MALIGNO – Episode 2

by

“BUNTIS”

Pagkatapos nang malagim na pangyayari sa bahay ni Angela, madaming pulis, imbestigador, tao, reporters/media. Nilabas na din ang 2 bangkay nang kasambahay ni Angela. Dumating ang kanyang 2 kaibigan, yung supervisor nya at ang alalay nyang bading. Naiiyak yung bading dahil sa nangyari kay Angela, inalo naman sya nang isa pa nyang kaibigan. Sinabihan sila nang imbestigador (DJ Durano) na kailangang ipa-medico legal si Angela. Tahimik lang na umiiyak si Angela.

Habang pinapa-medico legal si Angela ay naiisip parin nya kung paano sya ginahasa. Habang naliligo sa bathtub, nandidiri sya sa kahayupang ginawa sa kanya. Nag-iiiyak at sumigaw si Angela.

Kinabukasan ay masaya syang binati nang kanyang alalay na bading, pinaghanda sya nang special breakfast. Nandoon din ang kanyang kaibigang supervisor. Pinipilit nilang maging ok si Angela, pero wala ito sa mood, ni ayaw kumain. Sinabihan sya nang alalay na bading na kailangan nyang kumain dahil ilang araw na itong hindi kumakain, para naman may lakas daw itong harapin yung lalaking…bigla syang pinahinto magsalita nang kaibigang supervisor. Pinaupo si Angela nang kanyang kaibigang supervisor at hinandaan nang pagkain sa plato, pinapakain nya si Angela kahit konti lang daw. Hindi sya pinansin ni Angela at tumayo ito sa dining table, nag-walk out. Nagalit ang kaibigang babae ni Angela at sinabihan si sya na wala na syang kamag-anak at sila lang daw ang maaasahan nya, at kailangan nyang tulungan ang sarili nya dahil hindi naman din daw sya ang kauna-unahang babaeng na-rape. Nasaktan si Angela sa sinabi nang kaibigan. Sinabi ni Angela sa kaibigan na madaling sabihin dahil hindi naman daw sya ang sinaktan, hindi sya ang binaboy, hindi sya ang ginahasa. Ipanalangin lang daw nya na hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Angela, dahil baka hindi nito kayanin ang ginawang kahayupan nang lalaking iyon. Dagdag pa ni Angela na sinasabi daw nang utak nya na kalimutan ang lahat nang ginawang kahayupan nang lalaking iyon, pero sa kaloob-looban nang katawan nya, merong isang hindi nya maintindihan kung ano, na hindi nya maitapon. Sa puso’t isipan nya ay hindi nya makakalimutan ang amoy nang hayup na lalaking iyon, kahit na kuskusin at matuklap ang balat nya sa sobrang hapdi, hindi nya makalimutan ang mukha nang demonyong nanlilisik ang mata. Sabihin daw sa kanya (Angela) kung paano nya makakalimutan ang lahat nang nangyari sa kanya?

Habang nasa kwarto (kasama nya ang alalay na bading, tulog na ito), nanonood nang tv si Angela. Nasa news ang balita tungkol sa pang-gagahasa sa kanya at ang pagsampa nya nang kaso laban kay Lucas dahil ito ang nang-rape sa kanya. Marami pa din daw ang nagdududa dahil madalas makita si Lucas sa opisina ni Angela, baka may relasyon daw ang dalawa o baka naman daw gumagawa lang nang issue si Angela para lalo syang mapag-usapan. Hindi makapaniwala si Angela sa mga narinig nyang balita.

Kinabukasan, pagpasok nya nang building, nagbubulungan ang mga tao sa pagdating ni Angela. Halos lahat nang tao ay pinagtitinginan sya, pinag-uusapan at kahit na binabati sya nang mga kasamahan ay parang tensyonado sila. Nakasalubong ni Angela ang kanyang kaibigang supervisor sa elevator. Sinabi nito na walang nagsabi na kailangan na ni Angelang pumasok. Tinanong ni Angela kung hindi ba daw ito nanonood nang tv, sa kabilang station? Sinabi nang kaibigan ni Angela na hindi daw nito kailangang mag-explain dahil sya ang biktima. Sabi ni Angela alam daw iyon nang kaibigan nya, pero ang ibang tao ay ginagamit sya para lang sa ratings nila, bakit hindi daw sila ang gumamit nun? Sya daw mismo ang magkukuwento. Tinanong sya nang kaibigan kung kaya nya. Sagot ni Angela ay kakayanin daw nya. Pagkatapos? (tanong nang kaibigan ni Angela.) Sagot ni Angela ay matatahimik na daw sila – sana.

Sinimulan na nila ang special coverage tungkol sa pang-gagahasa kay Angela, ang kaibigan mismo ni Angela ang host nang coverage na iyon (Marissa Lazaro ang name nya, hay salamat! – Ara) After the intro…

Marissa: Angela, how are you coping now?

Angela: Pinipilit kong maging matatag, pero maraming gustong mapabagsak ako ngayon. Hindi lang ako biktima nang rape…biktima din ako nang paninira. I just want to make one thing clear…before the rape, I had no connection with the —– offender. Nakita ko sya sa labas nang office ko.

Marissa: So Angela, hindi totoo ang mga bali-balita na may relasyon kayo?

Angela: Kung me relasyon kami, anong motibo ko kung sumigaw ako nang rape? Wala kahit sinong babae ang gustong ma-rape (Angela starts to cry.) Wala kahit sinong tao ang gustong maiskandalo ang pangalan nila sa ganitong sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. (Viewers are starting to feel for Angela.) Ako, ako yung sinaktan…ako yung binaboy, at ako din yung ginahasa. Bakit kailangan ako pa ang magpaliwanag sa buong mundo na…na hindi totoo ang sinasabi nang ibang tao. Meron kayong kapatid na babae, meron kayong ina, ipanalangin nyo na kahit kailan ay hindi mangyari sa kanila ito dahil napakasakit. Kailangan din mabigyan nang hustisya sa pagpaslang nang hayup na iyon sa dalawa kong kasambahay. Kung maaari lang na ilagay ko sa aking mga kamay ang pagpaparusa sa demonyong iyon…walang kahit na anong tropeo (trophy) ang pwedeng ipang-tapat sa sakit at kahihiyan na dinadanas ko ngayon…wala.

Marissa: Angela, meron ka bang gustong ipanawagan sa mga kinauukulan para sa taong humalay sa iyo?

Angela: Gawin nyo ang trabaho nyo, iyon lang. (Angela starts to weep and her friends comforted her.)

– Paglabas nila nang studio, nakita nila Angela at ang alalay nyang bading na kausap ni Marissa ang imbestigador (DJ Durano.) Sinabi nang imbestigador na nahuli na nila si Lucas at kasalukuyang nakakulong ito. Wala daw itinanggi si Lucas pero may dinagdag/ may sinabi daw itong halos hindi daw nila mapaniwalaan. Tinanong ni Angela kung ano iyon. Sinasabi daw ni Lucas ang tungkol sa isang prophecy. Baliw! (nasabi ni Angela), gusto daw nyang makita si Lucas.

Pumunta sila Angela sa camp kung saan nakakulong si Lucas, madaming media sa loob nang camp. Nagharap sila Lucas at Angela. Meron paring takot sa mukha ni Angela at hindi nya napigilang umiyak. Sinabi nya na si Lucas nga ang humalay sa kanya. Hindi naman itinanggi iyon ni Lucas. Nagalit si Angela at gustong saktan si Lucas. Pinahinto sya ni Lucas sa pagwawala dahil baka daw kung mapaano (merong mangyari) ang kanilang anak. Sinigawan sya ni Angela at tinawag syang baliw.

Pag-uwi ni Angela ay naligo ulit sya at nag-soak sa bathtub, naaalala parin nya ang boses ni Lucas at ang mga pinagsasabi nito tungkol sa anak nang demonyo. Namalik-mata si Angela at akala nya ay may dugong pumapatak.

Bumalik na sa trabaho si Angela pero hindi sya maka-focus o makapag-concentrate sa kanyang mga lines. Medyo mainitin din ang kanyang ulo, halos napapagalitan nya lahat nang staff, galit din sya sa mga taong nanonood sa paligid. Tinawag nya ang kanyang alalay na bading na si Charlie (ay salamat at may pangalan na – Ara.) Sinabi ni Charlie na kanina pa nya napapansin na mainit ang ulo ni Angela, pati pagme-make up nito ay pinagdidiskitahan na din ni Angela, para daw itong naglilihi. Nabigla si Angela sa sinabi ni Charlie.

Pag-uwi nya nang bahay ay nag pregnancy test sya. Natakot sya dahil positive ang result. Dalawang pregnancy test na pala ang sinusubukan nya, parehong positive. Naiyak si Angela.

“I am the Living One; I was dead and behold I am alive for ever and ever! And I hold the keys of death and Hades” – Revelation 1:18

Teasers:

– Buntis si Angela at si Lucas ang ama.

– Pinuntahan ni Angela si Lucas. Masaya si Lucas at sinabing malapit nang lumabas ang kanilang anak.

– Ayaw ni Angela sa sanggol sa kanyang sinapupunan, anak daw ito nang demonyo.

– Si Diether Ocampo ang isa sa mga doctor ni Angela.

– Nagpunta si Angela sa rooftop nang hospital. May nakita si Angela na pasyenteng tumalon sa may rooftop, nagulat at sumigaw si Angela.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: