Lobo, Episode 67

by

Patuloy na nagtatalo ang mag-inang Nessa at Lyka. Kahit daw hindi pa siya ang huling bantay, isa pa ring daw siyang taong lobo. Pero kailangan pa rin niyang tumulong. Mula ngayon daw kaya na nilang harapin ang lahat dahil alam na nila kung sino sila.

Dumating si Lady Elle at sinabi niya kay Lyka na siya ang huling bantay pero bago magpapakita sa kanya ang bato ay may kundisyon munang ibinibigay si Remus sa kanya. Sinabi ni Lyka na aakuin niya ang responsibilidad pero hindi na kagaya ng dati na susunod-sunod lang siya sa mga sinasabi nila. At pagkatapos daw ng pulang buwan, she’s gonna live her life (I think that’s what she said, pangit kasi ang quality ng video). Pumayag naman si Lady Elle.

Nagbigay ng request for leave of absence(?) si Gabby kay Leon. Sinabi ni Gabby na gusto niyang mag-isip at hanapin ang sarili niya. Pinirmahan ni Leon ang mga papel at sinabi niya kay Gabby na maiintindihan din siya ni Noah.

Tumawag ang informer ni Manolo at pinapupunta siya sa isang address– ang bahay ni Manolo.

Sa pulong naman ng mga Luna, inireport na ng isa sa kanila ang nalaman pa nila sa mga ginagawa ni Silva. Milyon-milyon sa mga pondo nila ang nada-divert para sa Lotus Lab, isang pharmaceutical company, without authorization.

Habang kausap ni Noah ang isa sa mga kasama niya sa trabaho. Sinabi niya sana raw pati ang mga affairs ng mga amo nila alam niya para mas magawa nilang mabuti ang trabaho nila. Sinabi naman ng coworker na building security lang naman sila at hindi sila bodyguards. Naiwang naglalakad si Noah ng mag-isa at nakita niyang papalapit sa kanya si Lyka.

Nagpasorry si Lyka dahil pinag-alala niya si Noah. Sinabi ni Lyka na matagal na niyang ilang beses na niyang tinalikuran si Noah at itinulak papalayo. Sana raw magawa pa siyang tanggapin nito dahil mahal na mahal niya ito. Tinignan siya ni Noah ng buong pagmamahal (naku, kung ako ang tinignan ni Noah ng ganun, hindi lang halik ang makukuha niya sa `kin). Sinabi ni Noah na iyon lang naman ang hinihintay niya kay Lyka. Naghalikan na sila (inggit!!!).

Habang nag-uusap sina Lyka at Noah sa rooftop, sinabi ni Noah na sinunod niya ang payo ni Lyka sa kanya at bumalik na siya sa kanila. Gusto ni Noah na ipakilala si Lyka ng pormal kina Zoe at Leon. Doubtful naman si Lyka dahil hindi raw ba’t hindi nila ito gusto? Sinabi ni Noah na nagbago na si Leon. At kapag nakilala na nila ang taong mahal niya, magugustuhan nila ito. Pumayag na rin si Lyka.

Nakarating na si Manolo sa harap ng bahay nina Leon. Nakita niyang bumaba si Zoe sa taxi. Sinabi ng kausap niya sa phone na anak siya ni Leon at ampon ni Leon si Noah.

Sa pulong pa rin ng mga Luna, pinag-uusapan nila ang Lotus Lab. Kailangan daw nilang ma-identify ang location ng lab at para malaman nila kung ano ang ginagawa doon. Ini-emphasized ni Leon kung gaano kasikreto ang pag-iimbestiga nila. Itinalaga niya kay Choy ang pagsunod kay Silva.

Kausap naman ni Silva si Dr. Lee at sinabi nitong habang hindi pa nabubunyag ang lab ay ipagpatuloy lang nila ang ginagawa nila. Sinabi niyang hindi makakalimutan ni Noah ang mga nangyari sa kanya and there will be reminders of what he’s been through. Magiging sundalo pa rin daw si Noah dahil iyon ang itinalaga nito sa kanya na maging.

Itinanong ni Selina kay Lady Elle kung ano pa ang kulang kay Lyka at kung kailan pa siya magiging handa. Hindi alam ni Lady Elle ang sagot pero inutusan pa rin niya si Alec na ihanda si Lyka. Galingan pa raw nito ang training nito sa kanya.

Sinabi ni Lady Elle na hahanapin nila ang bato ng Remus kasama si Selina at Lorian. hihingi daw siya ng tulong kina Ylavana pero hindi niya sasabihin na alam nila kung sino ang huling bantay.

Dumating si Manolo at sinabi niyang kailangan  nilang mag-usap ni Elle.

Samantalang may nagmamasid naman kay Noah noong papauwi ito ng bahay (what nag-taxi lang siya? Where’s the seyx motorcycle?).

Sinabi ni Noah kay Leon na gusto niyag mag-dinner sa bahay kasama sina Zoe at Leon para makilala nila ito. Sinigurado ni Noah sa ama na hindi na siya guguluhin ng mga Luna dahil ngayong sila na ulit ni Lyka, ayaw na niyang pagdaanan pa nito ang mga nangyari noon. Siniguro naman ni Leon na hindi na siya guguluhin ng mga ito dahil siya na ang namumuno. Sinabi ni Noah sa ama na napapaniginipan pa rin niya ang lahat — ang tatay niya at si Marco, na nagsabing kailangan niya ang tulong niya sa paglaban sa mga lobo.

Dahil daw ba hindi siya tinablan ng kagat ng lobo? Sinabi na ni Noah na nakagat siya ng lobo pero hindi naghilom ang sugat. Sinabi na ni Leon na kahit si Emil ay hindi tinablan kagaya niya, genetic anomaly daw iyon. Iyon daw ang dahilan kung bakit gusto nilang sumali siya sa organisasyon nila. Para raw matapos na ang matagal na nilang laban sa mga taong lobo. Sinabi ni Noah na naiintindihan niya ang gusto nila pero gusto na raw niya ang buhay niya ngayon. Sinabi ng ama na nirerespeto daw niya ang kagustuhan ni Noah.

Sinabi na ni Manolo kay Lady Elle na si Leon ang nagpalaki kay Noah na siyang head ng mga Luna. Inutusan ni Lady Elle si Manolo at Trixie para mag-imbestiga pa. Alamin daw ni Trixie kung may iba pang intensiyon si Noah kay Lyka without Lyka’s knowledge.

Nagpunta sa mga libingan ng mga lahi ng mga taong lobo sina Lyka at Alec. May nakita si Lyka na kumikinang sa ground pero pinyeta(?) lang pala iyon. Ipinaalala lang ni Alec na sinasabi rin na magpapakita ang bato unless ready si Lyka.

Sinusundan pa rin ni Nessa si Anton. Nakita niyang may mga tine-test itong dugo (tinitignan niya sa bintana). Nagalit si Anton dahil hindi niya nagustuhan ang resultang tinignan niya sa microscope. Nag-iba ang mga mata ito at doon nakita ni Nessa na totoo ngang naipasa niya kay Anton ang “sumpa.” Silently, she asked for Anton’s forgiveness dahil pati siya nadamay sa sumpa.

Nag-ti-train pa rin sina Alec at Lyka. Nangyayari ang lahat ng ito habang naglalaban sila: Sinabi daw ng lolo ni Alec na si Remus daw ay nakakapagpagalaw ng mga bagay kahit hindi hinahawakan at nakakalipad daw ito. Ayaw maniwala ni Lyka. Ano raw ang gusto ni Alec, ang tumalon siya sa building para matutong lumipad? Taong lobo daw siya, hindi siya ibon or superwoman (di ba siya si Darna? Hehe). Baka raw takot lang siya sabi ni Alec, ayaw daw nitong tumalon sa building dahil baka raw masugatan ang maganda niyang mukha at baka makita iyon ni Noah. Kaya raw ba niyang isingit sa schedule niya ang boyfriend niya lalo na ngayong pati gabi ang dapat na silang magtrain. Kakayanin daw ni Lyka pero not tonight daw dahil may dinner date siya kasama ng pamilya ni Noah.

Sinabi ni Alec na hindi lang daw niya ma-gets, parang sinasabi daw ni Lyka na mamatay na ang mga taong lobo pero mag-di-date daw muna siya. Tinanong ni Alec kung marami na raw silang make-out sessions ni Noah o higit pa raw doon (In my mind, oo. Lol)? Nagalit si Lyka at lalo niyang ginalingan ang paglalaban nila ni Alec. Napatumba niya si Alec.

Noong dumating si Trixie at pumapalakpak ito. Ibinalita niya na haharap sa pulong ng mga Waya si Lady Elle sa gabing iyon para humingi ng tulong sa paghahanap sa bato ng Remus. Huwag daw siyang mag-alala dahil walang silbi ang bato sa taong traydor, kaya hangga’t hindi nila alam ang tungkol sa kanya safe sila. Kailangan na rin daw kasi silang masabihan tungkol sa ikalawang signos.

Sinabi ni Lyka na wrong timing pero ipinasabi niya kay Trixie sa lola na hindi siya makakapag-training that night dahil may dinner date siya with Noah and his family. Tinanong ni Trixie kung makapagkakatiwalaan daw ba talaga niya si Noah? Umoo naman si Lyka.

Habang nag-re-ready si Lyka sa date nila ni Noah, tinarayan muna siya ni Elton pero tinarayan din niya ito ng pailalim.

Sinabi ni Trixie kay Lyka na huwag daw itong magmamadali at huwag muna nitong ibigay ang ang lahat lahat nag pagtitiwala niya at buong puso at kaluluwa niya kay Noah. Sinabi ni Lyka it’s too late for that. Kahit marami pa raw siyang nakikitang hadlang.

Dumating si Noah at nagpaalam na sila kay Trixie. Tumawag si Trixie kay Manolo para ipaalam na umalis na sina Lyka at Noah at susundan niya ang mga ito.

Nininerbiyos si Lyka sa pagkikita nilang muli ng pamilya ni Noah at ayaw nitong pumasok sa pintuan. Noah assured her na okay na ang lahat.

Sa loob naman ng bahay. Sinasabi ni Zoe na baka hindi na naman sila salihan ni Noah sa dinner (ano ka bang bata ka, ang tanda na ng Kuya mo gusto mo wala pa siyang life. Tse!!!). Sinabi niyang may surpresa daw si Noah sa kanya at itinanong niya sa daddy niya kung alam nito kung ano iyon. Bago pa nakasagot si Leon, dumating na sina Noah at Lyka at may dala itong cake. Ipinakilala ni Noah si Lyka as his girlfriend.

Tinanggap naman ni Leon ang cake at pinaupo na niya sina Lyka at Noah. Sinabi ni Zoe na busog pa pala siya at tumayo ito at umalis sa hapag kainan (bruha talaga ang batang ito siguro crush niya si Noah hehehe). SUsundan sana siya ni Leon pero pinigilan siya ni Noah at ito na mismo ang sumunod.

Naiwan sina Leon at Lyka sa mesa. Humingi ito ng paumanhin kay Lyka sa inasal ni Zoe, hindi raw kasi nila nasabi kay Zoe (oo nga bakit hindi niyo sinabi). Leon asked permission from Lyka to be frank. Muntik na raw mawala sa kanila si Noah at sa isip ni Zoe si Lyka ang dahilan. Naliwanagan na raw si Leon ngayon at nalaman na niya ang pagkakamali niya. Sinabi ni Lyka na mapagmahal daw si Noah at mabuti siyang tao. Mahal na mahal daw niya si Noah at hindi niya ito ilalayo sa kanila ni Zoe dahil alam daw niyang mahal na mahal ni Noah ang pamilya niya.

Sinabi ni Noah na ayaw niya ang ginawa ni Zoe sa ATE Lyka niya. Hindi rin daw madali kay Lyka na humarap sa kanila. Sinabi ni Zoe na ayaw niya kay Lyka at ito raw ang dahilan sa mga nangyari sa kanya noon. Sinabi ni NOah huwag nitong husgahan si Lyka. Iyon lang at umalis na siya at naiwang nag-iisip ang bruhita niyang kapatid (wala ba siyang friend puro laptop na lang ang kaharap niya).

Naglalakad-lakad si Lyka sa bahay nina Noah at nakita niya ang picture nilang dalawa ni Leon noong bata pa si Lyka. Nanginginig ang kamay ni Lyka dahil sa nerbiyos at nabitawan niya ito. Nasugatan siya pero naghilom din ang kamay niya. Samantalang pababa naman ng hagdan si Noah at nakita niya si Lyka.

Mga Marka: ,

2 Tugon to “Lobo, Episode 67”

  1. MITZI Says:

    LOBO IS JUST GETTING BETTER AND BETTER!

  2. General Leon Discovers Lyka’s Secret « Cafe Melrose Says:

    […] my curiosity though is Zoey. It may be far fetched, but I have a feeling that Zoey is also a lobo. In one of the episodes from last week, Manolo’s informants told him to go to Leon’s house and he sees Zoey enter. The […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: