Lobo, Episode 56

by

Hindi lang daw si Lady Elle ang nasa panganib kung hindi silang lahat (including Nana Sela). Mamamatay daw lahat ng kauri.

Hindi maintindihan ni Lyka si Nana Sela, hinawakan ni ng matanda ang braso ni Lyka ng mahigpit at napaupo si Lyka. Sinabi nitong may magagawa si Lyka para baguhin ang kapalaran. Nararamadaman daw niya ang kakaibang lakas kay Lyka. Si Lyka raw ang may dala ng pag-asa, ang nakatakda.

Lalong naguluhan si Lyka. Sina ni Nana Sela na siya ang magliligtas sa mga lahi ng mga lobo, ang huling bantay. Ngunit ang sarili daw niyang kalooban at puso ang kalaban niya.

Hindi pa rin maintindihan ni Lyka ang lahat. Sinabi ni Nana Sela na pakinggan nitong maigi ang nararamdaman ng puso niya. Naroroon daw ang kanyang lakas at kahinaan.

Nagtuos na sina Elle at Rodolfo. Natatalo sina Rodolfo kaya umalis sila pero may naiwan silang kasama (iyong babaeng may gusto ata kay Rodolfo). Sinabi ni Rodolfo na ipaghihiganti daw niya iyon.

Mahigpit ang hawak ni Nana Sela kay Lyka. Biglang naging pula ang mga mata ng mata at sinabi niyang naroroon na raw ang tatak ng pulang buwan. Tumakbo papaalis si Lyka.

Sa kulungan naman, may inilagay na naghihingalong lalaki (Marco) kung saan nakakulong si Noah. Pilit nitong tinatanong ang mga lalaking nagdala doon kay Marco kung ano ang nangyari pero hindi nila ito sinasagot. Sinabi ni Marco na nakagat siya ng lobo.
(Nakagat daw siya ng lobo pero nabaril daw nito ang lobo hanggang namatay ito) Kailangan na raw mamatay ni Marco dahil magiging taong lobo lang siya. Huwag na raw nitong subukang iligtas si Marco, ang mga inosente na lang daw. Sinabi ni Marco na kailangan siya ng mga Luna, siya na lang ang pag-asa, huwag sana silang biguin (Nagsisigaw si Noah pero walang tumutulong sa kanila).

Namatay na si Marco.

After a while, kinuha na nila ang bangkay ni Marco. Naaawang pinagmamasdan ni Gabby ang mga nakatulalang si Noah. Hahawakan sana nito ang mga kamay niya pero ayaw pahawak ni Noah. Umalis na si Gabby.

Tinanong ni Silva kung ano ang desisyon ni Noah. Nagalit ito noong sinabi ni Gabby na wala pa ring pagbabago.

Ipinabugbog ni Silva si Noah. Ayaw pa ring pumayag si Noah kahit na pilit ipinaaalala ni Silva sa kanya ang pagkamatay ng ama. Naroroon din si Gabby pero wala itong kibo. Sinabi ni Noah na ginawa nila itong malakas, walang emosyon, hindi pwedeng magpakita ng kahinaan. Doon daw sila nagkakamali, iisa lang ang nagpapagalaw ng tao at nagiging puno’t dulo ng desisyon – ang pagmamahal.

Sinabi ni Silva na kahinaan daw ang pagmamahal. Sinabi ni Noah na narinig na raw niya iyon kay Gabby, sa kanya pala raw niya nakuha iyon. Sa palagay raw nila saan siya kumukuha ng lakas para indahin lahat ng ginagawa nila sa kanya? Pinagtawanan sila ni Noah.

Pinagbubugbog si Noah.

Pumunta si Lyka sa bahay nina Elle. Ayaw sanang ipaalam nina Lorian at Manolo ang nangyari kay Elle pero nagpumilit si Lyka na makita ang lola dahil may itinatago raw ito.

Nakita niyang nakahiga si Elle at mukhang nanghihina at may sugat ang kanyang mukha. Nag-alala naman si Lyka sa kung ano ang nangyari sa Lola.

Bigla na lang nanakit ang mga katawan nina Elle, Lyka, Nessa, ang mga itim na lobo at si Anton. Pati pala si Silva lobo rin. (Hindi napansin ni Gabby ang pananakit na iyon ni Silva.)

Hindi maintidihan ni Clara kung ano ang nangyayari sa anak.

Patuloy na nananakit ang mga katawan nila at nabibingi rin sila sa ingay na sila lang ang nakakarinig.

Nawalan ng malay si Lady Elle (OMG I hope she’s not dead!). Biglang lumitaw ang tatak ng pulang buwan sa batok ni Lyka. Noong ipinoint out ito nina Manolo at Lorian sa kanya, naalala niya ang sinabi ni Nana Sela na naroroon na ang pahiwatig ng pulang buwan.

Sinugod ni Gabby ang mga nambubugbog kay Noah. Noong wala na sila, ayaw pa ring pahawak ni Noah sa kanya.

Tinanong ni Lyka si Trixie kung ano ang nalalaman nito tungkol sa katauhan niya. Sinabi ni Trixie na minsan itinatago ang katotohanan dahil hindi pa handa ang isang tao. Minsan naman daw, itinatago dahil ayaw tanggapin ang katotohan dahil sarado ang isip at puso. Sinabi ni Trixie na nakadikit na raw ang kaluluwa nito sa kanya at sa lahi nila. Hindi daw iyon ang mission niya kung hindi dahil mahal niya ito.

Kung mababaliktad daw ang pagkakataon, siya ang lobo. Gugustuhin raw niya na si Lyka ang maging tagapangalaga niya.

Sinabi ni Trixie na parang sakit daw iyon na ang mga taong lobo lang ang mayroon. Naisip ni Lyka na e di mas maganda raw na maalis ang sumpa sa katawan nila.

Isa raw iyon sa dahilan kung bakit hindi nila masabi kay Lyka ang buong katotohanan, dahil hindi niya matanggap ang pagkatao niya. Wala raw gamot na makakatanggal sa pagiging taong lobo niya. Hindi lang daw masabi ng lola nito sa kanya dahil ayaw siya nitong paasahin at ayaw niya itong biglain.

Nagyakap ang magkaibigan.

Kinausap ni Lyka ang natutulog na Lola. Gusto raw nitong tanggapin niya ang pagkatao niya pero siya mismo maraming itinatago sa kanya. Sabihin daw nito ang totoo sa kanya.

Sinabi ni Manolo kay Lyka na hayaan muna nitong mabawi ng lola niya ang lakas niya. Marami naman daw pagkakataon na makakapag-usap sila later on.

Tumayo na si Lyka. Sinabi ni Manolo na mahal siya ni Elle, kailangan daw niya itong pagkatiwalaan. Kapakanan lang niya ang iniisip niya.

Pag-uwi ni Lyka, sinabi ni Lyka ang sinabi ni Trixie sa kanya. Naguguluhan na si Lyka, mamamatay raw ba silang lahat? Walang nagawa si Nessa kung hindi yakapin ang anak…

Teasers:

Pinalaya na si Noah.

Nagkita muli sina Noah at Lyka. (Wahhhhh!)

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 56”

  1. mahalo Says:

    Napansin nyo ba si General silva? parang apektado din sya ng pulang buwan. siguro isa rin syang lobo? pero kung lobo bakit gusto nyang ipapatay ang kauri nya? HMMMMMM…. bawat tao talaga may kanya kanyang motibo sa buhay. Wala akong masay kay Gabby ha! lakas namna nya doon sa dalwang maskuladong lalaki… hmmmm…

  2. No Car Says:

    siguro nakagat si gen silva kaya naging lobo hindi ko rin alam…. mistirioso sya ha!!!

  3. ptvj Says:

    mahalo, baka takot lang sila kay gabby dahil mas mataas ang rank niya. hehehe.

    no car, oo nga. para siguro siyang si anton.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: