LOBO Episode 38

by

Nagpasama si Lady Elle kay Trixie sa pagpunta sa bahay nina Lyka.

Naglagay ng ilang damit si Lyka sa bag, hahanapin niya ang kanyang ina.
Lyka : Papatunayan kong mali sila Noah, papatunayan kong ikaw ang tama … na tama kang mahalin ako. Tutuparin ko ang pangako ko – lalaban ako para sa ating dalawa. Hahanapin ko si nanay baka matulungan nya akong alamin kung ano itong nangyayari sa akin, baka puede pa itong ayusin … baka puede pa akong bumalik sa normal.

Nasa sasakyan sina Lady Elle at Trixie, pupuntahan nila ang apo ni Lady Elle.
Trixie : Hindi pa rin po ako makapaniwala Lady Elle
Lady Elle : Kaya kailangan kong makita ang apo ko Trixie, better yet, ang buong mag-anak nya na posibleng buong pamilya ko rin.

Pababa ng hagdan si Lyka nang makita niya ang tiyahin.
Lyka : ‘ma, ‘ma gusto ko lang humingi ng sorry doon sa nangyari kanina. Hindi ko ho sinasadya na saktan kayo o hindi irespeto. Pasensya na po sa lahat ng paghihirap na ibinigay ko sa inyo. Pasensya na ho sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo. Mahal ko po kayo ‘ma.
– Walang imik si Clara. Nasa pintuan na si Lyka nang tingnan ni Clara ang papaalis na pamangkin.

Nagpatao po si Trixie sa bahay nina Lyka. Galit na lumabas si Clara.
Trixie : Tao po! Nandyan po ba si Lyka?
Clara : Ikaw na naman? Ang hilig mo talagang mang-istorbo ano? Napakakulit nitong babaeng …
– Nagulat si Clara na may kasama pala si Trixie – si Lady Elle
Lady Elle : I’m sorry to disturb you pero kailangan kong makausap si Lyka.
– Pinatuloy ng masungit na si Clara si Lady Elle, ipinaghanda pa ng maiinom.
Clara : Umalis si Lyka eh, isang oras bago kayo dumating, sorry hindi nyo naabutan.
Trixie : Sinabi nya po ba kung saan siya pupunta?
Clara : Hindi.
– Tila may naamoy si Lady Elle – pumasok si Anton.
Anton : Hello!
Clara : Anak, ah hinahanap nya si Lyka.
Anton : Bakit nasaan si Lyka?
Clara : Ah ewan ko, umalis may dalang bag, hindi naman nagpaalam eh
Anton : Pinayagan nyo lang lumabas, hindi mo man lang inalam kung saan pupunta?
Lady Elle : Alam mo kaya kung siya pumunta?
Anton : A hindi. Wait, I’m sorry bakit nyo ho hinahanap si Lyka?
Lady Elle : May naiwan siyang importanteng trabaho sa opisina
Clara : Hah iresponsable talagang babaeng yan
Anton : Ma!
Lady Elle : I’m sorry. Ahh I’m taking much of your time, just in case na bumalik si Lyka pakisabi na lang sa kanya to report to me immediately. Maraming Salamat!
– Nang dumaan si Lady Elle sa tabi ni Anton ay naamoy nila ang isa’t isa – parehong silang taong lobo.

May natanggap na text message si Andrew mula kay Lyka “Aalis muna ako sandali, hindi muna ako makakadalaw kay noah,ikaw na bahala sa kanya.
-Kinabahan si Andrew

Sinabi ni Gabby na inaprubahan ni Don Manolo ang leave niya at nag-file na rin siya ng leave for Noah. Hindi sigurado si Gabby kung makakabalik pa sila ni Noah sa House of Elle.
Gabby : With all due respect sir, hanggang kailan ho natin ikukulong si Noah? Pag tumagal pa eh baka … baka madamay ang buong military. Baka masilip ho tayo. At matigas si Noah sir, handa siyang humarap sa court martial tulad ng inaasahan ko sa kanya.
Heneral : Then let him suffer the consequences Gabby. Hindi ba iyon naman ang dapat para matuto sya, matigas ang ulo nya e kaya nakakalungkot man isipin he has to learn the hard way. Maburo na siya sa kulungan hangga’t hindi siya natuto.

Nasukol si Nessa ng mga tauhan ni Dr. Vivian Lee na humahabol sa kanya. Ngunit hindi nagpahuli si Nessa, sabay sa pagpapatihulog niya sa bangin ay binaril siya ng isa sa mga tauhan ni Vivian Lee.

Nagreport ang mga tauhan ni Vivian Lee, tungkol sa pagkakabaril nila kay Nessa.
Dr. Lee : ANONG IBIG NYONG SABIHIN NA PATAY NA SYA? Imposibleng mangyari yon.
Tauhan 1 : Pero Dr. Lee sigurado ako sa taas ng binagsak nya, imposibleng mabuhay pa sya.
Dr. Lee : Istupido! Parang hindi mo alam na mas malakas pa si Nessa kaysa sampung kabayo. Hinding hindi ako maniniwalang patay na sya hangga’t hindi ko nakikita ang bangkay nya. Hanapin nyo, ibalik nyo siya dito patay o buhay ma. HANAPIN NYO!

Nag-uusap sina Don Manolo at Lady Elle
Don Manolo : Sinabi sa akin ni Selina ang magandang balitang Elle
Lady Elle : And it would have turned into a happy ending kung naabutan namin si Lyka bago siya umalis.
Don Manolo : Hindi nyo mahanap si Lyka?
Lady Elle : Hindi kami tinulungan ng pamilya nya. At ang bahay na yon Manolo, alam kong hindi masaya si Lyka doon. Iyong tyahin nya its hard to believe na anak sya ni Lorenzo, ang kapatid ko. At iyong kinakapatid nya na si Anton, may nararamdaman akong galing sa kanya. For a moment I thought na kalahi namin sya, pero hindi ako sigurado dahil napakalakas ng presence ni Lyka sa bahay na iyon … baka iyon lang ang napick-up ko.
Don Manolo : Mas mabuti nga na mawala muna si Lyka, kung nasaan man sya, mas ligtsa sya doon.
Lady Elle : What do you mean Manolo?
Don Manolo : Alam ko wrong timing Elle, pero may mas malaki tayong problema ngayon. I’m following a lead about the LUNAs sa palagay ko na-infiltrate na nila tayo.

Nakapasok ang naka-disguise na si Andrew (may shade at sumbrero) sa kulungan ni Noah, nagpanggap itong maglilinis. Umalis ang nangbabantay kay Noah kasi nadyidyingle daw ito.
Andrew : Maglilinis lang!
-Nagulat si Noah nang makilala ang boses ng pumasok
Andrew : Mabuti naman nahalata mo ang boses ko. Walang sound ang surveillance cam kaya safe tayo
Noah : Ang lakas naman ng loob mong pumunta rito, baka makilala ka nila.
Andrew : Maikli lang ito, nakatanggap ako ng text galing kay Lyka. Nagpaalam ba siya sa iyo?
Noah : Saan? Saan sya nagpunta?
Andrew : Ang sabi nya sa text nya, aalis daw muna sya may pupuntahan lang. Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot at tsinek ko kanina wala siya sa bahay at saka sa opisina nya.
Noah : Wala, wala siyang nasabi. Saan sya pupunta?
Andrew : Nakuha ko sa text nya seryoso ang dahilan kung bakit siya umalis kasi ibinilin ka nya sa akin.
Noah : Si Gabby.
Andrew : Si Gabby? Ano ang kinalaman ni Gabby dito?
Noah : Kinausap nya si Lyka, noong unang bumisita dito si Lyka. Haaah! Alam ko may sinabi sya kay Lyka. Baka binantaan ng kung ano e.
Andrew : Pare, hinay hinay lang baka naman hindi
Noah : Alam mo kung ang kayang gawin ng militar bok. Baka tinakot nya si Lyka, binantaan para lumayo. Ilang araw na akong hindi mapakali bok. Alam ko may mali nang bumisita si Lyka dito, mukhang problemado sya at mabigat ang karga. Bok, take at to her (?), hindi ko lang alam kung saan sya nagpunta.
Andrew : Noong nakaharap ko ang tyahin nya, may sinabi sya tungkol sa paghahanap ni Lyka sa nanay nya.
Noah : Matagal na nyang hinahanap ang anany nya. Pero bakit, bakit ngayon? Kailangan ko syang mahanap, kailangan ko syang sundan
Andrew : Bok sandali, alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak mo ngayon at hindi puede. Hindi kita matutulungan doon.
Noah : Kailangan kong protektahan si Lyka, Bok.
Andrew : At tutulungan kitang gawin iyon. Hahanapin ko sya, pangako iyan. Huwag mo lang palalain ang kaso mo by doing something stupid. Parang awa mo na Bok!
Guard : Hindi pa ba tapos yan?
Noah : Sige! Katatapos lang po.
-Nagpasalamat si Andrew sa nakabantay kay Noah bago umalis.

Nakarating na sa San Adolfo si Lyka. Pumunta si Lyka sa “kaharian” nila ni Jayjay noong mga bata pa sila – naalala niya noong nagpadala sila ng sulat para kina Emil at Nessa. Naalala rin ni Lyka noong pinagbilinan siya ng nanay niya na maging malakas at huwag basta iiyak. Inabutan na doon si Lyka ng dilim, pumunta siya sa simbahan.

Pinatawag ni Lady Elle si Trixie.
Trixie : Bakit nyo po ako pinatawag Lady Elle?
Lady Elle : I will give you a mission Trixie – hanapin mo si Lyka. I want you to take care of her safety. Ayaw kong may mangyari sa kanya at tandaan mo sya ang apo ko.
Trixie : Yes Lady Elle
Lady Elle : I want you to take care of this. Me and Manolo have some urgent matters to attend to. I’m counting on you Trixie.
Trixie : Makakaasa po kayo.
Lady Elle : Hindi ko maintindihan nahanap ko na si Lyka, pero pinipigilan kami ng tadhana na magkakilala.

Isinasara ni Father Ben ang pinto ng simbahan ng makita niya si Lyka, nagpakilala ang dalaga sa pari.
Lyka : Father Ben, ako ho si Lyka (ngumiti ang pari) – si Ulay ho. Yung anak ho ni Nessa (nag-iba ang reaksyon ni father Ben).

Sa loob ng simbahan.
Father Ben : Kumusta ka na Ulay? Este Lyka na pala. Ang tagal na panahon a. Upo ka. Kumusta na si Clara? Si Anton? (Binigyan ng maiinom si Lyka)
Lyka : Mabuti naman ho. Salamat po! Si kuya Anton po, scientist na po sya. Ako naman po, nagtatrabaho naman po ako sa isang Fashion House.
Father Ben : Mabuti. Parang kailan lang, batang uhugin ka na laging nagtatatakbo diyan sa kalye kasama si
Lyka : Jayjay
– Nalungkot ang pari ng mabanggit ang pangalan ni Jayjay.
Lyka : Father, buhay sya. Nagkit kami uli, isa na po syang sundalo.
– Napa sign of the cross ang pari sa tuwa nang marinig ang sinabi ni Lyka.
Father Ben : Tingnan mo nga naman ano. Pag tama na ang panahon, pinagtatagpo ang mga taong dapat magtagpo.
-Napansin ng pari ang pananahimik ni Lyka
Lyka : Pasensya na po kayo sa pang-iistorbo ko ha. Kaya lang po, hindi ko ho kasi alam kung saan ako pupunta, kung ano iyong uunahin ko, kundi dito kung saan ako iniwan ni inay. Alam ko ho na medyo matagal na panahon na ang nakakaraan, malamang gusto nyong itanong sa akin kung bakit ngayon lang ako bumalik dito. Pero hinanap ko ho si inay, hinanap ko siya kaya lang sa tagal ho ng panahon, napagod na ho ako eh at saka palipat lipat din ho kami ng tinitirhan kaya hindi ko na ho alam kung saan ho siya hahanapin. Father Ben, hindi ko ho itatanggi na malaki ho iyong tampo ko sa kanya, kasi hindi ko ho alam kung bakit nya ako iniwan na lang eh. Pero mahal na mahal ko pa rin po sya kaya’t ngayon kailangan ko ho sya, kailangan ko ho sya Father. (luhaan si Lyka)
Father Ben : Dalawang linggo na ang nakalipas nong nagpakita dito si Nessa. Lyka hinahanap ka nya. Sinabi ko kung saan ka nya makikita, na kasama mo ang iyong mama Clara. Ibinigay ko sa kanya yung huling address na ibinigay ni Clara.
Lyka : Hindi ho sya nakarating sa bahay eh, siguro ho dahil palipat lipat din kami.
Father Ben : Kahapon may natanggap akong tawag kay Nessa, Lyka takot na takot ang nanay mo, may humahabol daw sa kanya.
Lyka : Humahabol? Bakit nasaan ho ba sya ngayon?
Father Ben : Nasa San Marcelino, ikatlong bayan mula dito. Pinuntahan ko na sya doon pero hindi ko naman nakita.
Lyka : Baka ho nandoon ho sya, kailangan ko ho syang puntahan doon Father, baka sakaling maabutan ko ho sya.
-Tumayo si Lyka upang umalis pero pinigilan siya sa braso ng pari.
Father Ben : Lyka sandali, sandali maupo ka, maupo ka! Alam ko na gusto mong makita ang nanay mo pero wala nang byahe papuntang San Marcelino sa oras na ito. Mas mabuti pa, dito ka na lang magpalipas ng gabi. Bukas na bukas, aasikasuhin natin ang paghahanap sa nanay mo.
Lyka : Father, nag-aalala lang ako kanya eh, baka kung ano na ang nangyari sa kanya Father.
Father Ben : Alam ko, pero anak sa kabila ng mga pinagdaanan ni Nessa, matibay ang pananalig ko na lagi siyang pinapatnubayan ng Panginoong Diyos.
Lyka : Kilalang kilala nyo ho ba sya?
Father Ben : Ilang taon ko na syang kakilala, kung iyon ang ibig mong sabihin.
Lyka : Kayo ang lagi nyang tinatakbuhan, hinihingan ng tulong. Baka may alam kayo, Father Ben, may nangyayari ho sa akin ngayon, sa buhay ko na hindi ko kayang isipin na posible palang mangyari. Gusto ko lang hong malaman kung nangyayari ho ba ito sa kanya? alam nyo ho ba iyong sinasabi ko? (Naghahalo halo na ang pawis, sipon at luha ni Lyka)
– Hindi kumibo ang pari
Lyka : Father Ben, kung alam nyo ho ang sagot, sabihin nyo ho sa akin nagmamakaawa ho ako sa inyo. Dahil sa ngayon, iyon lang ho ang kailangan ko.
Father Ben : Hahanapin natin ang nanay mo Lyka. Kapag nagawa na natin iyon, makikita mo na ang hinahanap mo. Anak, sana maintindihan mo ako, hindi ako ang dapat magbigay ng sagot sa iyong mga tanong.

Sa kulungan, tinitingnan ni Noah ang surveillance camera. May binabalak si Noah, humiga ito at nagkumot. Tinitingnan ni Gabby sa Laptop nya ang kinaroroonan ni Noah, medyo kinabahan si Gabby nang hindi nya nakita kaagad si Noah, pero natiwasay din ang babaeng sundalo nang makita ang nakakumot sa higaan. Nang dalhan ng isang sundalo ng pagkain si Noah, ay natuklasan na nakatakas si Noah Ortega.

Teaser : Nakita ni Noah si Nessa.

Mga Marka: , , ,

5 Tugon to “LOBO Episode 38”

  1. annedito Says:

    exciting na talaga ang lobo. di ba dapat naamoy din ni anton ang pagka-lobo ni lyka? kahit na hindi pa siya nagpalit ng balat dapat na-sense na niya ang dugo niya.

  2. ptvj Says:

    excited na ako sa pagkikita nina noah at nessa.🙂

  3. NoCar Says:

    tama ptvj, siguro nga mas mauunang magkita ulit sila noah and nessa kasi diba pinangako ni noah kay lyka na hahanapin nya ang nanay ni lyka. (para syempre bida sya kay lyka)

  4. annedito Says:

    lol nocar. parang genie si noah. lahat ng wish ni lyka binibigay niya. sana meron akong piolo…este noah pala.

  5. GEisha Says:

    kalurka! i love it! more more more😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: