LOBO Episode 37

by

Hindi mapakali si Lyka sa trabaho kaya nagpasya itong umuwi na lang ng bahay, paalis na siya ng makita siya ni Trixie – nagtaka si Trixie sa mga ikinikilos ng kaibigan. Tumawag ang nag-aalalang si Trixie kay Lady Elle.

Pumunta si Andrew sa bahay nina Lyka, pero ang masungit na tiyahin ni Lyka ang nadatnan niya.

May nakitang book si Lyka “WOLVES in History”, binasa niya ito at nagsearch siya sa internet – takot na takot si Lyka sa kanyang mga nabasa. Inisip ni Lyka na ang pagiging “halimaw” niya ang dahilan kung kaya siya iniwan ng ina. Nagpasya si Lyka na hanapin ang ina niyang si Nessa – ang tanging makakasagot sa lahat ng tanong niya tungkol sa pagpapalit niya ng katauhan.

Nag-usap sa telepono sina Noah at Andrew, sinabi ni Andrew sa kaibigan na hindi niya matagpuan si Lyka. Dumating si Lyka, madamdaming nagyakap ng mahigpit ang magkasintahan – nakapasok si Lyka kasi sinabi daw niyang girlfriend siya ni Noah at buntis siya (mga kamag-anak lang ang puedeng dumalaw). Nag-alala si Noah na may problema si Lyka kasi nasa itsura nito at iyak ng iyak ang dalaga.

Lumabas sa DNA test ni Lyka na isinagawa ni Selina Argos na apo nga ng kakambal ni Lady Elle si Lyka Raymundo.

Sinabi ni Lyka na nagiguilty lang siya sa nangyari kay Noah , dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nasa kulungan ang nobyo. Hindi masabi ni Lyka ang sekreto niya sa kasintahan, hindi nya alam kung paano at saan uumpisahan.

May pinapapag-aralan na virus si Dr. Vivian Lee kay Dr. Anton Rivero. Sinabi ni Dr. Lee na hindi ANO kundi SINO ang virus na tinutukoy niya – nagtaka si Anton.

Dumating rin sa prison camp sina Gabby, Gen. Leon at Zoey para dalawin si Noah. Nagulat si Gen. Leon nang makita si Noah. Pinakilala ni Noah si Lyka sa ama. Hindi maganda ang naging pakikitungo ni Gen. Leon kay Lyka. Umalis si Lyka pero sinundan siya ni Gabby. Sinabi ni Lyka kay Gabby na kung tungkol lang daw ba talaga sa pagkakaibigan nila ni Noah ang ginagawa nito o dinidiktaahan siya ng totoo niyang nararamdaman para kay Noah. Nag-deny si Gabby ng feeling niya para kay Noah. Sinabi ng babaeng sundalo na kung maipapangako ni Lyka na hindi masasaktan si Noah, ay hindi na niya guguluhin ang magkasintahan pero hindi sumagot si Lyka bagkus tumulo ang luha ng nito. Nagtalo sina Gen. Leon at Noah pero namagitan sa pagtatalo ng mag-ama si Zoey. Nang puntahan ni Gabby si Noah ay paalis na ang mag-amang Leon at Zoey. Pinagbantaan ni Noah ang kaibigang si Gabby, at huwag idadamay si Lyka. Pero hindi natinag si Gabby sa banta ni Noah kasi wala raw magagawa si Noah kasi nakakulong ito. Sinabi ni Noah na naaawa siya kay Gabby dahil hindi ito marunong magmahal – lumuha si Gabby sa sinabi ni Noah.

Teaser : Pumunta sa San Adolfo si Lyka at nakausap nito ang kura-paroko na si Father Ben.

Mga Marka: , , , ,

2 Tugon to “LOBO Episode 37”

  1. ptvj Says:

    naku sana sabihin ni father na buhay ang nanay ni lyka.

    do you think kung magkikita sina anton at nessa, marerecognize pa niya ito?

  2. NoCar Says:

    nakatulog ako nang si gabby nagsasalita kay lyka. grabe ang tindi nya. bored na bored ako sa kanya. parang non sense ang mga dialog nya, parang paulit-ulit kaya nakakaantok. zzzzz….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: