Lobo Episode 50

by

Kapwa tumatakas sina Noah at Lyka sa mga tumutugis sa kanila. Nalaman ni Gabby mula sa mga militar na may lalaking nakapasok na walang security clearance, tumulong na rin si Gabby sa paghahanap. Sinabi ni Dr. Vivian Lee kay Dr. Anton Rivero na pinasok sila, kaya nagkakagulo.

Naabutan si Lyka ng mga humahabol at pinaligiran siya ng mga ito, subalit dahil sa taglay na tapang at lakas ng loob ng isang “huling bantay” ay nagawang matakasan ni Lyka ang mga armadong lalaki.

Pumunta si Gabby sa monitoring room at nakita niya sa pamamagitang ng camera #4 and #5 na si Noah ang lalaking nakapasok na walang clearance.

Tinitingnan nina Dr. Vivian at Dr. Anton ang mga posibleng nawala sa laboratoryo.
Dr. Anton : Bakit naman tayo pinasok?
Dr. Vivian : Aba, we do important tests here, not to mention that it’s potentially money making. That’s enough reason for anybody who want to steal.
Dr. Anton : Katulad ng nasa loob ng LAB 51. Tell me Dr. Lee, what it is in that laboratory?
Dr. Vivian : Wala kang clearance para pumasok doon, ibig sabihin wala kang clearance para malaman kung ano ang nandun.

May kausap sa phone si Gabby.
Gabby : Hindi ko alam kung paano nya natunton ang Headquarters. haaah But Noah is there.
May kausap rin sa phone si Gen. Leon.
Gen Leon : ANO? Hanapin nyo siya ASAP.
Gabby : Alam nyo ang ibig sabihin nito Sir haaah. Malalaman na nya ang dapat nyang malaman, but haaahhaa important haaah makita sya Sir.
-Pagkatapos makipag-usap ay galit na galit na ibinalibag ni Gen. Leon ang telepono at ilang gamit.

Gabby : Ang tanga mo Gabby! Ang tanga tanga mo! (Tama ka Ineng hihihi)

Patuloy sa pagtakbo si Lyka nang may makita siyang lobong puti, kinahol siya ng kinahol ng lobo. Takot na takot si Lyka nang humakbang ang lobo ay inakala ni Lyka na sasalakayin siya ng lobo, pero nilagpasan lang siya nito. Tumakbo ang puting lobo, tumakbo muli si Lyka at hinabol siya ng isang armadong lalaki.

Pumunta si Gabby sa kotse at tiningnan ang stuff toy na regalo sa kanya ni Noah, nakita niya doon ang isang chip. May biglang nagtakip ng bibig ni Gabby.

Patuloy pa rin sa pagtakbo si Lyka.

Habang hawak ang bibig ni Gabby ay hinila siya ng lalaki papasok sa building.

Binaril ang lobo nang isa sa mga humahabol kay Lyka, pero nanlaban ang lobo at napatumba nito ang lalaki – nakita iyon ni Lyka.

Habang sakal sakal at tinututukan ng baril si Gabby ay kinompronta ito ni Noah. Nanlalaban si Gabby pero nanaig ang lakas ni Noah.
Gabby : Noah, hindi totoo ang pagbabago mo, dahil niloko mo kaming lahat.
Naoh : Ako ang inyong niloko. Nakita kong namatay sa harapan ko si Choy, nagkunyari ka sa aking patay na siya. Nagtatawanan kayo, ako ang naloloko. Now Dizon, ano ang meron sa compound na ito? Alam kong hindi ito military building, kaya sabihin mo sa akin KUNG ANO KAYO? SINO KAYO? Ano itong ginagawa nyo? Sumagot ka!
Gabby : You cannot shot me Noah
-Ikinasa ni Noah ang baril
Noah : Gusto mong subukan? SABIHIN MO SA AKIN LAHAT.

Sa kulungan ay tahimik na nag-iisip si Rodolfo. Naramdaman ni Rodolfo na may tao na naglalakad, binuksan ng tao ang pinto.

Naliligo na sa pawis si Noah ay gwapo pa rin este sakal sakal pa rin nito at nakaumang pa rin kay Gabby ang baril.
Gabby : Kalabitin mo ang gatilyo at wala kang malalaman haaahaa. You cann’t shoot me. Ibaba mo ang baril at malalaman mo ang lahat haahaaah haaahaa at ipakikita ko haaaaaah kung sino kami.
Noah : Hindi mo ako mahuhulog sa patibong na iyan Dizon.

Lumapit sa kulungan ni Rodolfo si Raul (ang traydor!), natuwa ang bihag na si Rodlofo nang makita ito at humalakhak ng humalakhak.
Raul : Wala si Elleanora, hindi kita mapakawalan hanggang nandiyan ang pinakamalakas sa mga Waya.
-Binuksan ni Raul ang kulungan ni Rodolfo.
Raul : Tumakas ka na!
Rodolfo : Salamat kuya!

Kinuha ni Noah ang cellphone ni Gabby at pinatawagan dito ang boss ng babae. (Nakapagtataka, tagaktak ang pawis ni Noah, samantalang si Gabby walang kapawis pawis at si Gabby pa ang naka-jacket). Tinawagan ni Gabby si Gen. Silva.
Gabby : General kasama ko si Ortega. haaahhaaah Gusto ka nyang makausap haaaahaah.
-Kinuha ni Noah ang telepono kay Dizon na hinihingal
Noah : Sino ito?
Gen. Silva : Ito si Gen. Silva, Lt. Ortega.
Noah : Hawak ko ngayon si Dizon, kung gusto mong walang mangyaring masama sa kanya – sasagutin mo lahat ang tanong ko General.
Gen. Silva : Okey, magkita tayo dalhin mo si Dizon, in exchange sasagutin ko lahat ang tanong mo Lt. Ortega.

May tumawag kay Dr. Vivian Lee
Dr. Lee : Hello! Yes Sir! Yes sir, ihahanda ko na po ang lahat, opo.
-Lumabas ng laboratoryo si Dr. Lee, naiwan ang napapaisip na si Dr. Anton Rivero.

Pinuntahan ni Dr. Lee ang bihag, tinurukan ng gamot.
Bihag : What are you going to do to me this time?
Dr. Lee : I need you to do something very important.
-Takot na takot ang bihag pero wala itong nagawa ng turukan ng gamot ni Dr. Lee – kaagad na umepekto ang gamot na itinurok ng doktor.

Habang patungo sa lugar na napagkasunduan nila ni Gen. Silva ay nakatutok pa rin ang baril ni Noah kay Gabby.
Gabby : Noah, Noah umalis na tayo dito, alam mo ba na patibong ito.
Noah : Hindi na ako makikinig sa mga pagmamanipula mo Dizon.
Gabby : Hindi mo naiintindihan, ayaw kitang masaktan. Sige! Gusto mong malaman ang lahat? Sasabihin ko sa iyo ang lahat, umalis lang tayo dito.
Noah : (binitawan si Gabby) This is going to happen Gabby. Wala ka nang magagawa, gusto kong malaman ang katotohanan at alam kong hindi manggagaling sa iyo iyon.
-Biglang may kumahol na aso, kinabahan si Gabby.
Gabby : Noah

Dr. Lee : Ilabas na ‘yan!
-Inilabas ng dalawang lalaki ang isang malaking dog transporter.
Dr. Lee : Panahon na ng pagsubok.
-Nagwawala ang aso sa lalagyan

Tinututukan pa rin ni Noah ng baril si Gabby.
Noah : Gabby, ano ‘yon?
Gabby : Takbo! Noah, takbo!
Noah : Gabby!
-paglingon ni Noah ay nakita nito ang aso na sasalakayin siya
Gabby : NOAH TAKBO!
-Tumakbo ng paurong si Noah
Noah : Gabby takbo! Gabby takbo!
Gabby : Takbo!
-Hinabol ng itim na lobo ang tumatakabong si Noah

Tumatakbo rin si Lyka, nakalabas na ang dalaga sa compound ng mga LUNA, nakarating na ito sa kagubatan.

Nakarating na sa sementeryo ang pinatakas na si Rodolfo, patalon talon ito sa mga nitso. Nakatingin sa kanya ang kapatid na Waya na si Raul na nagpatakas sa kanya. Sinundan ni Raul ang kapatid.

Si Noah ay patuloy pa ring hinahabol ng itim na lobo.
-Magkakasama sina Gen. Leon Cristobal, Gen. Silva, Gabby at Dr. Lee. Kinakabahan si Gen. Leon para sa anak
Gen. Leon : Pag may nangyari kay Noah
Gen. Silva : Walang mangyayari sa kanya. Walang mangyayari sa kanya kung siya nga ang inaasahan natin.

Hinahabol pa rin ng itim na lobo si Noah.

Nakita ni Lyka ang duguang puting lobo na palapit sa kinaroroonan niya.

Naabutan si Noah ng lobo at sinalakay siya nito.

Nagpalit ng anyo ang puting lobo – si Lady Elle!
-Gulat na gulat sa nasaksihan si Lyka

Habang kinakagat si Noah ng itim na lobo, ay naalala nito ang nangyari sa amang si Emil Ortega – nahulog sa bangin ang ama sa pag-iwas sa kaharap na puting lobo. Nang kakagatin na sa leeg si Noah, ay may bumaril sa lobo – si Gen. Leon Cristobal. Hindi makapaniwala si Noah nang magpalit ng anyo ang nabaril na taong lobo sa tabi niya, nakaupong napaurong si Noah.
Noah : Ano ito? Ano ‘to? (tumayo)
-nagdatingan sa harap ni Noah ang mga LUNA kasama sina Gabby at Choy.

Nakatingin ang walang saplot at may sugat na si Lady Elle kay Lyka.
Lyka : Lady Elle
-tumulo ang luha ni Lyka

Hindi mapakali sa bahay si Nessa
Nessa : Diyos ko! Diyos ko, iligtas nyo po ang anak ko. Iligtas nyo sya.

Gen. Silva (boses) : Congratulations Lt. Ortega! Ngayon alam mo na ang tunay mong misyon. Naaalala mo na ba ngayon? Ganyang nilalang ang pumatay sa ama mo.
-Ipinakita ang nasaksihan ng batang Noah o Jayjay sa nangyari sa amang si Emil Ortega.
Luna 1 : Pero hindi lang ang ama mo ang biktima ng katulad ng mga halimaw na iyan, MARAMI, MARAMI SILANG BIKTIMA!.
Luna 2 : At kami, kami ag tinatawag na Luna, Lt. Ortega. Kami ang natitirang pamilya ng mga biktima ng mga taong lobo. Nag-organisa kami, nagsama-sama para supilin ang lahi ng mga halimaw.
-Hindi makapaniwala si Noah sa mga naririnig

Patakbong nilapitan ni Lyka ang nahihirapang si Lady Elle.
Lyka : Lady Elle
Lady Elle : Ahhh I’m okay. I’m okay. Hwag kang mag-alala Lyka, I’m okay.
-Lumapit si Trixie na may dalang pambalot sa hubo’t hubad na si Lady Elle, nagulat si lyka nang makita ang kaibigan, matipid na ngumiti si Trixie kay Lyka.
Lyka : Mare?!
Lady Elle : Hwag kang matakot.
Lyka : Lady Elle, isa rin kayo?
Lady Elle : Yes! Isa rin akong taong lobo. Magkapareho tayo Lyka.
Lyka : Taong lobo?

Gulat na gulat pa rin Noah sa mga natuklasan – nakita at narinig.
Choy : Ito ang totoong misyon mo Noah, ang ipaghiganti ang kamatayan ng ama mo. Ang ubusin ang lahi ng taong lobo.
Gabby : Kaya ka naming ginawang sundalo Noah, to be the very best there is and could be.

At sa parteng iyon you haved failed us – ang katibayan nandito ka at nadiskubre mo sa sarili mong paraan ang totoo mong misyon. Ito ang nakatakda para sa iyo Noah, ANG MAGING LUNA.
-Tila mababaliw si Noah sa mga naririnig, nahihirapan din si Gen. Leon para sa anak-anakan na si Noah.

Lyka : Iyon ho ba ang tawag sa atin?
Lady Elle : … ang iyong mga katanungan at susubukan kong sagutin lahat iyon. Pero hindi ngayon, not here, hindi tayo ligtas dito. Trust me Lyka. Trust me. Maniwala ka sa akin. Hindi kita sasaktan, hindi kita sasaktan. Dahil hindi lang tayo magkapareho, hindi lang tayo magkalahi, MAGKADUGO TAYO LYKA. Lola mo ako.
Lyka : HO?

Noah : DAD, Dad ano ito? Dad, dad, da dad hindi ko maintindihan. DAD, ANO ITOOOO?
Gen. Leon : Nakita mo at narinig ang lahat Noah.
Noah : Hindi! Hindi! Ang gusto kong malaman iyong totoo. (Itinuro ang bangkay ng taong lobo) Ito! Ito hindi ito totoo! Kung anuman ito, hindi ito totoo.

Naiyak si Lyka sa ipinagtapat ni Lady Elle
Lady Elle : But not here. You come with me. Ipaliwanag ko sa iyo ang lahat. Come with me.
-Umiiling ang umiiyak na si Lyka, ayaw nitong sumama sa lola ganda niya.
Lady Elle : Come with me Lyka. Come with me. Lyka please, please, come…

Noah : NILOLOKO NYO LANG AKONG LAHAT EH. NILILIGAW NYO ANG IMBESTIGASYON KO TUNGKOL SA INYO, PARA SA TOTOONG MISYON KO.
Gen. Leon : (nahihirapan ang damdamin para sa anak) I’m sorry son! Pero ito ang totoo, ito ang totoo mong misyon. Pinili kang maging myembro since the time you were born. Itinalaga kang maging LUNA. Ang paghihirap mo ng napakaraming taon, ang pagiging sundalo mo, laban sa mga taong lobo.

Inalalayan ni Trixie na makatayo ang boss na si Lady Elle. Niyaya pa rin ni Lady Elle si Lyka, tumayo rin si Lyka sa pagkakaupo. Nagpatiuna sa paglalakad sina Trixie at Lady Elle, sumunod si Lyka.

Hysterical na si Noah.
Noah : AYOKO! AYOKOOOOO! NILOLOKO NYO LANG AKO, NILOLOKO NYO LANG AKO. AYOKO, AYOKONG MAGING PARTE NITO. AYOKOOOO!
-Tumakbo si Noah palayo sa mga Luna. May bumaril sa papalayong si Noah …
Gen. Leon : NOAH!
-Bumagsak si Noah, patakbong lumapit sa kanya ang amang si Gen. Leon at mga kaibigang sina Choy at Gabby.

Teaser : Pinagbabawalan ni Nessa si Lyka na makipagkita kay Lady Elle.
Umiiyak na humihingi ng kapatawaran si Gen. Leon sa yakap yakap na larawan ni Noah.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: