Lobo, Episode 61

by

Kinakausap ni Nessa ang picture ni Emil at sinabi nitong narinig niyang ikinukwento ni Noah kay Father Ben noong gabing namatay ito. Paano na raw kapag nalaman ni Noah na ang ina ng babaeng mahal niya ang pumatay sa tatay niya? Hindi raw pwedeng maging sila (Noah at Lyka), sabi ni Nessa. Pero wala raw siyang magagawa dahil nagpasiya na si Lyka.

Naputol ang pagdadrama niya noong dumating na sina Lady Elle at Lyka. Nagpasalamat si Lady Elle kay Nessa. Pero sinabi naman ni Nessa na kung siya lang ang nagpasiya, wala sila doon. Siniguro ni Nessa na magiging ligtas si Lyka dahil kung may nangyaring masama sa kaniya, hindi raw nito mapapatawad si Lady Elle.

Iminungkahi ni Lady Elle na doon na mula sina tumira. Sumang-ayon naman si Lyka kaya wala ng nagawa si Nessa. Sinabi ni Lady Elle na isikreto pa rin ang pagiging magkadugo nila o kahit na ang pagtira nila doon. Kailangan daw nilang gawin iyon para sa kaligtasan nila dahil hindi pa nila alam kung sino ang mapagkakatiwalaan nila.

Pinuntahan ni Raul ang bihag na itim na lobo (Eliza?). Sinabi niya dito na ang gusto ni Rodolfo ay marami silang makalap na impormasyon sa mga Waya para may magamit sila laban sa mga ito kaya hindi muna makakalabas si Eliza.

Pumunta si Raul sa taguan ng mga itim na lobo at sinabi niyang mahuhulog din sa bitag niya si Elle.

Marami pa raw kailangang malaman sa lahi nila sina Nessa at Lyka, sabi ni Elle. Sinabi na ni Elle ang tungkol sa mga una at sa mga itim na lobo, ang mga lobong naging itimi ang budhi dahil nakatikim ng dugo ng tao (at this point naalala ni Nessa noong nakagat niya si Anton). Kaya ang akala ng mga Luna, lahat sila ay mamamatay tao. Sinabi na rin ni Elle na ang parusa ay kamatayan sa mga itim na lobo.

Ikinuwento na ni Elle sa kanila na si Lorenzo ay naging isang itim na lobo. At kahit masakit man sa mga magulang nila, ginawaran pa rin ito ng parusang kamatayan. Sinabi ni Elle na huwag silang mag-alala, hindi dahil naging itim na lobo si Lorenzo, magiging itim na rin sila. Unless, sila mismo ay nakatikim ng dugo ng tao.

Bago matulog si Lyka, pinasalamatan niya ang ina sa pagsuporta sa desisyon niya. Palagay kasi niya si Lady Elle lang daw ang mapagkakatiwalaan nila. Noong natulog na si Nessa, pinagmasdan nito ang buwan. Malapit na naman ang bilog a buwan.

Kinausap ni Nessa ang sarili sa harap ng salamin. Mali daw ito, hindi halimaw ang anak niya — siya lang ang halimaw. Nagtransform si Nessa: ITIM NA LOBO SI NESSA.

Bumalik ito sa anyong tao. Umiiyak ito, matatanggap pa ba raw siya ng anak kung malaman nitong totoo.

Nanaginip si Lyka. May nakausap itong isang lalaki (Geoff Eigenmman) at may hawak itong isang bato. Itinanong nito kung sigurado raw ba si Lyka na siya ang huling bantay? Siguraduhin daw niyang mabuti dahil buhay nito ang kapalit kung nagkamali ito. Nagising si Lyka.

Nagising din si Noah mula sa pagtulog niya. Naalala niya noong namatay ang ama at noong namatay sa mga bisig niya si Marco.

May kausap na isang lalaki si Leon. Ibinalita nitong umalis na si Noah at ang pagtataka nito kung bakit pinalaya na lang siyang bigla ni Silva. Hinihingi ni Leon ang suporta ng kausap para mapatalsik si Silva sa pwesto dahil na rin sa ilang mga bagay na ginawa ni Silva na labag sa rules ng mga Luna. Agad naman itong nalaman ni Silva.

Nagpunta si Noah sa bahay nina Anton. Sinabi ni Anton na hindi niya alam kung nasaan si Lyka. Pag-alis ni Noah, tinawagan ni Anton si Lyka. Hindi sinabi ni Lyka kung nasaan sila dahil temporary lang daw ang bago nilang tinutuluyan. They made plans para magkita kapag pareho silang hindi busy.

Naalala ni Lyka ang lalaking napanaginipan niya. Nabigla ito sa ingay na nilikha ng pagbagsak ng tray na hawak ng katulong. Nagandahan ng husto ang katulong kay Lyka kaya nabigla to (naku, over naman ha!).

Napunta sa kwarto kung saan nakasabit ang mga larawan ng mga ninuno at mga kaibigan ng mga ninuno niya. Nakita niya ang painting ng lalaking napanaginipan niya.

Biglang dumating si Lady Elle. Sinabi ni Lady Elle na Remus ang pangalan nito, ang huling bantay noong huling lumitaw ang pulang buwan. Utang nila ang buhay nila sa kanya. Sinabi ni Lyka na napanaginipan niya ito, hindi naman nabigla si Lady Elle.

Sinabi ni Lyka na nagtatapang-tapangan lang ito, dahil ayaw niyang mapahamak ang ina at ang lola. Sinabi na rin niya na dahil sa pagtanggap niya sa misyon niya, nagawa niyang talikuran si Noah. Pero mas maganda na nga raw siguro na tumalikod siya kay Noah. Kaya lang nag-aalala siya para dito dahil alam niyang pinapahirap lang niya ang damdamin ni Noah.

Isa lang daw ang hihilingin ni Lyka sa lola: PROTEKTAHAN SI NOAH.

Sinabi ni Lady Elle na kakausapin niya si Manolo, puprotektahan nila si Noah. Kahit doon man lang ay masuklian niya ang mga sakripisyo ni Lyka.

Kausap ni Noah ang imaginary Lyka. Binigyan niya ito ng kape at ikinuwento na nagpunta ito sa bahay nila, hindi na pala siya doon nakatira, at masungit pa rin pala raw si Anton. Nag-apply din daw ito ng trabaho sa isang security agency. Gusto raw kasi nito na simpleng buhay lang. Sumagot naman ang imaginary Lyka at sinabi nitong mas maganda pa nga raw siguro na simple lang ang mga buhay nila.

Patuloy siyang kinakausap ni Noah. Lahat daw sa kanya bago. Kapag may bago daw nangyayari sa kanya gusto niyang i-share pero wala naman si Lyka sa tabi niya (awwww…). Alam raw niyang humihingi siya ng panahon kay Noah, mahabang panahon pa raw ba ang kailangan niya?

Naputol ang pag-iimagine ni Noah dahil may kumatok sa pintuan — si Gabby. Pagbukas ng pinto ni Noah, sinabi niya kay Gabby na hindi rin ito nakatiis, para itong aso na sumusunod sa kanya. Wala na raw siya sa military, ano pa raw ba ang kailangan nila sa kanya.

Sinabi ni Gabby na wala siya roon for the military, kung hindi bilang isang kaibigan. Hindi na raw sila magkaibigan, dahil ang kaibigan daw hindi nanonood na lamang habang tinotorture ang kaibigan. Lumampas na raw sila sa sorry. Nag-goodbye na ito kay Gabby. Sa susunod na maramadaman daw niyang may sumusunod sa kanya, dadalhin niya sa pinto ng militar ang laban.

Isinara na nito ang pintuan at naiwang umiiyak si Gabby (buti nga!).

Nalaman ni Elle kay Manolo na hindi isang Luna si Noah. Ayon daw sa impormasyong natanggap ni Manolo, tinalikuran na ni Noah ang militar dahil gusto na nitong ma maging sibilyan na laman. Sa katunayan, nag-apply ito sa isang security agency. Sinabi ni Elle na imbestigahan pa rin nila si Noah, pero kailangan daw nilang protektahan ito dahil gusto niyang tuparin ang pangako niya sa apo niya. Nakikinig si Lyka sa usapan.

Nabigla si Trixie noong makasalubong niya si Noah sa lobby ng House of Elle. Tinanong ni Trixie kung may usapan ba sila ni Lyka?

Sinabi ni Noah na alam naman daw niyang maraming pinagdadaanan si Lyka ngayon, pero gusto lang daw nitong makasigurong okay lang siya. Gusto lang daw niyang kumustahin si Lyka. Pinapasabi niya kay Trixie na ang gusto lang nito ay malamang maayos si Lyka, maghihintay daw siya. Iyon lang at umalis na si Noah.

Sa pulong ng mga Waya, sinabi ni Elle na hindi pa rin sila nakakasiguro na totoo nga ang sinasabi ni Eliza na si Ylvana ang traydor. Mabuti na raw na maghintay, kaysa manghusga sila.

Pagdating ni Lyka sa House of Elle, namemesmerize ang mga tao sa kaniya. Kahit si Elton ay nagandahan sa kanya at inalok siyang maging modelo na agad namang tinanggihan ni Lyka. Sinabi ni Trixie na aura daw ng lobo na napapansin ng lahat. Kapag natutuhan na raw niyang kontrolin ang powers niya, matututuhan niyang kontrolin ang aura niya.

Pag-alis ni Trixie, napansin ni Lyka na may cupcake sa mesa niya (siempre kanino pa galing iyon). Pagbalik ni Trixie, napansin din niya ito. Sinabi ni Lyka na narinig niyang pinag-uusapan nina Manolo at Elle si Noah.

Parang ang weird, kasi nagbago na ang buhay ni Noah. Sinabi daw ni Noah na maghihintay siya. Pero paano na raw iyon kung hindi man siya nakakasigurado na mabubuhay siya pagkatapos niyang hawakan ang bato ng Remus. Inassure siya ni Trixie na lahat ay ginagawa nila para ihanda si Lyka sa paghawak sa bato ng Remus.

Pag-uwi ni Lyka, binuksan niy ang maliit ng card na kasama ng cupcake. Ang nakasulat: Naghihintay, Noah.

Pumasok si Nessa sa kwarto at tinanong niya ang anak kung mag-uumpisa na siya sa training niya. Itinanong ni Nessa kung kasama sa training niya ang pagpatay ng itim na lobo. Hindi raw alam ni Lyka.

Biglang binuksan ni Lady Elle ang pintuan ng kwarto. Oras na raw para umpisahan ang training ni Lyka.

(Hindi sila marunong kumatok!)

Teaser:

Umpisa na ng training ni Lyka.

Mga Marka: ,

7 Tugon to “Lobo, Episode 61”

  1. annedito Says:

    lol neneng. hindi uso kanila ang katok kasi they have really good senses. kaya alam nila kapag may dumarating.

    bakit itim na lobo si nesa ngayon? di ba matagal na yon pagkagat niya kay anton? bakit ngayon lang siya naging itim? noon nakatakas siya sa lab, puti pa rin siya. did i miss something???

  2. Neneng Says:

    Hi annedito, si ptvj ang gumawa ng text update – mamaya proxy ako kay ptvj.

    pinakita ba na puting lobo si nessa noong tumakas siya sa lab? hindi ko kasi maalala, ang pagkakatanda ko ay hindi siya nagpalit ng balat noong tumakas siya – tumalon-talon, umakyat sa puno na naka-puting damit pasyente si nessa.

  3. annedito Says:

    ay sorry, wrong reviewer pala…hehe

    hindi siya nagpalit noon tumakas pero noon full moon (lyka’s bday), puti ata siya. or maybe they never really showed her as lobo again after kinagat niya si anton. hmmm…

  4. No Car Says:

    diba sya naging lobo noon unang dumalaw sya sa san adolfo noon pinuntahan niya si father ben, tapos medyo nag tago sya sa puno. (parang yung din ang pinagtaguan din ni lyka last few days episodes.) puting lobo si nessa noon sa punong iyon. naaalala nyo ba yon?

  5. annedito Says:

    oo no car. i knew i’ve seen her as puting lobo after nakatakas siya sa lab. i just forgot where and when so bakit ngayon itim siya? baka palpak lang sa details ang mga writers…hehe…oo nalang tayo.

  6. dumbako Says:

    i always remembered her as puting lobo, maybe umepekto na sa kanya yong mga pinagtuturok sa kanya while she was in the lab. di ba gusto nilang gumawa ng experiment, ewan hindi ko kasi nasubaybayan ito at concentrate lang ako sa katawan ni noah, hehehe

  7. NoCar Says:

    ……or
    naalala nyo ba yung ene-experiment ni anton. may mga specimen sya na pinag ha-halohalo tapos naginging itim yung specimen. tapos parang nagtataka si anton. baka nga yung pputing lobo pagnakagakat na tao nagigigitim na lobo.
    ……or
    puting lobo na may binigay na kung anong experiment na gamot tapas nagiging itim na lobo.
    ….baka kaya parang iba na si nessa. mailap na sa mga tao and parang hindi na sya basta basta na titiwala kasi may kakaiba na sa pagkatao nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: