LOBO Episode 68

by

Pababa ng hagdan si Noah at nakita nito ang nabasag na frame, tinanong ni Noah ang kasintahan kung nasugatan ito, pinagkaila ni Lyka na nasugatan siya. Humingi ng paumanhin si Lyka sa nangyari.

Kinumpronta ni Ylvana si Lady Elle kung ano ang ginawa nito sa kwebang taguan ng bato ng Remus, sinabi ni Lady Elle na gusto lang niyang siguraduhin kung na sa ayos ang lahat. Ipinakita ni Ylvana kay Lady Elle ang mga larawan na magkasama sina Lyka at Lady Elle. Nagalit si Lady sa ginawa ni Ylvana na pagsubaybay sa bahay niya, nangatwiran si Ylvana na wala siyang nilabag na batas. Inakusahan ni Ylvana si Lady Elle na may itinatago sa Waya council, itinatago daw ni Lady Elle na napatunayan na niyang si Lyka ang “huling bantay”. Ipinaalala ni Lady Elle sa kausap na napatunayan na nila na hindi si Lyka ang huling bantay, dahil hindi ito nagpalit ng balat noon. Idinahilan ni Lady Elle na kailangan lanng ni Lyka ng matitirahan kaya ito sa bahay nya nakatira. Iniba ni Lady Elle ang usapan, ang kailangan daw nilang pagtuunan ng pansin ay ang paghahanap sa bato ng Remus. Nanggagalaiti pa rin si Ylvana, huwag daw ilayo ang usapan, pilit pinapaamin si Lady Elle kung napatunanayan na ng huli na si Lyka ang huling bantay at gusto lang nito sarilinin ang huling bantay at ang kapangyarihan na naka-kabit kay Lyka. Siyang pagdating ni Alec, sinabi ng apo ni Remus na siya ang huling bantay. Nagulat si Ylvana sa narinig mula kay Alec, napangiti naman ng makahulugan ang traidor na Raul.

Pagkatapos ng dinner, ay inihatid pa sa pinto ni Gen. Leon si Lyka. Nagpalasamat si Lyka sa byenang hilaw niya, sinabi ni Noah sa ama na ihahatid lang niya si Lyka. Masayang masaya sina Noah at Lyka. Pakiramdam ni Lyka ay humarap siya sa husgado at sinabihan siya ng “not guilty”. Habang naglalakad ay very sweet ang dalawa at nagbobolahan pa, sweet nothings kumbaga. Gusto ni Noah na sunduin si Lyka kinabukasan, sabay daw silang mag-a-almusal tapos sabay din silang pupunta sa opisina. Naalala ni Lyka na may training siya, kaya sinabi niyang 9 am na lang siya sunduin. Ipinaalam rin ni Ulay kay Jay-jay na kina Lady Elle siya nakatira, kesyo may pinapaayos raw sila sa bahay at nag-offer si Lady Elle. Nagbibiruan ang magsing-irog, siniko ni Ulay ang nobyo at tumilapon si Noah sa medyo may kalayuan. Tinanong ni Noah ang girlfriend kung kailan pa ito naging “amasona”, sabi naman ni Lyka na
natapilok lang si Noah. Lihim na nagmamasid si Gen. Leon sa dalawa at napapaisip ito sa nasaksihan.

Ayaw maniwala ni Ylvana sa tinuran ni Alec, kasi isa raw ang binata sa mga kandidatong sinubukan nila noon na hindi nakapasa sa mga pagsubok ng Waya. Sinabi ni Alec na kinailangan lang niya ng sapat na panahon, pero kung susubukan daw siya ngayon ay sinisiguro niyang makakapasa siya. Ayon kay Lady Elle kaya nga daw sila pumunta sa kuweba ay para mahawakan kaagad ni Alec ang bato ng Remus, pero wala ang bato sa kweba.

Kaagad na pumunta ang traidor na si Raul sa mga lobong itim upang ibalita kay Rodolfo ang nalaman na si Alec Aragon ang huling bantay. Ayon kay Rodolfo ay kukunin nila si Alec Aragon, gagawing itim para maging isa sa kanila AWWWWOOOOO!!!!

Nagpasalamat si Lady Elle sa ginawa ni Alec, at nangako si Ms. Blancaflor na gagawin niya ang lahat para maprotektahan si Alec sa mga panganib na kakaharapin nito sa ginawang pagtatakip sa totoong “huling bantay”. Ipinangako rin ni Alec kay Lady Elle na poprotektahan niya si Lyka, hanggat hindi napupunta sa huling bantay ang bato ng Remus.

Kinumusta ni Nessa ang dinner date ni Lyka sa pamilya ni Noah, sinabi ni Lyka na mabait ang ama ng nobyo. Binanggit ni Lyka na nag-iipon raw si Noah kasi balak nitong magdoktor … “parang tatay niya”, dugtong ni Nessa sa sinabi ng anak. Pasimpleng inalam ni Nessa kung anong klaseng doktor ang “biktima” niyang si Anton. Sinabi ni Lyka na Biochemist si Anton – nagdidiskubre ng mga gamot para sa sakit ng mga hayop. Iniwanan ni Nessa sa silid ang anak, nang banggitin nito na gusto niyang ipakilala ang nobyo ng maayos sa ina. Nag-display ng magagarang cellphone sina Noah at Lyka – nagsabihan ng goodnight at love nila sa isa’t isa. Naramdaman ni Noah na may nagmamatyag sa kanya. Ipinakita ang isang DILA este lobo itim pala, ang dilim kasi kaya dila lang ang nakita ko.

Habang nag-aalmusal ay tinanong ni Noah kung talagang wala nang pakialam sa kanya ang mga Luna, kasi pakiramdam niya ay ilang araw nang may sumusunod sa kanya. Nag-isip si Leon sa sinabi ng anak. Wala sa training ang isipan ni Lyka, kasi late na raw siya. Ipinaalala ni Alec na may training pa sila kinagabihan. Sa labas ng mansion ni Lady Elle, ay naiinip na si Noah sa paghihintay. Nagpasya si Jay-jay na umalis na, siya namang paglabas ni Lyka sa gate. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Noah kasi hindi niya napansin si Lyka, hinabol ni Lyka ang kotse na sinasakyan ni Noah, naabutan naman.

Sa House of Elle ay nagpapanic ang mga tao, especially sina Elton at Trixie. Tinanong ni Lyka kung ano ang nangyayari, ayon kay Trixie ay naaksidente ang mga models para sa photo shoot, at padating na ang photograper. May naipalit na raw sila sa male model – si Alec. Natataranta na si Elton kasi padating na ang sikat na photog, at pag wala raw itong naabutan na model ay masisira ang image ng House of Elle. Habang tumatawag si Lyka sa modelling agency, ay inasar ito ni Alec na kesyo wala itong time. Nagkaroon ng brilliant idea si Elton – si Lyka ang magmomodelo. Pasenyas na nagtatanong si Lyka sa kasintahan.

Guapong guapo ang mga tauhan ng House of Elle kay Alec Aragon ang nakabihis na ito pangmodelo. Nang makita nila si Lyka ay ito naman ang pinag-ukulan nila ng paghanga. Napapakunot si Noah habang nanunuod sa pagmomodelo ng girlfriend, nagseselos siguro. Pagkatapos ng photo shoot ay umalis si Noah, hinanap siya ni Lyka. Pipigilan sana ni Alec si Lyka, sinabi ni Lyka na hwag maliitin ang nararamdaman niya para kay Noah. Nakita ni Lyka ang boyfriend sa roof top. Binola ni Noah si Lyka na napakaganda daw nito sa kasuotan, pero para daw sa kanya ay palaging maganda si Lyka kahit hindi nakaayos, naka-make up at mamahaling damit. Sinabi ni Jay-jay na parang prinsesa si Ulay. Bakit daw naging prinsesa na lang siya, dati raw ay reyna siya nito, ani Ulay sa kasintahan.

Noah : Kailangan kong umalis kanina kasi hindi ako makahinga e … hindi ako makahinga katititig sa iyo. You take my breath away.

-Kinilig si Lyka sa mga pambobola ng kasintahan. Tinanong ni Noah, kung puede niyang maisayaw sa ilalim ng buwan si Ms. Lyka Raymundo. Maligayang nagsayaw ang dalawa ng “intimate”, habang nakatanglaw ang buwan.

Habang hinihintay si Lyka (kinuha ng dalaga ng mga gamit), may nakitang lobong itim si Noah (sa loob ng house of Elle?!), kinahol ng kinahol ng lobo ang nabigla na si Lt. Noah Ortega.

Habang papunta sa sasakyan ay naramdaman ni Alec na may mga tao sa paligid. Dinaluhong ng mga lobong itim si Alec.

Iniwanan ng lobong itim si Noah.

Patuloy na nakikipagbugbugan si Alec Aragon sa mga lobong itim, nakamasid lamang si Rodolfo.

Palabas na si Lyka nang marinig nito ang ingay na likha ng rambol sa labas.

Nananaig ang lakas ni Alec laban sa mga lobong itim, tumulong na si Rodolfo. Paglabas ni Lyka ay nakita nito ang pagpapalit ng balat ni Rodolfo. Tumakbo si Lyka nang makita nito na sasalakayin ng lobong itim si Alec, nailigtas ni Lyka si Alec sa kagat ni Rodolfo … pero ….

Teaser : Sinabi ni Lady Elle kay Gen. Leon Cristobal, na apo niya si Lyka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: