LOBO, Episode 46

by

Si Trixie ang (inaakalang) humahabol kina Lyka, kaya tuwang tuwa ang magkaibigan nang magkita silang muli. Kung hindi pa daw na-traffic si Trixie sa Edsa at doon dumaan (malapit sa kanila) ay hindi pa daw nya makikita ang kaibigan.

Ipinakilala ni Lyka si Nessa kay Trixie. Tinanong ni Trixie kung saan pupunta ang mag-ina, sinabi ni Lyka na hindi na daw sila nakatira kina Anton kaya maghahanap sila nang apartment. Nag-alok si Trixie na sasamahan sila. Nahalata ni Lyka na nag-aalinlangan si Nessa kaya tinanggihan ni Lyka ang alok ni Trixie. Pero nagpumilit si Trixie na talagang samahan sila. Tinanong muna ni Lyka ang ina kung ok lang, hindi kumibo si Nessa.

Binisita si Noah nang kanyang kapatid, tinanong ni Noah kung saan ang kanilang ama. Sinabi nang kapatid na busy ito, alam naman ni Noah na galit sa kanya ang ama. Sinabi nang kapatid ni Noah na naghihirap ang kalooban nang ama nila dahil sa mga ginawa ni Noah, at sinasalo nito ang mga consequences dahil kay Noah. Tinanong nang kapatid ni Noah kung talagang ginawa iyon ni Noah dahil sa isang babae?
Sinabi ni Noah na maiintindihan din ito nang kapatid nya pag malaki na daw ito Sinabi nang kapatid ni Noah na hindi sya 7 years old, at alam na daw nya kung ano ang tama at ano ang OA, ang ginawa daw ni Noah ay OA at alam nyang tama ang kanilang ama. Sinabi daw nang kanilang ama na ang dapat nilang iisipin ay yung makakabuti para sa lahat, para sa mas marami at hindi yung kung ano ang nararamdaman nila – katulad daw nang ginagawa ni Gabby.

Kaya daw dapat ay ginagawa ni Noah kung ano ang dapat. Dati daw ay idol nya si Noah, pero ngayon ay si Gabby na dahil iniisip nya muna ang duty bago ang sarili nya. Sinabi ni Noah na walang masama sa “greater good”, basta wala kang naaapakan na tao at karapatan nito; iyon daw ang nangyari kaya sya tumakas. Sinabi ni Zoe na may inaapakan daw si Noah, ang ama nila, ang pamilya nya.

Ibinalita ni Elle kay Manolo na kasama na ni Trixie sina Lyka at ang ina nito. Iniisip ni Elle kung si Nessa na ba daw kaya ang anak ni Lorenzo? Sinabi ni Manolo na pwede nang harapin ni Elle sila Lyka. Pero nag-aalinlangan si Elle dahil it’s too risky, dahil hindi pa daw nya kilala kung sino ang traydor sa mga Waya. Hindi pa daw nya pwedeng ipasok si Lyka sa mundo nila.

Nakahanap na nang apartment (hindi maganda) sina Lyka, P5 thousand ang upa, at kailangan nang 1 month advance, 1 month deposit. Tinanong ni Lyka kung pwede na ba daw silang lumipat agad? Sinabi naman nang landlady na as long as may pang downpayment sila. Hinarang muna ni Trixie si Lyka bago pa ito mag-decide. Kinausap nang sarilinan ni Trixie si Lyka at tinanong kung talagang sigurado na ito sa apartment na uupahan dahil parang dinaanan na daw nang baha (kasi pangit nga yung place – Ara.)

Sinabi ni Lyka na halos lahat daw nang pinuntahan nila ay ang mamahal nang upa at iyon lang daw ang kaya nang budget nya. Inalok sya ni Trixie nang tulong at papautangin nya daw muna si Lyka pero tumanggi ito. Inalok din ni Trixie ang kanyang bahay pero tinanggihan ito muli ni Lyka at sinabing ok lang daw sila doon. Kinausap muli ni Lyka ang landlady at sinabing uupahan na nila ang bahay. Binigay ni Lyka ang downpayment. Awang-awa si Trixie sa kaibigan.

Si Gaby ay tinitingnan sa computer ang pictures ni Lyka, tinanong sa sarili kung talagang mawawala na ba daw ito sa buhay ni Noah?

Si Andrew naman ay ni-report kay Noah na umalis na sina Lyka at pumunta na nang Manila. Tinanong ni Noah kung wala na daw bang militar na umaaligid sa kanila? Sinabi ni Andrew na wala na at mukhang nag-move on na daw si Lyka, ganon din daw dapat ang gawin ni Noah. Hindi kumibo si Noah, nagpasalamat nalang kay Andrew at binaba na ang telepono.

Pumunta ang ama ni Noah at si Gaby para kausapin sya, merong release papers na ibinigay sila para kay Noah. Sinabi ni Gaby na the military is taking into considerations yung mga ginawa ni Noah prior to his mission. Alam daw nila na magaling itong sundalo and they’re willing to take Noah again and will drop the charges against him – in exchange, he has to go psychological evaluations, then indoctrinations in military; a training for 6 months and he has to report at the camp. And after six month, depende sa evaluation ay makakabalik na si Noah. If he violates anything, balik kulungan si Noah. Pagkatapos nang mahabang explanation ni Gaby ay tumawa si Noah.

Sinabi nya kung saan-saan daw sya pinaghahanap, at kung ano-ano ang pinagbabanta nila sa kanila ni Lyka, tapos iyon lang daw ibibigay sa kanya? He abandoned his mission, disobeyed orders, ran away with the suspect, questioned their authority, skipped custody – tapos iyon lang daw?

Nagalit si Leon at sinigawan si Noah, sinabing masuwerte sya. Itinapon daw lahat ni Noah, pero para saan? Para lang sa isang babae? At makapal daw ang mukha ni Noah na pagtawanan sila. Sinabi ni Leon na Noah should grab the opportunity and go back, at huwag na syang ipahiya. Medyo nakaramdam nang paninikit sa dibdib si Leon dahil sa sobrang galit kay Noah. Nag-alala naman si Noah at Gaby. Nag-walk out si Leon. Nagalit si Gaby kay Noah at sinabing tingnan daw nito ang mga epekto sa kanyang mga naging desisyon.

Tinanong ni Trixie si Lyka kung kailan ito babalik nang trabaho. Sinabi ni Lyka na hindi pa nya pwedeng iwan ang ina dahil kakagaling pa nito sa sakit. Tinanong ni Trixie kung ano ang nangyari sa ina ni Lyka dahil ang tagal din nitong nawala.

(Kinakabahan) Sinabi ni Lyka na naaksidente daw si Nessa, matagal daw itong nasa ospital at nung gumaling daw ito ay nakalipat na sila nang ibang tirahan, kaya matagal din daw silang hinanap. Sinabi ni Lyka na next week pa sya makakabalik, at nahihiya sya kay Lady Elle dahil sya na daw ang biglang nawala at sya pa daw ang magdidikta kung kailan sya babalik. Siniguro ni Trixie na sya na daw ang bahalang kumausap kay Lady Elle at hindi daw sya papakawalan nito dahil very talented daw si Lyka, she’s sure na tatanggapin daw ito ulit.
May nakita si Lyka na dalawang magkasintahang nag-uusap, naalala nya si Noah at naiyak ito. Tinanong ni Trixie kung ano ba daw ang nangyari nung nawala ito? Parang ang bigat-bigat na daw kasi nang aura ni Lyka. Naiiyak na sinabi ni Lyka na (sabi daw nila) kapag ang tao ay naputulan nang isang binti, o kaya nang braso, paminsan minsan daw ay nararamdaman pa iyon – iyon daw ang pakiramdam nya, parang nawalan sya nang puso pero nararamdaman parin nyang sumasakit.

Naiiyak parin si Lyka at sinabi nya kay Trixie na wala na si Noah dahil kinuha na nang militar, at wala na daw sila. Gusto daw nyang maging matatag para sa kanyang ina, pero ang totoo, takot na takot daw sya dahil wala na si Noah sa buhay nya. Hindi daw nya alam dahil parang ang daming nangyayari sa buhay nya na hindi nya ma-control, hindi nya alam kung paano aayusin. Niyakap lang ni Trixie ang kaibigan dahil awang-awa sya dito.

Pagka-alis ni Trixie ay umakyat na si Lyka sa bahay nila at may dalang pagkain. Tinanong nya ang ina kung ok lang ang bahay nila. Sinabi ni Nessa na mapapaganda nila ang bahay. Positive naman ang outlook ni Lyka at sinabing bibili sya nang cute na mga furnitures sa Divisoria at bibili sya nang kurtina para sa mga bintana.

Napansin ni Lyka na sarado ang mga bintana, nang bubuksan nya ito ay hinarang sya ni Nessa at sinabing hayaan lang daw iyon. Sinabi ni Lyka na maiinitan daw sila, pero paranoid si Nessa at sinabing kailangan nilang mag-ingat dahil baka nandoon daw ang mga humahabol sa kanya, nag-aabang at naghihintay na malingat sila. Hindi daw sila pwedeng basta-basta nagtitiwala kahit sa mga kapitbahay, kahit daw sa mga sarili nila. Sinabihan din nya si Lyka na pag nakaramdam daw ito nang galit at nawalan nang control, lumayo na daw ito para walang masaktan.

Nag-alala naman si Lyka sa kinikilos nang ina at siniguro nya na kahit ganon sila ay hindi nila kailangan matakot, magkasama daw sila at tutulungan nila ang isa’t isa. Awang-awa si Lyka sa ina.

Nagwawala sa selda ang pinuno nang lobong itim (Rodolfo.) Pumasok si Elle, at nagbigay pugay naman ang itim na lobo dahil si Elle ang pinakamalakas na lobo. Tinanong ni Elle kung sino daw ang traydor sa Waya, at paano nito nalaman ang tungkol sa huling bantay? Bakit daw nya sasabihin kay Elle? Sinabi ni Elle (tinatakot nya) na nag-iisip na daw ang mga Waya kung paano sya (Rodolfo) patatahimikin nang tuluyan kung hindi daw sya magsasalita, dagdag pa ni Elle na pwede nyang pigilan iyon. Sinabi naman ni Rodolfo na wala na daw kapangyarihan si Elle dahil kapwa nito Waya ay tinalikuran na sya dahil sa kabiguan nyang ihatid sa kanila ang huling bantay, paano pa daw sya maniniwala kay Elle?

Sinabi ni Elle na alam daw nya kung ano ang pinagdadaanan nang itim na lobo –biktima lang sila nang sitwasyon. Matagal na daw nyang (Elle) gustong baguhin ang patakaran nang mga Waya laban sa mga itim na lobo, dahil sya daw mismo ay nagkaroon nang kapatid na itim na lobo. Tinanong ni Rodolfo kung ano ang nangyari, at hinulaan din nya na pinatay daw ito nang mga kakampi (Waya.) Naiiyak si Elle habang inaalala ang sinapit nang kanyang kapatid na si Lorenzo.

Kinukutya ni Rodolfo si Elle dahil wala itong nagawa at pinanood lang daw itong mamatay ang kapatid. Nagalit si Elle at sinakal nya si Rodolfo at nabuhat nya ito sa sobra nyang lakas. Pumasok si Ylvanna at isa pang taga Waya at nagalit kay Elle dahil hindi daw sya pwedeng pumasok doon nang walang paalam. Saka lang nahimasmasan si Elle at binitiwan na si Rodolfo. Sinabi ni Elle kay Ylvanna na pareho lang daw sila nang gusto, at maaari nilang tulungan ang isa’t isa, pero kung ang kagustuhan lang daw ni Ylvanna ay kapangyarihan nito at ang ambisyon lang ang paiiralin ay natatakot daw sya para sa kinabukasan nang mga taong lobo.

Ang mga ibang itim na lobo naman ay nag-aalala para sa kanilang pinuno dahil alam nila kung paano parusahan nang mga puting lobo ang itim na lobo. Nagtanong ang isang itim na lobo kung sino ang papalit kay Rodolfo? Takot na tako sila dahil baka bumalik ang mga puting lobo at kailangan na naman nilang magtago nang magtago. May isang (babae) itim na lobo ang sinabihan silang malakas daw si Rodolfo, at hindi ito magpapatalo sa mga Waya.

May isang lalaking itim na lobo na gustong umalis na at magtatago nalang daw sya ulit sa kadiliman kesa mahuli nang mga Waya. Nagalit ang babaeng itim na lobo at sinisi ang gustong tumakas dahil sya daw ang dahilan kung bakit nahuli si Rodolfo, at sinabihan ang mga itim na lobo na walang aalis, kung sino daw ang umalis ay mananagot pagdating ni Rodolfo.

Nag-report na si Trixie kay Elle, sinabi nya na si Noah nga ang kasama ni Lyka pero hinuli na daw ito nang mga military. Nagtaka naman si Elle kung bakit hinuli si Noah. Sinabi ni Trixie na hindi pa daw nya nakukuha ang details kay Lyka pero sinabi daw nito na tuluyang nawala na daw si Noah kay Lyka. Hindi gusto ni Elle ang nararamdaman nya kay Noah. Tinanong naman ni Elle kung kamusta si Lyka, at ang ina nito. Sinabi ni Trixie na mailap sa kanya ang ina ni Lyka, pero parang isang taong lobo din daw ang ina ni Lyka.

Habang nasa selda ay naaalala ni Noah ang sinabi sa kanya ni Zoe na nahihirapan ang kanilang ama, ganon din ang sinabi ni Andrew na mukhang nag-move on na daw si Lyka, at nang halos atakihin sa puso ang kanyang ama dahil sa galit sa kanya, pati na din ang sinabi sa kanya ni Gaby – ang mga epekto nang kanyang mga desisyon sa mga nagmamahal sa kanya. Naalala din ni Noah ang sinabi sa kanya ni Lyka na pinili nito ang pangsariling kaligtasan. Naiiyak si Noah at sinabi sa sarili at kay Lyka na baka tama ang mga ibang tao.

Kinabukasan ay pumunta si Gaby para harapin si Noah. Sinabi ni Noah na tinatanggap na nya ang gusto nila (habang pumipirma) at gagawin daw nya ang lahat para makalaya ulit, gusto daw na nyang magbagong buhay. Inabot ang release papers kay Gaby, nagtaka naman si Gaby at tinanong kung ano ang nakapagbago nang isip ni Noah. Sinabi ni Noah na tama daw sila dahil madami na daw syang nasaktan, nagulo at nalimutan nyang irespeto ang pinagkakautangan nya nang lahat – ang kanyang ama. Kung ganito lang daw ang magagawa nang pagmamahal sa kanya, it’s not worth it daw. Kakamayan ni Gaby si Noah pero niyakap sya ni Noah at nagpasalamat kay Gaby. Natuwa si Gaby sa desisyon ni Noah.

Teasers: (parang tatakas na naman si Noah sa mga militar. Tinugis sya nang mga ito pero lumaban sya. Nagkita sila ulit ni Lyka.)

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: