Maligno – Episode 1

by

**Sorry hindi ko pa kilala ang mga names nila dito. Pagpasensyahan nyo na. – Ara**

“Ang alagad nang kasamaan ay nasa paligid lamang. Naghihintay sa pagdating nang anak nang kadiliman.”

GABI – Sa isang orphanage ay may umiiyak na babae (Rio Locsin) at inihahabilin ang kanyang baby sa dalawang madre. Sinasabi nya na huwag daw pababayaan ang kanyang anak, at siniguro naman nang mga madre na hindi nila pababayaan ang sanggol. Bago tuluyang iwan ay kinuha muli nang babae ang anak nya sinabing mahal na mahal nya ito. May dumating na lalaki (hindi ko alam kung asawa nya ito) at sinabihan nya yung babae (si Rio Locsin parin) na kailangan na nilang umalis, at parang takot na takot ito. Kaya’t binigay na nang babae ang baby sa mga madre at umalis na silang dalawa nung lalaki.

“Itinakda na kung sino ang mga magulang nang sanggol na ito. Dalawang nilalang na may tatak nang demonyo.” Napansin nang madre (na may hawak sa sanggol) na may balat (birthmark) ang baby sa kanang kamay nito.

“At lahat nang hahadlang sa itinakdang ito, ay may sasapitin na malagim na kamatayan.” May naghihintay pang ibang kasamahan kina Rio Locsin at sumakay na silang lahat sa kotse.

Ang isang babaeng kaibigan ni Rio Locsin (si Susan Africa) at kasama din ang anak na lalake nito, ay pumunta sa isang karinderia para kumain. Hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Rio Locsin at naaalala parin ang anak na iniwan sa orphanage. Tinanong nang anak ni Susan Africa kung saan sila pupunta. Sinabi ni Susan Africa na pupunta na sila nang America, buong mag-anak. Tuwang tuwa ang anak ni Susan Africa (Dahlia?) dahil hindi pa raw ito nakakasakay nang airplane.

Tinanong ni Rio Locsin si Dahlia kung tama ba daw ang ginawa nyang pagpapa-ampon sa anak nya. Sinagot sya ni Dahlia na oo, kesa naman daw patayin nito ang anak, dahil alam nyang hindi kaya ni Rio Locsin na patayin ang anak nito, kahit daw si Rio Locsin ang inatasan na maging ina nang hari nang kadiliman. Umiiyak parin si Rio Locsin at tinanong muli ang kaibigan kung paano daw kung hindi naman daw totoo ang prophecy? Nagsisisi si Dahlia dahil ang dami na daw nilang kasalanan sa Diyos dahil sumali sila sa kultong (cult) iyon. Akala daw kasi nila ay iaahon sila sa kanilang mga problema, iyon pala ay ilulubog sila sa kadiliman.

Iyak parin nang iyak si Rio Locsin dahil mismo daw asawa nya ang nag-sanla sa kanya at anak nila sa demonyo. Awang awa naman si Dahlia sa kaibigan. Sumunod na ang asawa ni Dahlia at yung isa pang lalaki sa loob nang karinderia. Pinaalam na ready na ang mga ticket nila at sa airport nalang sila magkita-kita. Humingi nang tawad ang asawa ni Dahlia kay Celia (Rio Locsin) dahil nadamay pa daw ito sa gulo. Huwag daw itong mag-alala dahil pag umalis na sila sa kulto ay maaayos na ang buhay nila.

Paalis at pasakay na sila nang kotse, masaya ang asawa ni Dahlia at sinasabi sa anak na sa wakas ay makikita na nito ang snow…nang biglang may dumaang bus at nasagasaan ang lalaki! Kahit hindi naman ito nasa gitna nang daan, bigla nalang may dumaan na bus at parang misteryong nasagasaan nalang ito. Tutulungan sana nila ang nasagasaang kaibigan pero may dumating na mga lalaki (naka itim), at ito ay mga tauhan nang kulto.

Sumakay sa kotse sina Dahlia, anak nito at si Celia, pero yung isa nilang kaibigan ay napunta sa ibang lugar. Nagtago yung lalaki sa may ilalim nang isang sasakyan na pang construction. Para talagang sinusundan sila nang masamang elemento dahil kusang nag-iba ang gear nang sasakyan at naipit ang paa nang lalaki, durog ang buto. Si Dahlia naman ay naging hysterical at bumaba nang kotse. Nai-park ni Celia ang kotse nila sa may riles nang tren. Hinabol ni Celia at nang bata si Dahlia. Iyon pala ay gusto talagang magpakamatay ni Dahlia, dahil sinalubong nya ang tren. Sa hindi inaasahan, lumihis ang tren dahil nag-iba ito nang lane.

Kapansin pansin ang signage na “railroad crossing” dahil parang krus (cross) ito at umaalog-alog nang pagdaan nang tren. Hindi sila makapaniwala na ligtas si Dahlia, pero ang hindi nila inaasahan…ay may padating na naman na tren. Ang sign na “railroad crossing” ay biglang natanggal at iyon ang tumurok sa ulo ni Dahlia – at namatay ito. Kitang kita nila Celia at anak ni Dahlia ang kahindik-hindik na sinapit na kamatayan nito – dahil halos hiwa ang ulo ni Dahlia. Takot na takot si Celia at hinatak papalayo ang anak ni Dahlia. Sumakay na sila nang kotse at umalis. Tulala ang bata, iyak nang iyak si Celia. Stop light – habang nakahinto ang kotse ay iyak nang iyak si Celia, pero siniguro ni Celia sa bata na huwag itong mag-alala dahil sa America ay kakalimutan nilang lahat nang nangyari. Nagulat si Celia nang biglang may nakita syang lalaki sa likod nang kotse. Sinakluban sya nang itim na supot sa ulo at sinaksak sya nito (sa ulo din yata) – nagsisisigaw ang bata, patay na si Celia.

Sa bahay ampunan naman ay may mag-asawang nag-ampon sa anak ni Celia. Sa pag-uwi nang mag-asawa sa kanilang bahay, tuwang tuwa ang asawang babae, binigyan na din nya nang pangalan ang sanggol – Angela. Yung asawang lalaki ay hindi pabor sa kanilang pag-aampon kaya’t wala itong ka-amor amor sa bata. Sinabihan sya nang asawang babae na kailangan nitong mahalin si Angela. Sinumbatan naman sya nang asawa na mahal nya ito kaya sya pumayag na mag-ampon pero hindi ibig sabihin ay mamahalin din nya si Angela.

After a few years, malaki na si Angela, at buntis na ang kanyang ina-inahan. Masaya ang kanyang ama-amahan at inaalagaan mabuti ang asawa. Kahit ginagawa nang ama-amahan ni Angela ang tungkulin bilang ama dito, hindi parin nya mahal si Angela. Nang hinatid nya si Angela sa school, hahalik sana si Angela sa kanya dahil magba-bye bye na “bye bye daddy”, biglang sinabi nang ama-amahan na hindi daw nya anak si Angela – napahiya si Angela sa mga ka-eskwela.

Sa school naman ay tinutukso si Angela na ampon. Kahit na galit na galit ay wala naman itong magawa dahil iyon ang totoo. Nandoon parin ang birthmark sa kamay ni Angela.

Pag-uwi nya nang bahay ay nakita sya nang kanyang ina na umiiyak ito. Nagsumbong si Angela sa ina na sya daw ay tinutuksong ampon sa school. Sinabi nang ina nya na hindi importante kung sino ang nagluwal sa kanya, ang importante daw ay kung sino ang nagmamahal sa kanya. Siniguro nya na mahal nya si Angela.

Patuloy parin ang panunukso kay Angela nang mga ka-eskuwela nya, kaya’t hindi na sya nakapagpigil – sinabunutan nya ang mga ito.

Isang gabi, manganganak na ang kanyang ina, may midwife na nagpapaanak dito. Nakasilip si Angela sa kanilang kwarto at kitang kita ang paghihirap nang ina. Nang makita sya nang kanyang ama na sumisilip ay pinagsarhan sya nang pinto. Walang nagawa si Angela kundi ang makinig nalang sa iyak at sigaw nang ina. Namatay sa panganganak ang ina ni Angela, patay pati ang bata. Tulala na lumabas sa kwarto ang ama nya at pumasok sya para yakapin ang ina.

Nagpatuloy ang buhay ni Angela sa mansion kasama ang kanyang ama, katulad parin nang dati, walang amor sa kanya. Binibisita ni Angela ang puntod nang ina at umiiyak sya dito.

Si Angela (Claudine Barretto) ay naging isang sikat na news reporter/anchor. Ipinakita na din dito si Rafael Rosel, isang pintor na may gusto kay Angela. Obsessed sya kay Angela dahil lahat nang pinipinta nya ay larawan lang ni Angela. Ang isa pa nyang obsession kay Angela ay yung birthmark nito sa kamay. Hinalikan, dinilaan pa ang tv (screen) dahil sa birthmark ni Angela –may ibinulong na “malapit na.”

Tinawag si Angela nang kanyang alalay na bading (si Empoy) at pumasok sila sa kanilang office. May surprise party pala kay Angela dahil nominated sa Emmy’s ang kanyang segment about kulam (witchcraft.) Nag-flashback kay Angela ang isang scenario na may nagmamakaawa sa kanyang babae, kasama nito ang anak, at sinasabing ihinto na ni Angela ang kwento about it dahil madami na daw humahabol na tao sa babae at hindi naman daw sya mangkukulam. Mataray na sinagot sya ni Angela at sinabing wala syang magagawa dahil hindi naman daw sya ang tumawag sa kanya na mangkukulam, kundi ang mga kapit-bahay daw nito mismo.

Humihingi nang tulong ang babae kay Angela, pero hindi sya nakinig. (Another flashback) pinuntahan nila Angela for coverage ang babaeng mangkukulam. Nakita nila na nagbigti ito sa puno at may nakasabit na “mangkukulam ako.” Umiiyak ang anak na babae nang mangkukulam at sinasabing hindi mangkukulam ang ina nya (end of flashback.)

Tulala parin si Angela at hindi makapaniwala. Sinabi nang kanyang supervisor na hindi ba daw natutuwa si Angela dahil first time in the history of Philippine television iyon. Hindi nagustuhan ni Angela na ang pinadalang entry ay yung tungkol pa sa kulam, dahil sensitibo iyon para sa kanya. Sinabi nang supervisor nya na 3 entries ang sinubmit nito, hindi naman daw nya alam na ito pa ang mapipili. Galit parin si Angela.

Bago makaalis si Angela ay may good news na binalita sa kanya – gagawin nang 1 hour ang kanyang show at isasama ang kanyang pangalan sa title nang show. Kaya lang ang hinihinging pilot episode ay follow up story nang about mangkukulam. Hindi pumayag si Angela, ayaw na nya yung kulam episode at ayaw na nyang balikan pa. Hindi naman maintindihan nang supervisor ni Angela kung bakit may trauma ito sa episode na iyon.

Pagdating ni Angela sa office nya ay may nakita syang chocolate cake sa desk nya – pagtingin nya ay nandoon sa kabilang room si Rafael Rosel at kumakain din nang chocolate cake, pero parang tinatakot din sya at the same time. Pag lingat nya ay biglang nawala si Rafael Rosel, nagtaka si Angela.

Pauwi na si Angela pero hindi sumabay ang kanyang bading na alalay dahil may date daw ito. Nagpaalam din ang kanyang driver na may emergency daw at kailangan nitong umalis. Nagpapahatid muna si Angela sa bahay nila at pinayagan nya din ang kanyang driver na umalis at bumalik nalang ito bukas. Nang maihatid na si Angela sa kanyang malaking bahay ay nagtaka sya dahil bukas ang gate at pati pintuan.

Tinawag nya ang kanyang kasambahay, patay din ang mga ilaw at madilim. Binuksan nya ang ilaw pero parang walang kuryente. Hinanap at tinatawag parin ni Angela ang mga kasambahay pero walang sumasagot. Umakyat sya sa itaas, maingat syang umakyat sa hagdanan…nang bigla syang natisod dahil nakabulagta ang patay na katawan nang kanyang mga kasambahay. Takot na takot at sumigaw si Angela, pumasok sya sa kanyang kwarto. Binuksan nya ang kanyang drawer para kunin ang baril. Nagpakita si Rafael Rosel sa kanya, nakahubad at puno nang dugo ang katawan. Sinabi sa kanya na huwag nang iputok ang baril dahil wala naman itong bala (tinanggal nya ang magazine nang baril.)

Sinabi nya kay Angela na sila ay nakatakda sa isa’t isa. Ipinanganak daw sila para buuin ang sanggol nang kadiliman. Itinakas daw si Angela kay Rafael Rosel para hindi matuloy ang prophecy at matagal daw syang hinanap. Pero si Angela na din daw ang lumantad sa kanila. Ipinakita ni Rafael Rosel ang kanyang birthmark (sa may right wrist) kay Angela, pagpapatunay daw na walang makakapigil sa itinakda. Tiningnan ni Angela na parang pareho sila nang birthmark. Natakot si Angela kaya tumakbo sya, pero hinabol sya ni Rafael Rosel at ginahasa sya nito, walang nagawa si Angela.

“What good will it be for a man if he gains the whole world, yet forfeits his soul? Or what can a man give in exchange for his soul?” – Matthew 16:26

Teasers:

– Dumamay ang mga kaibigan ni Angela sa kanya. Pero nagkasumbatan din dahil sinabihan si Angela nang kanyang kaibigan na kailangan nitong tulungan din ang sarili nya dahil hindi lang naman sya ang babaeng na-rape. Sinagot sya ni Angela na huwag daw sanang mangyari ito sa kanya dahil baka hindi nito kayanin ang ginawang kahayupan sa kanya.

– Nahuli na si Rafael Rosel, at nakulong. Pinuntahan ni Angela si Rafael Rosel at kinumpirma na ito nga ang nang-rape sa kanya.

– Nabuntis si Angela.

– Doctor nya si Diether Ocampo.

– Madami pang kalagim-lagim na mangyayari, kahindik-hindik na mga pangyayari.

Mga Marka: ,

5 Tugon to “Maligno – Episode 1”

  1. ptvj Says:

    hi miss ara, salamat! natouch naman ako at ginawan mo kami ng text update ng maligno. thanks talaga! mwahhh!

    btw, napanood ko pa lang iyong unang part ng show na to. grabe disturbing talaga ang mga pangyayari. this is probably more scary than “patayin…”

  2. annedito Says:

    takot ako. hindi ko mapanood ito.

  3. dumbako Says:

    sasamahan kita annedito para hindi ka matakot, hehehe. anyway, first time kong manood mamayang gabi, 11:50 pm ko lang mapanood ito, mas lalong maganda. okey na okey daw si diet dito sabi ng sister ko. boooooohooooooo,awwwwoooooooooo

  4. No Car Says:

    ako rin takot ako. pano ko papanuorin ang payborit kong claudine eh nakakatakot titile pa lang kinikilabutan na ako.
    awwwwhoooooo!!!!!!!!!!!!

    ….ay sa lobo pala yon.

  5. dumbako Says:

    wow, ganda ng maligno. scary, gusto ko. hindi mabagal ang mga eksena, deretsahan, lalo na ‘yong pinapatay ang mga characters! hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: