Lobo, Episode 48

by

Naiyak na ng tuluyan si Lyka noong lumayo si Noah. Ginagawa na lang niyang konsuelo na okay lang si Noah.

May ka-chat si Zoey at ikinukwento nito ang kuya niya. Alam daw niyang okay na siya pero matagal pa bago ito tuluyang magiging okay. Nakauwi na si Noah. Tuwang-tuwa si Zoey noong nakita niya ito at ipinakita niya ang banner na ginawa niya. Sinabi niya kay Zoey na matulog na. Bago ito matulog sinabi niya dito na magiging okay na ang lahat. Naiwang nag-iisip si Noah.

Sinalubong naman ng yakap ni Nessa si Lyka dahil nag-alala ito. Sinabi ni Lyka na marami siyang dinaanan. Tinanong nito sa ina kung kumain na (duh! sabi mo kanina ikaw ang magluluto ng dinner), sinabi ng ina na hinintay niya ito.

Pinuntahan ulit ni Lady Elle si Rodolfo. Ayaw pa rin nitong magsalita dahil kahit ano naman daw ang gawin niya ay papatayin pa rin siya ng mga ito.

Pinuntahan ng isang mystery person ang mga itim na lobo and assured them na walang mangyayaring masama kay Rodolfo sa poder ng mga Waya.

Habang kumakain sina Lyka at Nessa, tinanong ni Lyka sa ina kung matalas rin ba ang pandinig niya, pati na ang paningin nito. Muntik na niyang masabi na masyado siyang mabilis at nasalo niya ang bala. Mabilis din daw maghilom ang sugat niya. Sinabi ni Nessa na mas matalas ang paningin niya kaysa pandinig at ang paghilom ng sugat niya hindi isang iglap, mga sampu daw. Siguro daw mas malakas ang mga anak kaysa sa ina. Hindi pumayag si Nessa sa ini-insinuate ni Lyka na baka pwede nilang gamitin ang lakas nila para tumulong sa iba. Masyado raw delikado ang iniisip ng anak.

Nagtalo ang mag-inang Clara at Anton. Sinabi ni Clara na layuan na ni Anton ang mag-ina dahil may kakaibang nangyayari daw kina LYka. Besides, sila ang sinisisi niya hindi lang sa pagkakamatay ng nanay nina Clara kung hindi pati na rin sa pagiging lobo ni Anton. Kung hindi raw umalis si Nessa ng walang paalam at hindi siya sinundan ni Lyka, and then hindi sinundan ni Anton si Lyka hindi sila magkakaganoon.

First day na ni Noah sa pagbabalik nito sa military. Nagpasalamat si Noah sa ama-amahan for the second chance.

Nasakal ni Nessa ang isang lalaking tumatawag sa kanila sa kalye dahil akala niya isa ito sa mga humahabol sa kanya. Inawat siya ni Lyka at pati ito ay naitulak niya. Doon lang natigilan si Nessa. Isosoli lang pala ng lalaki ang panyo kaya niya hinabol ang mag-ina. Natakot naman si Nessa sa ginawa niya (buhay pa naman ang lalake).

Desk duty muna si Noah. Sinabi nitong huwag siyang mag-alala at sa susunod ay sa field na siya. Inabutan ni Noah si Gabby ng regalo para magsorry at magpasalamat. Kilig naman ang bata diyan.

Hysterical naman si Nessa at sinabi nito kay Lyka na layuan siya nito. Sinabi niyang may ginawa ang mga tao sa lab sa kanya kaya lagi siyang takot. Tinanong ni Lyka kung nasaan ito. Sinabi ni Nessa na nasa Laguna ito. Nagtalo sila dahil gusto ni Lyka na pumunta doon. Sinabi ni Nessa na huwag na huwag siyang pupunta doon dahil delikado raw dahil baka mahuli siya.

Naisip ni Lyka na hindi raw sila mabubuhay ng normal unless wala na ang halimaw na nasa loob nila. Baka raw nasa laboratoryo ang gamot nila. Nakiusap si Nessa sa anak, ngayon lang daw sila nagkasama ulit. Kahit na mamuhay daw siya sa takot araw-araw, makita lang daw niya at mayakap ang anak niya sapat na iyon. Huwag daw itong gagawa ng bagay na ipakakahiwalay ni sa ikalawang pagkakataon. Ipinapangako ni Nessa ang anak na gawin nga iyon.

May GPS tracking device ang ibinigay na maliit na teddy bear ni Noah kay Gabby. Pati na ang kotse ni Leon ay may tracking devide rin. Nag-umpisa na silang sundan ni Noah.

Nasundan ni Noah sina Gabby at Leon sa lab (I think that’s the one). May kausap ito sa phone (probably Andrew), hindi raw nito maintindihan ang ginagawa nila doon dahil hindi naman daw military facility.

Kinakausap ni Lyka si Noah gamit ang moonstone niya. Sinabi niyang noong tinulungan daw niya ito noong may muntik ng bumaril sa kanya akala daw niya pwede niya itong gamitin para tumulong sa iba. Pero noong nakita daw niya ang nanay niyang nagalit, para daw itong sinampal sa reality. Alam niyang nangako siya sa ina, pero kailangan daw niyang magpunta sa lab. Hindi pumayag ang imagined Noah niya (nabigla ako dun a heheh), delikado raw ang magpunta siya doon. Sinabi ni Lyka na baka dumating din ang araw na maging posible na there will be another chance for the two of them.

Lingid sa kaalaman ng ina, bumili ng mapa si Lyka para makapunta sa lba (sana nagtanong ka na lang).

Tinawagan ni Lyka si Trixie para ihabilin si Nessa, pero ayaw nitong sabihin kung saan siya pupunta.

Hinalikan ni Lyka si Nessa bago ito umalis (for someone who’s always looking back behind her, mukhang mahimbing ata ang tulog ni Nessa). Umalis na si Lyka sa gitna ng gabi. Nasense nitong may tao sa daan. May tao nga, si Trixie, masyado raw kasing misteryoso ang kaibigan.

Ayaw pa ring sabihin ni Lyka at sinabi niyang may gagawin lang siya. Gusto siyang samahan ni Trixie pero ayaw rin ni Lyka.

Tinawagan ni Trixie si Elle para ibalita ang mga pangyayari kaya umalis si Elle sa gitna ng pagpupulong nila. Bakit daw siya aalis sabi ni Ylvana. Sarcastic naman si Elle at sinabi niyang hindi naman nila siya kailangan, they’re in safe hands with Ylvana.

Pinuntahan nina Elle at Trixie si Nessa. Sinugod sina ni Nessa. Nagsakalan ang mag-tiyahin…

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 48”

  1. annedito Says:

    OMG, nagkita na ang magtiyahin! i’m really stoked…hehe

  2. Geisha Says:

    lol…
    i’m so scaring too…😆

  3. NoCar Says:

    sapalagay ko mahuhuli si lyka sa laboratoryo. tapos magkakakilala na sila lady elle and nessa. pero nawawala naman si lyka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: