MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 72

by

Malungkot na nililigpit ni Veron ang bahay nila ni Lena. Umiiyak na nagpasalamat si Veron kay Jackie at Eli, pati na kay Monique dahil mabait ito kay Lena. Wala raw na nagdaan na hindi siya ikinukuwento ni Lena sa kanya dahil mahal na mahal siya ng kapatid niya. Alam naman din ni Veron na mabuti ang puso ni Jackie. Nagyakap ang dalawa.

Naiinis (or nagseselos? ayaw!!!) naman si JB sa nagte-text kay Onay dahil tawa siya ng tawa. Kaya inutusan niya si Onay na magcheck ng mga documents.

Nag-ring ang cell phone ni Onay at si Eli ang nasa kabilang linya. Ibinalita nito ang pagkamatay ni Lena. Ikinabigla at ikinalungkot nila ito lalo na si Mateo.

Nasa tulay naman kung saan namatay si Lena si Fidel. Kinakausap niya ito at itinanong kung nagkita na ba sila ni Monique. Pakisabi daw na iniiisip niya ito araw araw.

Inihatid ni Eli si Jackie sa bahay. Nagpasalamat si Jackie pero hindi niya ito pinatuloy dahil baka makita siya ni Fidel. Sinabi ni Eli na iniisip niya ang sinabi ni Lena, baka sakali raw na may mabago.

(Ipinapakita: si Onay tinitignan niya ang mga wedding pictures nina JB at Celine. Si JB tinitignan ang wedding picture nila ni Celine. Nag-si-sit-in si Eli sa mga klase ni Jackie. Nagiging close sina JB at Onay. Tinanggap ni Jackie ang bigay na bulaklak ni Eli na siya namang ikinatuwa ng huli)

Binisita ni Daniel si Mateo at humingi ito ng tawad for abandoning Mateo. Sinabi ni Mateo na hindi niya ito mapapatawad. Humingi ng tulong si Daniel dahil wasak na raw ang buhay niya, iniwan siya ng pamilya niya at baon na baon na siya sa utang. Tinalikuran lang siya ni Mateo.

Sinabi ni Little Eli bago nito iniwan sina Jackie at Eli na bagay sila sa isa’t isa, bagay silang mag-asawa (ano ba kayo? Ihatid niyo ang bata! Gabi na pinapaglakad niyo ng mag-isa kapag nakain ng mananagal yan kasalanan niyo). Natawa na lang ang dalawa.

Nakita sila ni Fidel at galit na galit ito kay Jackie at Eli. Pinag-agawan nila si Jackie. Kumawala si Jackie at pinigilan ang ama na may hawak ng itak. Sinabi ni Eli na maigi pa raw na patayin na siya nito. Mas gusto pa niyang mamatay kaysa hindi makasama si Jackie dahil mahal na mahal niya ito. Nakiusap si Jackie kay Eli na umuwi na ito.

Nagwala naman si Fidel sa loob ng bahay nila at ang mesa ang pinagti-trip-an niya. Umiiyak si Jackie (as usual). Ano raw ba ang nangyayari sa ama niya? Niyakap niya ito at sinabing tama na. Naiyak na rin si Fidel.

Nananaginip naman si Mateo habang natutulog ito.

Nananaginip din si Fidel at sinasabing hindi niya ito ginusto ng paulit-ulit.

Pareho nilang napapanaginipan ang pagkamatay ni Monique. Pareho silang nagising.

Pati si Jackie nagising at narinig niya ang sinabi ng ama. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Sinabi ni Fidel na napanaginipan niya ang mommy niya. Hindi niya ginustong kailan man ay mawala ang mommy niya. Mula daw noong dumating si Eli hindi na naman siya natahimik at lagi siyang binabangungot. Layuan daw ni Jackie si Eli dahil hindi siya matatahimik. Pati mommy daw niya hindi matatahimik.

Tinanggihan ni Onay ang mga damit na ipianapsukat ni Corazon sa kanya. Gusto daw kasi ni Corazon na maging maganda siya sa birthday niya, kaya naguilty naman si Onay. Pumayag ito pero sinabi niya na halfway through the party magbibihis siya.

Pinuntahan ni Adonis si Onay at nag-usap sila sa bodega dahil nag-away sila ni Joko (ang haba ng hair ni Joko ha!). Niyakap niya ito sinabing huwag na siyang umiyak. Iyon ang tagpong naabutan ni JB (JB don’t you dare get jealous! Makinig ka sa akinnnn!!!)

Habang natutulog si Fidel pinagmamasdan siya ni Jackie. Sinabi niyang mauuna daw muna ang daddy niya before anything else, pangako daw niya sa mommy niya iyon. Nakatanggap si Jackie ng text message. Galing kay Eli at sinabi nitong lumabas siya ng bahay (so her name is spelled as “Jakie?”).

Lumabas si Jackie pero galit ito kay Eli dahil baka makita daw siya ni Fidel. Tinanong ni Eli na kung aalis raw ba siya gugustuhin niyang bumalik pa siya? Buti pa raw kasi noong una alam niyang galit ito sa kanya. Pero ngayon hindi na niya alam kung magkaibigan or magkakilala lang sila. Saan daw ba sila papunta?

Sinabi ni Jackie na wala na silang pupuntahan. Okay na raw sila. Tapos na. Hanggang doon na lang daw iyon.

Hinawakan ni Eli si Jackie sa braso, hanggang ganon na lang daw ba iyon? Sinabi ni Jackie na hindi na siya ang babae sa magazine, hindi na siya ang dating Eli. Hindi na sila ang mga iyon.

Tinanong ni Eli kung mahal pa siya nito. Hindi na raw sabi ni Jackie. Huwag na raw silang magkamaling ulit.

Salamat daw sa sagot niya. Ngayon daw alam na niyang hindi na siya dapat bumalik. Gusto lang daw niyang sabihin sa kanya na kahit kailan hindi naging mali na nagmahalan sila.

Naglakad na papalayo si Eli. Lumingon ito at si Jackie naman ang naglalakad papalayo. Umalis na si Eli at si Jackie naman ang lumingon at umiyak pero nagpatuloy pa rin sila sa paglayo sa isa’t isa.

Umiyak si Jackie sa may hagdanan.

Kinausap ni JB si Onay tungkol sa nasaksihan ni JB sa bodega. Sinabi niya na kung gusto nitong mag-fool around huwag na raw nitong gawin sa workplace. Unprofessional at at nakakahiya dahil tatay niya ang may-ari ng kumpanya.

Nagalit si Onay dahil agad daw siyang hinuhusgahan ni JB. Sinabi ni JB na concern lang daw siya. Mas lalong nagalit si Onay noong nag-sorry si JB. Ilang beses na raw niyang narinig ang sorry niya. Paulit-ulit na lang daw siya nitong sinasaktan. Tanga rin daw siguro siya dahil lagi niyang tinatanggap ang sorry niya. From now on daw wala na silang pakialamanan dahil nakakapagod siyang intindihan (e di wala! Tseeeee!)

Mainit ang ulo ni Fidel kaya pati ang mesang ginagawa niya pinag-iinitan niya.

Nakatanggap ng text message si Jackie saying na may alam ito tungkol sa mommy niya pero huwag siyang magsasabi kahit kanino. Hindi sinabi ni Jackie sa ama ang natanggap.

Nakauwi na si Eli sa Maynila. Sinabi niya kay Onay na okay naman si Jackie at okay na dito na magkaibigan na lang sila ni Eli.

Paglayo ni Jackie sa ama, tinawagan niya ang nag-text sa kanya. Nag-usap sila at magkikita sila bukas ng gabi (hindi alam ni Jackie pinapanood siya ni Fidel).

Sinabi na ni Mateo kina Eli at Onay ang lagi niyang napapanaginipan. Sinabi nitong may ikaapat na tao sa loob ng bodega. Pinasabi ni Mateo kay Eli na sabihin kay Jackie na pabubuksan niya ulit ang kaso. Ayaw munang ipaalam ni Eli kay Corazon ang nalaman dahil baka mag-alala lang daw ito. Kakausapin daw nila ang abugado ni Mateo kahit na mahirap ipabukas ang kaso dahil wala naman silang ebidensiya.

Tuwang-tuwa si Corazon sa birthday niya dahil isinuot ni Onay ang dress na pinili niya. Ipinakita siya nito kay JB pero dedma lang si JB. Onay corrected Corazon, Onay daw at hindi Mona Lisa at huwag na raw siyang ipipilit ni Corazon kay JB.

Nakipagkita na si Jackie sa mystery caller niya. Nasa isang (as usual) lumang bodega sila nagkita. Nauna doon si Jackie. Dumating na ang mysterious person…

Bukas: Si Jackie naman ang maghahabol kay Eli.

Mga Marka: , ,

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 72”

  1. annedito Says:

    lol “jakie” spelling kasi nagtitipid si eli sa text. mahal yan sa PI kaya kulang ng “c”. si fidel naman na-guilty kasi siya ang bumaril (accidentally, of course) kaya naging lasingero. ngayon he’ll go to jail and everyone will live happily ever after. kasal ulit si eli at jackie and onay and jb will get married. pati si joko bongga ang gown niya sa kasal nila ni adonis. lol

  2. NoCar Says:

    langya starring na ngayon si adonis sa mskm2. hehe

  3. nawawala Says:

    bakit ganon, pwede ba yon eh mag-step siblings si onay at JB?????!?!?!

  4. annedito Says:

    lol nocar. si adonis at joko ang main cast ng mskm3: pangatlong hakbang.

  5. dumbako Says:

    pwede na ba sa pinas mag asawa ang step siblings, kadiri pa rin ata a…….hehehe

  6. jenny26 Says:

    sabi ni onay sa finale KAIBIGAN LANG sila.haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: