MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69

by

Tinanong ni Celine kay Onay sa sa video niya kung nahanap na niya ang “The One?” Dahil iyon lang naman daw talaga ang wish nito para sa kanya. Sana raw nahanap na niya ang kagaya ni JB. Nakiusap ulit si Celine na alagaan ni Onay si JB (Ibinigay pala ni Celine ang video sa nagkasal sa kanila ni JB with the instruction na ibigay ito kay Onay two years after she died).

Nagpasiya si Eli na pumunta sa San Rafael para hanapin si Jackie. Si Pong na lang ang pinauwi niya ng Maynila at inihabilin si Bogs. (Kawawang Lolo iniwan siyang nag-iisa).

Masayang sinalubong ng mga bata si “Teacher Princess.” Pinakain niya ang mga ito at tinuruan ng mga lessons nila (Aba, ginabi pa sila. Ang haba yata ng klase nila. Lol). May isang estudyante si Jackie na “Eli” ang nickname at ayaw nitong magpatawag sa buo nitong pangalan kaya walang choice si Jackie.

Nakahanda na ang hapunan (courtesy of Fidel) noong nakarating si Jackie sa bahay nila (it’s a very small house, maganda pa siguro ang mga banyo nila sa mansiyon dati). Natigilan si Jackie sa pagbibida sa estudyante niya noong nakita niyang ipinaghahanda pa rin ni Fidel ng plato si Monique.

Nabigla si Corazon noong dumating ito sa bahay ni JB at nakita niyang maraming mga tao doon (lasing or lango?) at maruming-marumi ang bahay. Galit na galit na pinaalis niya ang mga ito (mas mukha pa siyang lasing sa mga iyon no).

Habang naghihintay ng bus si Eli, kausap nito sa phone si Gloria. Nasa California pala si Gloria (Sabi ni Eli huwag daw siyang maglalabas ng bahay dahil malamig sa California. Lol).

Lalong nagalit si Corazon noong pumasok ito sa kwarto ni JB at nakita niyang JB slept with some woman at naroroon pa rin ito at kasama niyang natutulog. Ginising niya ito ng sabunot at pinalayas ito.

Ano raw ang ginagawa ni JB sa sarili niya? Birthday party raw niya iyon. How many birthdays does he have to celebrate in a month raw? Nagising raw siya, and that’s enough of a reason to celebrate. Binuhusan ni Corazon ng tubig si JB. Tinanong nito kung kelan siya titino. Hindi na raw niya alam kung ano ang gagawin nito sa kanya.

Kumakanta na naman si Onay. Narealize daw niya (iniisip niya na kausap niya si Celine) na hindi siya kayang mahalin ni JB.

Napaniginipan ni JB si Celine. Sinabi nito kay JB to live and don’t stop living.

Napanaginipan ni Mateo ang pagkamatay ni Monique at nakita niya ang mukha ni Danielle.

Nagtanong-tanong si Eli sa mga tao kay Jackie. Sa mga baryo na lang daw siya magtanong-tanong sabi noong cigarette vendor. Tinanong ni Eli kung nasaan ang pinakamalayong baryo. Sa Barrio Makopa raw ang pinakamalayong baryo.

Nasa dalampasigan si Onay at sinabi niya kay Celine na hindi na niya kayang alagaan si JB. Pero binawi niya ito at sinabing sige raw last sign pa raw mula kay Bossing.

Nag-ring ang phone nito at si Corazon ang nasa linya. Halos takutin raw ni Corazon si Mateo na hihiwalayan niya ito makuha lang niya ang number niya. Nakiusap si Corazon na bumalik na ito.

Habang tumitingin si Jackie ng mga damit, nagpunta sa isang tindahan si little Eli at gusto nitong bumili ng pagkain pero wala itong pera. Nagvolunteer si Eli na magbayad (actually iyong tindero ang nagsabing magpabili si little Eli sa lalaki, lol)

Hinanap siya ni Jackie. Sa kakatawag niya ng Eli, parehong lumingon ang dalawang Eli.

Nagkita na sila ulit…

Mga Marka: , , ,

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69”

  1. Evelyn Says:

    Thank you for posting episode 69. It does seem that there will be Book 3. I hope the author or authors will give Eli and Jackie a break. However, i’d still wish them to be in the episode tackling life together.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: