Lobo Episode 66

by

Nakuha ni Lyka ang bato ng Remus. Hawak ang bato ay pinaglalaban ni Lyka ang panghihina sa sakit na nararamdaman dulot ng hawak na nagliliyab na bato. Habang naglalakad patungo sa labasan ng kweba ang nanghihina na si Lyka ay napapasubsob ito at tuluyan ng bumagsak ang katawan sa lupa, subalit hawak pa rin niya ang bato. Pinagmamasdan ni Lyka ang tangan na tila may sariling isip na nagliliyab na bato, napahiyaw ng napakalakas si Lyka nang parang sinadyang sindihanan ang kanyang kamay ng bato ng Remus. Ang bato ay naging abo, at ang abo ay nag-hugis lobo, napanganga at nanlaki ang mga mata ni Lyka sa nasaksihan.

Pumunta si Noah sa mansion ni Lady Elle. Nagtanong ang binata sa guard kung nandun si Lyka Raymundo, pero ayun sa guard ay wala siyang kilalang Lyka. Pinaalis ng suplado at masungit na guard si Noah.

Nagsalita ang hugis lobo kay Lyka, “Ang bato ng remus ay makukuha lang ng isang taong lobong tunay na naiintindihan ang pagligtas sa buong lahi ng mga lobo.” Hindi maintindihan ng naguguluhan na si Lyka ang ibig sabihin ng hugis lobo. Pagkatapos ang hugis lobo ay naging abo muli at pumasok sa bibig ni Lyka, tila may apoy sa leeg ni Lyka nang makapasok ng tuluyan sa katawan niya ang abo na naging lobo na naging abo na nagmula sa nagliliyab na bato ng Remus, nawalan ng malay ang dalaga. Natagpuan ni Lady Elle ang nakahandusay na apong si Lyka.

Iniuwi nina Lady Elle ang walang malay na si Lyka. Nakita sila ng nag-aabang na si Noah, sumilip sa gate si Noah at nakita nito na ibinaba sa sasakyan ang walang malay na si Lyka.

Nag-aabang pa rin sa harap ng hapag kainan ang kapatid at ama sa pagdating ni Noah, upang makasalo siya sa hapunan. Nagsimula ng kumain si Gen. Leon, tumayo si Zoey at sinabing nawalan na siya ng ganang kumain.

Sinuri ni Dr. Selina Argos ang walang malay na si Lyka. Nagkakagulo sila at hindi maintindihan ang nangyari sa “huling bantay”. Walang maisagot si Lady Elle sa mga katanungan nina Don Manolo at Trixie sa kung ano talaga ang nangyari sa loob ng kweba.

Natigilan sina Trixie at Selina nang usisain ni Lady Elle kung nasaan ang pamangkin na si
Nessa.

Nasa labas ng bahay nina Anton ang nagmamatyag na si Nessa. “Ipinasa ko nga ba sa iyo ang sumpa Anton? Diyos ko, alam kong imposible pero sana, sana mali ako”.

Sinabi ni Rodolfo sa mga kapwa itim na lobo na kakaiba ang lakas ng lobo na nakaengkwentro niya, (si Nessa ang tinutukooy ni Rodolfo). Sigurado si Rodolfo na itim na waya rin ang lobo na iyon at gusto niya itong hanapin upang gawing kakampi. Ayon kay Rodolfo pag nasa panig na nila ang naka-engkwentro na lobo ay tuluyan na silang maghahari sa lahi ng mga taong lobo. AWWWOOOOO!

Nagawang makapasok ni Noah sa mansion, nakita siya ni Alec. Nagpanambuno ang dalawang lalaki, nanaig ang lakas ni Noah sa taong lobo na si Alec (ha!? paano? bakit mas malakas si Noah samantalang taong lobo si Alec? si Noah kaya ang tunay na “huling bantay”?), nakatakas si Noah.

May kausap sa telepono si Gen. Leon, gusto niyang malaman kung safe si Noah sa pagtatrabaho nitong muli sa House of Elle. Dumating si Noah at humingi ito ng paumanhin sa hindi pagkakasalo sa hapunan. Hinanap ni Noah ang kapatid, sinabi ng ama na nagtatampo ito. Napag-usapan ng mag-ama si Lyka, sinabi ni Noah na pag nakilala mabuti ni Gen. Leon si Lyka ay magugustuhan din niya ito. May tumawag kay Gen. Leon at nanlumo ito sa natanggap na balita. Nagtanong si Noah na kapag daw ba bilog ang buwan ay saka umaatake ang mga lobo. Sinabi ni Gen. Leon na mas maraming insedente kapag full moon, at sa gabing iyon ay limang inosenteng sibilyan ang pinatay ng mga taong lobo. Naiwan ang tila nag-iisip na si Noah sa sinabi ng ama.

Binabantayan ni Lady Elle ang apo, nandoon din si Don Manolo sa silid. Sinisisi ni Don Manolo ang sarili sa pagkakapasok ni Noah sa House of Elle. Pero ayon kay Lady Elle ay hindi sila dapat maalarma kaagad kasi malamang na hinahanap lang ni Noah si Lyka. Nagkamalay na si Lyka.

Balisa sa pagtulog si Noah. Napapanaginipan nito ang kasamahan na namatay sa kanyang harapan noong siya ay nakakulong pa, sinasabi ng mistah na kailangan ng Luna si Noah, siya na lang ang pag-asa at hinihiling nito na huwag silang bibiguin ni Noah. Sumigaw ang napabalikwas sa higaan na si Noah. Narinig ni Zoey ang sigaw ng kapatid at pumasok ang dalagita sa silid ng kanyang kuya. Sinabi ni Noah na okey lang siya. Humingi ng sorry si Noah sa nangyari ng nagdaang gabi (nagluto si Zoey at hindi dumating si Noah). Sinabi ni Zoey na alam niya na si Lyka ang dahilan, at palagi na lang sila ipinagpapalit ni Noah kay Lyka. Ayon kay Zoey ay hindi niya magugustuhan si Lyka para sa kapatid kahit kailan, at bakit hindi na lang ibang girls o si Gabby ang mahalin ni Noah. Sinabi ni Noah sa kapatid na si Lyka ang gusto niya.

Ikinuwento ni Lyka ang nangyari.
Lyka : Naging abo iyong bato, tapos ang abo ay naging lobo. Kinausap nya ako eh, sinabi nya sa akin na ang nakakaintindi lang daw ng kahulugan ng totoong pagligtas sa lahi ng mga taong lobo ang makakakuha ng bato.
-Nagdududa si Selina kung nahawakan nga ni Lyka ang bato. Sinabi ni Lyka na kung hindi ito naniniwala ay bakit hindi ito pumunta sa kweba at siya (Selina) mismo ang kumuha ng bato ng Remus.
Lyka : Ni-risk ko ang lahat para lang gawin kung ano ang gusto nyo. Handa nga akong mamatay eh, kahit na ba hindi ko pa tanggap ang pagiging taong lobo ko, sinunod ko kayo tapos ito iyong igaganti ninyo sa akin. Pinagdududahan nyo ako. Eh kayo, ano ba ang alam ninyo? Sinabi nyo sa akin na kapag sinunod ko kayo, makukuha ko ang bato ng Remus. Bakit wala akong nakuha? DAPAT KAYO ANG NAKAKAALAM SA SAGOT NA IYON?
Selina : My reaction is based solely in the information you gave us. Huwag mong sasabihin na ikaw lang ang nagsusugal para dito. Lahat kami, we all risk our lives in trusting you.
-Sinaway ni Lady Elle si Selina sa mga sinasabi nito, pero ayon kay Selina ay hindi iyon panahon para pumili ng mga salita. Ipinaalam rin ni Selina kay Lyka na nanloob sa mansion ng nagdaang gabi si Noah Ortega. Nag-alala si Lyka kung ano ang nangyari kay Noah, sinabi ni Lady Elle na walang masamang nangyari kay Noah. Sinabi ni Selina na hindi nila dapat pinatakas si Noah. Nagalit si Lyka at huwag daw idadamay si Noah. Nagbanta ang “huling bantay” na kapag ginalaw o sinaktan si Noah ay siya ang makakalaban. Dumating si Nessa at niyakap ng mahigpit ang anak. Hindi makatingin si Nessa kay Lady Elle.

Nagdududa na si Selina kung si Lyka nga ang huling bantay. Ayon kay Selina, si Lyka ang kilala nilang pinakamalakas na taong lobo, pero paano kung may iba pang mas malakas sa kay Lyka. Nagpalitan ng kuro kuro hinggil sa pulang buwan sina Selina, Alec, Lady Elle at Lorian. Sinabi ni Selina na wala na silang panahon at kailangan na nilang mahanap ang huling bantay. Naririnig ni Lyka ang pag-uusap na iyon.

Sa House of Elle, hinanap ni Elton kay Trixie si Lyka – nagbanta pa ang mataray na bakla na sisisantehin niya si Lyka. Dumating si Noah at hinanap kay Trixie si Lyka, walang nakuhang information si Noah sa kaibigan ni Lyka.

Natutuwa naman si Nessa na hindi nakuha ni Lyka ang bato, kasi puede na raw silang lumayo. Ayaw iwanan ni Lyka ang lola ganda niya. Kinukumbinsi na naman ng napapraning na si Nessa ang anak na lumayo upang mamuhay ng tahimik sa mga huling araw nila, bago dumating ang pulang buwan.

Pinuntahan ni Lady Elle ang prophet na si Nana Sela (?), para malaman ang mga sagot sa nangyari kay Lyka, kung bakit hindi nito nahawakan ang bato.
Nana Sela : Sa kanyang kapangahasan, hindi man siya namatay … nasisiguro ng batong magliligtas … hindi siya karapat dapat … dahil hindi siya ang huling bantay.
Lady Elle : Ano?
Nana Sela : Siya ang huling bantay … ngunit hindi … hindi siya ang huling bantay hanggat hindi niya naibibigay ang hinihingi ng bato ng Remus.
Lady Elle : Ano ho ang ibig ninyong sabihin?
Nana Sela : Nasa batong magliligtas ang bahagi ng kaluluwa ng unang naging huling bantay. May sariling isip at lakas … ngunit hindi anh huling bantay ang maghahanap sa bato … ang bato ang haharap sa huling bantay kung handa na ang kanyang puso.
Lady Elle : Handa saan? Tinanggap na ni Lyka ang kanyang responsibilidad at hinanda na namin siya sa mga pagsubok. Ano pa ho ang gagawin nya para maging ganap na hling bantay?
Nana Sela : Ang batong Remus lang ang nakakaalam.
Lady Elle : Pero nauubusan na po tayo ng panahn.
Nana Sela : parating na ang ikalawang signos … ang ikalawang tatak ng pulang buwan … mas masakit … may mabubunyag … magtago kayo … mag-ingat kayo.
Lady elle : Kung ganun hindi na namin hihintayin pa na maging handa si Lyka. Kailangan na namin mahanap ang bato ng Remus.
Nana Sela : Hindi madali kung susubukan … malapit lang ang batong magliligtas … nasa lugar kung saan matatagpuan ang lahi ng mga dakilang waya … malapit ngunit malayo sa huling bantay.

Kinakausap ni Lyka ang larawan ni Remus.
Lyka : Mali ka, magkaiba tayo. Wala akong kapangyarihan na gaya mo. Akala ko kaya ko. Ang yabang ko.

Nana Sela : may nakikita akong liwanag Eleanora. May nakikita akong liwanag sa pulang buwan. Ang huling bantay ang may dala, pero matindi … matindi ang pagdadaanan … matindi ang pagdadaanan.

Lyka : Hindi ako ang may kakayahan na gampanan ang mga responsibilidad na ginampanan mo noon. Akala ko okey lang iyon eh, pero hindi pala. Deadma lang pala ang mga malasakit ko sa lahat ng mga taong lobo, sa lahi ko. Nasa panganib sila ngayon. Kailangan ko ng tulong. Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Gagawin ko.

Sa House of Elle, nagtatanong tanong pa rin si Noah sa mga officemates ni Lyka. Itinanong din ni Noah kung palagi daw magkasama sina Lady Elle at Lyka.

Nag-i-impake si Nessa ng mga damit nila ni Lyka. Nagdesisyon si Nessa na ilayo si Lyka sa lola ganda nito. Hindi pumayag si Lyka sa gustong mangyari ng ina. Sinabi ni Nessa na hindi ang anak ang huling bantay, kasi hindi nito nakuha ang bato.

Teaser : Halikan na naman nina Noah at Lyka.

3 Tugon to “Lobo Episode 66”

  1. dumbako Says:

    i think yon na, naging abo yong bato at pumasok na sa bibig ni lyka. i don;t care basta ba maghalikan ukit sila ni noah, siguro nasishare din yong pagkalobo hehehe

  2. annedito Says:

    medyo nawawalan ako ng focus kapag may moment sina angel and piolo eh. puro wish ko kasi na sana ako nalang si angel…lol…yan tuloy hindi ko maintindihan ang sinasabi ni nana sela.

  3. jhenggay Says:

    wow..detalyadong detaldo..hehehe nakakalor K talaga ang mga pangyayari sa loob.. nice one..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: