Lobo Episode 51

by

Nang tumakbo si Noah ay binaril ito ni Gen. Silva. Galit na galit si Gen. Leon kay Gen. Silva sa ginawa nitong pagbaril kay Noah, pinigilan nina Choy at Gabby ang ama-amahan ni Noah nang susugurin sana nito si Gen. Silva. Sinisi ni Gen. Silva si Gen Leon sa ginawang pagpapalaki kay Noah – palagi raw nandiyan ang ama-amahan ni Noah para protektahan ito, gaya sa nangyari sa huling pagsubok – binaril ni Leon ang taong lobo kaya hindi nila tiyak kung nakagat nga ng taong lobo si Noah, sapagkat walang nakakita sa kanila kung nakagat nga ito. Kinuha ng mga LUNA si Noah, tinanggalang ng authority si Gen. Leon kay Noah at si Gen. Silva na ang hahawak kay Noah.

Sinabi ni Lady Elle kay Lyka na hindi siya kasinglakas at kasingbilis gumaling kagaya nito. Maraming tanong si Lyka sa lola ganda niya, at lahat ay sinagot ni Lady Elle. Sinabi ni Lady Elle na noong unang beses pa lang niyang nakita si Lyka ay naramdaman na niya na ito ay espesyal. Nalaman rin ni Lyka na si Trixie ay itinalagang tagapangalaga niya, at ang tagapangalaga ni Lady Elle ay si Lorian. Ipinaalam rin ni Lady Elle na si Dr. Selina Argos ay kagaya rin nilang isang taong lobo. Ayon kay Lady Elle si Lyka ay kagaya ng lolo nitong si Lorenzo na “nalaktawan ng panahon”, hindi nagpalit ng balat sa unang kabilugan ng buwan pagtuntong ng ika-21 kaarawan. Ikinuwento ni Lady Elle kung paano niya nalaman na si Lyka ay apo ng kakambal niyang si Lorenzo – nang nakita niya ang moonstone ni Lyka, na moonstone ng kakambal niyang si Lorenzo, pagkatapos nagpa DNA si Lady Elle to confirm na totoo ang hinala niya. Sinabi ni Lady Elle kay Lyka na hindi sila halimaw at hindi dapat ikahiya at ikatakot, bagkus ay dapat ipagmalaki. Ipinakita ni Lady Elle sa apo ang mga larawan ng kanilang angkan Blanca Flor. Ayon kay Lady Elle sila ay mga puting lobo o waya, ang tinuturing na pinakadakila sa lahi ng mga taong lobo at pinakamalalakas. Hindi matanggap ni Lyka ang pagiging taong lobo at hindi niya kasasanayan gaya ng nanay niyang si Nessa. Ibinalik ni Lady Elle si Lyka sa naghihintay na si Nessa. Ipinakita ni Lady Elle ang larawan ni Lorenzo kay Nessa bilang katunayan na totoo ang sinasabi niya na magkadugo sila. Nagpasalamat si Nessa sa pagliligtas ni Lady Elle kay Lyka. Hindi tanggap ni Nessa ang tiyahin, naunawaan naman ni Lady Elle ang pamangkin. Ipinangako ni Lady Elle na tutulungan at poprotektahan ang mag-inang sina Nessa at Lyka, naging mailap si Nessa.

Hawak ni Gen. Leon ang larawan ni Noah, naalala nito ang nasaksihang pagsubok para kay Noah.
Flashback : Noong maliit pa si Jayjay ay isinailalim na ang dugo nito sa pagsusuri at natuklasan na ang dugo ng bata ay kagaya ng ama nitong si Emil Ortega na walang epekto sa dugo ang bangis ng kagat ng lobo. Hindi pumayag si Leon noon sa kagustuhan ni Gen. Silva na ipakagat sa lobo ang batang si Noah, sapagkat maaaring ikamatay iyon ng bata – pinagbigyan ni Gen. Silva ang kahilingan ni Leon. Ipinaalala ni Gen. Silva kay Leon na si Jayjay ay hindi replacement ng anak nitong nasawi, kundi si Jayjay ay anak ng LUNA. Sa murang edad ni Jayjay ay inumpisahan na ni Leon ang training sa pagiging LUNA ng bata. Niregaluhan ni Leon ang bata ng isang airgun, tapos pinababaril sa batang si Jayjay ang isang aso na ayon kay Leon ay nakapatay ng isang bata – tumanggi ang bata na barilin ang aso, hindi naman daw sinasadya ng aso na kumagat. Sinubukang galitin ni Leon si Jayjay sa pagpapaalala sa bata na ang ama nito ay napatay ng isang halimaw na kagaya ng aso – nanindigan ang bata na ang kaharap nila ay hindi halimaw kundi aso. Binaril ni Leon ang aso, tumakbo si Jayjay. Minsang nagpapraktis ng pagbaril ang batang si Jayjay ay sinabi ni Leon na magiging sundalo si Noah – pero ayaw ng bata sapagkat gusto raw niyang maging doktor kagaya ng ama niyang namatay. Sinabi ni Leon sa bata na wala itong nagawa noong namatay ang amang si Emil at ang kaibigang si Ulay, wala siyang nagawa sapagkat siya pa noon si Jayjay na isang lampa at mahina. Dapat daw ay maging sundalo si Noah na kagaya niya sapagkat ang sundalo ay malakas, mabilis, at mapoprotektahan ang sarili at mga tao sa paligid.

Balik sa kasalukuyan. Hawak pa rin ang larawan ni Noah ay mangiyak ngiyak na humihingi ng tawad si Gen. Leon – sapagkat siya ang nagtulak kay Noah sa ganung buhay at hindi niya ito binigyan ng “choice” sa kung ano ang gusto nito. Sinabi ni Lyka na hirap magtiwala ang ina niya dahil sa pagkakakulong nito sa laboratoryo.

May ibinigay na papel na nakuha sa laboratoryo si Lyka sa kanyang lola ganda, nanlaki ang mata ni Lady Elle ng malana na iyon ay laboratoryo ng mga LUNA. Pinababalik ni Lady Elle si Lyka sa opisina pero pinapalihim nito na sila ay mag-lola. Nang makaalis si Lady Elle, ay pinagbawalan ni Nessa ang anak na makipagkita kay Lady Elle. Hindi daw sila dapat basta basta nagtitiwala dahil hindi sila normal. Ipinagtatanggol ni Lyka si Lady Elle, at masaya siya ng malaman na magkadugo sila ni Lady Elle at may katulad sila ng ina. Habang natutulog ang anak ay ipinapangako ni Nessa hanggang buhay siya ay poprotektahan niya ang anak, at hindi siya papayag na malinang si Lyka ni Lady Elle. Biglang nagmulat si Lyka, tinawag si Noah, bumangon ito at umiyak – napanaginipan niya ang minamahal na si Noah.

Samantala sa kulungan ay walang damit ang duguang si Noah, kalunos lunos ang anyo nito. Hawak ni Noah ang tangi niyang pinagkukunan ng lakas – ang moonstone.

2 Tugon to “Lobo Episode 51”

  1. annedito Says:

    don’t tell me na si nessa pa ang magpapa-hamak kay lady elle. sa pagka-paranoid niya ay baka siya pa ang magiging dahilan sa pagka-patay ni lady elle. magagalit ako kay nessa kapag nangyari yon. she’s one of my favorite character pa naman.

  2. ptvj Says:

    kinakabahan din ako (parang totoong tao e heheh), baka nga si nessa pa ang maging downfall ni elle. huwag naman sana, kawawa naman si manolo. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: