Lobo, Episode 57

by

Pinapanood ni Silva si Noah sa kulungang through his computer. Naalala naman ni Noah noong pinilit nilang gumawa siya ng sulat kay Lyka. Ayaw sana ni NOah pero sinabi nila as of that time, may nakatutok na baril kay Lyka. Kinuha na rin ng sundalo ang moonstone niya.

Paulit-ulit na sinasambit ni Noah ang pangalan ni Lyka.

Naramdaman naman ni Lyka ang pighati niya. Kinuha ni Lyka ang moonstone nilang dalawa at pinagsama iyon.

Pumunta si Silva sa isang puntod (starts with an “A” iyong pangalan). Sinabi niyang laban na nilang dalawa ni Noah iyon at ipinapangako niyang siya ang magtatagumpay.

Sinadya ni Lyka si Elle. Kinumusta muna ni Lyka ang lola. Sinabi ni Lyka sa lola na alam na niyang walang gamot sa pagiging lobo niya. Bakit daw kailangang magsinugaling ni Elle sa kanya? Sinabi ni Elle na wala siyang intensiyon na lokohin siya, natakot lang siya na kapag sinabi nito sa kanya na walang gamot na lalo lang nitong kamuhian ang sarili at baka lumayo ito sa kanya. Ayaw daw niyang lumayo ito sa kanya.

Pero palagay daw niya, panahon na para malaman na niya ang lahat at matanggap ang pagkatao niya. At harapin ang pinakaimportanteng tungkulin sa buhay niya — ang iligtas ang mga taong lobo.

Sinabi ni Silva kay Gabby na palayain na si Noah. Ayaw maniwala ni Gabby na out of the goodness of his heart kaya niya pinapalaya si Noah.

May ipinakitang libro si Lady Elle sa lola. Hindi pa raw nabubuksan ito mula noong nakuha ni Lorenzo ang moonstone. Itinanong ni Lady Elle kung nasaan ang kalahati. Kinuha ni Lyka ang magkahating moonstone mula sa bulsa niya. Sinabi niyang ibinigay niya kay Noah iyon dati pero isinauli na niya. Lady Elle sympathized with what happened between the two of them.

Pero ibinalik rin niya ang topic tungkol sa libro dahil importante raw iyon. (Ang cute ng kwarto ni Lady Elle!)

Ipinalagay ni Elle kay Lyka ang buong moonstone sa harap ng libro. Biglang may visible air na nagmaterialize from the book. Sinabi ni Lady Elle na simula pa laman ng mundo ay may mga lobo na, sa kabila ng natural disasters at giyera.

Pero ang pag-akyat ng pulang buwan ay ang itinakdang araw ng kamatayan nila. Kung ang second full moon daw ay blue moon, every 500 years naman daw mula sa unang pagkabuhay ng taong lobo, sumisilip sa langit ang ikatlong buwan — ang pulang buwan. At para sa mga taong lobo, iyon ang katapusan ng lahat.

Isa-isang namamatay ang mga taong lobo at maglalaho ng parang alikabok. Ang sinag ng pulang buwan ay parang lason sa mga taong lobo. Hindi nila maintindihan kung anong meron ito. Gusto man nilang (mga ninuno nila) pag-aralan kung ano ang meron nito pero by that time wala na ang pulang buwan. At kailangan nilang maghintay ng 500 taon.

Magsisimula daw ito sa unang pahiwatig — ang tatak ng pulang buwan (natatakot na si Lyka at dinama niya ang tatak sa batok niya). May dalawa pa raw pahiwatig — ang ibig sabihin noon ay ang pag-akyat ng pulang buwan.

Noon lang nagsalita si Lyka. Ibig sabihin ba raw mamamatay silang lahat?

Sinabi ni Elle na may pag-asa raw sila. Nadiskubre daw ng mga ninuno nila na may bagay na makakatalo sa lason ng pulang buwan — ang bato ng remus. Kailangan daw masinagan ng pulang buwan ang bato ng remus. Wala raw taong lobo ang may sapat na kakayahan para hawakan ito. Ang pinakamalakas na taong lobo daw, ang huling bantay lang ang makakahawak nito.

Itinanong ni Lyka kung sino ang huling bantay, kung natagpuan na nila ito. Sinabi ni Lady Elle na siya ang huling bantay.

Iyon raw ang dahilan kung bakit unti-unti niyang ipinapakilala ang katauhan ni Lyka sa kanya. Dahil baka raw hindi nito matanggap ang pagiging taong lobo, hindi rin nito matanggap ang pagiging huling bantay niya.

Ayaw maniwala ni Lyka. Lampa daw siya at walang araw na hindi siya nadadapa. Hindi raw totoo iyon, sabi ni Lady Elle. Noong nagpakita raw ng senyales ang pulan buwan, lahat sila nanghina at parang naupos na mga kandila, pero siya nakayanan niya ang unang pahiwatig.

Hindi pa rin makapaniwala si Lyka. Sinabi ni Elle na kahit si Selina, mapapatunayan niyang siya ang pinakamalakas na taong lobong nabubuhay ngayon.

Sinadya ni Gabby si Noah sa kulungan nito para sabihing makakalabas na siya. Ayaw lumabas ni Noah, dahil palagay nito may binabalak silang masama. Sinabi ni Gabby na he won. Pero ayaw maniwala ni Noah dahil ang mga kagaya nila ay hindi nagpapatalo.

Sinabi ni Gabby na baka raw kasi sa bandang huli siya pa ang makasira ng mga plano nila. He’s free to leave.

Naguguluhan pa rin si Lyka. Kahit kailan daw hindi niya matatanggap ang sumpa sa pagkatao niya. Baka raw nagkakamali lang sila, baka may iba pang mas malakas na tanggap ang pagkatao niya. Paano raw siya makakaligtas ng pagkatao, kung ang sarili niyang pagkatao itinatakwil niya.

Sinabi ni Elle na hindi nito hawak ang desisyon niya. Pero sana raw pag-isipan niya dahil sa kanya nakasalalay ang kaligtasan ng mga taong lobo.

Bago umalis si Noah, nakiusap si Gabby sa kanya. Maraming tao raw ang naghihirap sa misyong ito at hindi sila masasamang tao. Nakataya daw ang mga buhay nila sa misyon nila — everything is based on secrecy. Pero sana raw kung anong nalaman niya itago na lang niya sa sarili niya. Hindi para sa kanila kung hindi para sa mga inosente. Naiwan si Gabby na nakatayo sa kulungan ni Noah.

Habang kumakain sina Zoey at Leon, dumating si Noah. Tumakbo papalapit si Zoey sa kuya at itinanong kung anong nangyari sa kanya. Sinabi ni Noah na napaaway lang siya. Sorry raw kung nag-alala siya.

Habang naliligo si Noah, tinignan niya ang braso niyang supposedly ay nakagat ng lobo. Naalala niya noong bata pa siya. Noong tinitirador niya ang mga empty cans na parang siya ang “halimaw.” Nakita siya ni Father Ben. Sinabi nito na hindi nito itinatanggi na may halimaw doon pero baka raw aksidente lang ang mga pangyayari dahil walang kagat si Emil. Hindi raw nila alam ang naglalaro sa isip ng hayop na iyon, baka pinuprotektahan lang nito sarili niya dahil natatakot siya. Aksidente lang daw na nahulog sa bangin ang tatay niya. Hindi naman daw siguro kagustuhan ng hayop na iyon na mamatay si Emil.

Pero gayun man daw, halimaw or malakas na aso man daw iyan. Nilikha pa rin sila ng Diyos, wala raw tayong karapatang patayin sila. Si Emil daw ang pinakamabait ng taong nakilala niya, kahit ipis hindi niya pinapatay. Ipinapangako niya si JJ a magiging katulad siya ng tatay niya, na hindi ito mananakit ng kahit ano. Umoo naman nag umiiyak na si JJ.

Naalala din niya noong ipinakilala na nina Gabby kung sino talaga sila. At noong pinilit nilang gumawa ng sulat si Noah para kay Lyka.

Naabutan ni Leon na nag-e-empake si Noah. Iyon lang daw ang alam niyang paraan para hindi maalis ang respeto nito sa kanya. Siya pa rin daw ang nagpalaki kay Noah at utang nito ang buhay niya sa kanya.

Sinabi ni Leon na naging mabuti siyang anak, sinabi ni Noah na naging mabuting sundalo lang daw siya dahil sumusunod lang siya sa utos niya. Naging mabuting sundalo lang daw siya dahil mahal niya ang ama-amahan. Pero wala raw ama na lolokohin ang anak niya.

Paglabas daw niya sa pintuang iyon, wala na siyang ama. Hindi na siya anak nito.

Nagdarasal sa simbahan si Lyka. Sinabi niyang naniniwala ito sa sinabi ng lola na may karapatan silang mabuhay sa mundong iyon. Hindi lang daw siya makapaniwala na sa mga kamay niya nakasalalay ang buhay niya. Natatakot lang daw kasi siya na kapag tinanggap niya ang pagiging huling bantay, maililigtas niya ang lahi nila pero para na rin niyang tinanggap na mabubuhay siya bilang taong lobo habang buhay.

Kung hindi naman daw niya tinanggap, mawawala ang lahi nila. Selfish naman daw iyon. Ang bigat naman daw ng ibinigay sa kanya, pwedeng iba na lang daw? Hindi naman raw sa nagrereklamo siya, nagtatanong lang. Hindi na raw kasi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Nasa same simbahan din si Noah. Like Lyka humihingi din ito ng tulong dahil hindi niya alam ang gagawin. Buong buhay daw niya kasinungalingan. Ano raw ba ang dapat niyang paniwalaan. Sino at ano raw ba ang totoo sa buhay niya. Noah put his hand over hhis face ang bowed his head.

Nag-sign of the cross naman si Lyka at tumayo na ito.

Nagtama ang paningin nila. Tumayo si Noah. Naluha naman si Lyka.

Teaser:

May nahuli na naman silang itim na lobo. Itinuro nito si Raul bilang traydor.

Naghalikan sina Noah at Lyka. Yay!

Mga Marka: ,

2 Tugon to “Lobo, Episode 57”

  1. safiya Says:

    di ko po maintindihan kung si Noah ay isang taong Lobo din kse di tinatablan ng kagat, di kaya si Noah ang huling bantay at sya ang magliligtas kay Lyka at sa buong lahi ng taong lobo. Tapos si Kuya Anton paningit at panggulo lang sa love nila Noah at Lyka, tpaos magiging salbahe si Anton kse ang love ni Lyka eh si Noah. Si Anton ang leader ng itim na lobo katulogn si General Silva at si Noah agn tagapagtanggol ng puti na Lobo at katuwang si Lyka. haaay, wala lang, naisip ko lang to. hehe

  2. ptvj Says:

    magandang angle yun kung si noah nga ang huling bantay. pero bakit hindi siya nagpapalit ng balat?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: