LOBO, Episode 42

by

Pinuntahan ni Gaby si Lyka, pinabasa nya ang shoot to kill order para kay Noah. Inexplain ni Gaby na pag nakita nang mga militar si Noah ay hindi na ito kakausapin o huhulihin, pauulanan nalang nang bala dahil mas gusto nalang nang militar na patayin si Noah. Habang nag-uusap sila ay may nakaabang na sniper sa labas nang ospital, at tina-target na si Noah (papasakay nang kotse.) Habang sinasabi ni Gaby ang kinaroroonan nang sniper at ni Noah, galit na galit si Lyka. Hindi nya napigilan ang sarili and she did a headlock on Gaby. Hindi kaya ni Gaby ang lakas ni Lyka, kaya wala syang nagawa. Sinabihan ni Lyka si Gaby na pigilan ang mga tauhan.

Ang sniper naman ay naka-pwesto na at naghihintay nalang nang confirmation para barilin si Noah.

Habang naka head-lock parin si Gaby, tinanong ni Lyka kung sino ang diyos-diyosan nila at pinapipigilan nya ito kay Gaby dahil alam daw nya na ayaw din ni Gaby na may mangyari o mangyari ito kay Noah. Sinabi ni Gaby na hindi daw sya ang makakagawa nun kundi si Lyka. Nakawala na si Gaby sa paghe-headlock ni Lyka. Takang-taka naman si Lyka kung bakit sya nasali sa gulo. Sinabi ni Gaby na madami na daw alam si Noah and their superiors think that he is a loose cannon, natatakot silang mabulgar ang sikreto nang mga militar at kung hindi babalik si Noah and affirm his loyalty ay mas pipiliin nalang ipapatay si Noah. Takang-taka si Lyka.

Lyka: anong pinagsasabi mo?!

Gaby: Iwan mo sya Lyka, at may pag-asa pa syang mabuhay.

Lyka: (shaking her head) hindi ko gagawin iyon Gaby.

Gaby: tell me Lyka kung anong paraan, saang paraan mo sya isasalba?! Dahil iyon lang ang naiisip kong paraan.

Lyka: (mad) kahit iwan ko pa si Noah, hindi kayo makakasiguro na babalik sya sa militar.

Gaby: Bago ka, ang militar lang ang buhay nya! Maniwala ka sa akin Lyka, mas kilala ko si Noah kesa sa iyo! (Lyka was speechless.) Iwan mo sya, saktan mo sya, at babalik sya sa una nyang mahal.

Lyka: (teary eyed) bakit naman ako maniniwala sa iyo? Minamanipula=manipulate mo lang ako. Desidido kayong makuha si Noah, kaya kung ano-ano ang pinagsasabi nyo sa akin.

Gaby: Sige, huwag kang maniwala sa akin. Isugal mo ang buhay nang lalaking mahal mo. It’s your choice Lyka. I can stall the execution for a few days. Bibigyan kita hanggang bukas para mag-desisyon. Hihintayin ko ang tawag mo nang alas dose nang tanghali bukas, nandyan lang ang numero ko. I hope you take this seriously Lyka. Nasa sa iyo nakasalalay ang buhay ni Noah. (Then Gaby left Lyka, still shocked from what’s happening.)

– Noah and Nessa arrived at the Inn. Lyka is sitting on the bed, still perplexed.

Noah: (asking Lyka) Handa ka na?

(When Lyka saw Noah, she immediately hugs him tight. Noah was surprised.)

Noah: B-bakit?

Lyka: Bawal bang yumakap, ha?

Noah: (laughs) Ikaw talaga…halika na.

(Lyka then shifts her attention to her mother.)

Lyka: (touching Nessa’s face) ano nga pala ang sabi nang doctor?

Noah: um…hindi pa conclusive ang tests ni tita Nessa. Ako man ay nag-aalala para sa kanya. Pero kung magtatagal pa tayo dito, hindi ko maga-guarantee ang safety natin.

Lyka: (became nervous) Hindi, tama ka. Ipapatingin pa naman natin sya sa iba eh.

Noah: Sigurado ka?

Lyka: Oo, oo! Kailangan na nating umalis dito eh. Sandali lang ha, kukunin ko lang ang mga damit.

Noah: ok.

(Noah sensed that something is wrong with Lyka.)

– Gaby went to report to the “General.”

General: Naniwala ba sya?

Gaby: I think so, sir.

Gen: (laughs) I cannot believe that Noah can be as stupid as this. Staying in one place for more than 24 hours, gayong alam nyang pinaghahanap sya.

Gaby: May babae syang dinala sa ospital. We don’t have a visual of her. At hindi pa natin alam ang connection nya kay Lyka at Noah. Her hospital records says that she’s Corazon Salvador, most probably an alias.Wala na akong nakitang record nya anywhere else. Pero pwede po akong mag-assign nang tao to investigate further.

Gen: (laughs) relax Gaby, sa ngayon hindi mahalaga sa akin ang babaeng ito. Except for whatever reason, parte sya nang kalokohan nitong si Noah. But we are on the right track, this is how we get Noah back, I’m sure of this. Lagi kong sinasabi na walang kwenta ang pagmamahal, na wala itong dala kundi ang panghihina nang loob, a useless ——. Pero nagkamali ako, may silbi din pala ang pagmamahal. Itong pagmamahal ni Noah kay Lyka, yun ang gagamitin natin. Hindi natin sasaktan si Lyka, baka lalo lang syang magalit at tumalikod sa atin. Pero, kung mapapaniwala natin syang trinaydor sya nang babaeng naging dahilan kung bakit nya tinalikuran ang lahat, sigurado akong tatakbo ulit sya sa atin. (Gaby is carefully listening.) And when that happens, karga-karga nya ang galit at sakit sa puso. Two ingredients that will help him become the ultimate soldier that I want him to be.

– The following morning, in the car (while Noah is driving), Lyka ponders on what Gaby had told her about the shoot to kill order, and what Gaby suggested – to inflict pain in Noah’s heart so that he’ll come back to the military again.

Noah: (noticed that there’s something wrong with Lyka) Lyka bakit? May problema ba?

Lyka: Tinitingnan ko lang, baka pagod ka na eh.

Noah: Huwag mo akong isipin, sanay ako sa long drive. (Noah touches Lyka’s head) Ikaw, kanina ka pa tahimik ah? Sure ka bang ok ka lang?

Lyka: sure na sure. Inaantok lang ako eh. (but keeps on staring at Noah.)

– They stopped for a while and Noah made a call to his friend. Lyka and Nessa are in the car. Lyka is feeling nervous because she has to make a decision; she has to make a call to Gaby. It’s nearing 12:00 noon, exact time is 11:55 am. On the other hand, Gaby is waiting for Lyka’s call.

Lyka: malapit nang mag alas dose nay, pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang gagawin ko. Ang gusto kasi ni Gaby, magtraydor ako kay Noah. Pero paano kung hindi sya nagsasabi nang totoo? Magagalit sa akin si Noah dahil sa isang kasinungalingan lang? Pero paano naman kung nagsasabi sya nang totoo? Nay, mamamatay si Noah! Mamamatay sya nang dahil sa akin. Diyos ko…Diyos ko, anong gagawin ko? (Lyka looks at Noah and on her watch.)

(Gaby received a call.)

Gaby: hello? Lyka?

(It was Lyka, but she won’t answer. When she saw that Noah is approaching, she dropped the call and went out of the car.)

Lyka: Noah?

Noah: O?

(Gaby got disappointed.)

Gaby: We had her General, pero binaba nya ang telepono. Ano ho ang susunod na gusto nyong gawin natin?

Gen: Wait.

(back to Noah and Lyka…)

Noah: bakit?

Lyka: may kailangan kang malaman.

(short cut scene: Lyka told Noah about what happened.)

Noah: hindi nila talaga tayo titigilan eh.

Lyka: Noah, posible kayang nagsasabi nang totoo si Gaby?

Noah: (mad) Hindi ko alam. Alam ko, nararamdaman kong may mali sa misyon ko eh. Kaya I asked questions! Ano bang dahilan para sa lahat nang ito?! Hindi pwede!

Lyka: Noah, ano nang gagawin natin ngayon? Hindi ka na pwedeng humarap sa kanila katulad nang una nating plano dahil papatayin ka nila! Saan naman kaya tayo pwedeng magpunta na hindi nila tayo makikita?

Noah: isa lang ang naisip kong paraan, kailangan nating lumabas nang bansa.

– Back to Gaby and the “General”….

Gen: In any experiment, you can’t expect na mangyayari agad ang resultang gusto mo. Alalahanin mo Gaby, you have added a new variable to their dynamics. When there is an action, there’s bound to be a reaction. So we will wait.

– Back to Lyka and Noah….

Lyka: Ibang bansa?

Noah: oo, mag-iiba tayo nang mga pangalan, identities. Magbabagong buhay tayo doon.

Lyka: Noah, paano si nanay? Hindi ko sya pwedeng iwan.

Noah: Lyka, isasama natin sya. (Lyka is really confused.) Alam kong nagkakagulo pa ang lahat, pero makinig ka sa akin Lyka. Kung iniisip nilang marami akong alam, maniniwala din sila na madami kang alam dahil sa akin. At ito ang naiisip kong paraan. Masyadong malaki ang militar, marami silang tao, mahahanap tayo sa Pilipinas, kahit saan tayo magtago, kahit saang lugar. Kaya kailangan nating lumabas nang bansa, naiintindihan mo ako?

Lyka: naiintindihan kita Noah, kaya lang…parang napakalaking pagbabago naman ang hinihiling mo sa akin. Iiwan natin ang lahat – pamilya, trabaho, kaibigan, lahat!

Noah: alam ko, alam ko…I’m very sorry but we have to do this. Wala tayong choice. Tatawagan ko ulit si Andrew, ipapaayos ko ang mga papeles natin sa —- nating pag-alis.

(Noah made another call to Andrew, while Lyka is still trying to grasp everything that’s happening.)

– It was already night when Andrew secretly meet Noah in the woods.

Andrew: Walang nakakita sa akin kaya safe tayo (telling Noah that is hiding behind a tree.) Si Lyka?

Noah: Iniwan ko sa apartelle kasama nang nanay nya.

(Andrew gave Noah the things he needed.)

Andrew: Bok, wala na bang paraan? Pwede tayong lumaban sa kanila. Ituloy natin ang imbestigasyon. At kapag may nahanap tayo laban sa kanila, iyon ang pwede mong gamitin para tigilan na nila kayo ni Lyka.

Noah: Bok, hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ni Lyka. Kailangan na naming umalis Bok.

Andrew: Pinag-isipan mo na ba ito mabuti? Ito ba talaga ang gusto mo? Ang gusto mong buhay para kay Lyka? Para sa pamilyang bubuuin mo?

Noah: Maraming beses ko nang pinag-isipan. Desidido na ako.

Andrew: kung ganon, kung gagawin mo ito, ipangako mo sa akin na mawawala ka na. Na hindi ka na babalik, na wala nang makakahanap sa iyo kahit sino man sa amin.

Noah: (nods) salamat bok. (shook hands with Andrew.) Hindi ko ito makakalimutan.

Andrew: Good luck with Lyka.

– Lyka is waiting for Noah outside the apartelle with Nessa. She saw the moon and remembered the time when she became a wolf; what Gaby told her about not hurting Noah; and the time when she witnessed her own super strength when a man tried to harass her. She cries as she recalled what Noah told her, that they have to leave the country. She looks at her mother, worried about her.

– While watching the moon, Lady Elle is worried-sick about Lyka.

Elle: (crying) Apo ko, nasaan ka? Please, nakikiusap ako…protektahan mo sya. Kailangang kailangan ka nya ngayon. Alam kong magiging takot na takot sya. Sana, kung nasaan man sya, sana ligtas sya. Sana ay nasa mabuti syang kamay, at wala sa kamay nang mga kalaban. Bantayan mo sya, nakikiusap ako.

– Lyka approached her mother and talks to her.

Lyka: (crying) nay…nay…gumising na kayo. Nay, sige na o. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Kung normal ako nay, hindi ko alam kung ano ang problema eh. Yung magkaroon ako nang buhay na kasama si Noah, kahit ano pang klaseng buhay, iyon ang gusto ko, iyon ang pinapangarap ko nay, kaya lang hindi ako normal eh. Nay, anong gagawin ko? Habang buhay nalang ba akong magsisinungaling sa kanya? Habang buhay nalang ba akong…magtatago tuwing magpapalit ako nang anyo? Laging matatakot na malaman nyang kakaiba ako? Nay…nay, ayoko syang lokohin eh. Ayokong…ayokong ibigay nya sa akin ang buong pagkatao nya, yung buong sarili nya na hindi nya nalalaman nay. (Though Nessa is not responding, it seems that she can understand Lyka because she’s a bit teary eyed, and there’s sadness in her face.) Ni hindi ko nga alam kung…kung karapat-dapat nya ba akong mahalin eh. Nay…nay…(sobs) gusto kong lang malaman…halimaw ba ako, nay? Magkakaroon ba ako nang…pagkakataon na masaktan, na malagay sya sa panganib? Nay…nay kausapin mo ako. Nay, gumising ka na, kailangan kita nay…(sobs) nay….nay…kailangan kita. nay…(Lyka cries on her mother’s lap.)

(Then suddenly, Lyka’s eyes starts to glow and she felt pain in her stomach. She was crying in pain. Nessa shed some tears but still not moving, and feeling helpless. Lyka screams in pain.)

Lyka: TAMA NAAAA! TAMA NAAA! AHHHHH! TAMA NA! TAMA NA! TAMA NAAAAA!

(Nessa was able to move and stood up, went to Lyka and embraced her in tears. Though in pain, Lyka is so happy to see her mother by her side. Both gave a warm embrace to each other, feeling the love in their hearts.)

Teasers:

– Noah told Nessa they they have a problem and that they have to leave. Noah asked Nessa if she’s willing to go with them. Nessa told Noah that wherever Lyka go, she goes with her.

– Noah is asking Lyka if she’s ready, for tomorrow things will totally change. Lyka said that they will be happy because they are together, and they kissed.

– Gaby and her team locates them in their apartelle, ready to arrest Noah.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: