Lobo, Episode 55

by

Nanginginig pa rin sa sahig si Noah at tila hinahanap ang moonstone niya. Naalala niya noong kinagat siya ng lobo at nalaman niya ang tungkol sa mga Luna. Ayaw raw niyang maging isang Luna.

Galit na galit si Leon at nagsisigawan sila ni Silva. Wala na raw ibang paraan para makumbinse si Noah para sumali sa kanila. Nag-walk out si Leon.

Flashback: Nagising na si Noah mula tranqulizer na ibinaril sa kanya pagkatapos siyang ipakagat sa itim na lobo. Dinalhan siya ng pagkain ni Choy. Inagaw ni Noah ang baril ni Choy at itinutok ito sa kanya. Pero walang bala ang baril ni Choy and Noah knew that. Sinabi ni Choy na hindi sila ang masamang tao, kung alam daw ni Noah kung gaano karami ang nagnais na mapunta sa posisyong ibinibigay nila kay Noah.

Ipinakita ni Choy ang pangalan ng mga namatay na inosente dahil sa mga lobo at pati na ang mga Luna na namatay sa paglaban sa mga lobo. Sinabi ni Choy na iyon ang misyon ni Noah dahil siya ang pinakamagaling at pinakamalakas na sundalong alam niya.

Sinabi ni Noah na dalhin siya ni Choy sa mga superiors niya. Natuwa si Choy pero pagtalikod niya inatake siya ni Noah. Nakapanlaban si Choy and he tasered Noah. End of flashback.

Sinabi ni Noah na mamamatay muna siya bago siya sumuko sa kanila habang hawak-hawak pa rin niya ang mga dogtags niya.

Habang naghahapunan ang mag-ina. Sinabi ni Lyka sa ina na nagmahal ang ina ito ng dalawang lalaki (Emil and Lyka’s Dad). Namatay raw ba sila dahil sa mga lobo? Sinabi ni Nessa na tinanggap siya ng tatay ni Lyka ng buong-buo pero namatay ito. Itinanong ni Nessa sa anak kung natatandaan niya ang mga nangyari noong namatay ang ama. Ang tanging natatandaan lang daw ni Lyka ay may mga humahabol sa kanila. Sinabi ni Nessa na dadalhin daw niya habang buhay ang pagkamatay ng tatay ni Lyka. Sinabi ni Lyka na alam nila ang pinasok ng mga lalaking nagmahal sa ina. Pero sinabi ni Nessa na nasa konsensiya pa rin niya ang pagkamatay nila.

Ang pinakamagandang gawin daw nilang dalawa ay lumayo na sa mga kakilala at kaibigan para hindi na sila masaktan pa. Hindi sang ayon si Lyka. Hindi raw matatahimik ang mga buhay nila kung hindi nila matatanggap kung sino sila. Hangga’t hindi nila ito binabago. Naniniwala daw si Lyka na mabubura ang sumpa sa kanila. Sana raw maintindihan siya ng ina.

May mga tine-test na namang dugo si Anton.

Habang binabasa ulit ni Lyka ang sulat ni Noah sa kanya, naalala niya noong nagpalitan sila ng kwintas ni Noah at noong nasa isla sila ni Noah. Noong paulit-ulit na sinabi ni Noah na mahal siya nito. Hindi na naniniwala si Lyka na totoo ang isinulat niya sa papel. Hindi raw magagawa ni Noah na bigla na lang siyang umalis at ni pamilya niya ay hindi alam kung nasaan siya. Patuloy daw siyang aasa at lalaban para sa kanya.

Sinabi na ni Raul kay Rodolfo itinuro na raw niya kay Elle ang direksiyon sa kanyang kamatayan. Pagkatapos daw noon magiging kanila na ang huling bantay.

Sinabi na ni Trixie kay Elle na wala na si Noah. Sinabi ni Elle na marami man siyang tanong sa pagkatao ni Noah, pero there’s something inside her asking kung dapat ba nilang tulungang magkaayos sina Noah at Lyka.

Sinabi ni Trixie na nasasaktan siya kay Lyka pero mas gugustuhin na niyang huwag ng bumalik si Noah dahil ginugulo lang nito ang isip ni Lyka. Sinabi ni Lady Elle na mas magugulo din ang utak ni Lyka dahil sa pagkawala ni Noah. Si Noah lang daw ang pinanghahawakan ni Lyka. Ayaw daw talikuran ni Lady Elle ang sarili niyang apo.

Itinanong ni Trixie kung matutuloy sila mamayang gabi, sinabi niya na mag-ingat daw sila dahil mapanganib ang pupuntahan nila. Sinabi ni Elle na huwag itong magalala, hindi pa siya mawawala dahil hindi pa tapos ang misyon niya — ang dalhin ang huling bantay sa kanila.

Nagkita sina Selina at Lyka sa bahay ni Elle pero wala roon si Elle. Nakita ni Lyka ang report ni Selina. Tinanong ni Lyka kung gumagawa ba sila ng gamot (iyong kung saan ikinulong si Nessa). Agad raw sana siyang sabihan ni Selina kung meron ng gamot.

Sinabi ni Selina kay Lyka na hindi raw ba niya naisip na talagang itinakda ng tadhana, o ng Diyos, o kung ano mang ang pinaniniwalaan niya na maging ganoon siya — sila? May silbi daw siya sa mundo, sabi ni Selina.

Ang totoo raw, naiinggit si Selina kay Lyka dahil ordinaryong lobo lang siya. Matatakot raw siya pero iisipin din niya kung ano ang magagawa niya para sa lahi nila, para sa buong mundo, kung matatanggap lang niya ang sarili niya.

Sinabi ni Lyka na minsan na siyang nakaligtas ng tao dahil sa kakayahan niya, pero minsan na rin siyang nakasakit dahil dito. Kung alam lang daw ni Selina ang paglayo sa kanya ng mga mahal niya, maiiintindihan daw siya nito kung bakit ayaw niyang tanggapin ang pagkatao.

Sinabi ni Selina that they’re doing a lot of things in that lab pero hindi kasama ang paghanap ng gamot. Tinitigan ni Lyka ang painting ng lobo sa bahay ni Elle. Dali-dali nitong tinawagan si Anton. Kailangan daw niya ang tulong ng kuya niya.

Nakipagkita si Lyka kay Anton. Sinabi nito na may proposal siya tungkol sa isang fashion show. Fashion for a cause raw against the use of animal fur or skin. Kailangan daw niya ng expert para mainterview. Sinabi ni Anton na hindi siya veterinarian, mas expert siya sa mga diseases ng mga hayop.

Tinanong ni Lyka na para raw ba iyong kagaya sa mga TV na may mga taong nagiging hayop parang werewolf or taong lobo. Sinabi ni Anton na kathang isip lang iyon, imposible raw na mangyari iyon. Sinabi ni Lyka na pwede raw bang magamot iyon. Sabi ni Anton sana raw ganoong siya kagaling para makahanap ng gamot na ganoon.

Nasa simbahan si Lyka, nagdarasal ito dahil desperado na siya at muntik na niyang masabi kay Anton ang kalagayan niya. Naguguluhan na raw kasi siya, baka pwede siyang tulungan ng Diyos.

Dumating si Nana Sela sa simbahan.

Nagpunta na sina Lady Elle at Lorian sa pinagtataguan ng mga itim na lobo. Nararamdaman daw ni Elle ang mga itim na lobo. Sabi ni Lorian, baka raw patibong lang daw ng mga itim na lobo iyon. Desidido si Lady Elle, sinabi niyang then they’ll see kung sino talaga siya. Nag-umpisa ng maglakad si Lady Elle.

Nagdarasal pa rin si Lyka. Baka raw may anghel o sugo ang Diyos na pwedeng ituro sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin. LUmingon si Lyka at nakita niya ang papalayong si Nana Sela. Sinundan niya ito.

Naglalakad na rin si Lady Elle sa isang madilim na lugar.

Natunton ni Lyka ang tinitirhan ni Nana Sela. Sinabi ni Nana Sela na huwag siyang matakot. Nabigla ito noong malaman niyang alam ni Nana Sela na alaga siya ni Elenora. Itinanong ni Lyka kung paano niya nalaman.

Sinabi ni Nana Sela na ang mata na puno ng kadiliman ay mas maraming nakikita. Panganib raw ang nakikita niya Panganib na naghihintay sa babaeng ina ng tahanan. Narealize ni Lyka na si Lady Elle ang tinutukoy niya.

Nagkita muli sina Rodolfo at Elle. Sinabi ni Rodolfo na marunong itong tumupad sa pangako — na papatayin niya si Elle kapag nagkita silang muli. Siya raw ang nararapat na maging punong bantay.

Rodolfo scracthed Elle’s face…

Teasers:

Nakikipagbugbugan si Noah.

Dumating na unang pahiwatig ng pulang buwan. (Nasasaktan lahat ng mga taong lobo.)

Sinabi ni Nana Sela kay Lyka na siya ang magliligtas sa lahi nila.

Mga Marka: ,

2 Tugon to “Lobo, Episode 55”

  1. annedito Says:

    i hope they don’t kill lady elle yet. i need a somewhat a happy ending sa mga teleserye. puro nalang lahat namamatay.

  2. ptvj Says:

    i don’t think she’ll die kasi nasa teaser for bukas. ewan ko na lang baka nakagat siya ng mga itim ng lobo. i hope not😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: