MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 70

by

Humingi ng paumanhin si JB sa ina tungkol sa nangyari noong nakaraang araw. Silent treatment naman ang ibinibigay ni COrazon sa anak. Obvious raw na nobody can’t tell him what to do, pero hopefully raw he starts looking at the world around him. Life does not end with Celine daw. Marami raw rason para mabuhay siya.

Habang naglalakad sina Joko at Onay sa tabi ng dagat, sinabi niyang parang may ginagawa siyang mali. Sinabi ni Joko na sobrang mali nga raw siya, St. Onay na nga raw siya e. Patay na nga raw ang inaalagaan niya, caregiver pa rin siya nito. Hindi na raw kayang gawin ni Onay ang gusto ni Celine.

Sinabi ni Joko na ang mas mahalaga raw ay kung ano ang gusto niya. Kasalanan ba raw ni Onay kung takot siyang magmahal (sa video ni Celine, sinabi niyang what if raw na sila na lang ni JB)? Sinabi naman ni Joko na sugal raw ang pagmamahal. Instead of saying “what if” kung hindi niya sinunod ang puso niya.

May kausap naman telepono si Mateo at may pinapahanap siya (si Fidel siguro).

Tinitignan na naman ni JB ang memory box ni Celine (hay naku, ilagay niyo nga sa album ang mga pechurs na iyan, puro smudges na lang ang makikita niyo pag nagkataon). Nalaglag ang box at noong kinuha ni JB ang mga laman, nakita niya ang disc ni Celine sa kanya. Inilagay ni JB sa DVD player ang disc.

Nagpasalamat si Celine sa pagmamahal ni JB sa kanya. Wala na raw makakatulad sa pagmamahalan nila. He’s given her so much love raw enough for her to take in the after life. But he’s still there. Mahirap man daw kayanin niya go on living and go on loving daw. Sana raw matuto siyang magmahal muli dahil he deserves to be happy. She wants him to be happy even without her daw. He’s surrounded with people who loves him, kaya he should give it back to them the way he gave it to her. Umiiyak si JB habang pinapanood iyon.

Inihatid ng dalawa Eli si Jackie. Nauna ng umuwi ang batang Eli (bakit ba hindi nila ihatid ang bata…ang dilim dilim na pinaglalakad pa nilang mag-isa).

Ayaw umalis ni Eli. Ang tagal na raw niyang hinintay ang panahon na iyon tapos itataboy lang siya ni Jackie?

Kinumusta niya si Jackie, ang laki raw ng ipinagbago niya. Sinabi ni Eli na hinabol niya ito noong araw na umalis sila. Baka raw hindi raw nakatakda na mahabol pa siya nito.

Pinaalis na niya si Eli. Bago umalis si Jackie, sinabi niya na masaya siyang nakita niyang muli si Eli.

Pagdating ni Jackie sabahay, umiinom na naman si Fidel. Pampatulog lang daw.

Galit na galit si Corazon at may pinaalis siyang staff sa kumpanya. Mainit pa rin ang ulo niya pero naalis ito noong nakita niyang pumasok si Onay sa opisina niya.

Dumalaw si Eli kina Jackie at si Fidel ang naabutan niya. Pinaalis ni Fidel si Eli at itinapon niya ang mga bulaklak na dala ni Eli sa mga kamay niya. Nagalit si Fidel pati kay Jackie. Tatlong buwan na raw nilang inaayos ang buhay nila para mapalayo lang kay Eli, sana raw huwag niyang sayangin iyon.

Habang nagtuturo si Jackie, dumating si Eli. Dinedma lang siya ni Jackie at first pero sinabihan rin niya ito. At sinabing tigilan na siya nito.

Pinuntahan ni Onay si JB. Back to madaldal Onay siya. Dire-diretso ito at nagsimulang magligpit. Pagkatapos ng litanya ni Onay (dahil daw sabi ni Corazon kailangan ni JB ng caregiver, maid at kaibigan — pero for one day daw), nag-good morning si JB. Pag-alis ni JB, napangiti naman si Onay.

Pinauwi ni Jackie ang mga estudyante niya ng maaga. Tumanggi si Jackie sa tulong ni Eli na iligpit ang mga gamit niya. Sinabi ni Eli na hindi siya titigil dahil mahal niya si Jackie. Sinabi ni Jackie na oo mahal siya nito, e siya mahal pa ba niya si Eli? Naiwang nakatayo si Eli habang umalis na si Jackie.

Habang nilalabhan ni Onay ang mga damit ni JB, naabutan siya ni JB na inaamoy-amoy ang t-shirt nito. Nagkunwari si Onay na sinabing cheap daw ang sabon panlaba ni JB.

TUmanggi si Onay sa pagyaya ni JB na pumunta na siya sa opisina. Sinabi ni JB na makailangan niya si Onay…(natigilan si Onay)…doon sa opisina. Sinabi ni JB na bati na raw sila, masungit na pumayag naman si Onay. Pag-alis ni JB, napangiti na naman si Onay.

Habang naghahapunan sina Fidel at Jackie, sinabi ni Fidel na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nakita na naman niya ang pagmumukha ni Eli.

Out of nowhere, lumitaw si Veron.

Nagpunta sila sa bahay na tinutuluyan nina Lena. Hindi makapasok si Fidel, pero inalalayan siya ni Jackie.

Pagkakita ni Jackie sa kapatid, niyakap niya ito. Nanghihinang ngumiti si Lena, nakikinig pa raw pala sa kanya ang diyos at dumating sina Jackie at Fidel. Hindi nakayanan ni Fidel, umiiyak na lumabas ito ng bahay. Lumabas ito at paulit-ulit na pinagsusuntok ang lupa.

Naabutan ni JB si Onay na nakatulog sa sofa na may walis timbo pa at hawak hawak na basahan. Nilagyan ni JB ng kumot si Onay (I don’t like the way you smile at her JB. Hmnp!).

Pinapanood na naman ni JB ang video ni Celine. Sinabi niyang one day at a time daw.

Humingi ng tawad si Lena kay Jackie. Hindi raw nito sinasadyang saktan niya ito. Nangyari daw iyon dahil sa pangungulila niya kay Joaquin. Mahal na mahal raw niya ito. Sinabi ni Jackie na alam raw niya at matagal na niya itong pinatawd. Siya naman ang humingi ng tawad dahil hindi niya ito pinakinggan noon.

Kung maaayos lang daw niya ang lahat, gagawin daw niya ito. Pero hindi na niya maibabalik ang lahat, si Eli daw at ang baby niya.

Sinabi ni Jackie na pinalaya na raw niya ang baby niya. Tanggap na raw niyang hindi ito para sa kanya. Iniisip na lang daw niya na may anghel siya sa langit at balang araw magkikita din sila. Sinabi ni Lena na kung magkikita daw sila ng baby niya, kung doon man daw ang punta niya, aalagaan daw niya ito para sa kanya.

Nagpasalamat si Lena. Sa kabilang buhay daw makakatawa na siya dahil okay na sila ng kapatid niya.

Mahal na mahal daw siya ni Ate…

Mga Marka: , ,

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 70”

  1. dnj Says:

    ano ba yan?! mukhang may mamamatay na naman ha! =)

  2. annedito Says:

    sana si jb nalang para magkasama sila ni celine…hehe

  3. janet Says:

    Meron bang nangyari behind the scenes nitong teleserye na to? Para bang binago nila ang intended na story at minadaling tapusin. Siguro talagang pahahabain pa talaga to kaya lang nagkaruon ng problema kaya biglang nawala si Veron, pinatay ka agad si Joaquin, and sobrang bilis ng JB-Onay story.

  4. karol Says:

    I think si Daniel Jimenez yung pinapahanap ni Mateo kse mukha sya yung pumatay sa Monique.

  5. Dilan Muli Says:

    napadaan at nakibasa. paadd naman po sa blogroll. hehehe. kamusta\?

  6. Soap Addict Says:

    Si Jimenez ang pinhahanap ni Mateo dahil nadoon si Jimenez (nagtatago – hindi ipinakita sa mga previous episodes) noong nagbarilan at na-witness niya na si Fidel ang tunay na bumaril kay Monique. Ito ang lumabas sa pag-recall ni Mateo ng mga events during the gunfight.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: