LOBO, Episode 47

by

Ni-report kaagad ni Gaby sa “General” na nakalaya na si Noah at ang indoctrination ay magsisimula na din agad. Sinabi nang “General” na tama daw sya na kakagat si Noah sa strategy nila. Tinanong din nang “Gen.” si Leon, sinabi ni Gaby na wala ito nang i-release si Noah.

Dumalaw si Anton sa bagong bahay nila Lyka, may dalang pagkain at ibang mga gamit ni Lyka. Sinabi ni Anton na pinag-alala daw sya ni Lyka at sana daw ay hindi ito umalis dahil kung ano man ang problema nila Clara at Lyka ay kaya nya itong kausapin. Sinabi ni Lyka na hindi na kailangang kausapin si Clara dahil mas ok na siguro iyon para matahimik na din ang kanyang Mama Clara. Miss na miss ni Anton at Lyka ang isa’t isa kaya nagyakapan sila.

May naamoy si Lyka kay Anton, nabahuan sya dito. Tinanong nya kung naligo daw ba si Anton? Sinabi ni Anton ay naligo naman sya, sabay amoy sa sarili. Biglang lumabas nang silid si Nessa at nagkita sila ni Anton. Naalala ni Nessa nuong bata pa si Anton at sya ay nasa anyong lobo, sumigaw sa takot ang batang Anton dahil nakakita nang lobo (end of flashback. Di kaya si Nessa ang nakakagat kay Anton?)

Sinabi ni Nessa na ang laki na daw ni Anton at nagpapasalamat daw sya sa Diyos at naging maayos ito. Nagpasalamat din sya kay Anton sa pag-alaga kay Lyka habang wala daw sya. Sinabi ni Anton ay wala daw iyon, tutal ay hindi nya matatanggihan ang “asungot” na si Lyka, at pagpasensyahan na din daw nila ang kanyang ina (Clara.)

Pina-merienda muna ni Lyka si Anton. Habang hinahanda ni Lyka ang merienda ni Anton, tinanong sya nito kung ano ang nangyari sa kanya dahil bigla daw nawala si Lyka nang hindi nya alam. Pilit iniwasan ni Lyka at sinabing mahabang kwento daw. Sinagot sya ni Anton na madami daw syang oras. Tinanong muna ni Lyka si Anton, paano daw kung masyadong masakit para sa kanya (Lyka) kung balikan at isipin pa? Nagtaka naman si Anton.

Hindi magawang sabihin ni Lyka kay Anton na nagiging lobo sya. Nahalata ni Anton na masyadong nababagabag si Lyka. Sinabi ni Lyka na madaming nangyari sa kanya at hindi nya kayang sabihin kay Anton. Siniguro naman ni Anton na pwedeng sabihin sa kanya ni Lyka ang lahat dahil hindi sya naiiba kay Lyka, at kung ano man ang sasabihin ni Lyka ay maiintindihan nya. Hindi daw nya pipilitin si Lyka, pero pag gusto daw ni Lyka na may makausap ay nandon lang daw sya para sa kanya.

Pag-alis ni Anton ay nagbihis na si Lyka dahil mag-gro-grocery sila ni Nessa, nakita nyang hindi pa bihis ang ina at nag-aalinlangang lumabas nang bahay. Ayaw sumama ni Nessa kay Lyka. Sinabi ni Lyka na sana daw ay sumabay nalang daw sila kay Anton para mapilitang umalis si Nessa. Hindi na pinilit ni Lyka ang ina, sinabi nyang sya nalang daw ang mag-gro-grocery at pagdating nya ay magluluto sya nang masarap na ulam. Pinagmalaki ni Lyka sa ina na masarap syang magluto. Ise-celebrate daw nila ang kanilang bagong buhay. Pinag-iingat ni Nessa ang anak. Humalik muna si Lyka bago ito umalis nang bahay.

Habang naglalakad si Andrew ay parang kinukutuban syang may sumusunod sa kanya. Palinga-linga sya bago sumakay nang kanyang kotse. Pagsakay nya ay nagulat sya nang makita nyang nasa likod nang kanyang sasakyan si Noah. Natuwa naman si Andrew nang makita si Noah, sinabi din nya na swerte daw si Noah dahil pinalaya ito. Tinanong ni Andrew kung ano ang ibinigay na kondisyon kay Noah – back to barracks, retraining at indoctrination? Buti nalang daw at tinanggap ni Noah ang deal nang mga militar, alagaan daw ni Noah dahil minsan lang daw maging maluwag ang militar.

Sinabi ni Noah na hindi nya tinanggap ang deal. Nagtaka naman si Andrew. Sinabi ni Noah na kinailangan nyang tanggapin iyon para makalaya sya, hindi pa daw sya tapos sa mga militar, hindi pa daw sya tapos sa paghahanap nang mga sagot at alam na daw ni Noah kung paano makukuha ang sagot – si Gaby at ang kanyang ama, sila daw ang susi sa lahat. Nagulat naman si Andrew sa narinig kay Noah.

Gabi na at wala parin si Lyka, alalang-alala na si Nessa sa anak. Napapa-paranoid na naman ito at sinasabing hindi nila makukuha si Lyka dahil matapang at lalaban ito. Pero iniisip parin ni Nessa na makakasakit nang tao si Lyka, kaya nagdasal sya sa Diyos na patnubayan ang kanyang anak. Tama daw si Lyka, na kahit saan daw sila magpunta ay nasa panganib sila, pero lalakasan daw ni Nessa ang kanyang loob katulad ni Lyka.

Tinanong ni Andrew si Noah kung hindi pa daw ba ito nadadala? Tinanong naman ni Noah si Andrew kung hindi ba daw ito nagtataka dahil pagkatapos nang lahat, ganon lang daw sya kadaling pinalaya? Sinabi ni Noah na ang dapat sa kanya ay kulong at dishonorable discharge. Kilala daw nya ang mga military, hindi daw ito ang kanilang M.O. Sabi naman ni Andrew na baka pinakiusapan ni Gen. Leon ang mga nasa itaas.

Kilala daw ni Noah ang kanyang ama, mula nang bata palang sya, konting pagkakamali lang daw nya ay may parusang nakatapat. Hindi daw katulad ngayon, parang tinapik lang daw sya sa kamay kahit matindi ang kanyang ginawa. May nawawala daw evidence sa mission order sa House of Elle, yung drug operation na walang drugs, yung pagbabanta nila sa buhay ni Lyka. Nang marinig ni Andrew ang pangalan ni Lyka, tinanong nya si Noah kung si Lyka parin ba daw ang dahilan nito?
Sinabi ni Noah na hindi daw nya alam, kahit gaano man daw nyang isipin ay hindi daw nya maintindihan kung bakit sya tinalikuran ni Lyka. Gusto daw nyang maintindihan at sana daw ay konektado si Lyka sa lahat, kung paano at bakit, kailangan daw nyang malaman.

Habang papauwi na si Lyka ay nakita nyang naglalakad si Noah. Nagulat si Lyka dahil nakalaya na si Noah, at sinundan nya ito.

May hinandang sorpresa si Zoe kay Noah, may banner pa ito to welcome him back. Umalis at nagpaalam na si Leon sa anak, uuwi na daw sya dahil may pasok pa sya bukas. Tinanong ni Zoe kung hindi ba daw nito hihintayin ang kanyang Kuya Noah, paparating na daw ito. Umalis at hindi kumibo si Leon. Nalungkot si Zoe.

Kausap nang “Gen.” si Gaby. Tinanong kung nagtatampo parin ba daw si Leon, dahil hindi nila sinunod ang kanyang strategy? Ang gusto daw kasi ni Leon ay patagalin sa kulungan si Noah and to make him realize on his own na mali ang ginawa nito sa pagtalikod sa kanyang mission. Nagagalit ang “Gen.” at dapat daw ay buhayin ni Leon ang sense of duty nito bilang sundalo, dahil iyon ang aasahan ni Noah sa kanila at hindi manipulado. Ang strategy daw ni Leon ay will take time at masyado na daw matigas ang ulo ni Noah, masyado nang palaban. They need to soften Noah towards them, na hindi sila ang kalaban kundi ang totoong pamilya.

Saan daw nila ipapakilala ang kanilang sarili kay Noah, at tanggapin daw sila? Kailangan daw ni Noah na maging katulad nila – isang LUNA. Tinanong naman nang “Gen.” about Lyka. Sinabi ni Gaby na they downgraded their threat level on her dahil sa ngayon daw ay malayo na ang koneksyon ni Lyka kay Noah. Tinanong naman nang “Gen.” ang tungkol sa babaeng kasama nila (si Nessa), na-identify na ba daw ito? Sinabi ni Gaby na hindi pa daw, naghahanap pa sila sa kanilang database profile, and she will investigate further.

Sabi naman nang “Gen.” na maybe they are spending too much of their resources on Lyka, ordinaryong tao lang daw si Lyka at tapos na ang silbi nito sa kanila. Make sure daw na hindi na ito lalapit kay Noah. Ayaw daw nang “Gen.” na sumagi sa isip ni Noah si Lyka, kahit na isang segundo. Maging leksyon daw kay Gaby ang nangyari kay Noah, katulad din daw nang nangyari sa kanyang ama. Lason daw ang pagmamahal, magiging mapusok, iresponsable, at ipaparamdam sa iyo ang walang kapantay na saya para lang ibagsak sa lupa kapag nakuha na ang lahat.

Sinusundan paring palihim ni Lyka si Noah. Sa paglalakad ni Noah ay may narinig syang isang sigaw mula sa babae at humihingi nang tulong. Pinuntahan agad ito ni Noah, sumunod naman si Lyka. Nakita ni Noah na may 3 (or 4?) na kalalakihan na gustong pagsamantalahan ang babae. Tinutukan agad nang isang lalaki si Noah nang baril. Hindi naman nawalan nang loob si Noah at nakipaglaban sa mga lalaki. Nakita iyon ni Lyka habang nagtatago. Nakuha nang isang lalaki ang nabitawang baril at naghahanap nang tamang pagkakataon para maasinta at mabaril si Noah. Kitang kita iyon ni Lyka.

Nang makahanap nang pagkakataon ay binaril nang lalaki si Noah. Habang dinedescribe ni Ylvanna ang kakayahan nang “huling bantay” – (pambihirang bilis) ay nagawang saluhin ni Lyka ang bala na dapat sana ay para kay Noah; (lakas nang higit pa sa pinakamalakas na Waya) – tumalon nang pagkataas si Lyka at inagaw ang baril sa lalaking nagpaputok nito, nagawang sirain pa ang baril; (tapang nang katumbas nang isang daang sundalo) – hinagis ni Lyka ang lalaki na halos lumipad ito; (pambihirang pandinig) – nang marinig ni Lyka na paparating si Noah ay mabilis (super bilis) itong tumakbo at nagtago.

Nang makakita nang pagkakataong tumakas si Lyka ay tumakbo ito at lumayo, habang si Noah ay nakita ang baril na nasira at nakita nya na may isang taong tumatakbong paalis.

Patuloy si Ylvanna sa pulong nang mga Waya, dine-describe parin ang kakayahan nang “huling bantay.” Pambihirang paningin, matalas na pang-amoy and the ability to rapidly heal – pinagsama-sama ang mga katangiang iyon nang “huling bantay.” Hindi rin ito katulad nang isang Waya na may katangiang iyon, pero isa o dalawa lang daw ang nangingibabaw. Sya (Ylvanna) daw ang pinakamabilis na Waya, si Elle naman daw ang pinakamalakas at pinakamatalas ang pandinig, pero sa “huling bantay” ay pantay-pantay ang lahat nang kakayahang iyon.

Hindi pa nga lang daw lumalabas o lumalakas pero with a few tests ay mapapatunayan iyon. Iyon daw ang katangian nilang hahanapin sa mga taong lobong kandidato sa pagiging “huling bantay” (habang pinapasa ni Ylvanna ang mga records nang mga taong lobo na ayon sa kanya ay namataan nang mga taong pinagkakatiwalaan nila para hanapin ang “huling bantay.”) Humiling si Elle na makausap privately si Ylvanna. Pumayag naman si Ylvanna kaya pinaalis nya muna ang mga nasa pulong.

Kinuwestyon ni Elle si Ylvanna kung talaga bang kailangang ipakita sa lahat nang profiles nang mga taong lobo na pinaghihinalaang nilang “huling bantay.” Inaalala kasi ni Elle na baka may traydor. Sinigurado naman ni Ylvanna na kung may traydor man ay hindi sa kanilang mga Waya. At saan naman daw bina-base ni Ylvanna ang paniniwala nito, tanong ni Elle, nagsalita na ba daw nila ang itim na lobo?

Sinabi ni Ylvanna na pinilit na daw nilang magsalita ito, gusto pa ba daw ni Elle na makita kung paano nila ito pinapahirapan para lang maibigay sa kanya ang gusto nyang marinig? Sabi ni Ylvanna na ayaw nitong magsalita and they can torture him until his death, or pagtuunan nila ang paghahanap sa “huling bantay” bago dumating ang pulang buwan. Nauubusan na daw sila nang panahon, o baka naman daw mas gusto pa ni Elle na dumating pa ang unang signos (sign) na may paparating na delubyo.

Nerbyos na nerbyos si Lyka dahil baka nakita daw sya ni Noah at isipin daw nito na weirdo sya. Naiiyak at nerbyos na nerbyos si Lyka habang nakaupo at nakatakip ang mukha. Nang biglang dumating si Noah at tinawag sya. Nakita nalang ni Lyka na nakatayo si Noah, malapit sa kanya. Takot na takot si Lyka, pero nag-pretend nalang sya at ngumiti, tinanong si Noah kung ano ang ginagawa nya doon?

Walang expression sa mukha si Noah, sinagot nya si Lyka na may pinuntahan lang sya na malapit doon. Nakangiti parin si Lyka at tinanong si Noah kung kailan ito pinakawalan? Isang tanong, isang sagot si Noah kay Lyka; kanina lang daw. Nang wala nang sasabihin si Lyka ay nagpaalam agad si Noah dito at umalis. Naiyak lang si Lyka nang biglang syang lisanin ni Noah, hindi nya napigilan ang hindi muling lingunin si Noah. Pero si Noah ay hindi nya nilingon si Lyka habang papalayo sya dito. Hirap na hirap ang kalooban ni Lyka.

Teasers:

– kinausap muli ni Elle si Rodolfo, tinanong kung bakit pa nito pinapahirapan ang sarili. Nagbanta naman si Rodolfo na babalikan nya ang mga Waya at papatayin nya silang lahat.

– nagpunta ang traydor sa pinagtataguan nang mga itim na lobo. Sinabi nitong buhay si Rodolfo at babalik ito. Natuwa ang mga itim na lobo.

– habang kumakain sina Lyka at Nessa, tinanong ni Lyka ang ina kung malakas ang pandinig nito? Kasi daw sa kanya ay pati pang-amoy at paningin nya ay matalas. Nagulat si Nessa.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: