Maligno, Episode 05

by

Courtesy of Miss Jazzams, thank you very much!

Ang sanggol

Humingi ng leave of absence si Angela. Buntis siya! Kasama ni Angela si baklang assistant niya sa kanyang bakasyon. Ay nakita niya si Doc Hector (ang pogi ni diet!!!!!) nag jojogging. Duon nakatira si Doc pag weekend. Ayon nagkaimbitahan ng dinner. So invite ni baklang charlie si Doc for dinner and siya ang magluluto. Gabi na dumating si Doc pero hindi na pinakita ang dinner nila. The following day lumuwas si Bakla sa maynila yata. Dumating naman si Doc at may dalang fruits. Pero inampatikahan ni Angela si Doc. Pagtalikod niya natapiluk ito. Tinignan ni Doc si Angela. Nakabalik na ulit si Bakla. Kasama pa rin ni Angela si Doc Hector. Nagbigay ng prescription si Doc para sa maga ng paa ni Angela at umuwi na siya.

Dumating ulit si Doc the next day para kamustahin lang si Angela at sinabing luluwas na siya pabalik ng Maynila. Babalik daw siya ng biyernes. Samantalang nag eenjou si Angela sa kanyang bakasyon na palaging kasama si Doc. Malaki na ang tiyan ni Angela at tinutulungan ni Doc sa kanyang lamas procedure (tama ba spelling ko) pero habang nangyayari eto maraming nakaputing nagbabantay sa kanya na hindi nila namamalayan. (mga DEMONYO!!!! Eeeeek!)

Gusto ni Angela manganak sa bahay. Habang pinag uusapan nila ni Charlie itong pangaganak niya sa bahay at biglang nagkislap ang paligid. Nanganganak na si Angela kasama si Charlie at Doc Hector sa bahay. Lumabas na ang bata pero may kakambat itong ahas! At ang bata ay kakaibang hitsura. Sa labas ng bahay naman ay nakaabang ang mga DEMONYO!..(kakatakot!!!!)

Hindi naniniwala si Doc Hector kay Doctora na may itim na ahas na kasama ang bata at ang bata ay may buntot pero hindi nakita ng iba ang nakita ni Doctora. Hindi nila napapansin ang mga demonyong umaaligid sa bahay. Binabantayan lahat ng kilos nila. Ibinigay na ni Doc Hector ang baby kay Angela habang si Charlie ay nagpapacute din. Sinundan ng isang demonyo ang doctora at pinatay sa takot hanggang nahulog siya sa isang malalim na lugar.

Habang kausap naman Arman si Baby boy. Sinabi ni Arman na sabihin lang ni Baby boy kung gusto niyang lumabas sa kulungan at kayang kaya daw niya itong palabasin. Pero ang sabi ni Baby boy..hindi na raw at magkikita rin sila ng anak niya. (ngek hindi ko kais alam ang pangalan nung pulis pero si Arman siya sa Prinsesa ng Banyera. At si Baby boy din Rosa na demonyo sa palabas. Hindi ko rin alam ang name niya dito.)

Tinulak na mga demonyo ang kotse ni Doctora sa tabi ng bangin at isinakay nila ito sa kotse at itinulak para lumabas na nahulog lang sa bangin ang kanyang kotse at sumabog.

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “Maligno, Episode 05”

  1. annedito Says:

    lol miss jazzams. kaya pala pinatay na si arman dahil demonyong pulis siya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: