MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68

by

Habang inaayos ni Jackie ang mga gamit nya (parang nag-iimpake sya), nakita nya ang jade pendant na bigay sa kanya ni Eli noon.

Si Onay naman ay walang ganang kumain kahit anong kumbinsi at lambing nila lolo at Joko.

Si JB naman ay inaayos ang mga gamit ni Celine at may nakita syang isang CD.

Pumunta si Jackie sa bahay ni Eli pero wala sya doon. Nagpunta si Eli kay Onay, doon muna sya para makasama ang kapatid. Nalaman ni Eli na aalis si Onay, gusto daw nya kasing lumayo at mapag-isa muna. Naiintindihan naman ni Eli ang kapatid sa kanyang desisyon.

Nakapasok parin si Jackie sa loob nang dati nilang bahay ni Eli (siguro ay may susi parin sya) at nilibot muli ang bahay. Pumunta sya sa kwarto nila ni Eli, humiga at niyakap ang unan ni Eli habang umiiyak si Jackie.

Si Onay naman ay ibinibilin kay Eli ang kanyang lolo, huwag daw nitong kalimutan ang pagpapa-alala sa pag-inom nang gamot, dadalaw dalaw nalang daw sya, at tatawagan nalang daw nya si Eli. Tinanong ni Eli si Onay kung talagang kaibigan lang daw ang tingin nya kay JB. Sinabi ni Onay na talagang dapat ay kaibigan lang, dapat hanggang doon lang.

Nilabas ni Jackie ang jade pendant sa kanyang purse at bago ito iniwan sa dining table ay hinalikan nya muna ito bago umalis nang bahay.

Pag-uwi ni Eli ay nakita nya ang jade pendant na iniwan ni Jackie. Umalis si Eli para puntahan si Jackie sa bahay nila.

Si Jackie at Fidel naman ay paalis na nang bahay. Tinatawagan ni Eli ang cellphone ni Jackie pero hindi makapasok ang call. Nang biglang masiraan ang sasakyan ni Eli, kaya wala syang nagawa kundi ang tumakbo nalang. Nakita ni Eli na paalis na nang bahay ang kotse nila Fidel. Hinabol nya ito, habang sinisigaw ang pangalan ni Jackie, pero sadyang mabilis ang kotse at hindi marinig ni Jackie si Eli.

After 3 months….nakalaya na din sa wakas si Pong. Masayang masaya ang magkapatid. Nag-birthday din si Mateo, nag-celebrate sa loob nang kulungan kasama ang mga mahal sa buhay, pero wala si Onay. Na-miss nila Eli at Mateo si Onay. Si Pong naman ay na-miss si “Princess” (si Jackie.) Kumanta naman si Corazon (sa videoke) para ialay kay Mateo, kumanta sya nang “Maging Sino Ka Man.” Sinamahan ni Mateo si Corazon sa pagkanta, nag-duet sila.

Nagpatuloy ang buhay ni Eli sa pagiging engineer, kahit paminsan-minsan ay naiisip at nami-miss nya si Jackie.

Si Onay naman ay naging singer sa isang bar. Kinakanta parin nya ang “I’ve Fallen for You.”

Si JB naman ay malungkot ang buhay dahil wala na si Celine, wala pa si Onay. Gusto nyang mag-text to say sorry to Onay, pero hindi nya magawa dahil sa pride.

Si Eli (nakatira sa lolo ni Onay) ay kinakamusta parin ang lagay nang kapatid dahil nag-aalala sya dito. Sinabihan ni Onay si Eli na huwag sasabihin kay Joko kung saan sya naroon dahil pupuntahan sya nito at magiging alagain pa daw ito ni Onay. Kinamusta din ni Onay ang kanilang ama at pag nakaluwas daw sya ay pupuntahan nya ang ama at “kukulungin” nya ito sa kanyang mga yakap. Pinag-iingat ni Eli ang kapatid.

Sa office ay namalik-mata si JB dahil nakikita nya doon si Onay kahit wala naman talaga. Nalungkot si JB nang malaman nyang namamalik-mata lang pala sya, miss na nya si Onay.

Si Eli at Pong ay pumunta sa police station para makasagap nang balita kung nasaan si Jackie. Naka-ilang probinsya at police station na din pala ang kanilang napagtanungan para mahanap si Jackie. Ang gusto lang naman malaman ni Eli ay kung nasaan si Jackie at kung ok lang ang kalagayan nito. Sinabi ni Pong na baka wala ito sa Pilipinas, baka nasa ibang bansa ito. Sinabihan ni Pong na hindi na maganda ang ginagawa ni Eli, huwag na daw itong maghanap kung wala namang kasiguraduhan ang lahat. Pero gusto parin ni Eli na hanapin si Jackie.

Kasama na ni Onay sa probinsya si Joko. Nakatanggap sila nang mga sulat galing Manila. May isang CD (ito yata yung nahanap ni JB sa mga gamit ni Celine) na natanggap ni Onay, hindi nya alam kung galing kanino.

Nang muling bumisita si Corazon kay Mateo ay dala ni Corazon ang company report/s at pinakita kay Mateo. Natutuwa si Mateo dahil naging matatag ang kanyang negosyo because of Corazon. Sinabi naman ni Corazon na asawa na sya ni Mateo at responsibilidad na din nya ang kumpanya nito. Naisip ni Mateo ang kalagayan nang kanyang asawa dahil alam nyang nahihirapan na ito. Nahihiya daw sya kay Corazon dahil nangako syang aalagaan nya ito pero si Corazon ang gumagawa nang lahat para sa kanya, nagiging pabigat daw sya kay Corazon. Sinabi ni Corazon na pinaninindigan lang daw nya ang pangako nya nung ikasal sila ni Mateo. Sinabi ni Mateo na pinalalaya na nya si Corazon, at kung may makilala syang ibang lalaking magmamahal sa kanya ay hahayaan nya si Corazon. Sinabi naman ni Corazon na hindi nya iiwan si Mateo. Ang totoo daw ay madaming nagbago sa kanya mula nang makilala nya si Mateo. Dati daw ay wala syang puso, ngayon daw ay meron na, because of all the men she’s been with, si Mateo lang daw ang nagpakita nang kindness at walang hininging kapalit. Sa ayaw man daw at hindi ni Mateo, he’s stuck with her for the rest of his life. Natuwa naman na hinalikan ni Mateo ang kamay ni Corazon.

Nag-bu-bus lang sila Pong at Eli sa paghananap nila kay Jackie, kaya nagrereklamo si Pong kay Eli. Sabi ni Pong siguro daw ay nagbabakasakali si Eli na makasabay nya si Jackie sa bus, kung nag-eroplano pa daw sila, baka sakaling makasabay ni Eli si Jackie dahil malamang ay hindi nag-bu-bus si Jackie. Biglang sumakit ang tyan ni Pong at kailangan nyang pumunta nang restroom, nagpahintay sya kay Eli. Habang nakaupo si Eli at hinihintay si Pong, hindi nya alam na nandoon din pala sa bus station si Jackie at kumakain sa karinderia.

Walang gana sa trabaho si JB. Lahat ay inaasa nalang nya sa mga empleyado, pati decision-making. Medyo nagrereklamo pa sa mga papeles na dapat nyang pirmahan, wala talaga syang ganang magtrabaho, parang tinatamad.

Nang i-play ni Onay ang CD na natanggap ay nagulat sya nang malaman nyang si Celine pala ang may gawa nang CD.

Sa bus station naman, tumawag na ang kunduktor para sa biyaheng San Rafael, iyon ang biyahe ni Jackie. Nang pasakay na si Jackie ay bigla syang may nahulog na gamit, tama namang nakatingin si Eli (si Pong ay natutulog) sa mga taong pasakay nang bus at nakita nya si Jackie. Hinabol nya si Jackie at tinatawag ang pangalan nito pero hindi na nya naabutan dahil nakasakay na si Jackie at umalis na ang bus.

Teasers:

– Nagkita sila Jackie at Eli. Tinanong ni Eli kung mahal pa sya ni Jackie. Sumagot si Jackie nang “hindi na.”

– Pinuntahan ni Onay si JB sa opisina.

– Nagpaalam na si Eli kay Jackie. Sinabi nya kay Jackie na ngayon ay alam na nya na dapat ay hindi nalang sya bumalik. Sinabi din nya kay Jackie na kahit kailan, hindi naging mali nang magmahalan sila.

Mga Marka: , ,

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68”

  1. nawawala Says:

    kawawa naman si eli, lagi na lang naghahabol! literally.

  2. jenny26 Says:

    atleast ginawan nila ng paraan para makabalik si celine sa show.kahit isang video recording lang.haha

  3. ptvj Says:

    thanks, again miss ara! naku isang linggo na lang matatapos na!

  4. amikangel Says:

    i miss Celine. She is the only one for JB. JB and Celine belong together. No one else comes close!

  5. Evelyn Says:

    I hope Jackie will wake up from her confusion and self centeredness.
    I wish Celine were still around. She seems to be the voice of reason in this star crossed love story. The aches and pains of lossing over and over is
    just too much.
    Thank you for the opportunity to vent.

  6. NoCar Says:

    siguro nanirahan na lang sila fidel and jackie sa probinsya na lang kasi nga poor na sila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: