Lobo, Episode 60

by

Nakita ni Lyka na papunta sina Father Ben at Noah sa kinaroroonan ni Tikboy. Sinabi ni Tikboy na aso lang daw ang kasama niya. Sinabi pa niya na maswerte daw si Noah dahil mag nag-iisip sa kanya at mahal siya nito.

Dinala ni Lyka ang backpack niya at nagkatawang tao siya sa isang bakanteng building (lol, nakita ko ang behind ni Lyka).

Ayaw pa ring maniwala ni Noah na aso lang kalaro ni Tikboy. Nabanggit ni Father Ben na mula daw noong dinala sa mental hospital si Minyong, nawalan na ito na kalaro kaya lalong naging makulit.


Sinabi ni Father Ben na si Noah ang naroroon noong gabing namatay ang tatay niya at siya ang nakakita. Nasa sa kanya na iyon kung paano niya i-interpret ang nasaksihan niya at kung paano niya tatanggapin ang pagkamatay ng tatay.

Sinundan ni Tikboy si Lyka (don’t worry may damit na siya at this point). Nagpasalamat si Lyka kay Tikboy. Paano raw naiintindihan ni Tikboy si Lyka? Sinabi ni Tikboy na ang kwento ni Father Ben sa kanya, kahit noong hindi pa siya nakakapagsalita noong baby pa siya, nakikipagkwentuhan na siya sa mga ibon. Baka namana niya ito sa lola niya na bigla na lang nawala at iniwan ito kay Father Ben.

Sinabi ni Tikboy kay Lyka na huwag siyang mag-alala, sikreto nilang dalawa iyon. Dumalaw raw sana siyang muli para makapagkwentuhan pa sila. Iyon lang at nagpaalam na si Tikboy.

Sinabi daw ni Father Ben kay Noah na hindi totoo ang nakita niya noong gabing iyon dahil iyon ang gusto niyang paniwalaan noon hanggang ngayon. Hindi raw halimaw ang pumatay kay Emil dahil wala raw halimaw sa mundong ito. Aksidente lang daw ang pangyayari. For the sake of his father daw, kalimutan na lang daw nito ang mga pangyayari.

Noong umalis dahil nagpahanda ng hapunan si Father Ben, dumating naman si Tikboy. Tinanong ni Noah kung walang naikwento si Minyong dito tungkol sa mga halimaw. Kahit sinabi ni Tikboy na huwag niyang paniwalaan si Minyong dahil nga wala ito sa hustong bait, nagpasama pa rin si Noah sa kung sinabin lugar ni Minyong na kinakitaan niya ng halimaw.

Sulat na lang ni Zoe ang naabutan ni Leon noong hinanahap niya ang anak. Humingi ito ng tawad sa ama at sinabi nitong hahanapin niya ang kuya niya.

Sinabi ni Trixie kay Elle na hindi pumasok si Lyka sa trabaho at wala sila sa apartment nila.

Habang kausap ni Nessa si Father Ben, sinabi ni Nessa na hindi niya akalaing marunong magsinungaling ang mga pari. Sinabi ni Father Ben na hindi siya nagsisinungaling, iyon ang paniniwala niya. Naniniwala siyang walang halimaw dito sa mundo at aksidente lahat ng nangyari.

Aksidente man o hindi, habang buhay daw na dadalhin ni Nessa ang pagkamatay ni Nessa sa konsensiya niya. Siya raw ang pumilit kay Emil na turukan siya ng gamot, namatay si Emil dahil sinunod niya ang gusto niya, dahil minahal siya nito.

Mas lalong nakiusap si Father Ben kay Nessa na ipagpaubaya na nito ang gamot sa kanya dahil baka maulit na naman daw ang trahedyang nangyari noon. Maaring hindi raw mamatay si Lyka sa gamot pero baka makasakit naman siya ng iba kung ginamit nila iyon. Ipapasa raw ba ni Nessa sa anak ang bigat ng konsensiya niya?

May dumating na batang lalaki at sinabi kay Father Ben na ipinapatawag siya ng Mayor para pabendisyunan ang naghihingalong ina. Bago umalis si Father Ben, binuksan ni Nessa ang kahon na hawak na ng pari para kunin ang larawan ni Emil.

Dinala ni Tikboy si Noah sa may bangin kung saan namatay ang tatay nito. Ginaya pa ni Tikboy si Minyong kapag nagagawi sila doon sa at gubat. Natatakot daw ito sa mga lobo/halimaw. Itinanong ni Noah kay Tikboy kung nakita ba raw ni Minyong kung sino ang naging lobo? Bigla na lang kumanta ng “Ako ay may lobo…” si Tikboy.

Iyon din pala ang isinasagot ni Minyong sa kanya kapag tinatanong niya kung sino ang taong lobo. Naniniwala raw si Tikboy na walang halimaw, lahat daw ng mga likha ng Diyos, likaw na mababait. Iyon daw ang turo ni Father Ben sa kanya.

Naalala ni Noah noong mga bata sila ni Lyka noong nahalikan niya ito by accident.

Pinuntahan ni Lyka si Nessa. Sinabi ni Nessa na nagkamali siya at walang silbi ang ipinunta niya roon. Sinabi ni Nessa na pagkakataon nilang makalayo sa Maynila at kay Lady Elle.

Sinabi ni Lyka na alam niyang naroroon si Noah at hindi na kailangang itago ng ina sa kanya. Tinanong ni Nessa kung nakita siya nito. Umiling si Lyka, mabuti naman daw sabi ni Nessa. Nagsimula na silang lumabas sa simbahan.

Habang kausap ni Zoe si Yani, tumawag ang daddy niya pero hindi niya ito sinagot. Ipinakilala ni Zoe si Yani kay Noah.

Sinagot ni Noah ang phone. Laking pasalamat ni Leon at magkasama na sila ni Zoe. Inassure siya ni Noah na iuuwi niya ng safe si Zoe. Sana raw pag-uwi ni Zoe kasama na si Noah. Pag-usapan daw nila ang tungkol sa kanila. Ang tanging maipapangako raw niya ay iuwi si Zoe.

Pasakaya na sa bus sina Nessa at Lyka, parang ayaw sumama ni Lyka.

Nagpaalaman na sina Zoe at Yani. Hindi na kuntento ang Yani sa pagcha-chat. Hehe. Hindi pa rin sasama si Noah kay Zoe sa bahay nila. Magtatrabaho daw ito at mag-iipon para makapag-aral sa med school kagaya ng pangarap niya noon.

Hindi pa rin macontact ni Trixie si Lyka. Nag-aalala na sina Lady Elle, Manolo, Trixie, Selina at Lorian. May paniniwala pa rin si Elle kay Lyka, hindi raw nito tatalikuran ang lahi nila.

Habang “kausap” ni Noah si Lyka, sinab nitong tama raw si Father Ben. Ang paniniwalaan na lang daw niya ngayon ang kung ano siya ngayon, hindi ang nakaraan. Kapag nagkaharap na silang muli, ipapakilala niya sa kanya ang totoong Noah.

Nasa balkonahe si Lady Elle at nagwiwish ito na sana raw bumalik si Lyka. Biglang dumating si Lyka. Itinanong niya sa lola kung sigurado raw ba siya na kapag hinawakan niya ang bato, hindi siya mawawala na parang abo.

Nagtitiwala raw siya kay Elle. Ililigtas daw nito ang lahi nila. Niyakap ni Elle ang apo.

Teaser:

Nananaginip si Lyka at tinitignan nito ang mga painting ng mga ninuno nila at nakita niyang kamukha ni Noah ang isang lalaking may hawak ng bato ng remus.

Naku ha baka si nga Noah ang huling bantay!

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 60”

  1. cheesygarcia Says:

    ano kayang nangyayari sa mga damit na suot nila bago sila magtransform into lobo?😀

  2. Neneng Says:

    pag nagpapalit sila ng balat, tinitingnan ko talaga kung nalalaglag ang damit nila, pero hindi ko makita, “naglalaho” kaya?

  3. annedito Says:

    baka kinakain nila…hehe…para sigurong incredible halk na nag-shrivel ang damit. pero may-damit pa rin eh, at least what’s left of it.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: