Lobo, Episode 58

by

Lumapit si Lyka kay Noah, tinanong nito kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi niya na sinabi ni Gabby sa kanya na umalis na ito. At hindi siya naniwala pero alam nitong many nangyari sa kanya.

Sinabi ni Noah na nagkaroon siya ng problema pero okay na siya, naayos na niyang lahat. Lalo na ngayong kaharap na niya si Lyka. Gusto nitong malaman kung tinraydor nga ba siya nito. Alam daw nitong siya ang huling taong gagawa noon sa kanya. Naniniwala daw siyang pinwersa lang siya. Tinanong ni Noah kung tama ba siya sa paniniwala niya?

Galit na galit si Zoey sa ama dahil pinayagan nitong umalis si Noah. Sinabi ni Leon na hindi niya mapipigilan si Noah at palagay daw niya hindi siya mapapatawad nito. Sinabi ni Zoe na siya man daw ay hindi niya mapapatawad ang ama kapag hindi bumalik ang kuya niya.

Sinabi ni Lyka kay Noah na sinabi ng mga militar sa kanya na mamamatay si Noah kapag hindi niya ito nilayuan. Kaya ito lumayo sa kanya dahil hindi nito makakayanang may mangyayaring masama sa kanya. Sinabi ni Noah a kahit kailan, kahit minsan hindi nawala ang tiwala nito kay Lyka.

Nagyakap sila. Sinabi ni Noah na akala niya mababaliw na siya, pinahirapan siya para sumuko pero hindi siya nawala sa isip at puso niya. Dahil doon kinayanan niya ang lahat ng pagpapahirap nila sa kanya. Gumuho na raw lahat sa paligid niya (umiiyak na rin si Noah). Buong buhay daw niya puro kasinugalingan lang ang lahat.

Huwag daw sabihin iyon ni Noah. Kilala daw siya ni Lyka, siya ang pinakamabuting lalaking nakilala niya. Gagawin daw nito ang lahat para lang sa taong mahal niya. Sinabi ni Noah na kinaya niya ang lahat dahil sa kanya. Dahil daw sa kanya hindi siya nalilito, hindi siya nawawala.

Umiyak ng umiyak si Lyka. Inalis nito ang mga kamay ni Noah sa mukha niya. Sinabi ni Noah na alam niyang mahal din siya ni Lyka kagaya ng pagmamahal nito sa kanya. Pwede naman daw nilang kalimutan ang mga nangyari.

Malungkot na sinabi ni Lyka na hindi pwede. Tama raw ito, may mga kailangan pa silang ayusin. Pati raw si Lyka marami pa siyang kailangang ayusin. May mga bagay na kailangan niyang ayusin at harapin. Tinanong ni Noah kung tungkol raw ba kay Nessa? Sinabi ni Noah na kung iyon daw ang problema niya, tutulungan daw niyang hanapin kung sino ang humahabol sa kanya.

Hindi naman daw ganoon kasimple, sabi ni Lyka. Tinanong ni Noah kung hindi raw ba siya mahal ni Lyka? Sinabi ni Lyka na mahal niya ito higit pa sa buhay niya. Ang gusto daw niya pag bumalik na siya kay Noah wala na siyang kargang dala dala na makakasira sa kanya. Kung pwede nga lang daw niyang sabihin sa kanya. Gustong malaman ni Noah kung bakit pero sinabi ni Lyka na magtiwala raw ito sa kanya.

Mahal daw niya si Noah pero hindi pa siya handa. Sinabi ni Noah na maghihintay siya dahil mahal na mahal siya ni Noah. Ibinalik ni Lyka kay Noah ang kalahati ng moonstone. Sinabi ni Lyka na she doesn’t deserve him. Dinama ni Lyka ang mukha ni Noah at hinalikan niya ito.

Humingi ito ng sorry at nagpasalamat si Lyka sa kanya. Pinigilan siya ni Noah bago ito umalis, sinabi niyang maghihintay siya.

Grabe ang galing talaga ng acting ni Papa P — pagmamahal, pagsusumamo, pagkabigo, pagkalito –andun na lahat sa mga mata niya.

Naglakad na papalayo si Lyka at naiwan si Noah sa loob ng simbahan at ang moonstone na lang ang hinawakan niya.

Natataranta na ang council. Ang gusto ni Ylvana, ipahawak na lang nila ang bato ng remus sa mga kandidato nila para malaman kung sino ang huling bantay. Ayaw ni Elle dahil ang hahawak sa batong iyon ay mamamatay kung hindi ito ang huling bantay at hindi raw sila mga hayop, hindi sila mamamatay tao, may konsesiya sila. Sasabihin na sana niya sa pulong ang tungkol kay Lyka pero nakatanggap ng tawag si Ylvana. Nakagat ng itim na lobo ang dalawa nilang kandidato kaya itim na rin sila ngayon. Sinabi ni Elle na aalamin niya kung sino ang traydor sa kanila.

Frustrated na si Anton sa mga nangyayari sa kanya. Inassure naman siya ni Clara na hindi sila titigil hangga’t hindi nila naiintindihan kung bakit nangyayari sa kanya iyon.

Pumunta sa kung saan nakakulong ang itim na lobo at ipinaturo ni Lady Elle kung sino ang traydor sa kanila. Nakipag-eye to eye muna ito kay Raul bago niya itinuro si Ylvana. Sinabi ni Ylvana na huwag silang maniwala dito. Umalis isa-isa ang mga miyembro ng council.

Plano pala nina Rodolfo iyon para maibalik sa pwesto si Elle. Kahit na si Ylavana na ang bagong pinuno dati, si Elle lang ang may alam ng pasikot-sikot ng mga lihim ng mga taong lobo. Siya lang ang may alam kung nasaan ang bato ng remus. Balak nilang agawin sa kanya ang huling bantay.

Sinabi ni Elle na hindi nila pwedeng alisin na lang si Ylvana ng ganun lamang. Sa halip, suspendido si Ylavana sa mgs duties niya pending investigation. Sinabi ni Ylvana na wala na silang panahon pa para sa imbestigasyon kailanga na nilang makita ang huling bantay. Tama raw si Ylvana wala na raw oras bago ang plang buwan pero kailangan din nilang ayusin ang problema nila. Nagalit na si Ylvana at nagwalk-out ito.

Sinabi ni Lyka sa ina na pinapaasa lang niya si Noah sa wala. Lalo na ngayong si Elle na mismo ang nagsabing walang gamot sa pagiging taong lobo nila.

At the same time, kausap naman ni Noah si Andrew. Akala daw niya kapag malaya na siya sa military, malaya na siya para mahalin si Lyka. Tinanong ni Andrew kung hindi ba nito alam kung ano ang problema ni Lyka? Sinabi ni Noah na maghihintay siya.

Itinanong naman ni Andrew kung sigurado na itong hindi na siya hahabulin ng militar. Ikinuwento ni Noah na parang kwento sa komiks ang nasaksihan niya at ang nalaman niya tungkol sa misyon niya. Pero hindi niya sinabi kay Andrew ang detalye.

Bakit daw kasi hindi matanggap ni Lyka na imposibleng maging sila at hindi na sila pwedeng magsama ni Noah, bulong nito sa sarili. Sinabi ni Nessa kay Lyka na iyon na nga ang sinasabi niya. Lumayo na lang daw sila, kung hindi sila matutulungan ni Lady Elle hahanap sila ng ibang makakapagbigay sa kanila ng gamot.

Back to Noah ang Andrew, sinabi niyang naguguluhan pa rin siya. Konektado daw lahat sa pagkamatay ng tatay niya ang lahat. Kailangan daw niyang malaman ang totoong pangyayari. Sana raw kapag nalaman na niya ang mga sagot, nakita na rin ni Lyka ang hinahanap niya. Para malaya na silang magmahalan.

Sinabi na ni Lyka sa ina ang tungkol sa pulang buwang…at ang pagiging huling bantay niya.

Teaser:

Sinadya ni Noah si Father Ben. Nakita ni Lyka si Noah doon.

Nagkatawang lobo si Lyka para iligtas si Tikboy sa bangin, nakita ni Noah si Tikboy at ang puting lobo (Feeling ko akala niya papatayin ng lobo si Tikboy).

Nakakainis naman! Baka akala ni Noah masama ang mga puting lobo. Agh.😦

Mga Marka: ,

17 Tugon to “Lobo, Episode 58”

  1. annedito Says:

    kaya ngayon magagalit na si noah sa mga lobo…sad na ulit ang story.

  2. safiya Says:

    ang gwapo ng dating ni Noah sa akin sa episode na, si Lyka naman ang pumapangit sa kaiiyak nya. hihihi anne, wag namang gawing sad ang story, gusto ko ng makita ang pagpapalit ng balat ng mga puting lobo para malaman ko kung ilang asong puti ang naimport nila for this movie, hehehehe…joking aside wag naman gawing drama ito, mabigat sa puso eh.

  3. annedito Says:

    Thanks Safiya! now i know kung bakit hindi ako talagang nagagandahan kay angel locsin. sabi ko na there is something off about her. ngayon alam ko na, pangit siya kapag umiiyak. i couldn’t pinpoint kung ano talaga ang hindi ko magustuhan sa kanya. i think she’s pretty, but not drop-dead tulad ng mga sinasabi nila.

    isang asong puti lang ang naimport nila. kaya puro computer graphics ang ginagamit lalo na kapag nagaaway si ylvana at elle…hehe

  4. mahalo Says:

    Ang galing ng plot. mahusay ang mga writer. SUPERB ang dating maraming suspense at nakakkilig na takbo. The actors & actress played their role really well. Ganyan dapat all the plot seems to flow parang in real life. Wlang masyadong loophole unlike MKSM2 hehehehehehehehehe.
    Piolo P. should get the GOLDEN GLOBE award… hanep ang 6 pack…saan ba sya nagwoworkout para doon din ako hehehehehehe… kahit taga punas lang ng pawis nya hehehehehehehehehehehe.

  5. badingdin Says:

    thank you din safiya and annedito. ang tagal ko nang iniisip na something is different kay angel locsin kaya hindi talaga “in” sa kanya. pero, walastik ang katawan!. sorry ang tingin ko sa mga mata nya parang sa lobo kaya naisip ko noon na bagay sa kanya maging lobo. si noah naman laging guapo kahit pinapawisan ng masyado hehehe

  6. badingdin Says:

    you’re very right mahalo, superb ang abs n’ya pwedeng paglaruan ng kara y krus! hehehe. .yang looks ni piolo sinasabi nila na gay, di bale na , tulad ni ricky martin bading daw no problem basta ba mga guapo hehehe

  7. ptvj Says:

    badingdin, hahahahahahaha! droolable nga talaga ang katawan ni papa p. ako man i don’t care kung girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy man siya.

    magaling siyang artista, who cares kung ano man siya in real life. as if naman na magiging kami kung hindi siya bading😉 .

  8. mahalo Says:

    bading ? sinong nagsasabi na bading si PIOLO P. at haharapin ko sila. sa palagay ko gusto lang nilang gumawa ng wastefull gossip. Hindi bading si Piolo no patutunayan ko heheheheheheheheheheheh…. Si angel Okay ang acting pero sawa na ako sa iyak nya she needs to accept who she is. Pero super galing si PIOLO P. no nadadala nya si Angel L. Parang tango ba… basta magaling kang mag lead sa sayaw mukhang mahusay na rin yung kapartner no. HAYYYY… sana ako ang kapartner ni PIOLO P.

  9. dumbako Says:

    kung makipagdate sa akin si piolo kahit isang gabi, pwede ko nang hiwalayan ang asawa ko, este roommate ko pala hehehe, drool na drool talaga ako kay pplo, hehehehe

  10. annedito Says:

    pero in person, mas nag-guwapohan ako kay diether. maybe kasi talagang super crush ko si piolo so i expected him to be guwapo. don’t get me wrong, he’s yummy in person. pero si diether, talagang na-shock ako sa itsura niya. like i said before, parang makinis na ewan yung dating niya. parang ang linis niya at gatas pa ang pinapaligo niya…lol

  11. dumbako Says:

    swerte mo naman annedito, nakita mo siya in person, that’s one of my wishes. just hope pagpunta ko uli sa boracay nandoon din si diet hehehe kahit 2 hours lang na makasama ko siya am in heaven na. very telegenic lang kasi ngayon si pplo hehehe

  12. annedito Says:

    lol dumbako. sana nga nakipag-chika-chika ako. at that time kasi, wala akong hilig sa tfc eh. ngayon naman, i can’t get enough of the drama…hehe…mas-type ko si diether kasi lalaking-lalaki siya. si piolo parang mama’s boy ang dating eh. pero kahit sino sa kanilang dalawa ang maka-date ko, OK na OK sa’kin.

  13. ptvj Says:

    naaliw ako ha, biglang napunta kay deither ang usapan.

    iyon namang asawa ng pinsan ko, kilala niya si deither noong hindi pa siya sikat. iyon kasing ex-bf niya kabarkada ni deither. kahit noon pa raw gwapong-gwapo na si deither.

    sabi ko sa kanya, sana kay deither na lang siya nagpaligaw edi sana kahit hindi man silang nagkatuluyan, masasabi niyang ex niya si deither. hehehe.

  14. annedito Says:

    lol ptvj. oo nga.

  15. dumbako Says:

    ptvj, pwede ka bang magpost ng pictures nina diet and piolo dito na nakadisplay ang abs? para naman maprint ko at kahibangan sa gabi hehehe

  16. ptvj Says:

    hahaha. sige maghahanap ako =P

  17. No Car Says:

    ang saya saya naman ng usapan nyong lahat. sali naman ako….
    pahabol lang si papa p kapit bahay naman sa pinas. In an old subdivision in pasig. noon pa kaikita ko na sya sa pero aabangan mo talaga sa labas ng bahay kasi bihira siyang nasa bahay. si diet di ko pa nakita. pero okay nga kung pagtabihin natin ang pictures nila para malaman kung kanino tayo unang malalaglagan ng panty. hehe!!!!! (noon araw kay Aga and Gary V ako lokong loko)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: