. DUmating si Noah. Tinanong ni Lyka kung nakita niya. Sinabi ni Noah na may nakita siyang aso. Asong ulol lang daw iyon sabi ni Lyka. Tinanong ni Noah kung nakagat si Alec, sinabi ni Alec na masama lang daw ang pagkakabagsak niya.

Nagpaalam na si Lyka ka Noah, sinabi niyang siya na ang bahala kay Alec.

Nakibalita si Raul kay Rodolfo. Sinabi ni Rodolfo na may dumating na isang babaeng taong lobo na mas mabilis, mas malakas, at mas malakas ang pakiramdam. Nakita na raw niya ito noon. Naramadaman niya ang lakas nito. Mas malakas pa raw siya kay Eleonora.

Dinala ni Lyka si Alec sa bahay nila. Tinignan ni Elle kung nakagat si Alec pero nakalmot lang pala ito. Tinanong ni Lyka kung bakit parang inaabangan pa siya ng mga lobo. Doon na sinabi ni Elle na nagpapanggap si Alec bilang huling bantay.

Pag-uwi ni Noah (na iba na ang kulay ng polo shirt niya…galing kasi siya sa min. Lol) sinabi niya sa ama na nakita na naman niya ang isang lobo. Muntik na raw mapahamak si Lyka, akala niya sasaktan si Lyka ng mga iyon. Akala raw niya maihihiwalay niya ang mundo niya sa kanila, pero hindi raw pala. Ano raw ang maagagawa niya para sa mga Luna para raw maprotektahan niya ang ama, si Zoe at si Lyka. (Hay, naku…magiging Luna na siya.)

Habang ginagamot ni Lyka ang mga sugat ni Alec, nagbiro pa ito at tinanong niya kung alam ba ng boyfriend ni Lyka na magpagnanasa ito sa kanya (wala kasing siyang shirt). Dinedma lang siya ni Lyka. Bakit daw kailangan niyang magpanggap na siya ang huling bantay, naging target daw siya ulit. Ginawa lang daw ni Alec ang tama ang protektahan siya laban sa mga traydor. Basta’t ligtas daw si Lyka. Dapat daw nakinig si Lyka sa kanya para hindi na nasaktan si Alec ng gaoon.

Nagbiro si Alec at sinabi niyang masyado raw bilib sa sarili si Lyka. May listahan daw siya ng mga utang ni Lyka sa kanya.

Sinabi ni Elle sa apo na huwag nito sisihin ang sarili niya. Iyon daw ang misyon ni Alec. Balang araw gagawa din daw siya ng sarili niya misyon.

Pumunta sa mga Luna si Leon kasama si Noah. Ipinakita nila ang laboratory na inialok nila kay Emil noon pa. Sinabi raw ni Emil na marami siyang gustong malaman sa mga taong lobo. Kaya isinama niya ito sa isang hunt at doon niya nakita na hindi siya naapektuhan sa kagat ng isang lobo. Kaya raw naisip niya malaking asset sa kanila si Emil. Per pagkatapos ng gabing iyon lumayo siya sa mga LUna.

Matagal na hinanap ni Emil si Leon, pero noong natagpuan niya ito ay may anak na siya at ayaw na niyang sumama sa kanila. Hindi raw niya kayang sumama sa isang organisasyon na pumapatay ng kahit anong nilalang.

Sinabi ni Noah na baka raw tama ang tatay niya, na baka hindi ang pagpatay sa mga taong lobo ang solusyon. Ikinuwento na ni Leon kay Noah ang nangyari sa pamilya niya. Pinatay ng mga taong lobo ang mommy at kapatid ni Zoe. Mula noon daw isinumpa niya gagawin niya ang lahat para lang hindi maramdaman ng ibang pamilya ang naramdaman niya. Hanggang ngayon daw si Emil ang iniisip niyang mali. Hindi raw dapat pahalagahan ang mga taong lobo.

Marami raw silang maraming nagawa si Noah pero hindi raw nito maitatanggi na may magagawa ito para sa ikabubuti ng marami. Kung naisipan daw niyang sumama sa kanila, marami siyang buhay na maililigtas.

Ninakaw ni Nessa ang kahon na iniwan ni Emil sa kanya mula sa kwarto ni Father Ben. Nagising si Father pero hindi na niya naabutan kung sino man iyon.

Ipinakita nina Leon at Choy ang mga suspected nilang mga taong lobo. Narealize ni Noah na they are everywhere. Pag-alis ni Noah, sinabi ni Choy na at least hindi na galit sa kanila si Noah.

Kinumusta ni Leon ang pagbuntot ni Choy kay Silva. Sinabi nitong maingat si Silva kaya wala pa siyang mairereport.

Binuksan ni Anton ang gate noong marinig niyang may nagdoorbell. Pagbukas nito ng pinto, nakita niya ang kahon ng mga eksperimentong gamot ni Emil. Mula sa malayo ay pinapanood siya ni Nessa. Sana raw ay magawa ni Anton ang hindi nagawa ni Emil, ang makahanap ng gamot sa sumpa sa kanila.

Nakita ni Clara si Anton na tinitignan ang mga notes mula sa kahon. Impressed na impressed si Anton sa masusing pag-aaral ng gumawa noon. Hindi man niya kilala ang nagbigay ng gamot sa kanya, at least ngayon alam niyang hindi siya nag-iisa. Sana raw makilala niya ang nagbigay noon para pasalamatan. Natuwa naman si Clara, sana raw iyon na ang sagot sa kundisyon ni Anton.

Noong nasa lab si Anton, kunwari ay natumba si Dr. Lee para masugat si Anton at makuhanan niya ito ng dugo.

Nagbibiro pa si Alec na hindi kape ang kailangan niya kung hindi masahe noong binigyan siya ng kape ni Lyka. Dumating si Noah pero umalis rin siyang agad. Sinabi ni Alec na sa mga nangyari sa kanya, hindi ito madadaan ng pakape-kape lamang.

SUmersyoso si Lyka at sinabi niya na alamin daw ni Alec kung ano ang gusto ng bato sa kanya. Baka daw may mga record na nakasulat sa libro ng pamilya nila. Sumeryoso na rin si Alec. Susubukan daw niya pero sana raw huwag niyang sisihin ang sarili niya. Ginagawa daw niya ang lahat ng kaya niya at naiintindihan daw niya kung bakit kailangan niyang makasama si Noah kahit marami siyang iniisip.

Nagkita sa rooftop sina Lyka at Noah. Sinabi ni Lyka na ang weird daw talaga kung paano nagkaroon ng asong ulol sa parking lot. Buti na lang daw okay na si Alec. Nagselos naman si Papa Noah diyan. Sinabi niyang doon din pala nakatira si Alec kina Lady Elle. Hindi naman nakahalata si Lyka sinabi niyang hindi raw kasi talaga sa Pilipinas nakabase si Alec kaya doon muna siya pinatira ni Lady Elle. At saka may balak raw si Alec na magtayo ng fashion TV show sa Pilipinas, kaya dikit siya ng dikit kay Lady Elle. Para malaman nito ang ins and out of Fashion.

Tinanong ni Noah kung may dapat raw ba siyang malaman tungkol kina Lyka at Alec. Kapag nakikita raw kasi niyang nag-uusap sila paran higit pa ra magkatrabaho ang relasyon nila. Matagal na raw ba silang magkakilala, nagkaroon ba sila ng relasyon noong magkahiwalay sila.

Natawa si Lyka dahil nagseselos si Noah. Kung napapansin daw niya na malapit siya kay Alec, wala raw iyon trabaho lang daw iyon. Walang-wala daw si Alec sa kanya (I second the motion!!!).

**Warning: Masyadong matamis ang mga eksena dito, bawal ang may mga diabetes.** Sinabi ni Noah na model si Alec, siya raw glorified security guard. Tumigil daw siya sabi ni Lyka, future Dr. Noah Ortega daw siya. Niyaya ni Lyka na magdate si Noah. Nagpakipot pa si Noah pag-iisipan daw niya. Pero pumayag na siya may alam daw siyang pupuntahan nila. Pilit tinatanong ni Lyka kung saan pero ngiti lang ang isinukli ni Noah. (Bwahaha…parang alam ko kung saan gustong dalhin ni Noah si Lyka). Kinilig naman ako sa kanila. Pati ako napapangiti.

Pinag-aaralan ni Dr. Lee ang dugo ni Anton. Nakita niyang mag anomaya sa blood analysis ni Anton.

Malungkot si Zoe dahil nanalo man sila sa game, (sus sa game lang pala siya dadalhin) alam niyang walang tiwala sa kanya ang coach niya dahil may asthma ito kaya hindi niya ito pinaglaro ng maigi. Kaya ayaw niyang magcelebrate kahit anong pilit ni Noah. At saka para raw kasing may vibes doon kaya hindi siya magaling sa game niya. Sumagot naman si Lyka na may alam daw siyang fashion accessory na pampaalis ng bad vibes, bigyan na rin daw niya pati ang coach niya.

Sinabi ni Zoe na hindi raw totoo iyon. Kung malas, malas raw. Pumasok na si Zoe sa bahay nila. Nagpaiwan muna si Lyka kay Noah sa labas ng bahay nila, mag-iipon daw muna siya ng lakas laban kay Zoe. Natawa naman si Noah. Pag-alis ni Noah, napansin ni Lyka ang buwan, ngayong gabi na ang ikalawang signos.

Nagpanic si Lady Elle dahil nagkamali siya, hindi bukas ang ikalawang signos.

Kinakausap ni Nessa ang katulong. Sinabi ng katulong na wala silang mairereklamo kay Lady Elle. Medyo strikto lang daw ito minsan pero iyon lang daw. At alam daw nilang lahat ang nangyayari doon pero sikreto lang at dahil lahat sila ay galing sa mga angkan ng mga tagapangalaga.

Sinadya ni Choy si Silva. May kausap ito sa telepono, sinabi nito sa kausap na hindi muna siya makakapunta sa lab dahil nararamdaman niyang pinapasundan siya ng mga Luna. Kumatok na si Choy sa pintuan pagkatapos niyang magpractice sa sasabihin para mapaniwala si Silva na kakampi niya ito.

Sabay sabay na nasakta ang mga taong lobo.

TUmakbo ang kautlong noong makita niyang nasasaktan si Nessa para humingi ng tulong. Pinigilan siya ni Nessa pero nakaalis na ito.

Nagkaroon ng marka sa dibdib si Lyka.

Naririnig ni Choy ang pagsigaw ni Silva mula sa pintuan.

Kinatok ni Noah si Zoe sa banyo. Mag-uusap daw sila pagkatapos niyang maligo, hindi na raw nito gusto ang ginawa niya. Pagbaba ni Noah, nakaalis na si Lyka. Hindi niya ito macontact sa telepono.

Nakita ni Leon na naglalakad si Lyka sa daan. Sinundan niya ito. Nagpalit ng balat si Lyka sa harap ni Leon. Nabigla si Leon at kinuha nito ang baril niya at itinutok kay Lyka. Nagkatawang tao ulit si Lyka (waah…nakita siyang walang damit ni Leon)…

Teaser:

Nagmamakaawa si Lyka kay Leon.

Nagpalit ng balat si Nessa sa loob ng mansiyon.

Binaril ni Choy ang lock ng pintuan para malaman kung ano ang nangyayari kay Silva.

Nagpalita din ng balat si Anton sa lab.

Nagpalit ulit ng balat si Lyka at pinaputok ni Leon ang baril niya.

Mga Marka: ,

4 Tugon to “Lobo, Episode 69”

  1. dumbako Says:

    d’yos ko kinakabahan na ako nito, para rin akong nanonood!!!!! thanks a lot sa update

  2. NoCar Says:

    aaaaaahhwwwwwooooooooo!!!!!!!!!!!!

    naglalabasan ang mga lobo!!!!!

  3. lobo-fan Says:

    kainis! nakita ni Leon si Lyka na nagpalit ng balat! pno kaya si nessa, may makakakita kaya sa kaniya…hay exciting ang mga eksena..

  4. annedito Says:

    i hope hindi nila gawin villain si nessa. kawawa naman si lyka kapag nangyari iyon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: