Lobo, Episode 54

by

Hinhanap ni Trixie si Lyka sa opisina pero hindi niya ito makita. Nag-aalala siya dahil late na naman ito. Sabi ni Miss Lara baka raw magdisappearing act na naman iyon.

Sinusundan pa rin ni Lyka si Leon sakay ng isang taxi. Pero nawala nila si Leon. Bumaba na lang si Lyka sa isang kanto kung saan lumiko si Leon.

Nanginginig pa rin si Gabby sa muntik na niyang pagpatay kay Lyka. Tinanong ni Choy kung hindi raw ba dumating ang orders na i-terminate ang pagpatay dito, itutuloy raw ba ni Gabby ang pagpatay kay Lyka kahit alam nito kung sino si Lyka sa buhay ni Noah? Sinabi ni Gabby na sinusunod lang niya ang utos.

Ginabi na si Lyka sa kakahanap kay Leon. Bumaba ng kotse si Leon sa isang building at pumasok siya dito habang nakamasid si Lyka.

Sinabi ni Gabby na sinusunod lang niya ang order dahil that’s what they are — mga sundalo. Pumapalakpak si Silva na biglang lumitaw mula sa dilim. Tinanong ni Gabby kung pati siya pinagdududahan niya. Sinabi ni Silva na sinisiguro lang niya na hindi siya kagaya ni Leon na masyado ng malambot ang puso. Sinabi rin nito naghihintay na si Leon sa kanila.

Mula sa likuran ni Lyka ay lumitaw si Trixie na ikinabigla ni Lyka. Nag-aalala na si Trixie sa kaibigan. Ipinaliwanag ni Lyka na ayon kay Andrew ang militar ang may kinalaman sa pagkawala ni Noah.

Nakiusap si Lyka kay Trixie na pumunta ito sa building dahil hindi siya kilala nina Leon. Sinabi ni Trixie na pag-isipan daw muna nilang mabuti ang gagawin nila. Lululon daw ito ng bala para kay Lyka pero sigurado raw ba siya sa gusto niyang mangyari? Sinabi ni Lyka na kung ayaw ni Trixie siya ang papasok at hindi siya nito mapipigilan dahil mas malakas ito sa kanya. Naluluhang sinabi ni Trixie na pumasok na siya doon at ipahamak niya ang sarili niya. Huwag nitong iisipin ang mga taong masasaktan kapag may nangyari masama sa kanya — siya, si Lady Elle, si Nessa.

Kung gusto daw nitong pasukin ang building na iyon pero kailangan niyang pag-isipang mabuti. Humingi daw sila ng tulong kina Manolo at Lady Elle. Mas marami na raw panganib ang nasa paligid niya ngayong taong lobo na siya.

Medyo pabalang sumagot si Lyka kay Lady Elle pero sinabi ni Elle na don’t use that tone on her. Ipinaliwanag niya na marami pa siyang hindi alam. Kung halimaw ang tingin niya sa sarili niya may mga taong ganun ang tingin sa mga taong lobo, ang mga Luna. Marami na sa kanila ang namatay sa mga kamay nila. Ayaw nitong mangyari iyon kay Lyka. Sinabi ni Lyka na naiiintindihan naman niya iyon at nagpasorry ito sa pagiging mapusok niya.

Sinabi ni Elle na tutulungan niyang hanapin si Noah pero ipinapangako niya ang apo na huwag siyang kikilos mag-isa. Kung gusto daw niya talagang tulungan si Lyka, alisin na lang daw niya ang sumpa sa katawan niya.

Noong nasa bahay na si Nessa na tama nga raw siya sa hinala niya na lalo lang gugulo ang buhay nila kapag napalapit si Lyka kay Elle. Pilit daw niyang pinapakilala si Lyka sa mundo nila pero sinasabi rin niyang maraming panganib sa paligid nila. Nakikiusap si Nessa sa anak na lumayo na sila –anywhere but there. Matatahimik lang siya kapag nasa malayong lugar na rin sila.

Sinabi ni Gabby kay Leon na sinusubukan din siya ni Silva. Sinabi ni Leon na mag-ingat daw sila at sundin na lang ni Gabby ang iniuutos ni Silva sa kanya. Hayaan na lang daw niyang si Leon na lang ang magprotesta.

Kinakausap ni Lyka si Noah through her moonstone. Haharapin daw niya ang lahat ng panganib mahanap lang daw niya ito. At hahanapin din daw niya ang gamot sa kalagayan niya. Pagkatapos daw noon ay ibabalik niya ang lahat — kagaya noong nasa isla at nasa San Adolfo sila — iyong nagmamahalan sila at walang humahadlang.

Inabangan ni Gabby si Lyka sa labas ng building ng House of Elle. Sinabi ni Gabby na nagsinungaling siya dahil pinasabi ni Noah kay Lyka na magsinungaling siya. Nasa US na raw si Noah at doon niya itutuloy ang training niya (pwede ba iyon?!). Ayaw maniwala ni Lyka dahil mismong kapatid raw ni Noah hindi alam kung nasaan siya. May iniabot na sulat si Gabby kay Lyka sabay sabing patahimikin na raw niya si Noah.

Pag-alis ni Gabby, binuksan ni Lyka ang sobre at nakalakip roon ang moonstone ni Noah.

Kinakausap ni Elle ang picture ni Lorenzo. Nagmana raw kay Lorenzo ang apo niya — matigas ang ulo, may sariling isip, gusto lang nitong maging normal kagaya rin niya. He would be proud daw kung alam nito ang dahilan kung bakit — dahil nagmamahal daw siya kagaya ni Lorenzo noon. Proud daw si Lady Elle na marunong siyang magmahal pero sumusumpa ito sa kapatid na puprotektahan niya si Lyka.

In the letter, sinabi ni Noah na siya mismo ang nagsabi sa daddy niya at kay Gabby na magsinungaling. Kinuha daw nito ang chance na ibinigay ng military sa kanya. Sinaktan daw siya ni Lyka at akala niya ay titigil na ang mundo. Pero hindi siya tinalikuran ng military at ng pamilya niya kagaya ng pagtalikod ni Lyka sa kanya. Tatanawin daw niyang malaking utang na loob iyon. Alam nitong mas nakakabuti kung lalayo ito sa kanya. Umaasa daw siya na doon ay matututuhan niyang makalimutan si Lyka at matutuhan niyang gawin ang isang bagay na itinuro ni Lyka — ang pakawalan siya. (Naalala niya noong huli silang magkita ni Lyka — noong malamig na ang pakikitungo ni Noah sa kanya).

Nasa kulungan pa rin si Noah at nanginginig ito habang sinasambit niya ang pangalan ni Lyka.

Natagpuan ni Trixie si Lyka na umiiyak. Sinabi ni Lyka na kung saan saan siya naghanap, hindi pala siya nawawala kung hindi gusto niyang lumayo kay Lyka. Kasalanan daw niya iyon. Umiyak ng umiyak si Lyka.

Dinala si Leon sa kulungan ni Noah. Galit na galit si Leon sa kanila. Dali-dali nitong pinuntahan ang anak-anakan para itayo. Pero Noah pushed him against the railing at galit na galit ito sinabi niyang buong buong buhay niya minanipula siya nito at ginawa siyang tanga.

Sinabi ni Trixie na mas mabuti na rin siguro na lumayo si Noah to save her from more pain. Matagal na nilang (ang mga bantay) ginagawa ang maging bantay ng mga lobo at nasaksihan na rin nila ang maraming masasakit na bagay. Isa na roon ang pag-iibigan ng isang ordinaryong tao at taong lobo. Marami raw nangahas at umasa pero lahat nauwi sa wala, nauwi sa pag-iyak at sakit.

Sinabi ni Lyka na para daw siya si Nessa, yon din ang sinasabi niya. Iyon daw kasi ang totoo sabi ni Trixie, kaya sinasabi niya ito sa kanya.

Back to Noah and Leon…May totoo raw ba sa ipinapakita ni Leon sa kanya? Iyon lang daw ba ang dahilan kung bakit siya nito ginawang sundalo? Hindi man lang ba siya nito minahal? Pinalaki lang daw ba siya nito para pag-eksperamentuhan. Tinawag ni Leon si Noah na “anak.” Itinulak niya si Leon at sinabing wala siyang karapatang tawagin siyang anak.

Biglang nagsalita si Silva (tapos na raw ang dramang pampamilya). Tinanong niya kung tinatanggap ni Noah ang alok nilang maging siya isang Luna. SUsugurin sana siya nito pero pinigilan siya ni Choy. Sinabi nitong mamamatay muna siya bago siya sumali sa kanila.

Kung gayon daw sabi ni Silva, mananatili siya sa kulungan and every 4 hours darating ang mga “kaibigan” niya (probably iyong mga ipis at daga and probably anything related to the lobos) until the time na marealize niyang sila ang mga bayani doon at sumali siya sa kanila (all throughout nakatingin lang si Gabby sa mga nangyayari).

Sa kabila ng protesta, inalis na si Leon doon at umalis na silang lahat. Naiwang umiiyak si Noah sa kulungan…

(Hay naku, e kung noong bata pa si Noah na-brain wash niyo na siya sa pagiging Luna edi wala kayong problema ngayon…)

Teasers:

Galit na galit pa rin si Leon.

Naagaw ni Noah ang baril ni Choy. Itinutok niya ang baril at sinabing dalhin siya nito sa mga superiors niya.

PUmunta si Lyka kay Nana Sela (iyong matandang kinunsulta ni Lady Elle noon). Sinabi nito na may naakambang panganib.

Pinaligiran ng mga itim na lobo si Lady Elle lead by Rodolfo.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: