LOBO Episode 64

by

Sa training, nang subukang abutin muli ni Lyka ang apoy, ay nasaktan ito nang malubha at nawalan ng malay.Binuhat ni Alec si Lyka.

Nahuli muli si Eliza, at hinatulan ito ng kamatayan ni Ylvana at tatlo pang kasamahan na waya. Dumating si Lady Elle, sinabi ni Clarisse na muntik nang makatakas ang bihag at nakapatay pa ito ng mga gwardiya. Tutol si Lady Elle sa ginagawa ng mga kasamahan pero wala siyang nagawa sa nakakaraming kasamahan. Ipinagpatuloy ni Ylvana at mga kasama ang pagpatay sa lobong itim na si Eliza. Nasaksihan ni Nessa ang ginawang pagpatay sa kapwa na lobong itim, nahintakutan si Nessa.

Pinag-uusapan nina Lady Elle at Don Manolo ang pagpatay kay Eliza, nang hangos na dumating si Alec – buhat nito ang walang malay na si Lyka. Nagimbal si Lady Elle nang makita ang malaking sa braso ni Lyka. Dumating si Nessa, nagalit ang ina ni Lyka kay Lady Elle at Alec. Nang sabiihin ni Lady Elle na magtiwala lamang sa kanya ang pamangkin ay naalala ni Nessa, ang lobong itim na si Eliza at ang nasaksihan nitong pagkamatay ng babae. Sinabi ni Nessa na nagmamalinis lang sina Lady Elle pero pare-parehong silang mamamatay tao. Bago nila nalapatan ng lunas ang nasunog na braso ni Lyka, ay nakita nilang naghilom na ito nang kusa.

Hawak ang moonstone niya, ay naalala ni Noah ang muli nilang pagkikita ni Lyka. May kumatok at nang buksan ni Noah ang pintuan ay nakita niya ang ama. (Ipinakita ang pagwawala ni Gen. Silva sa pagkakatanggal sa tungkulin bilang Chief Officer ng Luna Organization, pinalitan siya ni Gen. Leon Cristobal – ipinakita na rin sa wakas ang mukha ni Gen. Silva, sorry hindi ko pa maalala kung sino ang actor na ito).

Ibinalita ni Gen. Leon kay Noah na natanggal na si Gen. Silva sa pamunuan ng mga Luna, at siya ang pumalit. Ipinangako ni Gen. Leon sa anak na si Noah na wala nang manggugulo dito at maraming mababago sa Luna organization. Hindi pa rin magawang paniwalaan ni Noah ang ama-amahan, at sinabi nitong wala na siyang importansya. Buong pagpapakumbaba na sinabi ni Leon sa anak na kahit hindi ito sumali sa organisasyon ay malaki pa rin ang importansya ni Nooah sapagkat anak nya ito. Ayon kay Leon maging siya raw ay nahihirapang patawarin ang sarili – sa lahat ng mga mali, sa lahat ng mga oras na nasayang, at kinailangan pang masaktan at mawala ang anak na si Noah, para makita niya ang pagkakamali. Hinikayat ni Leon ang anak na simulan ang bagong buhay, kasama siya at si Zoey. Sinabi ni Leon na tapos na ang pamimilit niya kay Noah, at nasa anak na ang desisyon, pero bukas palagi ang bahay nila sa pagbabalik ni Noah, maghihintay sila ni Zoey. Humingi ng kapatawaran sa anak si Leon. Hindi sumagot si Noah, tumalikod na si Leon upang umalis, hindi niya nakita ang paglingon sa kanya ni Noah.

Nagising na si Lyka, agad nitong pinagmasdan ang nasunog na kamay at napagtanto niyanng tama nga sina Lady Elle at Alec na may kakayahan siyang pagalingin ang sarili. Tumayo si Lyka upang puntahan ang lola at si Alec para kausapin, pero nakaharang sa pintuan ang ina niya. Pinagdududahan ni Nessa ag tunay na interes ng tiyahin kay Lyka.

Nagdalamhati si Rodolfo nang malaman ang pagkamatay ni Eliza.

Kapwa napanaginipan nina Noah at Lyka ang ginawang pagkuha ni Lyka sa bato ng Remus, nasunog si Lyka?. Nag-aalala si Noah para kay Lyka. Nag-usap sina Alec at Lyka, sinabi ni Alec na dalawang gabi na lang at bilog na ang buwan.

Sa House of Elle, kinausap ni Noah si Lyka. Tinanong ni Noah kung ano ang nangyayari, dahil nararamdaman daw niya pag may nangyayari kay Lyka, pero ayaw magtapat ng dalaga.
Noah : I cann’t do this Lyka. Hindi ko kayang tumayo at maghintay lang sa iyo. Wala akong nakikitang hadlang, wala akong nakikitang problema, isa lang ang kulang, IKAW. Alam ko gusto mong lumayo ako sa iyo, pero nagpapanggap ako na okey lang, Lyka hindi ako okey. Dahil hindi ako okey na wala ka sa tabi ko.
Lyka : Noah, hindi mo kasi naiintindihan eh, hindi mo kasi alam.
Noah : Iyan ang lagi mong sinasabi. Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang hindi ko alam para
maintindihan ko.
Lyka : Noah hindi tayo para sa isa’t isa. Masasaktan ka lang kapag minahal mo ako. Noah, tanggapin mo na lang itong sinasabi ko sa iyo, hindi tayo puedeng magsama. Hindi ako puedeng magmahal. Hindi ko nga alam kung pagkatapos kong umalis, kung nandito pa ba ako.
Noah : Saan, saan ka pupunta? Ano ang gagawin mo?
Lyka : (luhaan) Basta. Ayusin mo na iyang buhay mo ha. Bumalik ka sa daddy mo, sa kapatid mo. Masyadong maikli ang panahon natin, para sayangin mo sa galit … sa pag-iipon ng kasalanan. Makipag-ayos ka na sa kanya ha. Maging masaya ka. Lumayo ka na sa akin Noah, kasi kasi hindi ka magiging masaya pag kasama mo ako. Huwag mo na akong hintayin.

Nasugatan muli si Lyka sa pagte-training nila ni Alec. Takot na sinabi ni Lyka na mamamatay na siya
kinabukasan. Itinigil na ni Alec ang training ni Lyka, ayon sa binata malakas ang loob ni Lyka, at kahit na natatakot ito ay hinaharap pa rin nito ang mga responsibilidad. Pinagpahinga ni Alec si Lyka at binigyan ng laya ang “huling bantay” na gawin kung ano ang gusto nitong gawin.

Bumalik si Noah sa bahay ni Gen. Leon. Masayang niyakap ni Leon ang anak na nagbabalik. Nang makitang nagbalik ang kuya Noah niya ay masayang niyakap ito ni Zoey.

Sa huling gabi bago ang kabilugan ng buwan, ay natatakot si Lyka sa maaaring mangyari. Sinabi ni Nessa na hindi kailangan gawin ni Lyka ang mga sinasabi nina Lady Elle. Pero buo na ang desisyon ni Lyka, ayon sa dalaga ay hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi niya iyon gagawin. “Hindi kaduwagan ang pag-urong sa laban kung may alinlangan ka”, sabi ni Nessa. Sinabi ni Lyka na pagbubutihan na lang niya ang misyon para sa ina, kasi hindi pa siya handa na iwanan ang inang si Nessa.

Nakatingala sa buwan si Noah, paulit ulit na binabanggit na siLyka na lang ang kulang. “Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang sumisilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit”. Pagmulat ni Noah ay nasa tabi niya ang kasintahan. Hinalikan ni Lyka ang minamahal na si Noah sa labi, gumanti ng halik ang binata, naging maalab ang halikan ng magsing-irog. Pinuntahan ni Lyka si Noah, dahil maaaring iyon na ang magiging huli nilang pagkikita.

Kinakabahan si Lady Elle sa maaaring mangyari sa apo.

Pumasok sa loob ng bahay sina Noah at Lyka na magkahawak kamay.
Noah : Akala ko hindi na mangyayari ito.
Lyka : Ayoko nang matakot. Kahit na isang gabi lang, gusto kitang mahalin. Gusto kitang makasama.
-at muling naglapat ang kanilang mga labi
Lyka : Mahal na mahal kita Noah
Noah : Mahal na mahal kita Lyka.
-Mainit na naghalikan muli ang dalawa, pinalaya ang init ng pagmamahal na kanilang nadarama para sa isa’t isa. (Walastik! inggit ako)

Pinagmamasdan ni Lyka ang natutulog na si Noah. (Naka-damit sila?!, wholesome hehehe, nasa sofa silang magkayakap)
Lyka : Masaya ako Noah, at kahit sa huling pagkakataon … nagkasama tayo … at kung mabigo man ako sa misyon ko … mamatay man ako … wala akong pagsisisi dahil kahit paano … nakasama kita, kahit sandali.

Masayang nagisng si Noah, may sulat si Lyka para sa kanya.

Noah,

May meeting lang kami nina Lady Elle.
Thank you! Hinding hindi ko makakalimutan ang kagabi.

Mahal kita Noah, huwag mong kalilimutan iyon.

Lyka

Lyka : Ang alam ko lang ito ang nararapat. At gagawin ko ang lahat para sa mga taong mahal ko.
Niyakap ni Lyka ang ina, tapos hinarap si Lady Elle at sinabing handa na siya.

Sa wakas, pumunta na rin sa kweba na kinaroroonan ng bato ng Remus sina Lady Elle, Alec at ang huling bantay na si Lyka. Mag-isang papasok si Lyka, kasi hindi siya puedeng samahan ng dalawa. Sinabi ni Alec kay Lyka na bilisan dahil ayaw niyang naghihintay. Sinabi ni Lyka sa lola ganda niya na mahal na mahal niya ito. Nagpasalamat si Lady Elle sa apo at sinabing mahal na mahal rin niya ito. Nagyakap ang maglola.

Nagsimulang maglakad si Lyka patungo sa loob ng kweba.

Teaser : Sa loob ng kweba ay nakita ni Lyka si Remus, na tinawag niyang Alec

8 Tugon to “LOBO Episode 64”

  1. annedito Says:

    again…sana ako nalang si angel…hehe

  2. ptvj Says:

    thanks ate neneng for doing the update today.

    na-iyak ako nung naghahalikan sina lyka at noah. naiinggit kasi ako kay lyka…hehehe. feel na feel ko kasi ang acting nila.

    i’ll give this episdoe a perfect 10!

  3. dumbako Says:

    how i wish i have one night too with noah, sarap siguro halikan ang lips n’ya, i think malambot na parang mamon at matamis tulad ng honey, naks hehehe

  4. No Car Says:

    eto ang masarap na panuorin kahit gabi o araw hindi ka matatakot. maliligayan ka ng todo lalo na pag todo lips to lips kay noah. hhhhaaaaaayyyyyyy malinamnam at katakamtakam!!!!!! busog ka sa kakafantasya!!!

  5. ptvj Says:

    kung ako iyon hindi lang kami sa sofa aabot. bwahahaha!

  6. mahalo Says:

    hmmmm.. . ang sarap namn ng scene. sana paulit kaya lang hindi sa sofa ang ending hehehehehehehehehe. Lalong interesting ang mga susunod na kabanata. walang bibitiw ha….

  7. NoCar Says:

    sa teaser, sumigaw si lyka na parang nasaktan tapos ipinakita na sumunod tapos pumasok sa loob ng kweba si lady elle. naku, baka mapahamak si lola ganda. naalala nyo ba yung sabi nya dati na hanggang sa huling hininga poprotectahan nya ang apo nya.
    ……aaaaaahhhwooooooo!!!
    aaayaw kong mamatay ang lola ganda ko este lola ni lyka pala.

  8. annedito Says:

    oo nga…mula no’n sinabi ni lola ganda yon, natatakot ako para sa kanya. everytime na may danger sa kanya, feeling ko mamatay na siya…iiyak ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: