MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

by

Selos na selos si Jackie dahil akala nya ay may ka-date si Eli. Hindi na nakapag-concentrate si Jackie sa kanyang client at nag-excuse na pupunta nang restroom. Nakita sya ni Eli na tumayo.

Si Onay naman ay hindi makatulog dahil naaalala nya ang mga moments with JB. Kahit pinipilit nyang matulog ay talagang hindi sya makatulog.

Si JB naman ay bumaba nang living room at binuksan ang radio. Nagulat sya nang marinig nya na ang pinapatugtog ay yung kinanta ni Onay na “I’ve Fallen for You.”

Sinundan ni Eli si Jackie at pilit na hinalikan sa lips. Nang una ay lumaban pa si Jackie pero bandang huli ay nangibabaw na din ang totoong naramdaman kay Eli. Napunta sila sa loob nang kitchen, at natulala ang mga staff dahil doon sila naghahalikan.

Naputol lang ang kanilang halikan nang mabitawan nang isang kitchen staff ang hawak dahil sa pagkakatulala. Nahimasmasan si Jackie at itinulak palayo si Eli, sabay alis.

Sa office, narinig ni JB na nag-uusap si Onay at mga kasamahan nya sa trabaho kung saan sila magla-lunch. Biglang sumabat si JB na iti-treat nalang daw nya sila, kasama si Onay. Pero tumanggi si Onay at sinabing nakakahiya at busog pa naman daw sya, sabay iwas kay JB. Medyo nagtaka naman si JB.

Sa parking lot nang office nila Jackie ay inabangan ni Eli si Jackie para kausapin sya tungkol sa nangyari kagabi. Galit na sinabi ni Jackie kay Eli na it was just a mistake, sabay walk out.

Nakita ni JB na paalis na si Onay, kaya niyaya na nya itong ihatid. Gumawa na naman nang dahilan si Onay para hindi sya maihatid ni JB. Hinabol ni JB si Onay para tanungin kung iniiwasan sya nito. Pilit na tinatanggi ni Onay, pero hindi naniniwala si JB sa kanya.

Sinabi lang ni Onay na talagang may pupuntahan sya at nahihiya naman sya kay JB dahil parati na syang nagpapahatid dito at parang nagiging driver na daw sya. Nang dumating na ang iniintay na taxi ni Onay ay nagpaalam na sya kay JB. Pero nagulat si Onay nang sumakay sa loob nang taxi si JB at kinukulit parin sya para sabihin kung ano ang problema. Medyo nainip na ang taxi driver kaya nagreklamo na ito. Doon lang nakakuha nang chance si Onay para pababain si JB nang taxi.

Sa bahay naman nila Jackie ay isinubsob nalang nya ang sarili sa pagtratrabaho, nakita sya ni Fidel. Naawa si Fidel sa anak pero wala syang magawa.

Habang may kausap si Joko sa cellphone, si Onay naman ay nasa living room at tumatawag si JB sa cellphone nya. Hindi nya sinagot, kaya tiningnan ni Joko kung sino ang tumatawag dahil nai-interrupt sya sa kanyang kausap. Nang makita nyang si JB ang tumatawag kay Onay, pinagsabihan nya ang kanyang pinsan.

Kinabukasan naman ay nagulat si Jackie nang makita nya ang daddy nya ang nagprepare nang breakfast sa kanila. Naluha at niyakap ni Jackie si Fidel.

Habang may kausap na lalaking client si Onay (nandoon din si JB), ay biglang nag-flirt ang guy kay Onay. Hindi nagugustuhan ni JB, kaya inexcuse nya muna si Onay para kausapin. Sinabihan nya si Onay na hindi kailangang mag-flirt ni Onay para maka-close nang deal sa client. Sinabi naman ni Onay na hindi sya nagfli-flirt, PR lang daw ang tawag doon, konting charm para sa client.
Sinabi naman ni JB na he doesn’t trust the guy. Pagbalik nila sa client, ay nagyaya ang guy na mag-dinner sila ni Onay at doon nalang nila pag-usapan ulit. Medyo nagalit na si JB at sinabihan nya ang client na ang deal ay kailangang i-discuss mismo sa office at sa harapan nya, in a professional manner. Hindi naman hinayaan ni Onay na magkaroon pa nang tension sa pagitan nang client nila at ni JB.

Nang ihatid na ni Onay ang client palabas nang kanilang office. Nanghihinayang parin yung guy na hindi sya naka-first move kay Onay. Nang makita nya na halos wala nang tao sa office nila Onay, tanging si JB nalang ang nandoon, ay sinundan nya ulit si Onay sa conference room. Nagulat si Onay dahil akala nya ay ok na yung deal. Patuloy na nag-flirt yung guy kay Onay, at nauwi ito sa gusto nyang gahasain si Onay.
Buti nalang at dumating si JB at pinagtanggol si Onay. Pag-alis nang guy ay nagpasalamat si Onay kay JB. Nagalit si JB kay Onay dahil alam daw naman ni Onay na may gusto yung client sa kanya at binigyan pa nya ito nang motibo para gawin ito sa kanya. Nilait-lait pa ni JB ang pagkababae ni Onay, kaya hindi na napigilan ni Onay na sampalin nya si JB. Sinabi ni Onay na kung alam lang daw nya na masama ang ugali ni JB, hindi na sana sya nangako kay Celine na aalagaan nya si JB kahit wala na ito.

Nag-walk out si Onay at galit na galit naman si JB. Paglabas ni Onay ay nakita sya ni Corazon na umiiyak, inamo sya ni Corazon at pinapasok sa office. Tinatanong ni Corazon kung ano ang nangyari sa kanya, tinatawag nya si Onay sa kanyang totoong pangalang Mona Lisa. Sinabi ni Onay na Onay lang daw ang itawag sa kanya at huwag na daw syang baguhin ni Corazon para maging karapat-dapat sa kung ano man ang gusto nitong mangyari.

Kinabukasan ay nakatanggap sila nang resignation letter from Onay. Sinabihan ni Corazon si JB na kausapin si Onay at pabalikin nang kumpanya. Sinabi ni JB na hindi nya ito gagawin dahil Onay’s a nobody para habulin nya. Nagalit naman si Corazon kay JB dahil ito pa ba daw ang igaganti nya kay Onay sa lahat nang ginawa nito para sa kanila ni Celine? Sinabi ni JB na hindi nya kailangan si Onay to move on, kaya daw nyang gawin iyon mag-isa.

Na-annul na ang kasal nila Jackie at Eli. Kapwa naiyak, pero wala silang magagawa dahil iyon naman ang gusto nila.

Teasers:

– malungkot si Onay at walang ganang kumain.

– gustong mag-text ni JB to say sorry to Onay.

– pumunta si Jackie sa bahay ni Eli para iwan ang jade pendant.

– hinabol ni Eli ang sasakyan ni Jackie, hindi na nya naabutan ito.

Mga Marka: , , ,

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67”

  1. ptvj Says:

    salamat again, miss ara! hindi ko pa nababasa, bukas na lang ako mag-rereact😉

  2. jenny26 Says:

    ung teaser ng finale nila maganda.mukhang bumabawi sila sa pagkamatay ni celine.mamatay din ba si lena?

  3. NoCar Says:

    haha! nag halikan sila. parang ang sarap noon ha! kung wala lang tao siguro baka hindi lang halikan ang nangyari. ( pero para silang mga gago at gaga maghihiwalay na naghahalikan pa ) 😉

  4. nawawala Says:

    okay na sana yung halikan kaso parang labi lang ni john lloyd yung gumagalaw.. parang saradong-sarado yung bibig ni bea…. hehehe..

    mas gusto ko mga kissing scenes nila JB and celine.. feel na feel talaga.. bweheheh…

  5. Evelyn Says:

    Eli and Jackie’s love story is very sad. It is very conflicted because of sabit sa events ng familya. Jackie is so torn emotionally. She needs to sort things out.
    In real life, good communication is one of the keys to a good relationship.
    Eli, nor Lena did not get the chance to clear up the incident. Jackie did not pause to find the truth.
    It is a good story. I hope Eli and Jackie will find their way back to each other’s arms again. There’s a lot of food for thought.
    Thank you

  6. NoCar Says:

    Evelyn I feel your points. I am with you. some viewers may think OA lang si Jackie and Eli. But in real life nangyayari rin ang nayari sa kanila.
    they truly love each other kaya lang “fried” ang umiiral kay jackie dahil nasaktan sya. while Eli kahit lalaki sya nag papakababa sya just to win back Jackie. As we all know “a man” should have pa-macho-ego na hindi mauunang mag ka kumbaba sa babae. But because of his love with Jackie. Kahit mamundok pa siya okay lang mahanap lang nya si jackie. And kahit na may malaki ang kasalanan ng mga ama nila ka pamilya nila MAHAL PA RIN NILA ANG ISAT ISA “MAGING SINO KA MAN”!

    hAAAY…. tama naman pala ang kwento sa tittle. he..he..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: