MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 73 (Finale)

by

Nagalit si Jackie dahil si Eli ang naabutan niya sa bodega. May nagtext rin pala kay Eli para pumunta doon pero ayaw maniwala ni Jackie. Sumakay ng taxi si Jackie (sa Maynila ba ito? Parang ang bilis naman nilang nakarating).

Si Daniel ang nag-text kay Jackie pero nahuli ito ng dating. Habang pinagmamadali niya ang driver, nakatanggap siya ng text threatening him na papatayin siya at ang pamilya niya.

Nagkasalubong ang mga sinasakyan nina Jackie at Daniel pero nagtago si Daniel.

Kinausap ni Corazon si JB, ano raw ang ginawa niya kay Onay. Nagalit si JB dahil wala naman siyang ginagawa kay Onay at bakit raw ba puro Onay na lang ng Onay si Corazon? Alam daw niya anak siya ni Amang pero she could’ve given some affection to Celine when she was stil alive. Sinabi ni Corazon na natuto siya sa mga pagkakamali niya. She’s trying to make up for everything through Onay. Dahil alam daw niyang Onay cares for him and how she cared for Celine.

Nagalit si JB. No one can ever take Celine’s place, especially Onay. She can never ever be Celine.

Narinig ni Onay ang pinag-usapan nila. Nakita ni JB na naroroon din pala ito. Hinabol niya si Onay at sinabing hindi niya gustong insultuhin si Onay.

Sinabi habang umiiyka na si Onay na alam naman daw niyang hindi siya magiging si Celine. Ayaw na rin daw niyang maging si Celine dahil hindi siya iyon, gusto lang niyang to become herself.

Noong umiiyak si Onay sa kama niya, inalo siya ni Eli. Tinanong ni Onay kung ganoon raw ba kasakit ang magmahal?

Tinext ni Daniel si Eli saying na hindi siya nakarating dahil kailangan muna niyang ilayo ang pamilya niya. Tinawagan ni Eli ang cellphone number, Daniel picked it up pero hindi siya nagsalit. Sinabi ni Eli na huwag itong matakot.

Nakatanggap din ng text message si Celine. Sinabi dito na hindi siya nakarating pero hindi siya nagbibiro.

Nakipagkita si Corazon kay Daniel at may iniabot na tseke. Sinabi niya na ipinabibigay daw ito Mateo bilang tulong sa kanya at sa pamilya niya. Laking pasalamat ni Daniel. Humingi ng tawad si Daniel sa lahat ng nagawa niya. Sinabi ni Corazon na napatawad na siya ni Mateo. Dahil daw despite of what everyone thinks, mabuting tao ang asawa niya. In time, baka raw mapatawad rin siya ni Corazon, pero hindi raw ngayon.

Narinig ni Fidel na nag-ring ang cellphone ni Jackie. Pinakialaman niya ito at binasa ang text message. Ang sabi ng message, alam daw niya ang totoo.

Kinausap ni Mateo ang isang gurad sa kulungan at itinanong kung matutulungan siya nito.

Habang kumakain sina Onay at Eli, napag-usapan nila ang iskwelahang pinapatayo ni Eli sa barrio. Doon na rin daw siya maninirahan pagkatapos. Sinabi ni Onay na pagbalik daw ng boss niya sa opisina siya naman ang lalayo (Ano ba yan! Noong una ipinakitang mahal na mahal niya si Lolo Bogs tapos ngayon wala siyang qualms na iwan ito? And where the hell is he? Might as well have killed his character too dahil hindi naman siya ipinapakita). Tinawagan ni Corazon si Onay at ibinalitang nakatakas si Mateo. Pero iba raw ang nararamdaman ni Corazon. Parang may masamang mangyayari.

Kina Jackie tumuloy si JB. Tinanong ni Jackie kung ano ang nangyari sa Maynila. Sinabi ni JB na gusto lang niyang makalayo at makapag-isip. Dumating si Fidel pero dire-diretso lang itong naglakad hindi man nag-hello kay JB.

Kinutuban si Jackie at hinanap ang cellphone niya. Noong nalaman niyang wala ito, humiram siya ng cellphone kay JB para tawagan at warningan si Daniel.

Pumunta sina JB at Celine pati na sina Onay at Eli (na kabilin-bilinan ni Corazon na huwag si isama si Onay dahil delikado).

Inawat nina JB at Celine si Fidel pero he was going insane at pilit na hinahabol si Mateo. Nakarating sila sa bodega (hay naku). Nabaril ni Fidel si Mateo sa braso. Sinabi ni Mateo na huwag na niyang ulitin ang nangyari sa kanila, kay Monique.

Flashback: Nabaril ni Fidel si Monique (not on purpose) at ipinagpalit niya ang baril nila ni Mateo. End of flashback.

Hindi pa rin maawat si Fidel. Pero sinabi ni Jackie na kung ano man ang ginawa niya napatawad na niya ito at patawarin na rin niya ang sarili niya. Nagyakap sina Fidel at Jackie.

Niyakap nina Onay at Eli si Mateo.

Nilapitan ni JB si Onay to comfort (kawawang JB, nagbabakasyon lang ano pa ang naabutan niya dun).

Nasa mental hospital si Fidel at binisita siya ni Jackie. Sinabi niya kay Jackie na there was a man na gustong magmahal pero hindi siya marunong. Andami daw nangyari pero kahit hindi siya marunong magmahal, nagmahal naman siya, nagmahal pa rin siya. Mahal niya ang asawa niya, mahal na mahal niya ang anak niya. Ang pangalan daw ng anak niya Princess. Paulit-ulit na sinasabi ni Fidel ang Princess as if taking comfort with that thought. Umiiyak na niyakap ni Jackie ang ama.

After 6 Months:

Nakalaya na si Mateo (ngayon lang?!). Masaya siyang sinalubong nina Corazon, Eli at Onay.

Binisita ni Mateo si Fidel at sinabi nitong hindi man sila pwedeng magkaibigan, pwede naman silang hind magka-aaway.

Second year death anniversary ni Celine. Nasa dagat si JB at kinakausap si Celine. He loves her more each day daw. Mamahalin niya raw ito ngayon pati na sa kabilang buhay and that’s his choice. Tama nga raw si Celine, their love was the best.

Magkasama sina JB at Corazon. Sinabi ni Corazon na bati na sila ni Gloria. Naisip daw niya na ayaw niyang dumating na uugod-ugod na siya at doon lang niya narealize na andaming nagmamahal sa kanya pero itinulak lang niya papalayo — si Celine, si Eli, si Gloria, even JB daw.

Niyakap ni JB at sinabing alam naman nito na mahal siya ng ina. Corazon made sure na mahal din siya ni JB despite of all she did.

Sinabi ni Corazon sa anak na hindi nito kailangang mag-isa. Hindi raw maganda ang mag-isa.

Teacher pa rin si Jackie. Ipinabigay ni Eli kay Little Eli ang jade necklace nito. TUmakbo si Jackie at pumunta sa iskwelahan (iskwelahan ba iyon? Iyon siguro ang pinagawa ni Eli) para hanapin si Eli. Sumakay ng bus si Eli.

Hinabol siya ni Jackie (duh! Alam mo naman ang phone number niya, as if hindi mo alam kung saan mo siya makikita). Bumaba si Eli sa bus. Tumakbo si papalapit sa isa’t isa. Nagyakap sila at nag-iyakan sila. Sinabi ni Jackie na mahal niya ito sana raw patawarin siya nito. Eli stopped her, sinabi niyang mahal daw niya si Jackie kahit paulit-ulit daw. Kinarga ni Eli si Jackie at inikot-ikot ito.

Sinorpresa ni Joko si Onay (na papunta ng Guam the next day). Pag-alis ng blind fold ni Onay (nasa tabing dagat sila by the way), may mga bata with balloons that spelled out as I’m Sorry Onay. SUmulpot mula sa likuran ni Onay si JB at may dala itong ballon that says “Stay.”

Nagpasorry si JB sa lahat ng ginawa niya kay Onay. For not realizing how beautiful she is as a person. For not realizing how good she’d been for Celine. JB asked her to stay and be her friend. Sinabi ni Onay na promise daw ba kahit na pumutok ang lobo? Bati na sila.

Gumawa sila ng balloon with sulat for Celine saying they miss her. Pinalipad nila ito.

Nasa damuhan naman sina Jackie at Eli. Malaki na ang tiyan ni Jackie.

Jackie: Ikaw ang buhay ko Eli…
Eli: Ikaw ang puso ko Jackie…

THE END.

Mga Marka: , , , ,

12 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 73 (Finale)”

  1. nawawala Says:

    dalawang beses mong nasulat yung “celine” imbes na jackie🙂
    nakakamiss kasi si celine eh!

    at puro na lang bodega ang setting! hehe…
    parang “bleh” lang yung ending… pero di ko pa napanood.. base lang sa nabasa ko. hehe. ewan ko kung mapapanood ko mamaya.. ty talaga sa update!!

  2. EDGE Says:

    i’m so very happy sa ending kasi hindi nagkatuluyan sila jb at onay. now, i do have reason to buy the DVD of book 1 and even book 2 as my collection. sana sa copy ng bawat book nandun yung bloopers at especially yung mga tag lines(sana nga maraming tag lines lalo na kay celine).
    i really miss celine.

  3. Evelyn Says:

    ptvj Thank you again for posting the MSKM finale.
    Jackie, Eli, Celine and JB are the four characters who attracted me to watch pinoy movie series again.Thank you to the whole cast. I think it is well done. However, there still is a lingering question in my mind about Monique’s statement in MSKM 1, which to date has not been answered.Also, why was Mateo very hostile towards Eli in MSKM 1 and early part of MSKM 2? It bogs my mind when he refused to attend Eli’s wedding and also when he snubbed Gloria.
    I’m satisfied with the ending of MSKM 2.

  4. dumbako Says:

    thanks a lot for the update! am so happy dahil hindi nagkatuluyan sina onay at jb!!!!!!!!!!!!!!!!!! ok naman ang pagkagawa ng pagbabalikan nina eli. manood ako bukas sa rerun sa kapamilya. again thanks a lot to all of you.

  5. jenny26 Says:

    friends lang sila onay at jb.parang d ko nakikita ang book 3 sa mga darating na panahon.hehe

  6. dumbako Says:

    pag may book3 pa at maging sila onay at jb, lalo na akong di manood!!!!!hehehe

  7. Prinsipe ng Pangarap! Says:

    wow naman. ayos na ayos ah.. parang ninanamnam mo nang maige ang palabas. hehehe peace! galing kasi nakukuwento mo nang ganun.

  8. rose Says:

    I was expecting more than this kind of ending.. finast forward nila ang lahat.At least sana kahit sa ending man lang doon sila bumawi. Nagbawas yata sila ng budget para sa ending,unlike noong sa book 1 it was extravagant…I saw the finale when I got home pero dito ko rin nakuha and preview, can’t wait kasi kung ano ang nangyari sa ending….

    Infairness,the actors and actreses did an amazing job.they made us all cry.I really felt the emotions and every words na binibitawan nila….. I don’t watch Filipino teleserye that much, but this one,I even bought the whole set of the book1. It is an amazing love story (Book 1)…but a little dissapointed sa story ng book 2. Maraming naiwang questions sa book 1 na hindi na answer sa book 2.What happen kay Viron? bigla nalang syang nawala tapos bigla ring sumulpot. Di ba dapat sya iyong nagrerevenge, dahil iyon and naiwan sa book 1? Bigla rin ang pagkamatay ni Lena…Also, I thought they will reveal na hindi anak ni Fidel si Jackie because of what Monique said in Book 1. Ako rin nagwowonder kung bakit galit si Mateo kay Gloria at hindi nya matanggap si Eli noong una…..anong naging story ni Gloria and Mateo in the past? hay naku…May answer pa kaya itong mga to?

    Anyway, thank you for all the updates. A million thanks from all of us here in Canada

  9. dnj Says:

    hay salamat at hindi nagkatuluyan sina jb at onay. OA naman kasi kung magiging sila. sana rin wala nang book 3. masyado nang maraming nakuhang istorya para sa book 1 at book 2. wala nang kahihinatnan ang book 3 kung sakali. the best pa rin ang book 1, especially the love story of JB and Celine. whenever these two people are in a scene, wow! drama explodes!!! love ko talaga silang dalawa! thanks for all the effort ptvj!!

  10. NoCar Says:

    I am very much happy with the ending. of course we can still make many questions if we want but for me kontento na ako. Sa ending nila parang wala ng book3 na pinaramdam. I do hope there will be no book3 anymore. Para naman maganda ang alaala natin lahat sa book 1&2.
    Kudos sa cast and lahat na gumawa ng MSKM. I really loved it.
    Kudos din sa PTVJ family, superb kayong lahat.
    (….ang gusto ko may part2 yun PNB) he..he…

  11. annedito Says:

    HOOORAY!!! i’m sooooo happy na tapos na and hindi nagkatuluyan si jb at onay. the producers better NOT ruin jb-celine love story with book 3. baka naman sa book 3, sila ang ikakasal. book 2 isn’t as good as the original, pero okay na. it’s still better than ysabella…lol…thanks ptvj! ano na ang susunod?

  12. safiya Says:

    abs cbn will not frsutrate the fans of this loveteam, besides ayaw nilang amsira ang love team na binuo nila kahit masira pa ang original story ng MSKM2. ganon naman talaga, sa bandang huli nababago storya, may mga tanong na hindi nasagot.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: