Lobo, Episode 45

by

Sa pulong ng mga Waya, nagtatalo sina Lady Elle at Ylavana. Nagalit si Ylvana dahil sa sinasabi ni Elle na may traydor sa council nila (and besides iyon naman daw ang gusto ng mga itim na lobo — ang magtalo-talo sila) at nagalit naman si Elle kay Ylvana sa insinuation nitong maaring si Manolo ang nagtaksil sa kanila. Pumanig ang isa nilang kasama kay Ylvana, kahit wala daw kinalaman si Manolo, pinatutunayan lamang daw ng nangyari ng may iba pang nakakaalam sa nangyayari sa kanila. Maari daw na may pinagsabihan sina Leo at Minerva (I miss her!). Sinabi naman ni Clarissa na kailangan daw nilang pigain ang itim na lobo para malaman kung kanino niya nalaman ang tungkol kay Lyka. Si Lady Elle na sana ang gagawa pero sinabi ni Ylvana na si Raul ang gagawa.

Frantic pa rin si Elle noong dumating sina Trixie at Manolo sa opisina niya. Nararamdaman daw niyang may traydor sa mga kasamahan niya at ginagamit daw ito ni Ylvana para baligtarin siya. Sinabi na rin ni Elle kay Manolo na pinagbibintangan siya ni Ylvana.

Nabigla si Manolo. Pero sinabi naman ni Elle na siya lang ang pinagkakatiwalaan niya sa buhay niya (uyyyyy…). Sinabi ni Manolo na kung totoong may traydor sa kanila, mas lalong nanganganib si Lyka. Trixie assured her na ipagpapatuloy pa rin niya paghahanap at pagpoprotekta kay Lyka.

Pinuntahan ni Gabby si Noah sa kulungan. Ayaw maniwala ni Noah sa sinasabi ni Gabby na duwag lang si Lyka kaya iniwan niya si Noah. Alam kasi ni Noah na ilang beses na kinausap ni Gabby si Lyka. Umamin na rin si Gabby na ilang beses nilang kinausap si Lyka. Nagpapatunay lang daw ito na totoong duwag si Lyka at mas importante and kaligtasan niya kaysa sa pagmamahalan nila. Iyon lang at umalis na si Gabby habang naiwan si Noah na nakatayo.

Ikinuwento ni Nessa kay Lyka ang ginawa sa kanya sa laboratoryo. Natatakot daw siya, ayaw na niyang bumalik doon. Kapag nandoon daw kasi siya, parang wala na siyang buhay. Hindi raw siya patay pero hindi siya buhay. Naawa naman si Lyka sa ina. Niyakap ni Lyka ang ina at sinabing puprotektahan niya ito. Magkasama daw silang lalaban. Hindi na sila guguluhin ng mga militar, kaya pwede na silang bumalik sa Maynila. Makikitira daw sila kina Clara at Anton pero ayaw ni Nessa.

Tinawagan ni Noah si Andrew. Hindi raw niya alam kung bakit nagawa ni Lyka iyon. Nakiusap si Noah kay Andrew na i-check niya sina Lyka kung maayos ang lagay nila. Ayaw pumayag ni Andrew noong una dahil tinraydor daw ni Lyka si Noah pero nakiusap ito. Gusto lang daw niyang makasiguro na hindi sila ginugulo ng militar pagkatapos daw noong ay matatahimik na siya.

Nakikiusap si Nessa kay Lyka na huwag ng bumalik kina Clara. Sinisisi pa rin daw kasi siya ni Clara sa pagkamatay ng ina nila. Sa malayong lugar na lang daw sila titira. Ayaw ng magtago ni Lyka, sa Maynila daw sila makakahanap ng sagot para maalis ang sumpa. Hindi raw niya alam kung paano, basta ang alam daw niya walang mangyayari sa kanila kung magtatago sila. At saka matutulungan daw sila ni Anton na magsimula mulit dahil mabait ito.

Sinabi ni Nessa na sa Maynila siya pinaghahanap, natatakot daw siya. Ang sabi naman ni Lyka, kahit naman daw saan sila magpunta mahahanap pa rin sila. Pero hindi raw ibig sabihin noon titigil na ang buhay nila. Natatakot rin daw si Lyka pero nangako ito sa ina na pupurotektahan niya ito at aalagaan. Nakiusap muli si Lyka dahil akala niya magkakasundo pa rin sina Nessa at Clara dahil magkapatid sila. Pumayag na rin si Nessa.

Gustong malaman ni Anton kung sino ang subject ng dugo na tinetest niya pero ayaw pumayag ni Dr. Lee.

Noong papaalis na sina Nessa at Lyka, nakita niyang naghihintay si Andrew sa kanya sa labas. Sinabi ni Andrew na pinatignan lang sila ni Noah. Sinabi ni Lyka na babalik sila sa Maynila. Tinanong ni Andrew kung bakit niya nagawa ito kay Noah ngayong tinalikuran niya ang lahat para sa kanya. Sana raw maging masaya siya sa desisyon niya. Naiyak na si Lyka. Kinumusta niya si Noah at ibinalik naman ni Andrew ang tanong niya, ano raw sa tingin niya ang nangyari kay Noah? Umalis na ang galit na si Andrew.

Pagdating nina Lyka at Nessa sa bahay nina Clara, nagalit si Clara sa kanila. Nadulas ang dila niya at nasabi niya na nagpunta na roon si Nessa dati. Tinanong ni Lyka kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ngayong alam naman niyang buon buhay niyang hinahanap ang ina. Natakot si Clara at tinutukan ng gunting si Lyka. Mabilis na kumilos si Nessa para tabigin ang gunting sa kapatid at sinabing huwag nitong sasaktan ang anak niya.

LUmayo sa kanila ang natatakot na si Clara. Niyaya na ni Nessa si Lyka. Bago sila umalis, sinabi ni Lyka kay Clara na sana dumating ang araw na mapatawad na sila nito. Gusto lang daw niyang sabihin na sa kabila ng lahat, mahal na mahal niya si Clara. Nagpasalamat ito sa lahat (I think I saw tear forming on Clara’s eyes).

Noong naglalakad na sila papalayo, nagpasorry si Lyka sa ina ang akala raw kasi niya mapapatawad na siya ni Clara. Naiintindihan naman daw ni Nessa si Clara, kahit siya man daw ay hindi pa niya napapatawad ang sarili sa nagawa sa ina kahit hindi niya sinasadya.

Ang tanging pagsisisi lang daw ni Nessa ay iwan si Lyka kay Clara. Sinabi ni Lyka na nakayanan naman daw niya. At saka totoo naman daw na mahal niya si Clara kahit na ganoon pa ito sa kanya. Nalulungkot siya dahil hindi na niya makakasama ang Kuya Anton niya.

Tumitingin si Lyka ng mga for rent na apartments sa classified ads habang kumakain sila sa isang karinderya. Iminungkahi ni Nessa na bumalik na lang sila sa probinsiya dahil mas madaling mamuhay sa probinsiya. Magastos daw sa Maynila at hindi pa siya makakatulong sa kanya sa gastos. Sinabi ni Lyka na may ipon pa naman siya at susubukan niyang bumalik sa dati niyang trabaho kung tatanggapin pa siya.

Natawa si Nessa sa comment ni Lyka sa isa sa mga for rent na nabasa niya, ang mahal naman daw noon baka raw ginto ang inidoro. Madaling napawi ang ngiti sa mukha ni Nessa noong matamaan siya ng isang lalaking dumadaan sa likuran niya at nanginig ang mga kamay nito.

Habang naglalakad ang mag-ina, hindi pa rin mapakali si Nessa. Sinabi niyang may sumusunod sa kanila. Tumakbo sila…

Mga Marka: ,

4 Tugon to “Lobo, Episode 45”

  1. NoCar Says:

    nababduyan na talaga ako kaya gabby, noah, sa mga luna pero gusto pag yung mga lobo na ang nagsamasama. AAAHHWOOOOO!!!!!!

  2. safiya Says:

    sana tapos na mga iyakan nila kse kakasawa na sila sa kadramahan, nakakabakla na ang sobrang iyakan. lol tama ka NoCar it is hight time for AAAHHWOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!

  3. annedito Says:

    lol nocar. minsan siguro si gabby nalilimutan iluwa ang cough drops bago mag-action ang director. alam mo naman sa pinas, mahal ang tape kaya hindi na i-edit. gusto ko lang umiiyak si agot kasi galing niya eh. pero kapag si gabby na, naiinis ako. i almost choked on my dinner the time na hinahanap niya si noah sa gubat at nagsisi-sigaw siya. it was too funny. sana siya na ang ma-biktima ng mga itim na lobo…sama. sana magkita na sina lady elle at lyka at nessa. ganda ng family reunion nila.

  4. dumbako Says:

    sana magahabulan na ang mga puti at itim na lobo para makita natin kung sino ang mananalo hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: