LOBO, Episode 43

by

Tuwang tuwa si Lyka nang bumalik na sa normal na estado ang kanyang ina. Pinaghahalikan ni Nessa si Lyka dahil miss na miss nya ito. Nag-iiyakan ang mag-ina. Humingi din nang tawad si Nessa kay Lyka dahil hindi daw nya ginustong iwan ito. Sinabi ni Lyka na ang tagal nyang hinintay ang ganong sandali – ang mayakap at makita ang ina. Parati daw nyang dinadasal iyon at hindi sya nawalan nang pag-asang darating iyon. Nangako si Nessa na hinding hindi na nya iiwan ang anak.

Tinanong ni Lyka na nung makita nya ang ina ay may sakit ito, hindi daw sya makausap at ang sabi daw nang doctor na baka hindi na daw bumalik sa dati, bakit daw nagkaganon si Nessa? Sinabi ni Nessa na may humabol sa kanya at kinuha sya nung nasa San Adolfo palang sila, nung bata palang si Lyka – kaya daw sila nagkahiwalay. Kung ano-ano daw ang ginawa sa kanya, pinag-ekperimentuhan.

Awang-awa si Lyka sa sinapit nang ina. Tinanong ni Lyka kung dahil ba daw pareho sila? Kaya daw ba hinuhuli si Nessa ay dahil hindi tao ang tingin nila dito, kundi halimaw? Mga halimaw ba daw sila? Hindi masagot ni Nessa si Lyka, isang mahigpit na yakap at matinding pagluha ang tanging naisagot. Si Lyka ay nagtanong kung sila ba daw ay nananakit? Dinipensahan ni Nessa ang kanilang uri at sinabing hindi, at huwag daw mag-iisip nang ganon si Lyka. Litong-litong nagtatanong si Lyka kung bakit daw sila ganon – kung sumpa o sakit, at kung wala ba daw gamot doon? Hindi naman masagot ni Nessa si Lyka, pero naalala nya ang itinurok sa kanya noon ni Emil, pero naging lobo parin sya. Sinabi ni Nessa na ang mahalaga ay magkasama sila at lalayo nalang sila kung saan walang makakapanakit sa kanila – silang dalawa lang. Sinabi ni Lyka na sa nangyayari sa kanya ngayon, hindi sya pwedeng umalis dahil may isang taong hindi nya kayang iwan dahil masasaktan daw nya ito.

Tinanong ni Nessa kung sino ang sinasabi ni Lyka. Ipinagtapat ni Lyka na si Noah daw ito, si Jayjay na anak ni Emil. Mahal na mahal daw sya nang buong-buo, na kaya nitong isakripisyo ang buhay, pangarap at pamilya nito. Sinabi ni Lyka na mahal na mahal nya si Noah, at gusto nyang mahalin ito nang buong-buo na walang tinatago. Tinanong ni Lyka ang ina kung may karapatan ba daw syang magmahal? Sinagot ni Nessa si Lyka na wala. Dalawang tao (si Emil at ang nanay nya) na daw ang namatay na mahal nya dahil sa kanilang kalagayan. Nanlumo naman si Lyka sa narinig. Sinabi ni Nessa na kung hindi man sila ang mananakit sa mga mahal nila ay madadamay naman sila sa sumpa nila – sumpang nagtatapos lagi sa pagluha. Sinasabihan ni Nessa na layuan nalang ni Lyka si Noah. Iyak nang iyak at tumanggi si Lyka na layuan si Noah, babaguhin daw nya ang kanyang kapalaran, nangako daw sya kay Noah na ipaglalaban nya ang pagmamahalan nila. Ngayong alam na daw nya kung sino sya, sya lang daw ang makakapag-desisyon kung ano ang gusto nya maging. Sya daw si Lyka na nagmamahal kay Noah, iyon lang daw ang gusto nya at wala nang iba. Awang-awa si Nessa sa anak at niyakap nya ito nang mahigpit.

 

Si Anton naman ay hindi makapag-concentrate sa trabaho at naiisip parin si Lyka, tinawagan nya si Lyka sa cellphone habang may tine-test na sample nang dugo (human blood with a mix of unknown chromosomes.) Pagsilip nya sa microscope, ang dugo, pati na ang red blood cells ay naging itim – nagulat si Anton.

 

Dumating na si Noah at nakita nyang magkayap ang mag-ina. Tinawag nya ang kanyang Tita Nessa at yumakap sya dito, tuwang tuwa dahil magaling na ito. Nagpakilala si Noah na sya daw si Jayjay, naalala ba daw sya ni Nessa? Naiiyak na pinagmamasdan ni Nessa si Noah, at sinabi nyang naalala nya daw ito, anak ni Emil. Sinabi ni Noah kay Nessa na hindi nya alam kung naikuwento daw ni Lyka sa kanya na matagal silang nagkahiwalay, at nagtagpo silang muli. Nagtapat si Noah na mahal na mahal daw nya si Lyka. Meron daw silang problema ngayon at kailangan nilang umalis – iyon ay kung sasama si Lyka. Sinabi ni Noah kay Lyka na naayos na daw nila ni Andrew, pupunta na daw sila nang Singapore, nagulat si Nessa. Pagdating nila sa Singapore via chartered plane, aalis sila papuntang Switzerland. Tinanong ni Noah kung sasama sa kanila si Nessa. Sinabi ni Nessa na kung saan ang anak nya ay doon sya. Niyakap ni Lyka ang ina sa tuwa, natuwa din si Noah.

 

Nagkaroon nang pagkakataon na makapag-usap nang sarilinan sila Noah at Lyka (siguro nagpapahinga na si Nessa.) Tinanong ni Noah si Lyka kung handa na ba daw ito, dahil bukas ay mag-iiba na daw ang lahat. Hindi daw nya maipapangako na magiging madali ang lahat pero ipinapangako nya na gagawin nya ang lahat para maging komportable sila Lyka at Nessa. Sinabi ni Lyka na magagawa nilang maging masaya dahil magkasama sila, kakayanin daw nila ang lahat. Masayang hinalikan ni Noah ang kanyang kasintahan at niyakap. May agam-agam naman si Lyka sa kung ano ang pwedeng mangyari.

 

Nang gabi ding iyon ay papaalis na silang tatlo (papasakay na sa kotse) nang biglang may isang lalaki (goon-like) na lumapit sa kanila. May natanggap daw itong text tungkol sa kanilang dalawa. Sinabi ni Noah na baka napapagkamalan lang daw sila, hindi daw sila iyon. Siniguro nang lalaki na sila Noah iyon at bigla nyang sinuntok si Noah. Lumaban naman si Noah sa lalaki at nakaya naman ni Noah ito. Pero malaki ang pangangatawan nang lalaki kaya nahirapan si Noah. Habang pinapanood ni Lyka ang pag-aaway nang dalawa ay galit na galit sya at lumabas na naman ang kanyang naiibang lakas. Tinulungan nya si Noah, hinablot nya ang lalaki at inihagis. Sa sobrang lakas ni Lyka ay pati si Noah ay natangay at tumama ang kanyang ulo sa may bato. Nang mahimasmasan si Lyka ay nakita nyang walang malay si Noah at may dugo ito sa ulo.

 

Dinala nila sa ospital si Noah, alalang alala naman sila ni Nessa. Paglabas nang doktora ay tinanong agad ni Lyka si Noah. Sinabi nang doctor na may concussion ito, napalakas ang tama sa ulo kaya dumugo pero he’s ok. Pinag-i-stay overnight muna si Noah nang doctor just to be safe. Na-guilty naman si Lyka dahil akala nya ay napatay na nya si Noah. Inalo lang sya nang kanyang ina.

 

Nagpunta sa simbahan si Lyka. Tinatanong nya ang Diyos kung ipinapakita na ba daw sa kanya na tama ang kanyang ina? Ipinapakita na ba daw sa kanya ang sagot Nito? Tinanong daw nya (ang Diyos) kung halimaw sya – oo na halimaw sya? Halimaw na walang karapatang magmahal at hindi pwedeng mahalin? Bakit daw kailangang maging ganon? Nag-iiiyak si Lyka.

 

Nang magkaroon nang malay si Noah ay nagpupumilit itong makaalis nang ospital kahit anong tutol nang nurse. Pero nagpumilit parin si Noah at sinabi nyang ok na sya, hindi na sya pinigilan pa nang nurse. Nagpalit agad nang damit si Noah (dahil naka-damit pasyente pa sya.) Pinaghahanda na nya si Lyka, pero hindi naman nagmamadali sa pagkilos si Lyka. Sinabi ni Noah na magpapa-gas muna ito sa gas station at kung may gustong bilhin si Lyka ay doon nalang din bumili. Nagmamadali na si Noah umalis pero si Lyka ay hindi. Tinanong nya kung may nararamdaman ba daw si Lyka. Umiling lang si Lyka at naiiyak. Pagdating ni Nessa sa kwarto ay kasama na nito si Gaby at ang iba pa nitong tauhan. Nagulat si Noah. Nagtataka naman si Noah kung bakit ito nagawa ni Lyka. Huwag daw itong gawin sa kanya ni Lyka. Pilit na tinatanong ni Noah si Lyka pero umiwas nang tingin si Lyka habang umiiyak. Hinuli na nang mga militar si Noah. Nagsisisigaw si Noah at tinatanong si Lyka, ano ba daw ang nangyayari at mag-usap daw sila. Umiiyak lang si Lyka. Nagpumilit na makawala si Noah at pumunta kay Lyka. Gusto nyang kausapin si Lyka pero hindi sumasagot si Lyka. Hinuli ulit si Noah nang mga militar, pero patuloy parin sa pagpupumiglas si Noah habang tinatanong si Lyka kung tinakot ba daw sya, dahil nag-usap na daw sila. Huwag daw sa kanyang gawin iyon ni Lyka. Biglang sumagot si Lyka kay Noah – pinili lang daw nya ang kanyang kaligtasan dahil hindi daw nya kayang tumakbo habang buhay na tumitingin parati sa likod nya. Hindi naniniwala si Noah kay Lyka. Sabihin daw sa kanya ni Lyka kung niloko daw sya (nang mga militar.) Nagpupumilit parin si Noah at nagpupumiglas. Sinabi ni Noah na mahal na mahal nya si Lyka. Sigaw nang sigaw si Noah habang umiiyak at nagpupumiglas. Sumisigaw si Noah at sinabi kay Lyka na huwag itong gawin sa kanya dahil hindi naman daw nya pababayaan si Lyka. Nang maposasan na si Noah ay inilabas na sya nang kwarto, nagsisisigaw parin si Noah – sinisigaw ang pangalan ni Lyka. Wala namang nagawa si Lyka kundi ang umiyak at sising-sisi. Awang-awa si Nessa sa anak. Niyakap ni Lyka ang mga gamit ni Noah.

 

 

Teasers:

 

– nakulong muli si Noah. Galit na galit sya kay Gaby at tinanong kung binantaan nito ang buhay ni Lyka. Sinabi ni Gaby na naduwag daw si Lyka, mas inisip ang kaligtasan nya at tinalikuran si Noah – na tinalikuran naman ni Noah ang lahat para kay Lyka.

 

– bumalik si Lyka sa bahay nila kasama si Nessa. Nang makita sila ni Clara ay nagalit ito. Nadulas ang bibig at sinabihan na daw nya dati si Nessa na huwag nang magpapakita pa. Nang malaman iyon ni Lyka (na nagpunta si Nessa) ay nagalit sya kay Clara. Tinanong nya ang tiyahin kung ano ba daw ang kanyang naging kasalanan dito. Natakot si Clara habang pasugod sa kanya si Lyka at tinutukan nya nang kutsilyo si Lyka. Umawat naman si Nessa.

Mga Marka: ,

7 Tugon to “LOBO, Episode 43”

  1. AnnE Says:

    Anu pa yung isang teaser na si ilvana ata yun? kasi di ko gaanung maintindihan. thanks

  2. jonard edos Says:

    saan ba me makakakuha ng mga words of wisdom ni lady elle..
    need it badly lang po thanks..😀

  3. NoCar Says:

    hay salamat nag kahiwalay na muna sila noah and lyka. para maiba naman ang mga dialog nila. (gabby nakiki usap ako sa iyo wag ka ng munang magpakita pls)

  4. annedito Says:

    lol nocar. sawa ka na ba sa, “mahal kita, noah.” “mahal na mahal din kita, lyka.”

  5. NoCar Says:

    annedito, mismo! kinikilabutan ako! binasa ko lang ang sinulat mo kinilabutan na ako! 😈

  6. dumbako Says:

    hehehehehehehehe

  7. safiya Says:

    lalaking lalaki si Noah dito….hmmmp

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: