Lobo, Episode 52

by

Maikli lang po ito:

Hindi pa rin convinced si Nessa na safe si Lyka para bumalik siya at magtrabahong muli sa House of Elle pero wala naman siyang nagawa sa desisyon ni Lyka. Gusto lang daw ni Lyka na makakuha pa ng impormasyon tungkol sa pagiging taong lobo nila. Kailangan din nila ng perang panggastos.

Ipinatawag ni Leon si Gabby para tanungin ito tungkol kay Noah. Sinabi ni Gabby na wala siyang alam. Sinabi ni Leon na maraming parang hindi tama sa mga nangyayari. Bakit daw ipinakagat pa si Noah sa itim na lobo ngayong may iba namang paraan para malaman kung tinatablan nga ba si Noah ng kagat ng lobo. Saan daw sila nakahanap ng itim na lobo at paano raw ito nagpalit ng balat ngayong hindi naman kabilugan ng buwan. Binalaan ni Gabby si Leon, for his sake and Noah’s sake, huwag daw nitong ipagsabi ang mga pagdududa niya.

Bago pumasok sa trabaho si Lyka, dumaan ito sa bahay nina Noah para kumustahin ang kalagayan niya. Sinungitan siya ni Leon kaya nagpaalam na siya. Paglabas ni Gabby sa bahay nina Noah, nasa sidewalk pa rin si Lyka at tila inaabangan si Gabby. Ayaw sabihin ni Gabby kay Lyka kung ano ang nangyari kay Noah, sinabi niya instead na kalimutan na niya si Noah.

Nasa rooftop ng House of Elle building si Lyka at pinuntahan siya ni Trixie. Hindi pa mapatawad ni Lyka ang kaibigan sa ginawa nitong paglilihim sa kanya.

Samantalang nagkagulo ang pulong noong malaman nilang nakatakas si Rodolfo. Sa halip na mag-alala, inakusahan pa ni Ylvana si Elle. Sinabi niyang iyong naman daw talaga ang gusto ni Elle ang paratangan siyang traydor at magkagulo ang council. Sumang-ayon naman si Clarissa kay Elle, kailangan daw nilang bantayan ang mga kandidato sa pagiging huling bantay lalo na ngayong nakalabas na si Rodolfo.

Noong pinupulong ni Elle sina Trixie, Selina at Manolo, dumating si Raul at sinabi nitong sigurado siyang mag traydor nga sa council nila.

Noong makita ni Elton si Lyka, kuntodo sermon ang inabot ni Lyka sa kanya. Nakiusap si Lyka kay Elton na tumigil na ito pero lalo lang siyang nainis. Itinulak siya ni Lyka at twisted (pinilipit?) his arm…

Teaser: Hinihintay na lang ng sniper ang signal ni Gabby para barilin si Lyka. Narinig ni Lyka ang pagtatanong ng sniper.

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 52”

  1. ara Says:

    thanks ptvj! bakit hindi ka nagpost sa kabila? may tampo ka ba sa amin?

  2. ptvj Says:

    uy miss ara, wala! kasi hindi ko agad nakita ang message ni ate betcha nagawa ko lang ung text update nung gabi na at from memory ko na lang ginawa dahil napanood ko na. nakalimutan ko na lang ipost dun dahil paalis na ako right after na ginawa ko un. sorry po.

    guys, hindi pala ako makakapag-update ngayon kasi aalis ako and then may work ako mamaya. text update for episode 53 will be posted tomorrow🙂

  3. Geisha Says:

    bitin.. huhuhuhuhu😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: