Lobo, Episode 40

by

Note: Sub lang po ako ni Miss Neneng for today. Get well soon!

Pinaputok ni Gabby ang baril niya sa isang puno noong nagtangkang umiwas si Noah. Huwag daw siyang magkakamali dahil babarilin daw niya si Noah maibalik lang niya ito sa kulungan.

Sa pulong ng mga Waya, sinabi na nina Manolo at Lady Elle ang nalaman nila sa mga totoong katauhan nina Noah at Gabby (although akala nila Luna din si Noah). Concerned si Lady Elle pero ipinagkibit balikat lang ni Ylvana ang nalaman (Biatch!). Ayaw pumayag ni Ylvana na gumawa ng grupo para i-follow up ang mga itim na lobo at another group para i-follow up ang pagkawala nina Gabby at Noah. Sinabi rin ni Ylvana na si Lady Elle ang may kasalanan dahil siya ang nagpasok ng mga iyon sa kumpanya.

Nabigla ni Minyong si Gabby kaya nakatakas si Noah. Galit na galit na hinabol ni Gabby si Noah, pinaputok nito ang baril niya sa ere ng ilang beses. Frustrated na frustated na siya. Nakatakas pa rin si Noah.

Habang namimigay naman ng flyer si Lyka tungkol sa ina, may mga lalaking nambastos sa kanya (gusto niyang makipag-textmate). Nagalit si Lyka at binawi niya ang flyer nalaglag ang mga flyers noong papaalis na ang mga lalake. May isang lalake na tumulong kay Lyka, sinabi nitong alam niya kung nasaan ang nanay niya. Sumama si Lyka sa lalake.

Sinabi ni Elle kay Manolo na tama nga ang desisyon niyang huwag sabihin sa grupo nila na magkadugo sila ni Lyka, lalo lang silang hindi makikinig sa kanya. Silang dalawa na lang daw ang magtuloy sa imbestigasyon. Nakakasiguro raw siya na mas malaki ang role ni Noah sa mga nangyayari.

Dinala sng lalaki Lyka sa isang bakanteng building. May patalim ang lalake at nagtatangka itong gahasain si Lyka. Nagalit si Lyka at nagliyab ang kanyang mga mata. Nilabanan niya ang lalake, sinakal niya ito at sinabing matuto siyang rumespeto ng babae. Dali-daling tumakbo si Lyka habang nagrerecover pa ang lalake sa ginawa ni Lyka.

Gusto mang makalayo sa lalake, natigilan si Lyka habang tumatakbo dahil narealize na naman niya ang extent ng powers niya.

Ininterrogate ni Gabby si Father Ben. Kakasuhan daw niya ito ng obstruction of justice at aiding and abetting. Dedma lang si Father Ben (bagay mo nga Gabby!), kung daw iyon ang gusto ng Diyos, so be it. Sinabi ni Gabby na sabihin na raw ni Father Ben bago pa masugatan si Noah sa habulan. Sinabi ng pari na hindi pababayaan ng Diyos si Noah at naroroon naman daw siya (Gabby) para protektahan siya. Ayaw sumuko ni Gabby, she’ll be watching him daw.

Habang namimigay ng flyer si Lyka, naroroon din si Noah. Nasense ni Lyka si Noah. Samantalang hinabol naman ni NOah ang wrong girl. Nakarating siya sa ospital at doon niya nakita si Nessa na tulalang nakaupo sa wheelchair.

Nilapitan niya ito. Nakausap niya ang doctor at sinabi nitong natagpuan si Nessa sa talahiban, naapektuhan daw ang nervous system ni Nessa dahil masyadong malakas ang animal tranquilizer na ibinigay sa kanya. Hindi rin daw nila maintindihan kung bakit ginawa sa kanya iyon. Maliit lang daw silang ospital kung kaya’t hindi nila malaman kung ano ang extent ng damage ng tranquilizer sa utak ni Nessa. Kulang daw sila sa facilities.Nagpakilala si Noah as Guttierez, bilang pamangkin ni Nessa.

Noong kausap ni Noah ang nurse sa may hallway, sinabi ng nurse na kailangan nitong bayaran ang bills ng pasyente and magpakita ng pagpaaptunay na kamag-anak nga niya ito. While talking to her, nakita ni Noah na ma mga sundalong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.

Nagreport si Gabby sa ama-amahan ni Noah sa mga pangyayari. Sinabi ng superior ng mga Luna na sumasakit na ang ulo niya kay Noah. Pero there’s a way daw para maalis ang sakit ng ulo niya. Gagawin na naman nilang subject sa experiment si Noah kagaya noong bata pa siya. Kung noong bata daw si Noah ay hindi nito naramdaman at ni hindi niya maalala, this time he’ll remember daw.

Itinakas ni Noah si Nessa.

Muntik namang mahuli si Lyka. Hinanap ng pulis ang ID niya dahil tinutulungan daw nila ang mga militar pero bago panakapagproduce ng ID si Lyka, tinawag ang pulis ng kapwa niya pulis. Sinamantala ito ni Lyka at umalis.

Nasiraan ang tricycle na sinasakyan nina Nessa at Noah habang hinahabol nila ang last trip ng bus. Binuhat ni Noah si Nessa at tumakbo papunta sa bus terminal. Nakita niyang papalayo na ang bus kung saan nakasakay si Ulay. Tumigil ang bus at bumaba si Ulay.

Samantalang hinahanap naman ni Lyka si Noah. Lumakas na naman ang pandinig niya at narinig niyang target silang dalawa ni Noah.

Nagkita na sila…

Mga Marka: , , , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: