Lobo, Episode 63

by

Sinugatan ni Alec si Lyka sa braso, nagalit itong tumakbo sa lola niya. Ipinakita ni Alec sa kanya na kakaiba siya sa lahat ng mga lobo dahil kaya nitong pagalingin ang sarili niya habang kinukuha niya ang bato ng Remus. Naghilom ang sugat ni Lyka within seconds.

Kakaiba daw si Lyka kaya hindi nito kailangang matakot. Mind over matter daw, huwag niyang isipin ang sakit gawin na lang daw niya. Sinabi ni Elle na alam niyang kaya niya ito.

Sinubukan ni Lyka pero hindi raw nito kaya. Umalis na ito.

Sinabi ni Alec kay Lady Elle, paano raw kung hindi nito kayang kunin ang bato ng Remus. Kaya daw gawin ni Lyka, tulungan lang siya nito and she can do it.

Sinadya ni Gabby si General Silva para humingi ng sorry. Sinabi ni Silva na kalaban ni Gabby ang emosyon. Hinayaan daw niyang mahulog ang loob niya kay Noah. Disappointed si Silva kay Gabby. Umiiyak si Gabby at nagsorry ito. Sinampal ba siya ni Silva? Sinabi nitong hinayaan na naman niyang mamuno ang emosyon niya. Sinabihan siya ni Silva na umalis na sa harap niya.

Naisip ni Lyka noong napanaginipan niya si Remus pati na noong tinatanong ni Alec sa kanya kung siya ba talaga ang huling bantay. Paano raw kung hindi niya makaya? Pinapanood naman siya ni Nessa mula sa pinagtataguan niya.

Humingi ng payo si Elle kay Manolo. Paano daw niya mabibigyan ng lakas ng loob si Lyka, paano daw nito maibabalik ang tiwala sa sarili niya. Siya daw ang mas nakakakilala sa apo niya, sino daw ang nagbibigay ng lakas sa kanya? Baka raw kailangang naroroon ang pamilya niya. Baka raw kailangang naroroon ang nanay niya sa training. Naalala ni Lady Elle noong sinabi ni Lyka sa kanya na papayag siya sa gusto niyang mangyari sa kundisyon puprotektahan niya si Noah.

Biglang dumating si Ylvana kasama si Raul. Gusto ng malaman ni Ylvana kung ano na ang nangyayari sa imbestigasyon. Gusto lang daw ni Elle na patagalin ang imbestigasyon para mapahiya siya. Sinabi ni Elle na klaro na sa kanya ngayon kung ano talaga si Ylvana. Dahil sa kabila ng nalalapit na pag-akyat ng pulang buwan at napipintong pagkamatay nilang lahat, ang pagiging pinuno pa rin nito ang iniisip niya. Nag-walk out si Ylvana.

Tinanong ni Raul kung ano pa ang magagawa niya for Lady Elle. Sinabi ni Lady Elle na malaking bagay na ang pagsabi niya kung saan nagtatago ang mga itim na lobo. Iniutos ni Elle kay Raul na protektahan niya ang mga kandidato sa pagiging hulng bantay laban sa mga itim na lobo.

Nabigla si Noah noong makita niyang si Lady Elle ang kumakatok sa pintuan niya. Tinanong niya kung ano ang ginagawa nito doon at kung paano siya natunton. Sinabi ni Lady Elle na she has her ways to do that at hindi raw siya natatahimik kapag may empleyado siyang nawawala. Gusto daw niyang malaman ang totoo, pwede daw maging honest si Noah. Ituring daw niya ito bilang exit interview niya.

Sinabi ni Noah na pagod na siya sa pagsisinungaling. Sinabi na niya ang totoong misyon niya sa House of Elle. Natuwa si Lady Elle sa pagiging honest ni Noah. Ini-offer ni Lady Elle ang bilang assistant ng head ng security nila.

Hindi makapaniwala si Noah dahil sa kabila ng mga sinabi niya kay Lady Elle inaalok parin niya ito ng trabaho. Sinabi ni Lady Elle na narinig niya ang sinabi ni Noah and the offer still stands. Alam daw niya Noah kung saan niya ito mako-contact. Iyon lang at umalis na si Lady Elle.

Humarap sa salamin si Noah. Parang kinakausap niya si Lyka, sinabi nitong alam niyang sinabi niyang gusto ni Lyka na lumayo siya sa kanya pero paano raw kung may rason para lumapit siya sa kanya.

Pinuntahan ni Nessa si Eliza. Tinanong ni Nessa kung totoo na masasama ang mga itim na lobo na wala silang awang pumatay kahit mga inosentend mga tao? Sino raw ba ang walang awa, sabi ni Eliza. Sila ang mga tumutugis sa kanila, ikinukulong at pinapatay ng hindi binibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili. Kapag nalaman daw nilang itim na lobo si Nessa (may sinabi si Eliza about puting lobo pero hindi ko maintindihan) ikukulong din daw nila ito.

Gusto ni Eliza na pakawalan siya ni Nessa at isasama daw niya ito sa mga kagaya nilang mga itim na lobo. Sinabi ni Nessa na hindi nito pwedeng iwan ang anak niya. Tinanong ni Eliza kung itim rin daw ba ang anak niya? Biglang may bumusina at umalis na si Nessa.

Tinanong ni Manolo kung sigurado raw ba si Elle sa pag-alok ni Elle ng trabaho kay Noah? Sinabi ni Elle na naiisip daw nila dati nakakasira si Noah kay Lyka, pero ngayon raw naisip niyang si Noah ang magbibigay ng lakas kay Lyka. Hindi raw ba’t handang talikuran ni Lyka ang lahat para lang kay Noah? Kung concerned daw si Manolo sa security ng House of Elle, limited access daw ang ibibigay nila kay Noah. And besides, napataunayan na raw niya ang honesty ni Noah noong sinabi ni Noah sa kanya ang katotohanan sa pagtatrabaho niya sa House of Elle. Sumang-ayon naman ni Manolo. Mas maganda nga raw siguro na naroroon si Noah para mabantayan nila ito.

Pinatay (?) ni Ylvana ang guard ni Eliza at pinalaya niya ito.

Masayang pinakilala ni Trixie si Alec bilang model ng kanilang summer collection. Kilig na kilig naman silang lahat lalo na si Elton. Sinabi ni Trixie na matagal ng model si Alec at may mga spread na ito sa mga international magazine. Sinabi ni Lyka na nagpapacute lang naman daw siya at wala na siyang panahon para magbabasa ng mga magazines dahil malapit na siyang mamatay.

Sinabi ni Alec kay Lyka na kung hindi magagawa ni Lyka ang misyon niya, mamamatay silang lahat. Natatakot pa rin si Lyka. Sinabi ni Alec na wala siyang dapat ikatakot. Kaya nitong gamutin ang sarili niya. Naputol ang pagtatalo nila noong dumating si Lady Elle.

Sinabi niyang may magtatrabaho daw ulit sa kanila, welcome him back daw. Nabigla si Lyka noong makita niya si Noah. Tumango lang si Noah at umalis na siya.

Hindi maintindihan nina Lyka at Trixie kung bakit naroroon ulit si Noah. Sinabi ni Lyka na alam niyang nakipaghiwalay na siya ka Noah, pero naroroon pa rin ang nararamdaman niya para dito. Unti-unti niya itong binabaon at hindi raw niya alam kung magagawa niya iyon kung naroroon siya. Sinabi ni Elle na pagkatiwalaan ni Lyka ang desisyon niya.

May desisyon na ang mga Luna tungkol kay Silva.

Dinala ni Anton ang ibang mga gamit ni Lyka na naiwan pa sa bahay nila. Sabi ni Anton na baka panahon na para magbati sila ni Clara, pero sinabi ni Lyka na imposible na sigurong mangyari iyon lalo na at ang nangyari kina Clara at Nessa. Tinanong ni Anton kung kailan siya dadalhin ni Lyka sa bagong tinitirhan nila. Sinabi ni Lyka na kapag nalinis na raw nila ng maayos.

Dumaan si Noah. Nginitian niya ako, I mean, si Lyka. Sinundan ni Anton ang tingin ni Lyka at nagtama ang paningin nila ni Noah.

Later noong papaalis na si Lyka. Inabangan siya ni Noah. Sinabi niyang alam niyang hindi iyon ang pinag-usapan nila. Sinabi ni Noah na gusto lang daw sana niyang makasigurong okay lang sa kanya. Hindi pa raw ganoon ka-okay si Lyka dahil nabigla siya pero magiging okay siya.

Sinabi ni Noah na sa tingin daw kasi niya magiging maganda sa KANILA iyon dahil ayos ang pasweldo at makakapag-ipon siya para makapag-aral sa medisina. Napangiti si Lyka, sinabi niyang kagaya raw ng Tatay Emil niya. Tinanong ni Lyka kung paano raw siya nagte-training sa pagsusundalo. Paano raw niya nagagawa iyon, ngayong alam naman niyang maari siyang bigyan ng misyon na pwede niyang ikamatay.

Sinabi ni Noah na takot raw siya pero kung alam niyang tama ang ginagawa niya, na may ipinaglalaban siya, na makakapagligtas siya ng buhay, kakayanan niya lahat ng sakit at pagsubok. Kaya raw niya pinaglaban si Lyka, dahil alam niyang tama siya at malakas ang paniniwala niya sa kaniya, sa kanila.

Alam daw ni Noah na nangako siyang lalayo na bibigyan niya ng pagkakaton si Lyka pero sana raw kung pwede silang maging magkaibigan. Iyong pwede silang lumabas paminsan-minsan, iyong susunduin daw siya sa kanila, iyong kakain sila sa labas minsan (chenes!). Bago nakasagot si Lyka dumating si Alec.

Ipinakilala ni Lyka ang dalawang pogi sa isa’t isa. Ibinulong ni Alec na walang push button ang pulang buwan. Malungkot na tinignan na lang ni Noah ang papaalis na sina Alec at Lyka. Nakita rin niya kung paano inalis ni Lyka ang pagkakahawak ni Alec sa braso niya.

Sinubukan ulit nina Lyka at Alec ang paghawak sa apoy. Naalala ni Lyka ang sinabi ni Noah, naalala din niya ang pre-school teacher na puting lobo na ipinakilala ni Lady Elle sa kanya, naalala din niya ang ina at si Lady Elle.

Sinubukan ulit ni Lyka na abutin ang apoy…

Teaser:

Papunta na sina Lady Elle, Alec at Lyka sa bato ni Remus.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: