MALIGNO – Episode 4

by

“ANG DESISYON”

Kinuha agad ni Marissa ang tape at lumabas nang editing room. Pag labas nya ay wala nang tao sa office, nang biglang may bumulaga sa kanyang isang nakakatakot na mukha — mukha pala nang isa nilang staff (hahaha!) Sinabihan ni Marissa na linisin nito ang mukha (dahil mukhang napa-kapal ang foundation), yun pala ay nililinis na nya yung mukha nya (may hawak na cotton ball at nililinis nga ang mukha.)

Sa ospital naman ay medyo tulala parin si Angela, nang bigla syang nagulat dahil may bumisita sa kanya – si Dr. Hector Salcedo (Diether Ocampo.) Sinabi ni Hector na palagi nyang pinapanood ang show ni Angela, hindi lang daw sya, marami daw sila. At kung makikita nila ang kalagayan ni Angela ay manghihinayang daw ang mga ito, kagaya ni Hector. Sinabi ni Hector na pangalagaan ni Angela ang buhay nya dahil importante daw sya.

Nagmamadali na pumunta si Marissa sa ospital para ipakita kay Angela ang tape. Pagsakay nya ang elevator, ipinakita na ang mata ni Lucas ay naging all-black at parang nag-o-orasyon. Huminto ang elevator ni Marissa sa 6th floor at bigla itong umakyat uli hanggang 10th floor, parang nagkakaroon nang short circuit. Nagsisisigaw si Marissa nang saklolo at patuloy parin si Lucas sa orasyon. Akyat-baba ang elevator, takot na takot si Marissa…nang biglang may isang halimaw ang sumulpot sa kanyang likod – halimaw na kulay puti pero ang mga mata ay pula at may matatalim na pangil (fangs.) Naputol ang mga cord nang elevator at bumagsak ito, namatay si Marissa na dilat ang mga mata. Humahalakhak si Lucas, tuwang tuwa.

Nagdatingan ang mga imbestigador, pulis at media – isa na doon yung imbestigador na si DJ Durano. Naging hysterical si Charlie nang makita si Marissa.

Pinuntahan ni Charlie si Angela sa ospital, takot na takot ipaalam kay Angela ang nangyari. Napansin ni Angela na umiiyak si Charlie, kaya tinanong nya ito. Hindi na nagawang sabihin pa ni Charlie, parang naintindihan na agad ni Angela kung ano ang sinapit ni Marissa.

Nakalabas na nang ospital si Angela. Pinuntahan nila ni Charlie ang office ni Marissa, very neat and tidy ito, very organized. Naalala din ni Angela nung pareho pa silang magpra-practicum ni Marissa, ang wish daw nila ay makapagtrabaho sa network na iyon at natupad naman daw. Ang dami dami daw pangarap ni Marissa para sa show. Dagdag pa ni Charlie na para nga daw hindi na ito mag-aasawa. Parang sinisisi ni Angela ang sarili dahil kung hindi daw sana sya dadalawin ni Marissa ay hindi sana ito namatay. Sinabi naman ni Charlie na huwag daw sisihin ni Angela ang sarili, walang gusto na may mangyari. Nagalit si Angela dahil huwag daw syang lilinyahan nang ganon ni Charlie – sasabihin ba daw na it’s God’s will, oras na nya kaya namatay si Marissa, at yung nangyari daw ba sa kanya ay kagustuhan parin ba daw nang Diyos iyon? Matakot daw si Angela sa mga sinasabi nito, sabi ni Charlie. Sagot ni Angela na totoo naman daw, sa lahat nang nangyari sa kanya ano ba daw ang dapat nyang ipagpasalamat sa Diyos? Kung magdadasal daw si Charlie, itanong nito sa Diyos kung ano ang nagawang kasalanan ni Angela – dahil kahit daw sino, kahit gaano kasama, hindi daw dapat pagdaanan ang dinadanas nya.

Nagreport si DJ Duran kay Angela tungkol kay Lucas, nag plead daw ito nang insanity pero dumaan muna ito sa mga psychiatric test at nalaman na may diperensya ito sa pag-iisip, kaya ililipat na ito sa mental hospital. Sabi ni Angela kahit saang impiyerno ikulong si Lucas basta siguruduhin lang na hindi ito makakalabas.

Kinabukasan ay kinausap ni Angela ang boss nila at tinanong kung may problema ba daw sa show nya. Sinabi nang boss ni Angela na since nawala si Marissa, malaking bagay ang natanggal sa department nila at wala itong maisip na ipalit sa pwesto ni Marissa. Tinanong ni Angela kung gusto ba daw nito ang recommendation nya, kaya may ni-recommend si Angela. Ang gusto pala nang boss nila ay ipalit si Angela sa pwesto ni Marissa, pero tinanggihan ito ni Angela.

Nagulat at nagtaka naman si Charlie kung bakit iyon tinanggihan ni Angela samantalang iyon ang pangarap nya at matutuwa naman daw si Marissa pag nalaman nitong si Angela ang pumalit sa kanya. Sagot ni Angela na baka hindi nya kayanin. Sinabi naman ni Charlie kung inaalala ni Angela ang kanyang pagbubuntis at paglaki nang tyan – madami namang daw tv host na nabuntis, at hindi naman daw iyon ang ifo-focus sa camera kung ang mukha ni Angela.

Habang inu-ultra sound si Angela, tinanong nya ang kanyang doctora (si Debraliz) na alam naman nitong nag-overdose sya nang gamot, makaka-apekto daw kaya iyon sa bata, baka magkaroon nang deformity or maging abnormal? Sagot naman nang doctor nya na it’s too early to tell. Iniba nalang ni Angela ang tanong, tinanong nya kung sino si Hector. Sinabi ni Debraliz na he’s also a pediatrician, and he’s a good friend of her. Tinanong ni Angela kung sinabi ba daw ni Debraliz na buntis sya? Sagot ni Debraliz na alam naman daw nang buong ospital ang nangyari sa kanya, hindi naka-imik si Angela, parang nahiya. Nagpatuloy na sila sa pag-u-ultra sound, nakita ni Angela sa monitor ang kanyang baby. Meron syang nakitang gumagalaw, tinanong nya kung ano iyon. Sagot nang doctora ay heartbeat nang baby – biglang naiyak si Angela, natuwa sa nakita.

Pag punta ni Charlie sa bahay ni Angela ay inaayos nito ang nursery room. Masayang kinuwento ni Angela kay Charlie na nagpa-ultra sound sya at nakita nya yung kanyang baby na may heartbeat, gumagalaw, may buhay. Akala daw nya noon na sa drama lang daw nangyayari na pag nakita ang anak ay naiiyak ang ina – pero naiyak daw sya sa tuwa. Ang mahalaga daw ngayon kay Angela ay buhay ang bata at sa kanya daw ito. Dati daw ay galit na galit daw si Angela sa nanay nya dahil iniwan sya sa bahay ampunan, napakasama daw nitong tao. Na-realize din daw ni Angela na mas masama syang tao dahil binalak nyang patayin ang sarili nyang anak.

Nagpatuloy ang buhay ni Angela sa kanyang show, masipag at masaya si Angela. Sinabihan sya ni Charlie na magpahinga naman. Sagot ni Angela na kailangan daw nyang mag-ipon dahil mahaba-habang gastusan ang mangyayari (dahil sa kanyang anak.) At kahit daw na friend nya si Charlie ay huwag daw nitong papakielaman ang kanyang desisyon. Sinagot din sya ni Charlie na sa susunod ay hindi na ito makikipag-kaibigan sa buntis.

Habang tinitingnan ni Debraliz ang printed copy nang ultra sound ni Angela ay parang may formation itong nakikita – parang halimaw ang itsura (di ko masyadong makita dahil malabo ang video – ara.) Natakot si Debraliz.

Pag-uwi ni Angela sa bahay ay pagod na pagod ito, kaya nahiga agad sa kama. Nanaginip sya na parang may kamay na itim na gustong lumabas sa kanyang tyan at may nakita din syang isang halimaw sa kanyang kwarto – nagising si Angela. Hinanap nya ang kanyang kasambahay kaya bumaba ito sa may living room. Nagtaka si Angela kung bakit maingay, yun pala ay may mga reporters/media na gusto syang ma-interview tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nagalit si Angela at sumakit ang kanyang tyan. Pilit na tinataboy nang kanyang mga maids ang mga reporters.

Nagpunta agad sa ospital si Angela para magpa-check up. Sinabi nang kanyang doctor na nag-bleeding ito dahil sa stress at pagod, kailangan daw nitong bawasan ang work load at mga bagay na nagpapa-stress sa kanya, so far naman daw ay ok ang baby nya. Binigay na ni Debraliz ang ultra sound result ni Angela, pero parang may gusto syang sabihin. Hindi naman maintindihan ni Angela kung bakit ganon ang itsura nang kanyang doctor, parang may takot sa mukha nito. Tinanong ni Angela kung ano daw ba ang ibig sabihin nang ultra sound nya. Pag abot ni Debraliz ay iba na ang itsura nang printed ultra sound, nagtaka ang doctora.

Paglabas ni Angela sa ultra sound room, merong mag-asawa na nagbabasa nang dyaryo, at pinag-uusapan nila ang sinapit nang 2 reporter – namatay ang mga ito. Naalala ni Angela na ang mga ito ay yung pumunta sa kanyang bahay.

“Let us fix our eyes on Jesus, the author and perfecter of our faith, who for the joy set before Him endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God.” – Hebrews 12:2

Teasers:

– Nagpaalam si Angela sa kanyang boss na magpapahinga muna sya.

– Nagkita sila ni Hector habang nagjo-jogging ito.

– Dinalaw sya ni Hector at binigyan nang basket of fruits. Tinanggihan iyon ni Angela at sinabing hindi sya mahilig sa fruits. Sinabi naman ni Hector na kailangan iyon nang kanyang baby, nagalit si Angela dahil ipinaalala nito na alam nya ang nangyari sa kanya. Pag pasok ni Angela sa loob nang bahay ay natalisod ito, tinulungan sya agad ni Hector.

– Naging magkaibigan sila Hector at Angela.

– Manganganak na si Angela. Nagulat at natakot si Debraliz dahil may nakita syang buntot nang lumabas ang bata.

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “MALIGNO – Episode 4”

  1. annedito Says:

    kunwari pa si angela. kung ako siguro doctor ko si dr. deither, araw-araw akong may sakit…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: