LOBO Episode 39

by

Pagpasensyahan nyo na mga friends ang text-update ko, pinilit ko lang kasi may trangkaso ako mula pa noong Biyernes Santo. White Easter dito sa amin kasi mula pa last week walang tigil ang snow, kaasar! – nailigpit ko na ang mga pang-winter, ngayon labas na naman.

Dumating ang “hindi kapani-paniwalang” deep-penetration agent na si Gabby sa selda ni Noah at nag-investigate kung paano tumakas si Noah. Sinabi ni Gabby kay Gen. Leon ang ginawang pagtakas ni Noah at sinabi rin ng babaeng sundalo na sigurado siyang si Lyka Raymundo ang dahilan ng pagtakas ni Noah, nakikinig sa kanilang pag-uusap ang dalagitang si Zoey. Nanlulumo si Gen. Leon dahil sa ginawang pagtakas ni Noah, ay hindi na niya mapoprotektahan ang anak – hindi na niya mahaharang ang mga desisyon ng mga nasa itaas regarding Noah.

Pinuntahan ni Noah ang kaibigang si Andrew – “sinermonan” ni Andrew ang kaibigan.

Nagdrive si Noah papuntang San Adolfo para hanapin si Lyka, may nadaanan siyang checkpoint pero hindi naman siya nakilala ng mga pulis.

Nasa San Marcelino si Lyka, tinawagan nito si Father Ben para sabihing hindi niya natagpuan ang ina. Sobrang nag-aalala si Lyka na may masamang nangyari sa ina niya.

Pilit namang kinokontak ni Anton si Lyka, nakamasid lang si Clara. Tumawag ito sa office ni Dr. Vivian Lee na hindi siya makakapasok sa trabaho. Kausap sa cellphone ng nag-aabang na si Trixie si Lady Elle sa labas ng bahay ni Anton, baka sakaling bumalik ang kaibigan niyang si Lyka. Pinagbawalan ni Lady Elle na kontakin ni Trixie si Noah.

Nasa simbahan ang umiiyak na si Lyka, nakaluhod at kinakausap ang Diyos.
Lyka : Noong huli ko ho kayong nakaharap na ganito, may nangyari ho sa akin – nakita nyo ho iyon, hindi ho ba? Ikaw lang ho at ako ang nakakaalam ng sekretong iyon. Sabihin nyo ho sa akin – Mahal nyo rin ho ba ako? Natatakot sa puedeng susunod na mangyari, kaya ko po bang makasakit? Kaya ko po bang makapatay? Tulungan nyo ho ako, tulungan nyo ho ako makita si inay. Kapag nakita ko ho sya at naitanong ko itong mga katanungan ko, (may pumasok sa gate na asong ASKAL hehehe!) sana po ang sagot nya hindi. Sana po hindi ako isang halimaw, ayokong maging isang halimaw. Huhuhu! Ayoko ko ho, ayoko ko po huhuhu!

Tinanggihan ni Gen. Silva ang request ni Dr. Vivian Lee na karagdagang pwersa at paghingi ng tulong sa militar sa paghahanap kay Nessa. Disappointed ang heneral kay Dr. Lee. Mas interesado si Gen. Silva na mahanap si Noah kaysa kay Nessa, dahil nag-iisa lang si Noah – samantalang napakaraming Type 2 na Lobo na puedeng ipalit kay Nessa.

Gumawa ng poster si Lyka ng nawawalang ina tapos pina-photo copy nya ito ng marami. Ipinamimigay ni Lyka ang poster sa mga tao, bumaba ng tricycle si Noah. Nagpalinga linga si Noah at nakita niya ang nakatalikod na si Lyka, hindi sigurado pero sinundan niya ng tingin ang babae. Nagulat si Noah nang bigla siyang kausapin ng batang nagtitinda na si Tikboy, nagpatulong siya sa bata para mahanap si
Father Ben.

Ngarag pa rin ang hindi kapani-paniwalang deep-penetration agent na si Gabby, nauubusan na daw sila ng oras sa paghahanap kay Noah. Na-track down ng mga tauhan ni Gabrielle Dizon ang signal ng telepono ng target 2 nilang si Lyka Raymundo – San Adolfo. Nagpahanda ng Chopper (Helicopter) kaagad agad si Gabby na maghahatid sa kanya sa San Adolfo.

Patuloy sa paghahanap si Lyka sa inang si Nessa. Nagring ang cellphone ni Lyka – si kuya Anton ang tumatawag. Sinabi ni Lyka na nasa San Marcelino siya at hinahanap ang nanay niya. Nagtaka si Anton kung bakit hinahanap pa ni Lyka si Nessa – naputol ang pag-uusap nila. Nagtalo na naman ang mag-inang Clara at Anton. Sinabi ni Anton na siguro daw ay matagal nang natanggap ni Lyka ang pagkawala ni Nessa, kung mula noon ay pinakitaan ito ni Clara ng konting halaga at pagmamahal, natahimik si Clara.

Dinala ni Minyong si Father Ben sa kagubatan kung saan naghihintay si Noah. Nalaman ni Noah mula sa kura-paroko ng San Adolfo na nasa San Marcelino si Lyka at hinahanap nito ang ina. Nagulat si Noah nang malamang may mga humahabol kay Nessa. Nag-aalala si Father Ben sa kalagayan ng mag-ina. Nang itanong ni Noah kung may nabanggit ang nanay ni Lyka tungkol sa mga humahabol dito ay pilyong ngumiti ang pari at sinabing – Wala Lang!. Naaalala lang daw ng pari na noong mga bata pa sina Noah at Lyka ay malapit na sila sa isa’t isa, at natutuwa siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging malapit ng dalawa. Inamin ni Noah kay Father Ben na mahal niya si Lyka, at hindi niya hahayaang mawala pa ulit ito sa kanya. Nang tapos na silang mag-usap ay sinabi ng pari na kung walang masisilungan sina Noah at Lyka ay puntahan lang siya sa simbahan. Hinanap nila ang sinto-sinto na si Minyong – biglang lumitaw si Gabby, nakatutok ang baril kay Noah.

Teaser : Makapigil hiningang pagtakas ni Noah kay Nessa.

Mga Marka: , , , , , ,

4 Tugon to “LOBO Episode 39”

  1. ptvj Says:

    magbabasa muna ako bago manood. hehe.

    pagaling ka!🙂

  2. annedito Says:

    thanks neneng. hope you feel better.

  3. sleeplessinwgtn Says:

    I hope you get better soon!

  4. Janina Says:

    Si Neneng ay nag-aapoy habang nag-yeyelo sa labas…
    Gosh! I don’t make any sense, nagadidiliryo na akoh..

    “Well, my family’s role for me is so important because there was the, they’re they was the once whose very, ha-ha; oh I’m sorry, Ah my family, my family, oh my God, I’m okay. I’m so sorry ; I, I told you that I’m so confident; ah wait, ha-ha-ha-ha-ha-ha, uhm, sorry guys because this was really my first pageant ever. Because, I’m only 17 years old and I did not expect that I came from, I came from the one of the tough 10; uhm, so, but I said that my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: