Lobo, Episode 53

by

Pinigilan ni Elle si Lyka kaya nahimasmasan ito binitawan ang takot na takot na si Elton. Pinapunta niya ito sa opisina niya.

Nag-away sina Zoey at Leon. Gustong malaman ni Zoey kung nasaan si Noah. Ipinamukha nito sa ama na ni minsan ay hindi niya ito minahal, binihisan lang niya ito at pinalaki para gawing isang sundalo.

Hindi naman pala galit si Elle kay Lyka pero hindi raw niya ito pwedeng kunsintihin infront of everybody. Alam naman daw kasi nito ang ugali ni Elton. Sinabi ni Lyka na mula noong magpalit siya ng balat hindi na niya macontrol ang emotion niya. Sinabi ni Lady Elle na may kakaiba silang lakas at bago palang daw kasi siya, kaya hindi pa niya kayang controlin ang lakas niya.

Dinala ni Lady Elle si Lyka sa isang nursery school. Lobo din ang teacher doon na nagtuturo sa mga bata. Sinabi ni Lady Elle na ang isa sa mga powers nila ay makilala ang mga katulad nila. Sinabi ni Lady Elle na kakaiba raw sila pero hindi sila halimaw. Kagaya daw ng teacher na iyon, araw araw na kasama raw niya ang mga batang iyon pero hindi niya sinasaktan ang mga ito.

Itinanong ni Lyka kung may asawa raw ba ang teacher at kung taong lobo rin ba siya o normal na tao ito. At bakit daw siya hindi siya nag-asawa. Nasense naman ni Elle na tungkol ito kay Noah kaya tuluyan ng naiyak si Lyka.

Nagpasalamat si Lyka sa ginawa ni Elle na pagpapaintindi sa kanya pero ang gusto lang daw ni Lyka ay maging normal.

Ino-offer ni Trixie si Lyka ng ride pero ayaw ni Lyka. Habang nag-uusap sila sa labas ng building, nasa kabilang building naman sina Gabby at ang isang sniper. Naaalala ni Gabby ang pag-uutos sa kanya ni General Silva at ang mismong pagsabi niya dito na by all means ay i-e-eliminate niya ang distractions around Noah. Narinig ni Lyka ang sinasabi ng sniper about a certain target. Tumingala ito at tinignan niya. Kaya nagtago ang sniper pero ayaw namang maniwala ni Gabby na makikita sila ni Lyka because they are 140 feet above her. May clear shot na ang sniper pero nakatanggap ng tawag si Gabby to abort the plan. Hindi na sinabi ni Lyka ang kutob niya kay Trixie pero sumakay na ito sa kotse.

Sinabi ni Choy kay General na pumayag na si Noah sa gusto nilang mangyari.

Nanlulumong napaupo si Gabby. Naaalala niya noong bata pa siya at naghahanap siya ng pagkain sa basurahan. May isang miyembro ng Luna na nagbigay sa kanya ng pagkain at tinanong kung nasaan ang mga magulang niya.

Samantalang hinahanap pa rin ni Leon si Noah. Tumawag ito sa isang kapwa nila sundalo pero ang tanging sinabi lang nito ay inalis na ni Silva si Noah sa kanya. Tumawag si Silva at sinabing kung gusto pa niyang makita ang anak-anakan niya makikipagkita siya dito. (Dahil nga ayaw makipagkita ni Leon unless sabihin ni Silva kung nasaan si Noah). Nakikinig si Zoe mula sa balcony.

Ibinahagi na lang ni Zoey sa kachat niyang si Yani(?) ang mga speculations niya at sinabi rin niyang alam niyang nagsisinungaling ang daddy niya.

Naiinis pa rin si Elton kay Lyka pero careful na ito around her (may torniquet siya ang cute, tiffany blue ang colour). Ibinulong ni Elton sa coworker nila na sabihin kay Lyka na late na ang mga designs niya. Hindi niya alam na naririnig sila ni Lyka. Si Lyka na mismo ang lumapit kay Elton at humingi ng sorry. Sinabi na rin niyang patapos na ang revisions ng mga designs.

Pagtalikod ni Lyka, sumigaw si Elton ng “Hoy, babae!” Paglingon ni Lyka nasa tabi ni Elton si Zoey.

Dinala ni Lyka si Zoey sa rooftop. Tinanong nito kung alam ng daddy niya sinadya siya nito. Sinabi ni Zoey na sinisisi niya si Lyka sa mga pangyayari. Dati raw ang pamilya lang niya ang importante sa kuya niya pero noong dumating si Lyka, siya na ang pinakaiportante.

Sinabi ni Lyka na hindi nito alam kung nasaan si Noah. Akala kasi ni Zoey alam nito kung nasaan ang kuya niya. Sinabi ni Lyka na isa lang ang lugar na pinupuntahan niya kung may problema ito, sa San Adolfo. Gustong magpunta ni Zoey doon pero pinigilan siya ni Lyka, huwag daw nitong iiwan ang daddy niya.

Sinabi ni Lyka kay Zoey na mahal niya si Noah kaya niya ito tinalikuran. Para raw maging masaya ito at maging normal na ang buhay niya. Sinabi ni Zoey na bakit daw may kutob siya na hindi na mababalik sa normal ang buhay nila.

Tinawagan ni Lyka si Father Ben (pumuti bigla ang hair niya) para makibalita kay Noah. Walang balita si Father Ben.

Gustong magpunta ni Lyka sa San Adolfo, pero pinigilan siya ni Trixie. Kababalik lang daw niya at siguradong mag-aalala sina Elle at Nessa kung aalis siya. At saka hindi raw ba at wala na sila ni Noah? Sinabi ni Lyka na hindi na raw maaalis sa puso niya si Noah/JJ.

Sinabi ni Trixie kina Elle at Manolo (habang nag-uusap ang mga oldies tungkol sa pagkatao ni Rodolfo at kung bakit hindi nila mahanap ang mga pamilya niya) ang balak ni Lyka. Sinabi na rin niyang nawawala na naman si Noah. Ang alam ni Manolo, nasa court marshall si Noah pero iyon lang ang alam ng contact niya sa military. Dumating si Rodolfo at sinabi niyang nahanap na niya kung nasaan ang mga itim na lobo.

Nakipagkita si Lyka kay Andrew. Sinabi ni Andrew na huwag na raw idamay ni Lyka ang sarili, dahil siguradong ayaw ni Noah na may masamang mangyari sa kanya. Sinabi na rin niya kay Lyka na may iniimbestigahan si Noah noong bago ito mawala. Sinabi ni Andrew na hahanapin niya si Noah at sisiguraduhin niyang ligtas ito.

Sinundan ni Lyka si Leon…

Teaser:

Kinausap ni Gabby si Lyka at itinanong kung gusto niyang makita si Noah.

Iniligtas ni Gabby si Noah sa mga bumububog sa kanya sa kulungan.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: