Lobo, Episode 44

by

Masama ang tingin ni Gabby kay Noah habang tinatransport nila ito. Masama din ang tingin ni Noah kay Gabby (Parang laging puno ang bibig ni Gabby, ano?). Ikinulong na ulit si Noah. Inalis ng isa sa mga sundalo ang dog tag ni Noah, pero ipinabalik ito ni Gabby. Wala namang emotion si Noah habang nangyayari ito. Mahigpit ang mga habilin ni Gabby sa mga nagbabantay kay Noah bago ito umalis. Hawak-hawak lang ni Noah ang moonstone niya.

Tawa lang ng tawa ang superiour ni Gabby. Gusto pa nitong ipadescribe kay Gabby kung ano ang naging reaction ni Noah. He seemes to be entertained at the thought na Noah’s broken when he realized na ipinagkanulo siya ni Lyka. Itinanong rin nito kung ano naramdaman niya noong ipinamukha niya ang mga pangyayari kay Noah. Sinabi niyang triumph ang naramdaman niya.

Samantalang wala pa ring kibo si Lyka (lumipat na ata sila ng tinutuluyan). Iniwan siya ng ina para mapag-isa. Naalala niya noong hinalikan siya ni Noah at ipinangako nitong magiging komportable siya pati si Nessa. Pati na noong hinuli ito sa harap niya.

Nasa labas naman ng kwarto nila si Nessa. Naalala niya noong mga bata pa sina Ulay at Jayjay. Noong inihabilin niya kay Jayjay na bantayan niya si Ulay.

Noong may kausap si Gabby (likod lang ng guy ang ipinakita), sinasabi nito na natutuwa siya sa nangyari sa mission (but her face betrayed her). Sinabi niyang kinailangan niyang turuan ng leksiyon si Noah. Nalala niya ang talim ng tingin ni Noah sa kanya noong nasa sasakyan sila. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na they did the right thing. Naiyak na rin siya.

Dinalhan ni Nessa si Lyka ng pagkain. Pero hindi nito ginalaw ang pagkain at sa halip ay nagpaalam sa ina at sinabing magpapahangin lang siya. Nagpalakad-lakad si Lyka sa hardin at tumakbo ito papalayo.

Habang si Noah naman, naiisip si Lyka pati ang mga sinabi nito noong nahuli siya. Pati na ang mga nangyari sa kanila noon sa isla. Naiyak na si Noah (pati ako…Stop crying, come here, come to Ptvj).

Alternate na ipinapakita: Noah punching the walls, Lyka running and turning into a Lobo (Awww…she cried when she was a lobo).

Naiyak si Nessa noong narining niyang umalulong ang anak niya. Kinausap nito ang buwan (or ang Diyos?), sinabi nitong nakiusap ito sa kanya na huwag idamay ang anak niya. Pero nadamay na ang lahat, pati na si Emil at ang anak niya. Ano raw bang kasalanan ang ginawa nila sa kaniya? Umiyak na rin siya.

Naramdaman naman ni Lady Elle ang pighati ni Lyka (sumakit ang dibdib nito). Sinabi niya kay Trixie na kailangan sila ni Lyka. Sinabi ni Trixie na hindi siya titigil until nahanap na niya si Lyka.

Nag-a-awoo naman ang mga itim na lobo. Nacorner ang isa sa kanila (Eric Fructuoso) ni Ylvana (sp?). Ilang araw na pala siyang sinusundan nito. Muntik ng matalo si Ylvana dahil sa lakas ng itim na lobo buti na lang at kasama niya si Raul.

Nasa tinutuluyan na nila si Lyka noong dumating mula sa paghahanap si Nessa. Sinabi nitong nagdasal siya sa Diyos para hindi siya matulad sa kanya. Sinabi ni Lyka na hindi naman niya ito sinisisi.

Sinabi ni Nessa na matagal na silang hindi nagkikita, pero noong una silang nagkita, ang unang sinabi niya sa anak ay layuan ang lalaking minamahal niya. Pero mabuti na rin daw siguro iyon.

Hindi nga raw siguro siya karapatdapat kay Noah dahil halimaw siya. Sinabi ni Lyka na hindi niya iniisip kung mali ang ginawa niya dahil alam naman niyang mali. Kahit kailan daw hindi magiging tama ang ginawa niya dahil tinalikuran niya ang taong nagtiwala at nagligtas sa kanya at nagmahal sa kanya. Habang buhay daw niya itong sisisihin at dadalhin sa loob niya.

Walang nagawa si Nessa kung hindi yakapin at halikan ang anak.

Dinala ni Ylvana ang council sa kung saan nila ikinulong ang itim na waya (to rub it on Elle’s face). Even between the rehas between them, tinangka pa ring atakihin ng itim na lobo si Elle kaya may nagsabing igalang nito ang pinakamalakas na waya.

Sinabi ng itim na lobo na hindi si Elle ang pinakamalakas na lobo. At alam nitong hindi nagpalit ng balat ang inaasahan nilang huling bantay. At pinaghahanap na ito pati ng mga itim na lobo at kapag nagawa na nila iyon, hindi na sila magagapi ng mga waya.

Sinabi ni Elle na may traidor sa Waya Council or else, hindi malalaman ng itim na lobo ang tungkol kay Lyka. Naiwang nag-iisip si Ylvana…

Mga Marka: , ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 44”

  1. pinoyonlinenovels Says:

    ang galing-galing talagang umarte ni Lyka. I love her! hehehe! Walang sinabi yung katapat na programa nung kabila!

    visit Pinoy Online Novels:
    http://pinoyonlinenovels.wordpress.com

  2. dumbako Says:

    sorry, dapat sa maxim comment ko ito, naduling ata ako hehehe

  3. ptvj Says:

    dumbako, inilipat ko na. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: