LOBO, Episode 41

by

Karga-karga ni Noah si Nessa habang tumatakbo at hinahabol ang bus. Dahil matalas ang pandinig ni Lyka ay narinig nya ang sigaw ni Noah. Pinahinto nya ang bus at bumaba sya, nakita nya si Noah at ang kanyang ina. Tumakbo si Lyka papunta sa kanila habang naiiyak dahil sa wakas, nakita nya ang kanyang mahal na ina. Tuwang tuwa naman si Noah dahil nakita nya si Lyka. Niyakap ni Lyka ang ina habang naaalala ang kanilang masasayang araw nung sya ay bata palang. Buong puso ang pagpapasalamat ni Lyka kay Noah. Nagbabaan ang mga tao sa bus at medyo naiinis/naiinip sa kanila, sinabihan silang sumakay na.

Si Dr. Lee naman ay galit na galit dahil hindi pa nahahanap si Nessa. Pinuntahan nya si Anton sa lab (habang nag-liligpit nang kanyang gamit), at sinabihan na hindi nya papayagang mag-leave na naman si Anton dahil marami silang trabaho. Naunawaan naman iyon ni Anton. Naalala pa ni Dra. Lee nang huling mag-leave si Anton dahil it was full moon pa nga daw, and she loves full moon daw. Nagbiro sarcastically si Dra. Lee at tinanong kung umalulong din daw ba si Anton nung full moon.

Gabi na at nagpapahinga na sila Lyka at Nessa. Nakahiga si Nessa sa may lap ni Lyka at kinakausap nya ang ina. Ipinakita ni Lyka kay Nessa ang binigay nyang “moonstone” sa anak. Naiiyak si Lyka sa sinapit nang ina. Nagtataka kung sino ang gumawa nun sa ina, ito ba daw ang sinasabi ni Father Ben na may mga humahabol sa kanya? Dahil ba daw katulad nya si Lyka (nagiging lobo)? Ganon ba daw ang ginagawa sa kanila – hinahabol, tinuturukan nang gamot na parang hayop. Iyak nang iyak si Lyka at sinasabi sa ina na miss na miss nya ito, magpagaling na daw ito at sabihin sa kanya na wala syang dapat ikatakot, sabihin sa kanya na tao sya, sabihin sa kanya na hindi sya halimaw. Tao sya na may karapatang magmahal at mahalin si Noah.

Nag-usap sila Noah at Lyka. Sinabi ni Lyka na kailangan nilang dalhin sa ospital si Nessa. Sinabi ni Noah na tutulungan sila ni Andrew dahil may kilala itong doctor na pwede nilang malapitan. Kinuwento ni Lyka kay Noah kung ilang libong beses nya inimagine kung paano sila magkikita nang kanyang ina. Pero sa ilang libong beses na iyon, hindi daw nya naisip na sa ganitong kondisyon sila magkikita. Tinanong ni Noah kung wala ba daw alam si Lyka kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanyang ina. Sinabi ni Lyka na ang huling beses nyang kasama ang ina ay nung sa San Idelfonso pa. Tinanong ni Lyka si Noah kung ano ang gagawin nila. Hindi daw magsisinungaling si Noah, pero daw sa ngayon ay hinahanap sila nang mga military, at hindi sila titigil hangga’t hindi sila natutunton.

May natanggap na tawag si Gaby at sinabi nang tauhan nya na na-trace nila ang cellphone call ni Lyka at alam na nila kung saan ito mahahanap. Tinawagan agad ni Gaby ang iba pa nyang kasamahan.

Nagsisisi naman si Noah dahil tumakas sya para hanapin si Lyka. Nag-alala naman si Lyka dahil lalo daw pag-iinitan si Noah. Sinabi naman ni Noah na nag-alala sya kay Lyka dahil akala nya ay may problema ito, dahil nung huling pumunta si Lyka sa bilangguan ay parang takot daw ito, inakalang kinausap ni Gaby si Lyka at binantaan. Naalala ni Lyka ang pag-uusap nila ni Gaby dahil sinisira daw ni Lyka ang mga magagandang bagay na nangyari kay Noah. Tinanong ni Noah kung binantaan ba daw sya ni Gaby? Sinabi ni Lyka na kinausap lang daw sya ni Gaby at sinabing layuan si Noah. Medyo nagalit si Noah kay Gaby. Sinabi ni Noah kay Lyka na haharapin nya si Gaby at ang mga militar, dahil pag hinarap daw nya ang mga ito ay hindi nila guguluhin si Lyka. Pinapapunta muna ni Noah si Lyka kina Andrew at doon daw muna sila. Itatago daw sila ni Andrew hangga’t hindi humuhupa ang lahat. Inalala naman ni Lyka si Noah. Sinabi ni Noah na haharapin nya ang parusa sa kanya nang militar.

Natunton na nila Gaby ang kinaroroonan nang signal galing sa cellphone ni Lyka, pero mali pala ang taong tinugis nila dahil napulot lang pala ito nang isang mama (na may kasiping na babae sa kama) sa bus na sinakyan nila Lyka.

Sobrang nag-alala si Lyka sa pwedeng sapitin ni Noah. Sinabi ni Noah na ikukulong sya at sisintensyahan sa Court Marshall, tatanggalin sa pagka-sundalo, mga 50 years daw ang paghihintay sa kaso at pagkakulong. Tinanong ni Noah kung hihintayin sya ni Lyka. Tinanong ni Lyka paano daw kung hindi daw sya makilala ni Noah ulit? Tinanong ni Lyka kung mangyayari ba daw talaga iyon kay Noah. Hinawakan ni Noah ang mukha ni Lyka at sinabing sumaya ang buhay nya dahil kay Lyka. Sinabi ni Lyka na sana daw ay sya ang karapat-dapat na babae para kay Noah. Niyakap at nilambing ni Noah si lyka, sinabi nya na masaya sya at desisyon nya iyon, wala na daw magbabago doon. Nagpasalamat si Lyka kay Noah. Si Noah naman ay hinalikan nang 2 beses sa may noo si Lyka. Nagpasalamat si Lyka kay Noah dahil tinupad nito ang isa nyang wish – hinanap ang kanyang ina para sa kanya. Nagyakapan ang dalawa.

Kinabukasan ay may kausap si Gaby na misteryosong lalaki (may singsing nang Luna), at sinasabing naiinis sya kay Noah dahil he’s willing to give up his life and everything para lang kay Lyka, but at the same time, kahit hindi nya sabihin ay humahanga sya kay Noah dahil hindi nya kayang gawin ang ginagawa nito. Isang General din daw ang nagpalaki sa kanya, at ang lagi nitong sinasabi sa kanya ay “pinapahina ka nang pagmamahal.” Pero bakit ang tapang tapang daw ni Noah ngayon – iyon daw ay dahil kay Lyka. Meron daw nagawa si Lyka na hindi nya nagawa kay Noah – iyon ay ang pinatapang nya ito. Pinakamatapang in all the years na she has known Noah.

Pina-alerto na ni Gaby ang lahat nang members nang Luna para mahuli nila sila Lyka at Noah.

Pumunta sila Lyka at Noah sa ospital para maipagamot muna si Nessa, iyon din ay dahil sa tulong ni Andrew na may kilalang doctor sa ospital na iyon.

Nang makausap nila ang doctor, sinabi sa kanila na kailangan nilang bumalik bukas to make some more tests on Nessa. Magbibigay nalang daw muna ang doctor nang mga gamot to help Nessa. Tinanong ni Noah kung ang mga gamot na binigay nang doctor ay sapat na ba daw iyon para sa ngayon? Sinabi nang doctor na without more tests, hindi nila malalaman ang extent nang damage kay Nessa, and if they don’t know that, they cannot tell how to help her. Umaasa sila Noah at Lyka na gagaling si Nessa.

Tumawag ang isang doktora (nandoon sa ospital) na member nang Luna sa “General”, dahil natanggap daw nito ang email tungkol sa 2 taong hinahanap nila, ni-report sa “General” na nakita nya sila Noah at Lyka.

Bumalik na tinutuluyang Inn sina Lyka. Kinakausap ni Lyka ang ina, hindi daw nya masabi kay Noah kung bakit kailangan nyang lumayo. Hindi daw nya masabi hangga’t hindi nya natatanong ang ina, hangga’t hindi nya nalalaman kung sino at ano sya. Naputol ang pag-confide ni Lyka sa ina nang dumating si Noah. Habang inaayos ang kanilang hapunan, sinabi ni Noah na hindi sila pwedeng magtagal doon. Hangga’t they’re on the move, hindi nila sila mahahanap. Inalala naman ni Lyka ang ina dahil kailangan nito sumailalim pa sa mga tests. Sinabi naman ni Noah na nagbigay naman nang mga gamot ang doctor at pwede na muna iyon sa ngayon. Dadalhin ni Noah sila Lyka kay Andrew. Tumawad naman si Lyka nang isang araw kay Noah, pero sabi ni Noah na ayaw nyang mabigyan ang mga militar nang pagkakataon bago nya madala sila Lyka kay Andrew. Sinabi ni Lyka na gusto nyang gumaling na ang kanyang ina at sana daw maintindihan iyon ni Noah. Pumayag si Noah pero sabi nya ay sya ang magdadala kay Nessa sa ospital at mag-stay nalang muna si Lyka. Nagpasalamat naman si Lyka dahil alam nyang labag sa kalooban ni Noah ang kanyang hiniling.

Kinabukasan ay dinala ni Noah si Nessa sa ospital, naiwan si Lyka sa Inn. Habang naghihintay si Lyka ay may kumatok, pagbukas nya nang pinto, akala nya ay si Noah na ito – yun pala ay si Gaby. Natakot si Lyka. Sinabi naman ni Gaby na wala syang ibang kasama, hindi daw sya nandoon para hulihin si Lyka, nandoon daw sya dahil may ipapabasa daw sya kay Lyka (sabay abot nang ilang papers.) Kinuha ni Lyka ang mga papers at tinanong si Gaby kung ano iyon. Sinabi ni Gaby na “standing kill orders” para kay Noah, it means shoot to kill ang order. Inexplain ni Gaby kay Lyka na kapag nakita daw si Noah ay hindi na ito kakausapin at pauulanan nalang nang bala dahil mas gusto pa nang militar na patayin si Noah. Habang nag-uusap sila Lyka at Gaby may sniper nang nakaabang kay Noah.

Teasers:

– Hined-lock (head lock) ni Lyka si Gaby at tinanong nya kung sino ang diyos-diyosan nila Gaby. Alam daw ni Lyka na ayaw din ni Gaby mangyari ito kay Noah. Sinabi ni Gaby na hindi daw sya ang makakagawa nun, kundi si Lyka. (I don’t know what they are talking about, putol kasi ang conversation in between eh. I guess on how to help Noah – Ara)

– Nakabalik naman si Noah at nagpasya sila na aalis nalang sila nang bansa, pupunta sila nang Singapore.

– May isang lalaki ang nakatunton kina Noah, huhulihin nya ang mga ito pero lumaban si Noah. Dahil malaki ang pangangatawan nang lalaki ay medyo nahirapan si Noah sa pakikpag-laban. Habang napapanood ni Lyka kung paano natatalo si Noah ay galit na galit ito. Nakita ni Nessa na nagagalit na si Lyka at lumalabas na ang lakas nito, pinigilan nya si Lyka pero wala syang nagawa. Tinulungan ni Lyka si Noah, pero nabagok naman ang ulo ni Noah at nakita ni Lyka na may dugo sa ulo ni Noah.

Mga Marka: , , , , ,

13 Tugon to “LOBO, Episode 41”

  1. dumbako Says:

    may tanong lang ako, nung tumatakas ba si noah at nessa bakit may wheelchair na ibinigay ang babaeng nakaputi kay lyka bago sila sumakay sa bus? akala ko walang nakakita kay noah at nessa, parang nurse attendant yun ah. napaiyak ako ng makita ni lyka ang mama niya.

  2. ptvj Says:

    lalakeng nakaputi iyong nagbigay nung wheelchair, di ba? natawa ako dun grabe, ang drama drama kasi tapos bigla na lang may nagbigay ng wheelchair out of nowhere.

  3. Neneng Says:

    Thanks Ara!

    Iyong lalaking nagdala ng wheelchair ni Nessa – iyon ang driver ng tricycle na sinasakyan nina Noah at Nessa. Nasiraan ang tricycle kay tumakbo na lang si Noah habang karga karga si Nessa, inihabol niyong driver ang wheelchair na naiwanan.

    Klaro?

  4. NoCar Says:

    Galing mo tagala Neneng. Parang nangdoon ka nung nagshooting sila. Parang ikawa ata ang script writter alam lahat ana detail ng nangyayari.

    Ako rin nabagbag na ako sa drama nila lyka, nessa and noah kaya nakalimutan ko yung tricycle na sininakyan nila, sinakay din pala ang wheel chair. (hospital property yun ha!) Mabait mo driver! naextra ka pa tuloy! he!he!

  5. runningbck28 Says:

    nice movie. pansin niyo ba OA si shaina

  6. NoCar Says:

    medyo maiinip ako sa takbo na kwento, lalo na pag part na si Gabby. At pag sobrang nagpapasweet sila lyka ang noah. Na UUMAY AKO!!! 😈

  7. Neneng Says:

    Hi NoCar! Tagasaan ka? Kasi Na UUMAY, taga Quezon Province ka ba?

    Natawa naman ako doon sa scriptwriter, pero thanks ha kasi para sa akin papuri iyon. Bukod sa ako ang gumagawa ng text-update ng LOBO ay medyo matalas talaga ang memory ko. May nakita nga ako sa friendster na schoolmate dati – nagulat kasi nagpasalamat ako sa tulong nya sa akin noong nasa elementary pa kami, meaning more or less 30 years na iyon at naalala ko pa raw.

    Hangga’t hindi pa ako tuluyang gumagaling sa trangkaso ay si Ara muna ang gagawa ng text-update.

  8. NoCar Says:

    neneng indi hako taga quezon prov. kapampangan hako. halam ni PTVJ yan. Pero born & raise in manila kaya nagagamit ko na ang word na na-UUMAY.
    ako rin may nakitang elamentary classmate sa friendster. tuwang tuwa rin sya. paano ko raw sya nakilala pa. Imagine nakilala ko pa sya halos 30yrs ago na rin ata. hehe!!!
    pagaling ka neneng. pahinga ka lang at kain ng madami.
    Ara thanks sa text update.

  9. dumbako Says:

    neneng, thanks a lot. this is just my 3rd time kasi na nanood talaga at yun nga ang napanood ko yung tumatakas na, update na lang kasi ako palagi eh. nadissappoint na kasi ako noon sa ysabella, pati sa mskm2. mas enjoy ako ngayon sa updates at comments. ano kaya gumawa ka ng ending ng mskm2 just for this blog ni ptvj? yun bang gusto ng lahat naending hehehe….

  10. dumbako Says:

    sorry, ano ba ang ibig sabihin ng nauumay? hindi kasi ako marunong talaga ng malalim na pilipino words hehehe…..

  11. ptvj Says:

    Klaro po Lady N. Oo nga pala. Lol. Nakalimutan ko iyong mamang driver. Si Piolo kasi e, gayuma ata ang pawis nun.😈

  12. NoCar Says:

    dumbako, na-uumay means pagkumakain ka ng isang pagkain na hindi mo maubos-ubos kasi madami kaya nasusuya or “nasasawa kana sa lasa”. yun ang Nauumay. he!he!

  13. annedito Says:

    Yes, nakakasuya si lyka and noah. lalo naman do’n sa isla sila no. i was bored to death kung hindi sila nag-kiss…lol…pero mas-inis pa rin ako kay shaina. sobrang-OA ang pagkasalita niya. minsan hindi ko na maintindihan dahil inipit ang boses to make it sound more mature. ewan.

    lol ptvj, siguro binigyan ng wheelchair ng writers kasi hindi kayang ibuhat ng napakatagal ni piolo si agot.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: