Lobo, Episode 59

by

Sinabi ni Lyka kay Nessa na itatapat ng pinakamalakas ng lobo ang bato ng remus sa pulang buwan. At siya ang iyon — ang huling bantay. May halong pagmamalaki at pagkalito ang boses ni Lyka, isipin raw ba ng ina na ang anak niyang lalamp-lampa ang makakapagligtas sa lahi nila. Sinabi din niya na sinabi ng lola niya na nasa sa kanya ang desisyon at hindi siya pinipilit nito.

Kausap ni Gabby si Silva. Sinubukan na raw nila lahat ng mga tactics para maging heartless warrior si Noah. Pero walang nangyari. Hayaan na raw muna nilang magsaya si Noah sa piling ni Lyka, when the time comes, papatayin nila si Lyka (May deformation ata ang kamay ni Silva).


Nagpunta sina Nessa at Lyka kina Lady Elle gusto nilang maliwanagan tungkol sa bato ng remus. Nalaman nilang kung hindi ang huling bantay ang hahawak sa bato, mamamatay ito. Iyon lang daw ang paraan para makasigurong si Lyka ang huling bantay. Nagalit si Nessa, hindi raw nito ipakikipagsapalaran ang buhay ng anak niya. Sinabi ni Lady Elle na sigurado siyang si Lyka ang huling bantay at malakas ito, mas malakas siya sa kanya at kay Nessa.

Kailangan daw siya ng mga taong lobo, sabi ni Elle. Nakasalalay kay Lyka ang kapakanan ng lahi ng lobo. Nagalit si Nessa sa kanya.

Sinabi ni Lady Elle na dugo at laman niya ang mga ito kaya hindi niya ipapahamak si Lyka. Umalis na si Nessa. Nag-aalinlangan man si Lyka, sinundan nito ang ina. Pero bago nakaalis si Lyka, sinabi ni Lady Elle na nasa kanya pa rin ang desisyon.

Tinatawagan ni Zoey si Noah at finally sinagot na rin ni Noah ang cellphone niya.

Naiisip naman ni Gabby ang pambubugbog na ginawa nila kay Noah. Pati na ang muntik na niyang pagpatay kay Lyka. Nakita ni Choy si Gabby, tinanong nito kung sino Noah na naman ba ang iniisip nito (type ata in Choy si Gabby, sige kayo na lang). Sinabi ni Gabby na sa military pa sila, sila na ang magkasama — ang magkaibigan. Pero hindi na raw siya sigurado ngayon pagkatapos ng mga ginawa niya dito. Sinabi ni Choy na sumusunod lang daw si Gabby sa mga utos.

Siguro raw tama si Noah na kailangan nitong isipin ang jugdment niya sa mga iniuutos ng military. Sinabi ni Choy na ang diperensiya lang naman si Gabby sumusunod sa utos, si Noah sumasaway. Walang tama o mali raw kanilang dalawa.

Pinipigilan ni Lyka si Nessa sa pag-i-impake. Paano raw kung totoong siya ang makakahawak sa batong iyon? Kahit naman daw lumayo sila kasama silang mamamatay kung hindi niya sila tutulungan. Hindi raw kaya ng konsensiya niya iyon. Alam daw nitong maari siyang mamatay. Hindi pa nga raw niya ganap na tanggap ang pagkatao niya heto at may ipinapatong silang responsibilidad sa kaniya. Pero iniisip pa lang daw nito na maaring mamatay ang ina kung hindi niya gagawin ang pwede niyang gawin — iyon raw ang nagtutulak sa kanya para gawin ito.

Hinawakan ni Nessa ang anak. Naalala niya noong sinubukan ni Emil na bigyan siya ng lunas sa pagiging taong lobo nito. Sinabi ni Nessa na huwag siyang mag-alala, may magagawa pa sila.

Sinabi ni Elle kay Manolo na kahit na deserved ng pulong na malaman ang tungkol kay Lyka pero naroroon pa raw ang traydor sa kanila. At saka baka hindi siya paniwalaan ng mga ito. Ang tanging paraang alam lang daw ni Elle ay dalhin sa bato ng remus si Lyka ng palihim at sa susunod na kabilugan ng buwan ipapaalam na nito sa konseho ang tungkol kay Lyka.

Tinanong ni Manolo kung tatanggapin raw ba ni Lyka ang mga responsibilidad niya bilang huling bantay ngayong ang ina nito mismo ang tumatanggi? Hopefull si Lady Elle, or else mamamatay lahat ng taong lobo sa mundo.

Nasa may bangin si Noah. Kinakausap nito ang tatay niya. Naalala niya noong binigay ng ama ang moonstone. Naalala din niya noong namatay si Marco at sa huling sandali nito sinabi niyang kailangan si Noah ng Luna. Totoo nga raw ba na kasama sa Luna ang ama? Paano raw niya pagkakatiwalaan ang mga ito ngayong buong buhay niya puro kasinungalingan na lang ang pinakita sa kanya.

Naputol ang pag-iisip ni Noah ng bigla na lang hinawakan ni Zoey ang likod niya. Sinundan siya nito doon. Hindi raw siya aalis ng hindi niya ito kasama.

Pinuntahan ni Nessa si Father Ben. Tinanong ni Ben kung nasaan si Lyka. Sinab ni Nessa na iniwan niya ito sa may tindahan sa may labasan dahil ayaw niyang marinig ni Lyka ang usapan nila. Tinanong ni Nessa kay Father Ben kung nasaan ang iniwan ni Emil. Sinabi ni Emil kay Nessa noon na kahit ano man ang mangyari dito, iiwan niya kay Father Ben ang lahat. Naalala ni Father Ben noong pagkamatay ni Emil at inaayos na ni Leon ang mga gamit nito. Iniabot ni Leon kay Father ang isang kahon na nakapangalan sa kanya.

Sinabi ni Nessa na ipinapanalangin niya na kung ano man daw ang laman noon sana raw ay maging lunas mula sa pagiging taong lobo nila.

Iniabot ni Father Ben kay Nessa ang kahon na nakita kasama ang mga papeles ni Emil, hindi raw niya binuksan ito.

Nagpasalamat si Nessa. Sinabi nitong may ipinapagawa sila kay Lyka pero delikado ito. Baka ang mga gamot na iyon daw ang lunas. Ibibigay daw niya ang iba sa ibang mga taong lobo baka sakaling maperperkto nila at makahanap sila ng lunas.

Sinabi ni Father Ben na delikado raw ang mga gamot na iyon. Baka raw lalo silang mapahamak kagaya ng nangyari noon sa kanila ni Emil. Hindi raw ba mas lalo siyang bumangis dahil sa mga iyon. Bago raw namatay si Emil tinurukan siya ng gamot pero hindi naman naging maganda ang kinahinatnan.

May dumating na sakristan (iyon kachat ata ni Zoey iyon) at sinabi niyang may darating na bisita si Father Ben.

Nagtataka naman si Lyka habang naghihintay sa ina mula sa labasan. Bakit raw siya nagpunta sa simbahan, ano raw ang kailangan niya kay Father Ben. May naamoy si Lyka.

Nakita niya mula sa malayo sina Noah at Zoey. Nagpaalam si Zoey dahil may kaibigan daw siyang nakatira doon at pupuntahan niya. Pag-alis nito kinausap ni Noah si Father Ben. Nakikinig naman si Lyka mula sa malayo. Sinabi niyang napapanaginipan na naman niya ang pagkamatay ng ama — umaatras ito mula sa isang parang malaking aso, isang halimaw (Nakikinig na rin ata si Nessa at this point).

Sinabi ni Noah kay Father Ben iyon noon pero hindi ito naniwala sa kanya. Pinipilit daw siya ni Father Ben na hindi totoo. At sinabi pa raw nito na kung merong isang taong lobo, hindi nito sinasadyang maging sanhi ng pagkamatay ni Emil, na aksidente lang ang lahat.

Mukhang guilty na si Father Ben. Iyon lang daw ba ang sadya niya kaya siya nagputan doon? At bakit bigla raw siyang nagkainteres sa pagkamatay ng tatay niya?

Sinabi ni Noah na may nakapagsabi sa kanya na may mga halimaw na gumagala sa paligid nila. Na nakita niya mismo na may taong lobong pumapatay na mga tao.

May nakitang papalapit na anino mula sa likuran ni Lya at nakaramdam siya ng panganib. Nagtaong-lobo ito. Si Tikboy pala ang taong papalapit.

Hindi naman siya natakot kay Lyka. Sinabi nitong huwag siyang matakot at kaibigan siya nito, kinumusta pa niya si Lyka. Niyaya ni Tikboy si Lyka at sumama naman ito.

Sinabi ni Noah kay Father Ben na kailangan niyang malaman ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ng ama. Kailangan din niyang malaman ang totoo tungkol sa mga taong lobo na pumapatay sa mga tao. Kung may alam man daw si Father Ben, sabihin na niya sa kaniya… .

Bago nakasagot si Father Ben, nakita ni Noah na may kasamang lobo si Tikboy. Tumakbo si Father Ben at Noah papunta kay Tikboy.

Teasers:

Natatakot sa taong lobo si Tikboy.

Sinasabi ni Father Ben kay Nessa na delikado ang mga gamot na iyon.

Nasa paradahan ng bus sina Lyka at Nessa, sasakay sila ng bus.

Nasa paradahan din sina Noah at Zoey. May kausap na lalaki si Zoey.

Pinuntahan ni Lyka si Lady Elle.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: