MALIGNO – Episode 3

by

“LAGLAG”

– Humahangos na dumating si Charlie sa bahay ni Angela, hinahanap nya ito. Nakita ni Charlie si Angela sa may labas nang kwarto nito at nakaupo sa couch.

Nag-aalala kasi si Charlie dahil tumawag sa kanya si Angela. Ipinakita ni Angela kay Charlie ang pregnancy test. Pagka-abot ni Charlie ay inamoy nya ito at sinabing bakit ang panghe (hahaha), sinabi ni Angela na pregnancy kit daw iyon. Napasigaw si Charlie nang “BUNTIS KA?” at tinanong kung sino ang ama, at naisip din agad ni Charlie na ang ama ay yung rapist. Hindi makapaniwala si Charlie kaya sinabi nyang ulitin ulit ni Angela. Inabot agad ni Angela ang pangalawang pregnancy test, talagang ngang positive.

Sa kulungan naman, may 2 lalaki at isang babaeng bumisita kay Lucas, miyembro nang kulto (parehong nakatalikod kaya hindi makilala kung sino.) Sinasabi ni Lucas na naganap na ang prophecy at pinababantayan nya si Angela sa mga ito.

Nagpunta si Angela sa bahay ni Lucas. Pagpasok nya ay nakita nya ang isang katerbang paintings, puros mukha nya ang iginuhit ni Lucas. Meron ding painting na sya ay buntis at may buntot nang demonyo ang nakalitaw sa kanyang sinapupunan. Merong mga skulls na nasa sahig. Very eerie ang bahay ni Lucas. Nagulat si Angela nang biglang dumating ang imbestigador (DJ Durano), tinanong sila kung ano ang ginagawa nila doon. Sinabi ni Angela na gusto nya lang malaman kung sino ang kaaway nya. Sinabi nang imbestigador na on going ang kaso at wala syang search permit, baka makasuhan pa sya. Nagalit si Angela dahil sya na nga daw ang biktima. Inexplain nang imbestigador na trespassing sya at hindi naman kasi iyon ang scene of the crime. Sa susunod daw ay ipaaalam sa kanya kung may gagawin sila Angela. Sinabi ni Angela na gusto nyang makita si Lucas.

Pumunta ulit sila sa kulungan ni Lucas. Sinisilip ni Angela si Lucas pero hindi nya makita…nang biglang ginulat sila dahil bigla itong sumulpot. Sinabi ni Lucas na alam nya na darating si Angela at alam nya kung bakit ito nandoon. Tinanong nya si Angela kung naniniwala na ba daw ito? At kahit anong gawin ni Angela ay nakatakda na daw ito, malapit nang lumabas ang anak nila. Inamin ni Angela na kaya sya pumunta ay dahil nga sa anak nila, pero gusto nya ding ipaalam na hindi iyon matutuloy. Nanlisik ang mga mata ni Lucas sa galit.

Nasa office si Angela at may hawak na gamot pampalaglag. Sana daw ay mapatawad sya nang Diyos sa gagawin nya.

2:59 am, sa kwarto ni Angela ay nagsisisigaw sya sa sakit nang tyan. Eksaktong 3:00 am ay may lumabas na halimaw (kulay puti at pula ang mga mata) sa ilalim nang kama ni Angela, pero hindi nya ito nakita. Kinuha ni Angela ang phone para tumawag sa kaibigan.

Sinugod si Angela nila Marissa at Charlie sa ospital. Tinanong ni Marissa si Charlie kung ano ba ang nangyari kay Angela. Napilitang sabihin ni Charlie na buntis si Angela, ayaw daw kasing ipasabi nito kahit kanino maski kay Marissa. Sinabi ni Marissa na nandoon daw sila para ituwid ang isip ni Angela. Gusto ni Marissa na sabihin ni Charlie na ipalaglag ang bata. Hindi iyon nagustuhan ni Charlie. Sinabi ni Marissa na hindi sya kikilabutan dahil ginahasa daw si Angela ni Lucas tapos ngayon ay pag-aalagain si Angela nang anak nito? Sinabi ni Charlie na every baby is a blessing, sagot naman ni Marissa na pwera ito. Dagdag pa ni Marissa na bata pa daw si Angela, madami pang mangyayari sa career nito at madami pang lalaking magkakandarapa dito. Kapag binuhay daw ni Angela ang anak ni Lucas ay hindi na daw makakalimutan ni Angela ang lahat nang nangyari sa kanya. Against si Charlie sa abortion. Sinabi naman ni Marissa na nag-overdose daw si Angela nang pills at suicide attempt daw iyon. Sagot ni Charlie: “sana hindi nalang kayo naging babae. Ako, kahit gahasain ako, hindi ko ipapalaglag ang baby ko. Sayang lang ang mga matres (womb) nyo!”

Sa ibang bahay – tuwang tuwa ang tiyahing (tita) na nag-ampon kay Eliza (yung batang anak nang mangkukulam) dahil ang tataas nang mga grades na nakuha. Sabay sumbat sa totoo nyang mga anak (isang babae at isang lalaki) dahil ang mahal daw magpaaral ngayon. Kaya daw mas mabuti pang isang ampon ang bata dahil nagsisikap, nagpupursige, mahiya daw sila sa pinsan nila (kay Eliza.) Habang pinapagalitan nang kanyang tiyahin ang mga anak nito ay naiiyak naman si Eliza dahil nasasaktan din sya sa mga naririnig.

Sa ospital naman ay sinabi nang doctora (Debraliz) na safe ang bata. Nagalit si Angela dahil ayaw daw nya sa batang iyon, anak daw iyon nang demonyo. Nagwala si Angela dahil gusto nyang mawala talaga ang bata. Binigyan si Angela nang gamot para ma-sedate sya.

Nagpulong-pulong ang mga miyembro nang kulto, nagdidiwang sila dahil nangyari na ang prophecy at lalabas na ang anak nang demonyo. Ang leader nang kulto ay si DJ Durano, ang imbestigador.

Pinuntahan nang imbestigador si Lucas sa kulungan. Sinabi nitong wala na itong dapat problemahin pa dahil ligtas na si Angela. Natuwa naman si Lucas sa balita.

Habang naglalakad si Dr. Salcedo (Diether Ocampo) ay tinawag sya nang attending doctor ni Angela (si Debraliz) at ipinakilala sa isa pang doctora. Sinabi ni Debraliz na pinag-uusapan daw nila ang nangyari kay Angela. Nabalitaan nga daw ni Dr. Salcedo ang insidente kagabi at tinanong nya si Debraliz kung ano ba ang nangyari. Ikinuwento ni Debraliz kay Dr. Salcedo na malaki daw ang problema ni Angela dahil ayaw nitong ituloy ang pagbubuntis nya and she can’t decide kung ipapa-abort ang baby o hindi. Kung hindi nga lang daw siguro anak iyon sa pagka-rape ay hindi daw ito siguro magkakaganon. Naawa ang dalawang doctor kay Angela. Dagdag pa ni Debraliz na siguro daw ang naisip na best escape ni Angela ay ang magpakamatay.

Nagising na sa pagkakatulog si Angela, nagpasya itong pumunta sa rooftop nang ospital kahit nanghihina. Pagdating nya sa rooftop ay may nakita syang isang ale na nakatayo sa gilid (parang magpapakamatay) at sinabing tama ang gagawin ni Angela, kailangan nyang tumakas sa kanyang kinalalagyan, magpatalo daw ito at tapusin na ang lahat. Hinikayat nitong tumalon si Angela, kung ayaw daw ni Angela ay sya nalang ang gagawa nito para sa kanya – biglang tumalon ang ale. Napasigaw si Angela at hinimatay sa nakita.

Pag gising ni Angela ay nasa kwarto na ulit sya nang ospital. Pero nagulat sya nang pag gising nya nandoon si Lucas sa kwarto nya. Kahit hinang-hina pa ay tumayo si Angela, gustong makatakas kay Lucas. Galit si Lucas dahil tinangka daw ni Angela na patayin ang anak nya. Pumatong ulit si Lucas kay Angela, parang gagahasain ulit sya. Naiiyak si Angela at walang magawa pero sumisigaw para humanap nang tulong. Biglang dumating si Charlie at nakita si Angela pero wala naman si Lucas. Nag-iiiyak si Angela at sinasabing nandoon daw si Lucas. Takot na takot si Angela. Hindi naman maintindihan ni Charlie si Angela dahil wala naman si Lucas, pero takot din ito.

Sa office, inutusan ni Marissa ang isang staff na ipahiram muna sa kanya ang tape nang interview ni Lucas, meron pa daw kasi syang gagawin doon.

Habang pinapanood ni Marissa ang tape nang interview ni Lucas – sinasabi ni Lucas na hindi sya nagsisisi sa ginawa nya dahil nakatakda na daw ang lahat, pati ang araw nang pagsilang nang anak nila. Wala daw makakahadlang sa katapusan nang lahat. Biglang parang nag-iba ang appearance ni Lucas. Ni-rewind iyon ni Marissa and she paused it where she saw something – parang nasa demonyo ang itsura ni Lucas, nagimbal si Marissa sa nakita.

“But we are not of those who shrink back and are destroyed, but of those who believe and are saved.” – Hebrews 10:39

Teasers:

– Kinuha ni Marissa ang tape. Habang nasa elevator sya ay parang may naka-abang na panganib.

– Nakita ni Angela ang kanyang baby sa ultra sound, may heartbeat na ito. Sinasabin ni Angela na parang natuwa sya nang makita nya ito.

– Dinalaw ni Dr. Hector Salcedo si Angela. Sinabi nya na madalas daw nyang pinapanood ang programa ni Angela, at marami daw silang humahanga dito. Sinabi ni Hector na sana daw ay pangalagaan ni Angela ang kanyang sarili dahil importante daw sya.

– Napansin ni Angela na parang hindi mailarawan ang mukha nang kanyang doctora, tinanong nya kung ok ba daw ang bata – hindi ito makasagot.

– Nanaginip si Angela na may lumalabas na itim na kamay sa kanyang sinapupunan.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: