Lobo, Episode 49

by

Pumasok sina Lady Elle at Trixie sa bahay na inuupahan ng mag-inang Nessa at Lyka. Sinalakay ni Nessa ang hindi nakikilalang tiyahin na si Lady Elle, nanaig ang lakas ng nakakatandang taong lobo – sinakal ni

Lady Elle ang pamangkin.
Lady Elle : Huminahon ka
Nessa : Sino kayo? TIGILAN NYO NA KAMI!
Trixie : Tita, si Trixie po ako, kaibigan ni Lyka.
Nessa : Anong kailangan nyo? SAAAAN NYO DINALA ANG ANAK KOOO?
Trixie : Kaya din po kami nandito Tita, hinahanap din po namin si Lyka.
Lady Elle : Ikaw ba ang anak ni Lorenzo?
Nessa : Lorenzo ang pangalan ng ama ko.
Lady Elle : Ako si Elleanor, kakambal ko si Lorenzo. Nessa, pamangkin kita!
-Naluluha sa tuwa na niyakap ni Lady Elle ang pamangkin.
Lady Elle : Ipinangako ko sa kapatid ko na hahanapin kita. Hindi ko akalain na mangyayari ito, pero ngayon nasa harapan na kita, nahanap na kita. Nahanap na kita, huhuhu! nahanap na kita.
-Lumuluha si Lady Elle, samantalang ang gulat na ngulat na si Nessa ay nagbabanta ang mga luha na papatak na hindi nakapagsalita at nakatingin lamang sa tiyahin.

Magkasama sa sasakyan sina Andrew at Noah. Sinabi ni Andrew sa kaibigang si Noah ang mga natuklasan sa building na kung saan nasundan ni Noah ang ama na si Gen. Leon at kaibigang si Gabby nang minsang sinundan niya ang mga ito. Ayon kay Andrew ay nakapangalan sa isang Mike Durvan ang building, bukod sa information na iyon ay wala nang nakatala sa mga record na sinaliksik ni Andrew. Naging palaisipan sa magkaibigan ang building.

Ikinuwento ni Nessa sa tiyahin ang mga ginawang pag-e-experimento sa kanya sa loob ng laboratoryo. Hindi masabi ni Nessa kung anong grupo at kung sino ang nagkulong sa kanya basta ang alam niya ay may doktor at maraming armadong lalaki.
Nessa : Si Lyka, nagtatanong siya kung saan ang lugar na iyon. Sabi niya maghahanap siya ng sagot, sabi niya maghahanap siya ng mga katulad namin.
Lady Elle : Kasalanan ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang panganib na dala ng iba. Minaliit ko ang panganib na dala ng takot, ng mga tanong na hindi ko nasagot. Kung pinakilala ko agad ang sarili ko, kung pinaalam ko agad na hindi kayo nag-iisa. Nessa, patawarin mo ako… wala akong nagawa… hindi kita naprotektahan ng nakulong ka sa lugar na iyon. Pero pangako ko sa iyo, poprotektahan ko si Lyka hanggang sa huling hininga ko.
Nessa : Tulungan nyo siya, nakikiusap ako. Hindi nya alam ang panganib na pinapasok nya. Magkakausap sina Gen. Silva, Gen. Leon at Gabrielle Dizon. Kinumusta ng misteryosong heneral si Noah – sinabi ni Gabby na nakikipag-cooperate naman sa kanila si Noah. Sinabi ni Gen. Silva na kailangan nilang paghandaan ang last phase ng pagiging LUNA ni Noah – itutuloy ang plano. Umalma si Gen. Leon kasi hindi pa raw siya pumapayag sa plano, inayunan siya ni Gabby. Naging matigas ang misteryosong heneral sa pasya dahil na rin sa pagiging matigas ng ulo ni Noah at sa ginawa nitong pagtakas noong huling pagbilog ng buwan.
Gen. Silva : Ikaw Leon, hindi dahilm ikaw ang tumatayong ama ni Noah ay nasa iyo ang desisyon o nasa iyo Gabby na isang kaibigan. Alalahanin nyo higit sa anak o kaibigan si Noah – siya ang magdadala sa ating mga Luna sa rurok ng tagumpay laban sa mga taong lobo, at tulad ng mga bayaning nauna sa kanya – kailangan nyang humarap sa isang pagsubok, para malaman nya ang kanyang lakas at kanyang misyon. Maghihintay tayo sa tamang panahon, pero malapit na, malapit na ang panahon na iyon.
-Malungkot at kinakabahan na nagkatinginan sina Gen. Leon at Gabby.

Sa native house ay matamang nag-iisip si Noah sa kung ano ang itinatago ng amang si Gen. Leon. Umupo ito sa hagdan at tumingala sa nakatanglaw na buwan.
Noah : Kumusta ka na Lyka? Minsan parang gusto ko nang tumakbo sa iyo. Haaaah! Iyong hindi na iisipin ang lahat ng ito. Ang pumunta sa pinto mo … makita ang makulit na ngiti mo…

Nandoon si Lyka sa lugar na kung saan niya huling nakita si Noah (yata). Hawak nito ang moonstone at panaka-nakang sumusulyap sa buwan.

Naghahanda si Noah sa gagawing pagpasok sa building kung saan niya nasundan ang ama. Kinuha ng binata ang baril na nasa drawer. Ayon kay Andrew ay may paraan para mapasok ni Noah ang building pero delikado – kailangan niyang magkunwari para makapasok sa lugar, kinakailangan ang ibayong pag-iingat. Nakamotorsiklo na nagdeliver ng pizza si Noah, pinapasok naman siya ng guard at pinapunta sa building C.

Pinasok rin ni Lyka ang lugar gamit ang taglay na kakayahan ng isang “huling bantay” – bilis, talas ng pakiramdam…

Ipinaalam ni Gen. Silva kay Dr. Vivian Lee na malapit nang isagawa ang last phase ng pagsubok kay Noah. Sinabi ng doktora na nakahanda na ang subject para kay Noah. Nang mapadaan si Dr. Lee sa laboratoryo kung saan naroroon si Anton, ay natawag ang pansin nito sa ginagawa ni Dr. Anton Rivero – kumuha ng sariling blood samples si Anton at sinuri ito.

Nakapasok na si Noah, hinubad nito ang suot na pulang uniporme ng pizza delivery service. Si Lyka ay nakapasok na rin. Pumasok sa isang silid si Noah – opisina at tiningnan nito ang ilang papel. Naging maaksyon naman ang ginawang pagpasok ni Lyka. May pumasok na naka-unipormeng sundalo sa silid na kinaroroonan ni Noah, may inilagay ang lalaki na mga documents. Maingat na maingat naman ang ginawang pagpasok ni Lyka, panaka nakang may nakikita siyang mga armadong lalaki pero nagagawa niyang malusutan ang mga nakaambang panganib. May pumasok ulit sa silid kung saan naroon si Noah – si Gabby.

Paglabas ng silid ni Gabby ay lumabas na rin si Noah. Muntik nang makasalubong ni Lyka si Dr. Vivian Lee, mabilis na nakapagtago ang huling bantay ng mga taong lobo.

Pagbaba ni Lyka ng hagdan ay may nakasalubong siyang armadong lalaki – sinipa ni Lyka ang lalaki, TULOG!

May kausap ang kinakapos na naman ang hininga sa pagsasalita na si Gabby.
Gabby : Ang huling pagsubok haaah, itutuloy haaah haaah ni Gen. Silva haaah ang huling pagsubok haaah haah. Natatakot ako para kay Noah haah haah, alam natin ang kakayahan nya, nakita na natin sa dugo nya iyon haaah haah haa pero itong huling pagsubok haaaha Puedeng may maling mangyari haahaah puedeng masaktan si Noah haaahaahaa (hiningal ako kay Gabby, grabee!)

Suot na ni Lyka ang unipormeng puti ng armadong lalaki na pinatulog nya sa pamamagitan ng sipa. Napakaraming pintuan na nadaanan si Lyka, sinubukan nitong pumasok sa LAB 51 – ginamit niya ang card na nakasabit sa uniform. Pagpasok sa silid ay nakita nito ang maraming monitor at isang folder na may nakalagay na LUNA, bahagyang binasa ng dalaga ang nakalagay sa folder, napaisip ito sa nabasa.

May nakitang armas si Noah, kinuha nya ito pero inilapag muli … nakatawag pansin ni Noah ang isang “obra” sa glass wall. May narinig na nagsasalita si Noah – boses ni Gabby.
Gabby : Haaah Pero hindi naman ako makapagsalita kay Gen. Silva, haaah haah. Pagbibintangan nya ako ng kahinaan ko, haaah pag nalaman nya na ganito ang nararamdaman ko.
Lalaki (boses ni Choy) : Sana ito na ang huling pagsubok ni Noah. Ilang beses pa ba natin siyang paglalaruan? Pero alam ko, pag nandun ka sa pagsubok na nya ito Bok, masisiguro mo ang kaligtasan nya.
-Nanlaki ang mga mata ni Noah sa gulat, nang makita ang inakalang namayapang kaibigan na si Choy.
Gabby : haaah Pipilitin ko.
-Naalala ni Noah ang operation na isinagawa nila sa House of Elle kung saan namatay si Choy. Hindi sinasadyang nakalikha ng kaluskos si Noah, narinig iyon nina Gabby at Choy. Maingat at mabilis na nakatalilis si Noah palayo sa kinaroroonan ng mga kaibigan at mistah. Umalis na rin doon sina Gabby at Choy.

Kinuha ni Lyka ang ilang pahina ng mga dokumentong nabasa. May pumasok sa silid (ang armadong lalaki na nagbabantay dati kay Nessa?) May inayos ito sa monitor na nakapatong sa pinagtataguan ni Lyka -ang monitor pala na inaayos ng lalaki ay nakakonekta sa kuwarto kung saan nakakulong noon si Nessa, may bagong bihag ang mga Luna. Lumabas na muli ng LAB 51 ang lalaki. Pinagmasdan ni Lyka ang bihag na nasa kabilang kuwarto sa pamamagitan ng paggaya sa ginawa ng lalaki.

Isinuot ang laboratory gown at lumabas ng laboratoryo si Anton. Hinihintay lang pala ni Dr. Lee na lumabas si Dr. Rivero sa silid, dali daling lumapit sa computer na ginagamit ni Anton ang babae. Pinag-isipan nito ang mga ginawang pagsusuri ni Anton
Dr. Vivian Lee : Dalawang blood test, dalawang blood type. Ito ang dugong pinag-aaralan mo Dr. Rivero, kanino itong isa?
-Lumabas muli ng lab si Dr. Vivian Lee.

Muntik nang magkasalubong ang magpinsang sina Anton at Lyka na kapwa naglalakad sa pasilyo ng laboratoryo. Pumasok si Lyka sa silid na kinaroroonan ng bihag – isang babaeng mukhang dayuhan, kulot ang brown na buhok, makapal ang labi at maitim ang kulay ng balat.

Tumatalilis si Noah nang bigla siyang may makasalubong na unipormadong sundalo. Hinanapan si Noah ng ID, walang maipakita si Noah, isinasama siya ng sundalo sa office para makakuha ng clearance.

Lumapit si Lyka sa bihag.
Bihag : Who are you?
Lyka : Ako si Lyka, ikaw?
Bihag : I cann’t remember
Lyka : Katulad din ba kita?
-tinitigan si Lyka ng bihag, tapos bigla nitong parang sasakmalin ang nagulat na si Lyka. Nanlalaki ang mata sa gulat na paurong/patalikod na lumabas ng silid si Lyka, siya namang pagdaan sa silid ng mga nakaputing armadong lalaki.

Tinanong ng sundalo ang pangalan ni Noah para i-check kung empleyado ito doon. Sinabi ni Noah na Moises Torres ang pangalan niya.

Tumakbo si Lyka, hinabol siya ng mga lalaki. Nanlaban si Noah sa kaharap na sundalo. Nagkaroon na ng umaatikabong takbuhan, inalarma ang building. Si Noah ay hinahabol ng mga naka-military uniform. Samantalang si Lyka ay hinahabol ng mga nakaputing armadong lalaki. Kapwa tumatakas ang magkasintahang Noah at Lyka.

Teaser : MAAKSYON!

Mga Marka: ,

2 Tugon to “Lobo, Episode 49”

  1. annedito Says:

    hahaha…galing ng pagka-capture mo kay gabby. kuhang-kuha mo. pero ayoko ng dialogue ni lady elle. sabi niya poprotektahan daw niya si lyka hanggang sa huling hininga. that means mamatay siya to save lyka. sana si gabby nalang ang patayin ng mga writers…hehe

  2. batangsutil Says:

    Exciting, nagkita na ang mag auntie🙂. Ako din, worried ako sa sinabi ni Lady Elle, kasi that means, most likely she will die…waaaah.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: