Lobo, Episode 65

by

Napasok na sa kweba si Lyka. Kinailangan niyang labanan ang malakas na hangin na naroroon.

Tinatawagan ni Noah si Lyka sa telepono.

Narinig ni Noah ang pag-uutos ni Leon sa kausap nito sa telepono na they aim for zero casualties ngayong gabi dahil kabilugan na ng buwan.

Nagpaalam si Noah sa ama at kapatid para pumunta sa opisina. Si Miss Lara lang ang nakausap niya para pero hindi rin naman nito alam kung nasaan si Lyka. Ang alam lang niya ay kasama nito sina Lady Elle at Trixie.

Tinatanong ni Dr. Lee kung paano na sila ngayong hindi na si Silva ang pinuno ng mga LUna. Paano na ang mga projects nila at saan sila kukuha ng budget? Problema na raw niya iyon, ang mga eksperimento daw nila ang asikasuhin ng doktora. Biglang kumatok si Anton at may ibinigay na reports. Nacurious si Anton sa bisita ni Dr. Lee pero dinismiss siya agad ni nito para hindi na makapagtanong tungkol sa bisita.

Umiiyak naman si Nessa. Dahil daw sa totoo nitong kulay hindi man lang niya ito matulungan ang anak dahil kabilugan ng buwan.

Hindi na alam ni Lyka ang gagawin sa loob ng kweba. Biglang lumitaw ang imaginary Noah. Sinabi ni Noah na hindi nila ibibigay sa kanya iyon kung alam nilang hindi niya ito kakayanin. Itanong raw niya sa sarili niya, kung mahalaga raw ba iyon o kung kakayanin niya iyon? Umoo si Lyka. Kung ganoon raw ano pa ang hinihintay niya.

Biglang nawala si imaginary Noah. Desidido ng tumalon si Lyka sa parang bangin na nasa loob ng kweba.

Sinabi ni Silva kay Dr. Lee may naaamoy siya kay Anton, kailangan daw nilang imbestigahan ulit ito kahit na alam na nila ang background nito (I don’t think alam ni Vivian na lobo si Silva, she just probably thinks paranoid siya).

Nakaligtas sa pagtalon ni Lyka sa bangin at nakarating ito sa kabilang parte ng kweba.

Nag-aalala na si Trixie sa alaga niya. Tinanong niya si Lorian kung meron bang times na she feels so helpless din? Many times raw with Lady Elle sagot naman nito. Sinabi ni Lorian na bago pa lamang si Trixie sa tungkulin niya pero malalaman niyang marami siyang maitutulong kay Lyka in the future. Just have faith with Lyka.

Samantalang nasa telepono naman si Manolo at sinisigurong nasa safehouse na lahat ng mga taong lobo.

Nakita nina Manolo, Lorian at Trixie si Nessa na tumakbong papalayo mula sa bahay. Hindi nila maintindihan kung bakit ito umalis where in fact mas safe siya kung sa mansiyon siya magpapalit ng balat.

Nagpalit na ng balat si Anton bago pa siya nakapasok sa cage niya. Hinabol niya si Clara pero nakatakbo at naisara naman ni Clara ang pintuan ng basement bago pa siya nasaktan ni Anton.

Parang naliligaw si Lyka sa loob ng kweba. Nakita niya si Alec/Remus (yum!). Tinanong ni Lyka kung ano ang kailangan niyang gawin. Tumakbo si Remus at sinundan siya ni Lyka.

Bilog na ang buwan. Nakapagpalit na ng balat sina Lady Elle at Alec (kaya siguro sikat na model si Alec, kasi may animal appeal siya hehehe) pero wala pa rin si Lyka kaya nag-aalala na si Lady Elle. Labag man sa batas ng mga taong lobo, nagpasiya si Lady Elle na sundan si Lyka sa lobo ng kweba.

Nakapasok na si Lady Elle.

Sinusundan pa rin ni Lyka si Remus. Hindi ito nagsasalita tumatakbo lang si Remus. Biglang nawala si Remus at lumitaw ang lalagyan ng bato ni Remus sa harapan ni Lyka. Napapaligiran ang bato ng Remus ng apoy.

Nagpalit na ng balat ang mga itim na lobo. Sinabi ni Rodolfo sa mga kasama na maghasik sila ng lagim, ipaghiganti nila si Eliza.

Nag-aalinlangan si Lyka dahil naalala niyang pwede siyang mamatay kung hindi pala siya ang huling bantay. Pinatatag ni Lyka ang sarili, naalala niya ang sinabi ni Noah na kung malakas ang paniniwala niya sa ipinaglalaban niya, mawawala ang sakit ng mga pagsubok. Kinausap niya ang sarili, kaya daw niya iyon, para sa mga taong lobo, para makita niya ulit si Noah.

Nakita ni Rodolfo si Nessa. Naamoy ni Rodolfo ang lakas ni Nessa. Sinabi niyang hindi daw manok ang makakapawi ng uhaw niya kung hindi dugo ng tao. Sinabi ni Nessa na hindi siya katulad nila, wala siyang pinatay.

Natawa lang si Rodolfo at sinabi niyang pareho lang daw sila ng kulay. Kung nabuhay man daw ang kinagat ni Nessa, naipasa na niya dito ang sumpa ng kanilang lahi.

Pero hindi raw ito sumpa, bawi ni Rodolfo. Dahil sila raw ang mananaig at maghahari sa lahat. Itinulak ni Nessa si Rodolfo ng buong lakas at nagkatawang lobo ulit si Nessa at umalis.

Nasasaktan ng husto si Lyka noong kinuha na niya ang bato ng Remus. Umiiyak ito pero hindi siya natupok ng apoy. Nasa kamay na ni Lyka ang bato ni Remus at nanghihina itong naglalakad para makalabas ng kweba at ipasinag ito sa buwan.

Natumba si Lyka…

Teasers:

Pumasok si Lady Elle sa kweba.

Sinadya ni Lady Elle si Nana Sela (walang sound!)

Nasa kwarto ni Lady Elle si Lyka at niyayakap ang walang malay/tulog na apo.

Mga Marka: ,

9 Tugon to “Lobo, Episode 65”

  1. annedito Says:

    hay nako, thank goodness at naka-uwi si lady elle. that means hindi siya namatay. talagage affected ako sa kanya ha…hehe

  2. batangsutil Says:

    Sobrang ganda talaga into LOBO. I just wonder why it doesnt seem to do well in the ratings?

  3. lobo-fan Says:

    huh..di ko alam na di maganda rating ng lobo..sad naman ako diyan…ako talga umuuwi ng maaga galing sa office para lang mapanood ko ang lobo..at bakit kaya nagwoworry din ako kay lady elle instead na kay lyka kc alam kong si lyka ang bida kaya di naman siya mamamatay..hehehe..thanks dito sa mga updates niyo ha..kc pag di ako nakakapanood dito talga ako nagbabasa and even nakapanood ako binabasa ko pa rin grabe🙂

  4. ptvj Says:

    batang sutil,

    quality shows do not always equal to commercial success. hindi porke’t maganda, sinusuportahan na ng masa. just look at the idiots they (i don’t vote in the philippines so hugas kamay ako hehehe) elected in the government.

    those people who hate lobo, they always say na its because they hate angel locsin (dahil nga lumipat siya sa ch2) or because piolo is bading daw. wala naman silang masabi about the story itself.

    that rating is in mega manila only. i wonder how many panels they have to represent the viewing public of mega manila. i’ve always wondered about that. is it enough to give a viable representation of the mega manila population? and do the panels stay in one home all the time? maybe they should do a rotation of some sort. it’s doing fairly well in NUTAM (they’re actually around in the top 3 more or less).

    i’ve taken enough statistics classes in the psat to last me a lifetime and even the next, i hated it with passion. but it taught me that it’s not bias free. you can manipulate statistical values to produce the result that you want. i am not accusing anyone of cheating, i’m just saying it’s possible.

  5. batangsutil Says:

    ptvj,

    Thank you for your comment and explanation. I understand about the rating…I myself do not always believe what I see listed on PEP. I guess for me, it just boggles my mind that sometimes it is not even noted on the ratings, because in my opinion it is one of the BEST teleseyre I have seen. I enjoy watching it and I like lobo-fan said, I worry about Lady Elle too…lolol!

  6. ptvj Says:

    batangsutil, i always read the rating sa PEP and it’s consistent on the lower top 10 naman. they have a separate page for the ratings whenever they write an article about it. do you check those?

    i think its one of the best teleseryes too. it’s out of the ordinary. it has a heart and higit sa lahat hindi corny. bwahahaha!

  7. batangsutil Says:

    ptvj,

    Ngek, I didnt know there was a separate page for the other ratings…lolol. Thanks!

  8. NoCar Says:

    ptvj, saan makikita ang rating.

  9. ptvj Says:

    batangsutil, oo meron. although i don’t see the point kung bakit kailangan pa. basta pag may article ng ratings and pep dun sa bottom portion ng article, merong CLICK HERE to see the rest of the ratings.

    nocar, sa pep ko lang nakikita iyon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: