Lobo Episode 62

by

May date si ptvj, kaya proxy muna ako sa kanya.

Sa pangangasiwa ni Lady Elle ay nagsimula na ang unang bahagi ng training ni Lyka bilang “huling bantay”. Sa gubat isinagawa ang unang pagsubok : Itinuro ni Lady Elle kay Lyka ang isang puno – kailangan mahanap ni Lyka ang isa sa milyun-milyong dahon nito na may nakasulat na pangalan niya “Lyka”. Ginamit ni Lyka ang taglay na talas ng paningin sa paghahanap sa dahon. Tagumpay! naipasa ni Lyka ang unang pagsubok. Ikalawang pagsubok : Kailangang tawirin ni Lyka ang swimming pool na hindi nababasa. (Grabee! mas sexy ngayon si Angel compare noong nasa “Darna” pa siya.) Nag-focus si Lyka at sa ikatlong subok ay nagawa niyang tawirin ang swimming pool ng hindi sumasayad ang paa sa tubig. Tuwang tuwa ang maglola na nagyakap.

Naglalakad-lakad si Nessa, nakita niya ang isang pintuan na may nakabantay – umalis ang bantay (jijingle siguro). Binuksan ni Nessa ang pinto at pumasok, nakita niya doon ang nakakulong na itim na lobo na si Eliza. Naamoy ni Eliza na katulad niya ang babaeng pumasok na si Nessa, ITIM NA LOBO. Tinanong ni Eliza ang pangalan ng babaeng kaharap at inakala nito na ito ay ipinadala ni Rodolfo. Pumasok ang guard at sinita nito si Nessa, humingi ng despensa si Nessa at mali raw ang pinto na nabuksan niya.

Sa meeting ng mga LUNA, ay may agenda na iprenesenta si Gen. Leon Cristobal – (CD) recording ng lahat ng nangyari sa selda ni Noah Ortega. Gustong ipakita ni Gen. Leon sa ibang myembro ng Luna ang ginawang pagpapahirap kay Noah Ortega – sundalong napaka-importante sa organisasyon, sundalong ikinulong at halos patayin ni Gen. Silva. Nagtalo sina Gen. Silva at Gen. Cristobal. Nagrekomenda si Gen. Leon ng conduct review kay Gen. Silva.

Ikatlong pagsubok : Gabi, sa gubat, nakapiring ang mga mata ni Lyka. May tumulak sa dalaga, patakbo takbo ang sumasalakay sa kanya. Gamit ang talas ng pandinig at pang-amoy ay natalo ni Lyka ang “kaaway”. Nagulat si Lyka nang makilala ang sumalakay sa kanya, si Lady Elle. Masaya si Lady Elle kasi ang bilis matuto ng “huling bantay”. At doon nagtatapos ang unang bahagi ng training. Sinabi ni Lady Elle na kinabukasan ang 2nd stage ng training at may bagong trainor si Lyka.

Inutusan ni Gen. Silva si Gabby na nakawin ang disk na na kay Gen. Leon Cristobal. Walang nagawa ang gustong tumutol na si Gabby, kundi sundin ang utos ng heneral. Naalala ni Gabby noong unang beses siyang dinala ni Gen. Silva sa bagong titirahan, sinabi ng heneral na ang mga Luna ang bago niyang magiging pamilya. Ipinangako ng heneral sa batang si Gabby, na aalagaan niya ito, at gagawing isa sa pinakamagaling at hindi na babalik sa lansangan. Tuwang-tuwang niyakap ng batang Gabby si Gen. Silva.

May dalang isang red rose ang palihim na sumusunod kay Lyka na si Noah. Naramdaman ni Lyka na may sumusunod sa kanya, pero hindi niya makita kasi mabilis na nakakapagtago si Noah pag lumilingon ang dalaga, mabilis na naglakad si Lyka at nawala, malungkot na lumayo si Noah nang hindi na nakita ang babaeng nililiyag. Nang makaalis si Noah ay lumabas si Lyka at malungkot na ipinagpatuloy ang paglalakad. May lalaking pamilyar ang mukha ang humarang sa daraanan ni Lyka.

Inatake ng lalaki si Lyka. Nagawang protektahan ni Lyka ang sarili sa umatake sa kanya. Lumabas sina Lady Elle at Trixie. Ipinakilala ni Lady Elle ang taong umatake sa kanya, si ALEC ARAGON – ang bago niyang trainor. Bumalik sa bansa si Alec para sa training ni Lyka. Ipinaalam ni Lady Elle kay Lyka na Alec ay galing sa pamilya ni Remus, ang dating huling bantay. Ang pamilya ni Alec at Lady Elle ang nagtatago ng sekreto kung nasaan ang bato. Ayon kay Lady Elle, maging siya ay namamangha pa rin kung bakit magkamukha sina Remus at Alec. Sinabi naman ng medyo nagyayabang na si Alec na mas gwapo siya ng konti kay Remus. Umalis si Lyka at sinabing sana raw ay si Alec na lang ang nabuhay 500 years ago.

Sa meeting ng mga Luna. Ipinaalam ni Gen. Leon sa mga leader ng Luna na nawawala ang disk – may nanloob raw sa bahay niya at ninakaw ang ebidensya. May nag-suggest na magpakopya na lang ulit sila, tutal naman ay record sa surveilance file. Sinabi ni Gen. Leon na nabura na ang files, ipinadelete ito permanently. Ayon sa isang member ay hindi matutuloy ang canduct review, dahil walang sapat na basehan. Biglang sumabat sa usapan ang nininerbyos na si Gabby. Inilabas nito ang CD na nawawala.

Sinabi ni Lorian kay Alec na naka-ready na ang lahat ng kailangan para sa training, at naghihintay na sina Lady Elle at Lyka. Nagtanong si Alec, kung sigurado na ba talaga si Lady Elle na si Lyka ang huling bantay. Si Dr. Selina Argos ang sumagot na walang kaduda-duda. Itinanong rin ni Alec kung sino ang lalaking sumusunod kay Lyka. Sinabi ni Trixie, na si Noah iyon – exboyfriend ni Lyka. Ayon kay Lorian ay hindi na mahalaga si Noah, kasi tapos na ang relasyon nila ni Lyka. Hindi sumang-ayon sa sinabi ni Lorian si Alec, kasi sa pagsunod pa lang daw ni Noah kay Lyka ay malinaw na parte pa rin ito ng buhay ng huling bantay, at naaapektuhan pa rin si Lyka kay Noah. Ayon kay Alec, dapat ay nasa training lang ang isip at puso ni Lyka pag nakaharap ang bato ng Remus, sapagkat mamamatay si Lyka kapag hati ang loob niya. Sinabi ni Selina na sa kabilugan ng buwan, sa ikatlong araw ay dadalhin na nila si Lyka sa bato ng Remus. Nag-alala si Trixie na baka hindi pa handa si Lyka sapagkat wala pang isang linggo ang training niya, pero wala na raw silang choice sabi ni Selina, kasi anytime ay aakyat na ang pulang buwan. Kailangan nilang matiyak na si Lyka nga ang huling bantay. May tatlong araw lamang si Alec para ihanda si Lyka sa pagharap sa bato ng Remus.

Ikinuwento kay Lyka nina Lady Elle at Alec ang naging buhay ni “Remus”. Itinago ni Remus ang bato sa isang kweba at inihanda para sa susunod na huling bantay. Para mahawakan ni Lyka ang bato ay maraming itong dadaanan na susubok sa kanyang bilis, talino at lakas. Ang unang ipinagagawa ni Alec kay Lyka ay may kinalaman sa pinakahuli at pinakamahirap na pagsubok na haharapin ng huling bantay – APOY, ang kahinaan ng mga lobo. Sinabi ni Lady Elle, na silang mga Waya ay may natural na kahinaan sa apoy, mabaril man sila o masaksak ay makakarecover pa rin ang ilan sa kanila. Pero ang sugat na dulot ng apoy ay hirap ang katawan nila na gamutin, kaya takot ang mga kagaya nila sa apoy. Nagtanong si Lyka kung ano ang gagawin niya, pinatingnan ni Alec kay Lyka ang loob ng apoy – may bato sa gitna, KAILANGAN NI LYKA IPASOK ANG KAMAY AT KUNIN ANG BATO. Tumanggi si Lyka, pero sinabi ni Alec na wala iyon sa tunay na bato ng Remus, at sa ganung kahon rin niya makikita ang bato, pero hindi ang kahon ang may apoy kundi ang mismong bato ng Remus ang may apoy, isang bola ng apoy na ang huling bantay lang ang may kakayahan at kapangyarihan upang hawakan ito. At kung hindi ang huling bantay ang hahawak sa bato ay lalamunin ito ng apoy.

Teaser : Sa pamamagitan ni Lady Elle ay nagkita sina Lyka at Noah, parang hindi nagustuhan ni Alec ang pagkikita na iyon.

7 Tugon to “Lobo Episode 62”

  1. ptvj Says:

    ate neneng, hindi ako nagdate. huwag kang maingay, bwahaha. salamat! naku ang haba ng hair ni lyka ha, dalawang pogi na ang kasa-kasama niya.

  2. dumbako Says:

    gogogogo ptvj!!!!!!!!! you need a break! ala pplo ba o ala derek hehehe.

  3. Chorvanah Says:

    pinalitan ba nila si. Gen. Silva parang naiba yung boses nya

  4. annedito Says:

    oo nga naman ptvj. para naman hindi nalang tayo puro mag-daydream about piolo or diether…hehe…ngayon meron na naman isa pang pogi, si geoff.

  5. annedito Says:

    i thought si jaime fabregas yung si gen silva. kasi yung features niya sa shadow and boses, parang si jaime fabregas eh.

  6. ptvj Says:

    bwahaha…sabi ng kapatid ko mas kamukha daw ni monching (nun namang medyo bata pa siya) ung kadate ko kaya tawag niya sa kin lotlot. sarap sapakin hehehe. actually wala akong date, may orientation lang ako, mamaya pa ang date ko hehehe.

    para ngang nag-iba iyong si silva. kahapon naman pinag-aawayan namin ng pinsan ko kung si bembol rocco or si efren reyes jr. hehe. hindi pa kasi ipakita!

  7. No Car Says:

    Iba nga sila gen silva. kasi yung na una si archie….. iyon kapit bahay namin dati. kilalang kilala ko sya. pero yung ngayon parang mas matanda na iba mas parang lumiit and pumayat. kal
    a siguro nila hindi natin mapapansin kasi kasi hindi nila pa pinakikita ang kung sinong artista si gensilva. (eh ang galing galing ata natin para hindi mapassin)
    uuyyy… kinilig ako doon dalawa ang fhafha ni lyka.
    ptv kamusta ang date mo. nag-enjoy ka ba? mala derek ramsey ba ang wankata? 😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: