MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 71

by

Sinabi ni Veron kay Jackie na kilala naman niya si Lena, kapag naisipang gawin walang makakaawat sa kanya. Kaya kahit na anong pigil ng mga madre sa kanya sumama pa rin ito sa medical mission kung saan maraming epidemyamg kumakalat.

Sa mungkahi ni Jackie na dalhin sa Maynila si Lena, sinabi ni Veron na ginawa na nila iyon at sinabi ng mga doktor na wala na raw silang magagawa. At ayaw na rin daw ni Lena na magpagamot ang gusto lang daw nito ay dalhin siya nito sa San Rafael kung saan siya susunduin ni Joaquin.

Dahil sa pagkakasakit ni Lena naisip ni Veron ang lahat ng mga kasalanan niya lalo na kina Jackie. Humingi ito ng tawad pero sinabi ni Jackie na matagal na niya itong pinatawad. Naririnig lahat ni Fidel ang usapan nila.

Binisita ni Pong si Eli. Ibinalita iyang bumalik na si Onay. Hindi pa raw babalik si Eli sa Maynila, babalik lang daw siya kapag tinananggap na siya ulit ni Jackie.

Kinausap ni Jackie si Fidel na hanggang ngayon ay hindi pa rin malapitan si Lena. Sinabi ni Fidel na sinisingil siya sa mga kasalanan niya kaya kinukuha si Lena. Sinabi ni Jackie na wala raw sinisingil. Nagyakap ang mag-ama.

Binisita ni Onay (buti na lang at pang-office na ang attire niya at hindi pangparty) si Mateo. Napansin ni Onay na parang tuliro ang ama. Ipinapangako lang ni Mateo sa anak na hindi na ito mawawala pang muli at magiging okay na siya.

Pumunta si Eli sa bahay nina Jackie.

Nasa bahay pa nina Lena sina Jackie at Fidel. Pinuntahan na ni sa wakas ni Fidel si Lena. Nanghihina man ay ngumiti pa rin si Lena noong nakita ang ama. Tinawag niya itong itay at sinabi niyang hindi man niya ito nakita noong isinilang siya sa mundo, nakita naman daw niya ito sa pag-alis niya. Nag-iyakan na ang mag-ama.

Nakangiti naman si JB noong nakita niyang pumasok si Onay sa opisina (Hmnp!) dahil akala niya dadalawin lang niya si Mateo. Niyaya ni Onay na mag-lunch si JB. Biniro ni JB ang mag-syota nilang staff at sinabi niyang one of them has to go dahil sa office-romance policy nila. Nagtawanan sila when they realized he was joking at may nagbiro na may magic si Onay dahil noon lang nila nakitang ngumiti ulit si JB.

Medyo kinilig si Onay pero sinabi ni JB na masaya lang siya at bumalik na si Onay at she’s like a little sister to him.

Nagpunta si Eli sa lugar kung saan nagtuturo si Jackie. Sinabi ni Little Eli na baka iniiwasan lang siya ni Jackie kaya hindi ito lumitaw. Naiinip na ang mga estudyante kaya sinabi ni Eli na siya muna ang magtuturo. SKeptical si Little Eli at itinanong kung may matututunan sila sa kanya.

Naglilitanya sa banyo si Onay tungkol. Pinapagalitan niya ang sarili at pinapaniwala ang sarili na kapatid din ang turing niya kay JB. At hindi niya talaga ito gusto. Hindi niya alam nasa cubicle pala si Corazon at narinig niya lahat ng pinagsasabi ni Onay.

Sinabi ni Corazon na okay lang daw na gusto ni Onay si JB pero tandaan daw ni Onay na nasa puso pa rin ni JB si Celine. Maybe she should start acting like Celine daw.

Itinanong naman ni Lena si Jackie kung nasaan si Eli. Sinundo ni Jackie si Eli. Masaya si Lena dahil magaling daw talaga ang Diyos dahil kahit imposible nagagawa niya, ayun at magkakasama silang tatlo.

Hinawakan ni Lena ang kamay ni Jackie, kinuha niya ang kamay ni Eli at pinaghawak ang mga kamay nila. Ilang minuto lang daw silang magkahawak kamay pero baka may magbago.

Naiinggit si Onay kay Joko dahil may boyfriend na ito, si Adonis. Sinabi ni Adonis na huwag daw siyang mainip at darating din iyon.

BUmaba si Jackie sa kusina at naroroon si Veron. Dati raw sabi ni Veron na iyon ang gusto nilang mangyari ang magkasira ang pamilya ni Jackie. Pero ngayon daw gusto niyang ipagduldulan ang dalawa. Natawa naman si Jackie.

Kinumusta ni Veron si Fidel. Sinabi ni Jackie na medyo okay na ito at unit-unti na niyang natatanggap ang pagkamatay ng mommy niya. May isang lalaking nagmamasid sa labas ng bahay nina Veron.

Habang hinihilamusan ni Veron si Lena hindi nito mapigil ang umiyak. Sinabi ni Lena na okay lang ba ito at baka raw pati sa pag-alis niya inaalala pa rin niya ito. Sinabi ni Veron na okay lang siya at mabait naman si Fahad(?) sa kanya. Marami nga raw silang mga asawa niya pero mabait ito sa kanilang lahat.

Sinabi ni Lena sa ina na huwag siya nitong masyadong mamimiss at baka magluka-lukahan na naman ito. Tuluyan ng naiyak si Veron at niyakap ang anak. Sinabi niya na mamimiss daw nito ang ina.

Dalhin daw niya ito sa tulay…hinihintay na siya ni Joaquin.

Dinala sa tulay nina Veron, Eli at Jackie si Lena (where’s Fidel?). Inaalalayan ni Veron si Lena habang papunta sila sa tulay. Niyakap ni Eli si Lena. Sumunod naman si Jackie. At nagyakap ulit ang mag-ina.

Itinaas ni Lena ang kamay niya…

In the afterlife, kinuha ni Joaquin ang kamay ni Lena at inilagay iyon sa kanya. Sinabi nilang walang wakas ang pagmamahalan nila sa isa’t isa (Sorry ha hindi ko na isinulat lahat ng pinag-usapan nila). Naghalikan sila at nagyakap. Nakangiti na si Lena. Nagyakap ulit sila with the sunset as their background.

Inilibing si Lena sa tabi ni Joaquin.

Jackie is looking at Eli differently…

Mga Marka: , , , ,

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 71”

  1. annedito Says:

    sana si jb ang sumunod kay celine…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: