MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66

by

Nagkatotoo nga ang panaginip ni onay na nahulog si jb nang mag-mountain climbing. Habang inaalalayan ni Corazon si JB papunta sa kanyang kwarto ay pinapagalitan nya ang anak dahil tumatanda daw itong paurong. Imbes na maging apologetic si JB ay sinasagot nya pa nang pabalang ang ina. Nagalit si Corazon kay JB at inabutan nya nang gunting si JB at sinabing “Why don’t you do everybody a favor! Saksakin mo nalang ang sarili mo para masundan mo si Celine!”

Kinamusta naman ni Eli si JB kay Onay. Sinabi ni Onay na kailangan lang daw nang pahinga ni JB at gagaling din ang nabaling buto. Si Eli naman ay sinabing mabuti at hindi nadale ang spinal column ni JB, kundi ay mas malaking problema daw ito. Bumisita si Jackie at nagkita sila ni Eli, pagkatapos tanungin ni Jackie si Onay kung nasaan si JB ay sabay deadma din kay Eli. Hindi nagpansinan ang dalawa, nalungkot naman si Onay.

Kinamusta ni Jackie si JB, pero nagmamatigas si JB na he’s alright and he doesn’t need anything ‘coz his mother is taking care of everything for him. Kahit naaawa si Jackie ay wala naman itong magawa para kay JB.

Nang makita ni Onay na pababa nang hagdan si JB ay gusto nya itong tulungan, pero sinabihan sya ni JB na he can take care of himself and told Onay to leave. Biglang nadulas si JB at nahulog sa hagdan, lalong nag-alala si Onay pero nagmatigas parin si JB at pinaaalis si Onay. Hindi umalis si Onay nang hindi inihahanda ang mga gamot ni JB.

Nagkita-kita sila Eli at Jackie kasama ang kanilang mga abugado para sa division of their properties. Gusto sanang ibigay ni Eli kay Jackie ang lahat pero mataas ang pride na sinabi ni Jackie na wala syang kukunin kay Eli, she just needs her freedom lang daw (sabay walk-out.)

Pag gising ni JB ay masakit ang katawan nito at gustong bumangon. Tinatawag nya si Corazon pero si Onay ang pumunta sa kanyang kwarto. Hindi nagustuhan ni JB na nandoon si Onay at tinanong kung nasaan kanyang ina. Sinabi ni Onay na nasa office na daw si Corazon at sinabihan syang sya daw ang magbantay kay JB. Tinanong ni Onay kung ano ang gusto ni JB, pero nagmatigas si JB at hindi nalang nagpatulong kay Onay. Sinabihan ni Onay si JB na nandoon sya hindi dahil inutos ni Corazon, nandoon daw sya dahil nangako sya sa isang kaibigan na hindi daw nya pababayaan si JB, at hindi daw sya bumabali sa kanyang pangako.

Nagpunta si Jackie sa isang psychologist. Lumabas sa tests na Jackie “is filled with deep anger and hopelessness, stemming from the trauma of her mother’s violent death and the subsequent loss of her unborn child, majorly caused by the discovery of her husband’s elicit affair with her very own sister.”

Si Onay ay patuloy parin sa pag-aalaga kay JB kahit na parang halos wala nang gana si JB na gumaling pa.

Si Eli ay gusto nang matapos agad ang annulment dahil nahihirapan na din sya. Pero kahit ganon man ay patuloy parin ang kanyang pagmamahal at concern kay Jackie, kahit palihim lang, kahit hindi nalalaman ni Jackie (inaabangan ni Eli si Jackie sa labas nang kanilang building, sinisiguro na safe si Jackie na makakauwi dahil late na.)

Si Onay at Corazon ay inaalagaan mabuti si JB. Napag-isip ni JB at sinabi sa sarili na sana ay mapatawad sya ni Onay for being a jerk.

Gumaling na si JB at nakapasok na sa opisina. Pauwi na si Onay nang biglang tawagin sya ni JB at sinabing sya nalang daw ang maghahatid dito. Tinanggihan ni Onay pero sabi ni JB na magagalit daw ang kanyang mommy pag hindi sya ang naghatid dito, sinabi naman ni Onay na huwag mag-alala si JB dahil hindi sya magsusumbong. Nahihiya man ay tinanong ni JB si Onay kung pwede daw ulit sila maging friends. Nagulat man si Onay ay tinanggap nya ang “friendship.” Natuwa naman si JB at tinanong nya si Onay kung pwede na daw nya itong ihatid, just to thank her for everything. Pumayag na din si Onay sa gusto ni JB, basta daw ba huwag ipapa-reimburse sa kanya ang gas.

Nag-hearing para sa annulment nila Jackie at Eli. Kinukuwento ni Jackie kung paano nya nahuli si Eli na kahalikan si Lena, at dahil doon ay nakunan sya. Iyak nang iyak si Jackie, habang si Eli naman ay sising-sisi (si Onay ay kasama ni Eli.) Paano pa daw mapapatawad ni Jackie si Eli kung sya ang may kasalanan sa pagkamatay nang anak nila? Hindi napagpatuloy ang hearing dahil naging very emotional si Jackie.

Nagpunta si Eli sa bahay ni JB at nakapag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang buhay-buhay. Napag-isip ni Eli na siguro pag naghiwalay na sila ni Jackie ay titigil na ito sa pag-iyak at magiging masaya na ito. Si JB naman ay lumawak na din ang pang-unawa tungkol sa buhay, nag-iba na ang kanyang pananaw.

Sa opisina ay nakapag-close nang malaking deal ang kumpanya nila, lahat sila ay masaya, lalong lalo na si Onay. Masaya din si JB para sa kanila, at kay Onay.

Nagpunta si Jackie sa sementeryo para dalawin ang ina. Meron syang nakitang flowers sa puntod ni Monique at sana daw ay makilala nito ang mysterious visitor nang ina.

Si Lena naman ay patuloy parin sa pagsilbi sa simbahan. Sinabihan sya nang isang madre na yung kaunting perang naiipon nya ay huwag ibili parati nang bulaklak. Sinabi nya na buy one take one daw iyon, sayang naman daw. Tinanong nang madre kung kanino nito ino-offer ang bulaklak, hindi nakasagot si Lena.

May party para lahat nang empleyado, punong abala si Onay, Lolo at Joko. Pinakanta si Onay at nagpaunlak naman ito. Nakinig si JB, kumanta si Onay nang “I’ve Fallen fo You” parang dedicated kay JB (hihihi.) Nagulat si JB dahil maganda pala ang boses ni Onay. Kinikilig ang lahat sa kanta ni Onay. Si Joko naman ay enjoy na enjoy, panay ang side comment at patawa. Nang biglang umulan at nagtakbuhan ang lahat para sumilong. Ang unang ginawa ni JB ay kinuha ang mic kay Onay dahil baka ma-ground/makuryente ito. Nag-alala si Onay dahil nababasa si JB. Hinubad ni JB ang kanyang jacket para isaklob sa ulo ni Onay, sabay silang pumasok nang bahay para sumilong.

Eli is doing a fine job in their company. Natuwa naman si Corazon dahil sa performance ni Eli, hindi daw sya nagkamali sa pag-assign sa kanya.

Kasama ni Corazon si Onay sa pagbisita kay Mateo sa kulungan. Natutuwa si Onay at the same time ay kinikilig daw sya habang nakikita silang dalawa. Nauwi ang kanilang kwentuhan kay JB. Sinabi ni Corazon na sana daw ay mabuksan nang muli ang puso ni JB, with Onay’s help. Sinabi ni Onay na kung magbubukas man daw ang puso ni JB ay hindi daw ito sa kanya, magkaibigan lang daw silang dalawa. Pero si Corazon ay gusto si Onay para sa kanyang anak.

Sa opisina ay nilibre ni JB nang kape si Onay. Natuwa naman si Onay dahil ok na si JB, maski nung nabanggit nya ang pangalan ni Celine ay hindi na nagalit si JB. Pag-inom ni Onay nang kape ay merong froth na naiwan sa kanyang upper lip, natawa si JB sa nakita. Pilit nyang sinasabi kay Onay, pero hindi sila magkaintindihan. So ang ginawa nalang ni JB ay pinunasan nya ang froth sa labi ni Onay, medyo nahiya naman si Onay at parang gustong kiligin at the same time ay kinabog ang dibdib dahil sa nerbyos. Napansin ni JB na something went wrong with Onay nang bigla itong nagpaalam. Gustong ihatid ni JB si Onay pero tumanggi ito.

Pagdating sa bahay ay nabubulabog parin ang isipan ni Onay sa sinabi ni Corazon na she’s hoping that one day ay mabuksan ulit ni JB ang kanyang puso. Kinausap ni Onay si Celine at sinabi nyang sana daw ay nandoon si Celine para kay JB, hindi sya.

Nagkita sila Eli at Jackie sa isang restaurant while they’re both with a client. Akala ni Jackie ay may ka-date si Eli, nagseselos si Jackie.

Teasers:

– Selos na selos si Jackie dahil akala nya ay may ka-date si Eli.

– Naghalikan sila Jackie at Eli.

– Gustong kausapin ni Eli si Jackie dahil sa nangyari sa kanila.

– Iniiwasan ni Onay si JB, pero hinahabol at sinundan pa ni JB si Onay sa loob nang taxi. Nagtataka si JB kung bakit sya iniiwasan ni Onay.

– Null and void na ang kasal nila Jackie at Eli.

Mga Marka: , , ,

16 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66”

  1. ptvj Says:

    maraming salamat miss ara for filling in! mwahhh!

  2. nawawala Says:

    pwede bang magkatuluyan sila onay at JB eh diba mag-step siblings na sila???

    ang cute ni JB! ngumingiti na ulet! =)

  3. annedito Says:

    pweh…galit pa rin ako dahil wala na si celine for jb. parang napaka-force naman ng onay-jb loveteam…pwe.

  4. jannes Says:

    the story is getting worst more than i could imagine!anyone here who knows how to file a petition for sam and anne?

  5. jannes Says:

    i’m not infavor of jb and onay together sa ending..

  6. EDGE Says:

    no excitement at all. i am watching for the sake of being a solid kapamilya.
    I will be much grateful if Anne will be playing Betty La Fia….si Sam sana ang partner….i really wish for it.

  7. EDGE Says:

    take note nga pala guys….sa huling 2 weeks, it is “a must see finale”
    raw……SOBRANG OOOAAAAA na nga.

  8. jannes Says:

    sana nga c anne na lang ang betty la fea and sam ofcourse as her leading man..is there anything we can do?

  9. jenny26 Says:

    plastik ako pag sinabi ko na d ko pinapanood.kaso d ko na maxadong natututukan,more of pinapakingan ko na lang.haha

  10. confettimaria Says:

    wahh gusto ko si sam saka celine… agree ako dun sa petition suggestion.
    elicit ba o illicit?

  11. toni Says:

    i like watching sam and toni together!!!

    hope onay and jb end up together kahit sa series lang besides sam and anne are into a sweet relationship…

    so please stop saying bad things about the characters….besides WE are KAPAMILYA’s right?! and we are proud to be one!!!

  12. annedito Says:

    ganon din ako, jenny26, i’m folding clothes, playing games, nag-blog dito…hahaha…nanonood ako at puro reklamo while watching it.

  13. NoCar Says:

    huwag na kasi “lovers” for jb and onay. “Friends lang” kahit best friends lang okay na ako. si onay kasi masyadong pakipot, iniiwasan pa kunwari si JB. Eh wala naman malisya kay JB yung pagiging close niya kay onay. ayan tuloy na asar na si JB.

  14. annedito Says:

    kasi nga in-love si onay kay jb kaya meron malisya sa kanya. di ba kahit noon pa she kept saying na he’s the one. kaya lang talagang ayaw sa kanya ni jb kahit noon pa. he even told lolo bogs na pagsabihan ang katulong niya to watch where she’s going.

  15. NoCar Says:

    correct ka jan annedito.

    paresign-resign pa siya sa work para habulin ni JB. talaga naman style “Bulok”. tapos asar kunwari si JB pero I think hahabulin din niya. Gaya gaya naman sila sa nangyari kanila celine & JB noon.

    kaka… talaga!!!!

  16. Evelyn Says:

    Paano kaya nila itatali ang mga loose ends nitong MSKM2?????

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: